These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Showing posts with label Lagrimas. Show all posts
Showing posts with label Lagrimas. Show all posts

Sunday, October 10, 2010

Lagrimas (synopsis)



Pogiboy is an orphan na lumaki sa streets ng Tondo. 10 years ago his father mysteriously died then a week after he saw with his very eyes how her mother was raped and killed. Few days after he learned ninakaw lahat ng properties nila. He vowed one day paghihigantihan niya ang gumawa nito sa magulang niya at sumira ng buhay niya.

10 years after Pogiboy is now a very rich man na back with a vengeance. Natunton na niya ang gumawa ng krimen who happens to be a very influential Chinese man. This man has an only child - Heart. Heart is a rebellious daughter. Lagi itong tumatakas at laman ng di magagandang headline. Pogiboy will use her para paghigantihan ang lalaki little did he know Heart hates his father as much as he does. Pogiboy will make Heart fall in love with him.

After a series of devastating twist and chaos it will turn out si Pogiboy pala ang tunay na anak at si Heart ay ampon. In the end Mark will get the vengeance he want - napabagsak niya ang negosyo nila Heart using her, napakulong niya ang ama nito/ama niya pero di pa rin siya sumaya because too late na ng ma-realize niyang mahal niya rin si Heart…Heart already committed suicide… Heart loves Pogiboy so much. More than sa pagkalugi ng negosyo at pagkakakulong ng ama niya she can’t bear the pain ng breakup nila because ang love nila ang tanging natitira na lang para sa kanya to live on.

Lagrimas is Spanish term for tears. Mula umpisa hanggang matapos ang kwento ipapakita ang iba’t-ibang rason sa pagluha ng tao

Lagrimas (Episode Guide)





Episode 1: Fear

Close-up mata ng batang lalaki na naluluha sa takot
Lady being raped then killed.




Episode 2: Vengeance

Close-up sa mata ni Pogiboy na puno ng naluluhang paghihiganti.
Pagbabalik bansa ni Pogiboy
Roaming again around the streets of Tondo na naging tahanan niya ng mahaba-habang panahon




Episode 3: Sadness

Closeup sa mata ni China girl na lumuluha sa saya habang lango sa alak
First encounter Pogiboy and China girl




Episode 4: Envy

Closeup sa mata ni China girl na naluluha sa inggit sa pagmamahal na ibinibigay ng ama sa hindi naman nito kadugo
Chinagirl on headlines
Pogiboy starts stalking Chinagirl




Episode 5: Hatred

Closeup sa mata ni Pogiboy na naluluha sa sama ng loob at pait sa pumatay sa ina niya habang nasa puntod nito
Pogiboy meeting China girl’s father at last
Chinagirl on headlines again




Episode 6: Passion

Closeup sa mata ni China girl na lumuluha out of passion during lovemaking
Tampisaw sa ilog
Pogiboy fishing information on Chinagirl about his father’s dealings




Episode 7: War

Close-up sa mata ni Pogiboy declaring war habang naiiyak sa galit
Unti-unting pagbawi sa yaman na ninakaw sa kanya ng ama ni Chinagirl.
Chinagirl’s father being terribly mad at her.




Episode 8: Deception

Closeup sa mata ni China girl na naluluhang nagtatanong kung bakit siya niloko ni Pogiboy
Pogiboy standing by his decision things are over between her and Chinagirl.
Pagkaaresto at pagkakulong sa ama ni Chinagirl.




Episode 9: Betrayal

Close-up sa mata ni Chinagirl na puno ng naluluhang paghihinagpis sa patong-patong niyang problema.
China girl begging Pogiboy
China girl being forced to the witness stand
Pogiboy finding out na siya ang tunay na anak ng ama ni China girl at ampon lang ito. Like him she is just a victim too.




Episode 10: Suicide

Close-up sa mata ni Pogiboy na lumuluhang puno ng panlulumo sa pagkamatay ni Chinagirl kung napaaga lang sana siya ng ilang minuto he could have prevented her suicide.

Lagrimas (Opening Scene)

Scenario (isang kuwarto sa mental - taong nagwawala)


Pogiboy : Ahhhhhh! ahhhhh!

Nurse 1 : dali tawagin nyo si Doctora

Pogiboy : Ahhhhh! ahhhh!


(nurse 2 tumatakbo papunta sa clinic ng Doktora)


Nurse 2 : Doctora, doctora, nagwalala nanaman ang pasyente sa room 7.

Doctora : Tumawag ka ng orderly dali!

Nurse 2 : opo Doc.

Orderly 1 : Bakit po Doctora?

Doctora : Dali kayo samahan nyo ako sa room 7.



(takbo papuntang room 7)



Doctora : Kanina pa nagwawala ang pasyente?

Nurse 2 : Ngayon lang Doctora.

