These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Sunday, October 10, 2010

Lagrimas (Episode 9: Betrayal)



Scenario (Sa isang Bar)


(Chinagirl lumuluha habang umiinom ng alak)


Waiter : Ma'am marami na po kayong naiinom.

Chinagirl : (galit) Eh ano ngayon kung marami na akong nainom. Wala kang pakialam kung marami akong nainom. Gusto ko lang makalimutan lahat ng problema ko. Naiintindihan mo ba?


(Pogiboy nasa likod ni Chinagirl)


Pogiboy : Lasing ka na.


(Chinagirl napalingon kay Pogiboy)


Chinagirl : Anong pakialam mo kung lasing na ako?

Pogiboy : (inawat ang kamay ni Chinagirl sa pag inom) Tama na sabi yan. Halika na ihahatid na kita sa inyo.

Chinagirl : (galit) Bakit sino ka ba? Ano ba kita? Akala ko ba you just needed me to get to my father. Bakit mo nagawa sa akin yun? Anong kasalan ko sa iyo bakit mo ginagawa sa akin ito? (umiiyak) Pina ibig mo ako, yun pala kasali ako sa mga plano mong pabagsakin ang papa ko. (pasigaw) Bakit mo nagawa sa akin ito! (umiiyak)

Pogiboy : Halika ka na. Ihahatid na kita.

Chinagirl : Ayoko sumama sa iyo manloloko ka!


(Chinagirl tumayo laglakad ng pasuray suray sinundan ni Pogiboy)


(Pogiboy tinutulungan si Chinagirl ngunit ayaw magpatulong ni Chinagirl)


Chinagirl : Bitiwan mo ako! Hindi kita kailangan!

Pogiboy : (Biglang isinampa sa balikat si Chinagirl) Halika na sabi.



(Chinagirl nagpupumiglas kay Pogiboy)




GAP 1




Scenario (Tapat ng bahay ni Chinagirl)


(sa loob ng kotse)


Chinagirl : (umiiyak) Bakit mo nagawa sa akin ito Mark? Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Mahal na mahal kita. Please Mark wag mo ako iwan. I need you in my life.

Pogiboy : (nasa isip) I'm so sorry.



(Pogiboy binuhat si Chinagirl papasok sa bahay ni Chinagirl)



Yaya : Maraming salamat Mark. Lagi syang lasing mula ng makulong ang ama niya.

Pogiboy : Alagaan nyo po sana siya. Tutuloy na po ako.

Chinagirl : (umiiyak) Mark, wag mo ako iwan! Mahal na mahal kita! Mark! Mark! Mark!

Yaya : Heart, pabayaan mo muna si Mark.

Chinagirl : (umiiyak) Yaya pigilan mo si Mark. Wag mo syang paalisin. Yaya, mahal na mahal ko si Mark. (umiiyak)

Yaya : Heart. (umiyak at niyakap si Chinagirl)


(Pogiboy sa loob ng kotse umiiyak)


Pogiboy : (nasa isip) Mahal na mahal kita Heart. Pero hindi pwede dahil iisa ang ama natin.




GAP 2




Scenario (isang Bar)


(Pogiboy nagpapakalasing sa alak naalala ang sinabi ni Mang Jose)



Flashback


Mang Jose : Si Ramon ang tunay mong ama. Ikaw ang anak ni Ramon kay Marcela. Nang gabing napatay ni Ramon si Adolfo, Ipinagtapat ng inyong ina kay Adolfo na si Ramon ang tunay mong ama. Hindi matanggap ni Adolfo ang natuklasan kaya sinugod niya si Ramon upang patayin. Ngunit siya ang napatay ni Ramon.

Pogiboy : (pasigaw) Ano ba ang sinasabi mo! Hindi totoo yan! Umalis ka na baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo!

Mang Jose : Hindi alam ni Ramon na may anak siya kay Marcela.

