These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Sunday, October 10, 2010

Lagrimas (Episode 3: Sadness)




Scenario (isang bar)


Pogiboy : Beer please.

Chinagirl : Waiter! isang boteng alak pa nga.

Waiter : Ito po ma'am.

Pogiboy : (napatingin kay Chinagirl) Waiter, lasing na yata yung babae, bakit binigyan mo pa ng isang boteng alak?

Waiter : Lagi na po yan dito umiinom. Gabi gabi po nandidito po yan.

Pogiboy : May kasama ba siya?

Waiter : Wala po sir. Mag isa lang po yan umiinom dito gabi gabi.

Pogiboy : Kung lasing na siya, paano siya makaka uwi?

Waiter : Tinatawagan po niya ang driver niya para sunduin. Hindi niyo po ba siya nakikilala? Heart po ang pangalan niya. Isa po siyang anak ng mayamang intsek. Nag mamay-ari po ng mga malalaking negosyo ang pamilya niya. Bad trip po yan lagi dahil parating nasa headline lagi po nasasangkot sa gulo.

Chinagirl : (close up naluluha sa saya) Cheers! hahaha! waiter! pahingi nga ng ice. Waiter! sabi ng pahingi ng ice! Ano ba!

Pogiboy : Miss, miss lasing ka na.

Chinagirl : Ako ba ang kinakausap mo? Sino ka ba? Anong pakialam mo kung lasing na ako. Waiter! nasaan na ang ice ko!


Waiter : Eto na po ma'am.

Pogiboy : Miss, siguro tigilan mo na yan. Lasing na lasing ka na eh.

Chinagirl : Huwag mo nga ako pakialaman. Nagsicelebrate ako! Sino ka ba? Hindi mo ba ako nakikilala? Ha?

Pogiboy : Miss, wag ka magtaas ng boses. Pinagtitinginan ka ng mga tao.

Chinagirl : Anong pakialam ko sa mga taong yan! Hoy! kayo ano ang tinitingin tingin nyo sa akin? Di pa ba kayo sawa sa mga pictures ko? At ikaw, sino ka ba at bakit ka nangingialam?



(nawalan ng malay si Chinagirl)


Pogiboy : Miss, miss, miss! Waiter tawagan mo ang driver niya.

Waiter : Eh sir di ko po alam ang number ng driver niya. Siya lang po talaga ang tumatawag kapag aalis na dito.

Pogiboy : Ha? paano yan? tulog na yata ito. Miss, miss, miss, gumising ka!

Waiter : Tulog na nga yata sir.

Pogiboy : Kasi naman umiinon hindi naman pala kaya.



(Magsasara na ang Bar)


Waiter : Sir, magsasara na po kami.

Pogiboy : Ha? paano ito.

Waiter : Eh sir, isama niyo na lang po sa inyo.

Pogiboy : Ano?

Waiter : Eh magsasara na po talaga kami sir eh.

Pogiboy : Paano ba ito. Sandali pakihawakan baka may ID pwede natin matawagan ang pamilya.
Wala rin! Hindi mo ba talaga alam kung saan nakatira ang babaing ito?

Waiter : Hindi talaga sir. Naka charged po kasi ang babayaran niya sa account niya dito sa Hotel.

Pogiboy : Wala ba kayong record? o tel no.?

Waiter : Hindi ko rin po alam dahil ang accounting lang ang may alam. Pero sarado na po ang accounting office namin.

Pogiboy : O sige ako na ang bahala sa kanya.

Waiter : sige po sir.



(Binuhat palabas ng Bar ni Pogiboy si Chinagirl)



Scenario (bahay ni Pogiboy)


Kaibigan : Pare naman, isang araw pa lang tayo dito, nagdala ka na kaagad ng babae. Malas daw yan.

Pogiboy : Sira! dinala ko lang yan dito dahil nakatulog sa sobrang kalasingan. Hindi alam ng waiter ng Bar kung paano tatawagan ang pamilya nito. Kaya dinala ko na lang dito baka may mga masasamang tao pa ang magka interes sa kanya.

Chinagirl : ahkkk! (nasuka)

Pogiboy : Kumuha ka ng mainit na tubig at ng mapunasan siya.

Kaibigan : In fairness ang ganda niya. Mukhang familiar ang babaeng ito. Parang nakita ko na.

Eto na ang mainit na tubig at pang punas.

Pogiboy : Ako na bahala dito. Matulog ka na.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...