Doctora : Akin na ang injection.

Nurse 2 : Ito na po Doc.


(sa room 7)

Lagrimas (Episode 1: Fear)




Scenario (Living room)


Batang lalaki : mommy, mommy? anong ginagawa nyo sa mommy ko?

Mother : Huwag nyong sasaktan ang anak ko. Sino ba kayo anong kailangan nyo sa amin?

Goon 1 : Napag utusan lang kami.

Goon 2 : Sige na pare patayin mo na.

Goon 1 : Ang ganda mo at ang bango.

Batang lalaki : Bitawan mo ang mommy ko.

Mother : Sino ang nag utos sa inyo? Bitiwan mo ako.

Goon 2 : Pare patayin mo na!

Goon 1 : Ang ganda mo

Goon 2 : Pare ano ba? Gawin mo na ang iniuutos sa atin para makaalis na tayo dito.

Batang lalaki : Bitawan mo ang mommy ko. Bitawan mo ang mommy ko!

Mother : Walanghiya, bastos, walanghiya! Ahhhhh!

Goon 1 : Wag kang naingay!

Batang lalaki : mommy, mommy!

Mother : Walanghiya ka! Walanghiya ka!

Goon 2 : Pare patayin mo na baka may makarinig pa sa sigaw niya.

Goon 1 : Wag ka sabing maingay ... uhmmm (sinaksak)

Goon 2 : Halikana pare, tumakas na tayo! Patay na yan!

Batang lalaki : mommy, mommy, mommy!




GAP 1


Scenario (Kuwarto, natutulog)


Pogiboy : ahhh, uhmmm, ahhh!

Kaibigan : Pare, pare gumising ka!

Pogiboy : ahhh!

Kaibigan : Binabangungot ka nanaman. Ano ba ang lagi mo napapanaginipan. Simula pa noong bata tayo lagi ka binabangungot ng ganyan.

Pogiboy : Wala!

Kaibigan : o san ka pupunta?

Pogiboy : Magpapahangin lang.


(Labas ng Bahay)

Pogiboy : Isinusumpa ko hahanapin ko ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pagkamatay nila. Hanggang sa huling hininga ng buhay ko, hahanapin ko ang mga taong yun. Papatayin ko sila.



Gap 2

Scenario (Takbohan sa kalye ng tondo)



Pogiboy: Anong nangyari?

Kaibigan : Boss anong nangayri?

Tao : May binaril daw sa labasan.

Kaibigan : O san ka pupunta?

Pogiboy : Tara tingnan natin.

Kaibigan : Wag na dito na lang tayo. Baka madamay pa tayo run.

Pogiboy : Hindi tingnan natin kung sino ang binaril.

Kaibigan : Ayoko takot ako sa patay eh.

Pogiboy : Ang duwag mo, halika tingnan natin.

Kaibigan : Sige na nga, sige mauna ka susunod ako sa likod mo.



(Patay na taong binaril)


Pogiboy : Sino daw may kagagawan nito?

Tao 1 : Pulis daw eh.

Pogiboy : Bakit daw binaril?

Tao 2 : Snatcher daw yan ng cellfone.

Kaibigan : Umuwi na tayo, ayan na ang mga police.

Police 1 : Tabi, tabi kayo riyan. Ano ba tumabi kayo.

Kaibigan : Halikana umuwi na tayo. Takot ako sa patay eh.

Pogiboy : Duwag mo talaga.




GAP 3


Scenario (Pinagtatrabahuan)



Worker 1 : Mark, pinapatawag ka ni Boss.

Pogiboy : Sige salamat


(Opisina ng Boss)


Pogiboy : Sir pinapatawag nyo raw po ako.

Boss : Ikaw pala, oo pumasok ka. upo ka.

Pogiboy : Tungkol po saan sir?

Boss : Matagal ka nang nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Nakita ko ang kasipagan at dedikasyon mo sa kumpanya. Wala akong taong pinagkakatiwalaan bukod sa iyo. Matanda na ako. Wala akong pamilya. Alam mong hindi na iba ang turing ko sa iyo. Anak na ang turing ko sa iyo noon pa man. Kaya gusto ko ikaw ang magpatuloy ng pagpapatakbo ng kumpanya kapag nawala na ako.

Pogiboy : Pero sir wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kumapanya nyo.

Boss : Hindi problema yun, Mark. Ipadadala kita sa America para mag aral. Pagbalik mo gusto ko ikaw ang magpatuloy ng pagpapatakbo ng kumpanyang ito. O ano pumapayag ka ba?

Pogiboy : Ho eh nakakahiya po.

Boss : Wag ka na mahiya. Napakabuti mong tao kaya gusto ko suklian ang kabutihan mo. Sige na pumayag ka na.

Pogiboy : Eh kayo po ang bahala.
Scenario (Bahay)


Kaibigan : Dumating ka na pala.