Pogiboy : (galit na sumigaw) Umalis na kayo!

Mang Jose : Hindi alam ni Ramon na anak ka niya.

Pogiboy : (Pasigaw) Umalis na kayo!



Flash Forward



(Pogiboy napaluha sa naalalang sinabi ni Mang Jose)



Scenario (Puntod ng ama ni Pogiboy)



Pogiboy : Papa, sa puso ko ikaw pa rin ang ama ko.




Scenario (Selda ni Ramon)


Jail Guard: Ramon Evangelista may dalaw ka!


(Ramon nagulat sa pagdalaw ni Pogiboy)


Ramon : Hindi ko sinasadya ang pagpatay kay Adolfo.

Pogiboy : May sinabi si Mang Jose sa akin.

Ramon : Hindi ko alam nagkaanak kami ni Marcela. Minahal ko si Marcela ng higit sa aking buhay. Siya lang ang babaing minahal ko mula noon hanggang ngayon.

Pogiboy : Higit pa sa pagmamahal ng ina ng inyong anak?

Ramon : Si Heart. Hindi ko sya tunay na anak. Anak sya ni Jose. Inampon ko sya dahil ipina ampon sya ni Jose sa akin.

Pogiboy : Ampon nyo lang si Heart?

Ramon : Nagkasakit ang ina ni Heart at namatay. Gusto ni Jose mabigyan ng magandang kinabukasan si Heart kaya ipina ampon nya sa akin. Ngunit ayaw ni Jose ipaalam kay Heart na sya ang tunay nyang ama.



GAP 3



Scenario (Bahay ni Chinagirl)


Yaya : (humahangos) Heart! Heart!

Chinagirl : Bakit yaya anong nangyari?

Yaya : Si Mang Jose daw nasa ospital. Nagkaroon ng aksidente sa Plantation.

Chinagirl : Ano? Sige yaya pupuntahan ko siya.



Scenario (Ospital)


(Chinagirl pumasok sa kwarto ng ospital ni Mang Jose)


Chinagirl : Mang Jose.

Mang Jose : (pilit magsalita) Heart, may dapat kang malaman. (inubo)

Chinagirl : Mang Jose wag na po kayo magsalita.

Mang Jose : (mahinang boses) Heart, patawarin mo ako. Inilihim ko sa iyo ang tunay mong pagkatao.

Chinagirl : Anong ibig nyong sabihin?

Mang Jose : Heart, ako ang tunay mong ama.

Chinagirl : Hindi kita mainitindihan.

Mang Jose : Ipina ampon kita kay Ramon dahil alam kong mabibigyan ka niya ng mabuting buhay na hindi ko kayang ibigay sa iyo. Patawarin mo ako hindi ko sinabi sa iyo ang katotohanan.

Chinagirl : Hindi! Hindi totoo yan! (umiiyak)


(Pogiboy pumasok sa kwarto)


Chinagirl : Bakit nandito ka?

Mang Jose : Pinatawag ko siya. Lumapit ka Mark. Gusto ko humingi sa iyo ang tawad. Ako ang nag utos na kunin ka sa iyong ina upang itago kay Ramon ang iyong pagkatao. Ngunit napatay ng mga inutusan ko ang iyong ina. Ninais kong ilihim kay Ramon ang buong katotohanan upang walang magiging kahati si Heart sa kayamanan ni Ramon. Pero nagkamali ako. Patawarin mo ako Mark sa lahat ng nagawa ko sa iyo.


(Lumabas ng Kwarto si Pogiboy tumatakbo papalayo nagpupuyos sa galit sa narinig)


Chinagirl : Mark! Mark!

Mang Jose : (naghihina) Patawarin mo ako Heart.

Chinagirl : Papa, Papa (umiiyak)

Mang Jose : (ngumiti) tinawag mo akong papa.



(Binawian ng buhay si Mang Jose)


Chinagirl : Papa! Papa! (umiiyak)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...