These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Wednesday, January 26, 2011

Alamat - Coming Soon


This story idea was first posted at pinoyexchange's Mark Anthony Fernandez thread on 10/2/10.



Naaalala ba ninyo ang alamat ng butiki? Sabi ng alamat na ito ay may isang lalaki na sa grabeng pagmamahal sa isang babae ay nagawang kunin ang puso ng sarili niyang ina nang hiningi iyon ng minamahal niya. Nadulas siya na hawak ang puso at naging butiki ang lalaki. Akala natin ay tapos na ang kwento. Hindi pa pala.


Pagkatapos ng 200 taon, pinuntahan ng isang ibong maya si Joselito (MAF), ang naging butiki . Sinabi sa kanya ng maya na malapit nang matapos ang sintensiya niya. Magiging tao na siya ulit kung matapos niya ang mga ipapagawa sa kanya. Gusto na ni Joselito maging tao dahil pagod na rin siya sa buhay niya sa lupa. Hindi siya mamatay-matay. Totoong pinagsisisihan niya ang kanyang nagawa. Tanggap niya ang parusa sa kanya at hindi niya alam na may pag-asa palang maiba ang buhay niya.

Sinabi ng maya na ang unang misyon ni Joselito ay ang tulungan si Pina, ang babaeng naging pinya dahil sa katamaran niya pag inuutusan siya ng nanay niya at sinabi non na sana magkaroon siya ng maraming mata. (Bata si Pina sa alamat pero sa kwentong ito, dalaga na siya). Sinabi ng maya kung saan matatagpuan si Pina at isa pa, habang ginagawa ni Joselito ang kanyang mga misyon, magiging tao siya sa araw at butiki pa rin sa gabi. Biglang naging tao si Joselito. Tingin ko he should be naked pag nangyayari ang transformation.

Naghanap si Joselito ng masusuot at pinuntahan si Pina. (Nung butiki si Joselito ng 200 taon, marami na siyang narating kaya alam na alam niya ang pasikot-sikot ng bansa.) Nahanap niya si Pina at nagpakilala. Hinihintay siya ni Pina dahil sinabi sa kanya ng maya na darating ang tulong para sa kanya. Ang misyon ni Pina ay maghanap ng nawawalang kayamanan ng isang bayan na kailangang-kailangan para hindi makuha ng bangko ang nakasanlang lupain ng mga nakatira dito. Pero sabi ni Pina, bukas na lang sila mag-usap ulit dahil mag-gagabi na at magiging pinya na naman siya. Biglang naging pinya si Pina at naging butiki si Joselito.

Kinabukasan, naging tao sila. Nagkahiyaan din sila dahil pareho silang nakahubad. Sinuot agad nila ang damit nila. Nagsimula sila ng paghahanap. Sa paguusap nila, tinanong ni Pina kay Joselito kung ano ang kasalan niya at siya ay naging butiki. Ayaw animin ni Joselito dahil kinakahiya niya ito at natatakot na baka kamuhian siya ni Pina. Patuloy silang naghahanap, pero hindi talaga magaling maghanap si Pina. Buti na lang si Joselito ay magaling dito. Isang gabi, habang butiki siya ay nahanap niya ang kayamanan.

Naligtas ang bayan. Dumating ang maya para sabihin kay Pina na tapos na ang sintensya niya. Tao na si Pina. Tinanong ni Joselito si Pina kung ilan taon siyang naging pinya at naka ilang misyon siya. Sabi ni Pina, 20 taon (sa kwentong ito, hindi si Pina ang unang pinya, hindi lang siya ang naparusahan ng ganito) at ito lang ang nagi niyang misyon. Naiisip ni Joselito na sa kalakihan ng kasalan niya, ganoon din kalaki ang parusa sa kanya. Mas mabuti na siguro na dito sa lupa siya bumawi kesa sa impiyerno.

Sinabi ng maya kay Joselito ang susunod niyang misyon, ang puntahan si Bernardo Carpio para kausaping huwag naman masyadong panay panay ang paglilindol. Sinabi ni Pina na tutulungan niya si Joselito. Malaki ang utang na loob niya dito dahil isang buwan na siyang naghahanap nung kayamanan dati. Isa pa, yumao na ang kanyang ina at wala na rin siyang pamilyang babalikan.

Sa loob ni Pina, gusto rin niyang makasama si Joselito. Napapansin din ni Joselito na parang may pagtingin si Pina sa kanya pero pakiramdam niya, hindi siya pwedeng umibig dahil sa nangyari dati. Ito ang parusa na binigay niya sa sarili niya. Pero kailangan niya ng tulong at nagpupumilit si Pina kaya pumayag siya. Pinuntahan nila ang bundok kung saan naka-ipit si Bernardo. Nahirapan pa nga sila sa pag-akyat dahil lumilindol na naman dahil nagpipilit na namang makawala si Bernardo.

Siyempre naman aalalayan ni Joselito si Pina. Tinanong nila si BC kung bakit. Kinuwento ni BC na gusto niyang makawala para hanapin ang kanyang nobyang si Maria Makiling na matagal nang hindi nagpapakita sa kanya. Nag-aalala siya kung ano ang nangyari dito o baka ipinagpalit na siya sa iba. So pinangako ni Joselito at Pina na hanapin si Maria Makiling tumigil lang si BC sa pag-gagawa ng lindol.

Sinimulan nilang hanapin si Maria Makiling...... itutuloy


Iba-ibang mga character ng mga myths and legends ang makaka-enkwentro nila. Sa background ay ang love story ni Joselito at Pina. Story ito ng redemption ni Joselito. Mapapatawad ba ni Joselito ang sarili para mabuksan ang kanyang puso at mahalin si Pina? Hanggang kailan si Pina magtatiyaga at maghihintay? Paano kung makilala ni Pina si Makisig, ipagpapalit ba niya si Joselito?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...