Pogiboy : Saan ka galing?

Kaibigan : Sa tindahan bumili lang ako ng delata. Sandali maghahain na ako.

Pogiboy : Sige magbibihis lang ako.


(Mesa habang kumakain)


Kaibigan : Alam mo kanina may rambol nanaman sa labasan. Akala ko nga may magsasaksakan nanaman eh. Nagkainitan sina Totoy Bato at Gusting Siga. Nagtatalo sila kung alin daw ang nauna, ang manok o ang itlog. Nagkapikunan kaya ayun muntik magsaksakan. Tsk tsk wala ng magawang matino ang mga taong yun. Di kasi maghanap ng trabaho at ng di laging tambay sa kanto.
Hoy pare, okey ka lang? Bakit tahimik ka dyan?

Pogiboy : Okey lang.

Kaibigan : May nangyari ba sa trabaho mo?

Pogiboy : Wala

Kaibigan : Eh bakit ang tahimik mo dyan. Parang may malalim kang iniisip.

Pogiboy : Inalok ako ni Mr. Chan na pag aralin sa ibang bansa.

Kaibigan : Ano? Anong ibig mo sabihin?

Pogiboy : Gusto niya ako daw ang magpapatakbo ng kumpanya kapag nawala na siya.

Kaibigan : Ha? ibig mo sabihin ipamamana ni Mr. Chan ang negosyo niya sa iyo?

Pogiboy : Parang ganun na nga.

Kaibigan : Talaga! yahoooo! yayaman na tayo!

Pogiboy : Hindi naman ganun kadali yun eh.

Kaibigan : Anong hindi? Eh ang tagal mo na kayang nagtatrabaho sa kumpanyang yun. Kabisado mo na lahat ng pagpapalakad ng negosyo ni Mr. Chan.

Pogiboy : Pag aaralin daw niya ako sa ibang bansa.

Kaibigan : Pag aaralin ka sa ibang bansa, ibig sabihin aalis ka iiwan mo ako?

Pogiboy : OO

Kaibigan : Anong desisyon mo?

Pogiboy : Ewan ko naguguluhan ako.

Kaibigan : Malulungkot ako kapag naghiwalay tayo. Pero wag mo sayangin ang pagkakataon na ibibigay ni Mr. Chan sa iyo. Pagkakataon mo na rin makaahon sa lugar na ito. Matutupad na rin ang mga pangarap mo. Pero pangako mo, wag mo ako kakalimutan kapag umasenso ka na.

Pogiboy : OO naman ikaw lang ang naging kaibigan ko.

Kaibigan : ahhh touch naman ako.



Scenario (Airport)


Kaibigan : Pare wag mo kalilimutan size 10 na sapatos, large size na t-shirt. At saka kung may makita kang blonde ang buhok at blue ang mga mata, ipakilala mo sa akin ha? Ibigay mo ang twitter account at facebook account ko. At saka wag ka magpapagutom dun ha? Mag iingat ka lagi at follow mo ako sa twitter ko.

Pogiboy : OO na, sige na at baka maiwan na ako ng eroplano.

Boss : Mark, ma iingat ka lagi at mag aral ka ng mabuti. Kung ano man ang kailangan mo huwag ka mahihiyang sabihin sa akin.

Pogiboy : Opo Mr. Chan. Pagbubutihan ko po.

Kaibigan : Pare, wag mo kalilimutan ang mga bilin ko sa iyo.

Pogiboy : OO


(Eksenang nag-aaral)

Lagrimas (Episode 2: Vengeance)



Scenario : (Ang pagbabalik -Airport)


Driver : Sir, kayo po si Mark?

Pogiboy : OO

Driver : Ako po si Jun ang driver ni Mr. Chan. Ako na po ang magdadala ng mga bagahe nyo sir.


(Kotse)


Pogiboy : Ah, mang Jun pwede po dumaan muna tayo ng Tondo?

Driver : Opo sir.

Pogiboy : (nasa isip) Hahanapin ko ang mga taong pumatay ng mga magulang ko. Hindi ako titigil hangga't di ko naipaghihiganti ang pagkamatay nila.

Mang Jun itabi niyo po. Bababa ako. Sige na po, iwan niyo na po ako. Ako na po ang bahala. Mauna na po kayo.

Driver : Sige po sir.


(Roaming around Tondo)



GAP 2


Scenario (Dating bahay sa Tondo)


Kaibigan : Pare, ikaw ba yan? Pare!! kailan ka dumating?

Pogiboy : Kararating ko lang.

Kaibigan : Saan ang pasalubong ko?

Pogiboy : Ayan.

Kaibigan : Para sa akin ito lahat?

Pogiboy : OO para sa iyo yan lahat.

Kaibigan : wow bagong sapatos! para sa akin rin itong mga polo at t-shirt?

Pogiboy : OO para sa iyo yan lahat.

Kaibigan : hmmm amoy stateside pa. Pero teka bakit walang kasamang puti. Ikaw, hindi mo tinupad ang pangako mong ipapakilala ako sa mga puti doon sa America. Nagtatampo ako sa iyo.

Pogiboy : Hindi totoo yan ha? Pinakita ko ang facebook account mo at twitter, pero di ka nila type eh.

Kaibigan : Niloloko mo naman ako eh. Yun na nga lang ang pag asa ko maahon sa lugar na ito. Pag nagkataon makakapunta rin ako ng America tulad mo.

Pero masaya ako at magkakasama na tayo muli . Nalungkot ako nung umalis ka. Namiss talaga kita.

Pogiboy : Huwe! hahaha! Gusto ni Mr. Chan dun na ako tumira sa bahay niya.

Kaibigan : Ha!! di ka na babalik dito?

Pogiboy : Kaya pinuntahan kita, gusto ko kasama kitang tumira sa bahay ni Mr. Chan.

Kaibigan : Talaga isasama mo ako?

Pogiboy : OO! bakit ayaw mo?

Kaibigan : Gustong gusto ko siempre. Sa wakas makaka alis na rin ako sa lugar na ito. Titira na ako sa magarang bahay.


Kaibigan : Wow, pare, ito na ba ang magiging bahay natin? Dito na tayo titira? Ang laki!

Boss : Mark! kumusta ang biyahe mo?

Pogiboy : Okey lang po, sir. Ah sir, ito nga po pala ang kaibigan ko. Ipakiki usap ko po sana kung pupwede ko po siya makasama sa pagtira dito. Mula bata pa po kasi, magkasama na kami.

Boss : Walang problema, Mark. Mabuti nga yun may makakasama ka sa bahay. Halika at ipakikita ko sa iyo ang magiging tirahan mo.



(Katabing bahay)


Boss : Matagal ng walang nakatira dito. Ito ang pinaka unang bahay ko. Nung lumago na ang negosyo ko, nagpagawa ako ng mas malaking bahay ngunit hindi ko pinasira ito. Nagsisilbing inspirasyon ko ang bahay na ito na minsan nanggaling rin ako sa mababa at dahil sa pagsisikap narating ko ang kinaroroonan ko ngayon. Gusto ko ikaw ang sumunod sa yapak ko, Mark. Kaya gusto ko dito ka tumira sa bahay na ito. Bago ka dumating ipina ayos ko muna. Halika, pasok. Nandito na ang mga gamit mo. Pinalagay ko na sa driver. O maiiwan ko na kayo. Kayo na ang bahala dito.

Pogiboy : Maraming maraming salamat po Mr. Chan. Isang malaking utang na loob ang tatanawin ko po sa inyo.

Boss : Wag ka magpasalamat, Mark. Basta pagbutihin mo lang ang mga ginagawa mo.

Pogiboy : Opo maaasahan niyo po.

Kaibigan : Maraming salamat din po, Mr. Chan.

Boss: O sige maiwan ko na kayo.

Pogiboy : Sige po. Maraming salamat po.

Kaibigan : Salamat po.


Kaibigan : Wow pare, sa wakas ang gara na ng bahay natin. May makakain ba dito?

Pogiboy : Ikaw talaga pagkain agad ang nasa isip mo.

Kaibigan : Eh sa nagugutom na ako eh.

Lagrimas (Episode 3: Sadness)




Scenario (isang bar)


Pogiboy : Beer please.

Chinagirl : Waiter! isang boteng alak pa nga.

Waiter : Ito po ma'am.

Pogiboy : (napatingin kay Chinagirl) Waiter, lasing na yata yung babae, bakit binigyan mo pa ng isang boteng alak?

Waiter : Lagi na po yan dito umiinom. Gabi gabi po nandidito po yan.

Pogiboy : May kasama ba siya?

Waiter : Wala po sir. Mag isa lang po yan umiinom dito gabi gabi.

Pogiboy : Kung lasing na siya, paano siya makaka uwi?

Waiter : Tinatawagan po niya ang driver niya para sunduin. Hindi niyo po ba siya nakikilala? Heart po ang pangalan niya. Isa po siyang anak ng mayamang intsek. Nag mamay-ari po ng mga malalaking negosyo ang pamilya niya. Bad trip po yan lagi dahil parating nasa headline lagi po nasasangkot sa gulo.

Chinagirl : (close up naluluha sa saya) Cheers! hahaha! waiter! pahingi nga ng ice. Waiter! sabi ng pahingi ng ice! Ano ba!

Pogiboy : Miss, miss lasing ka na.

Chinagirl : Ako ba ang kinakausap mo? Sino ka ba? Anong pakialam mo kung lasing na ako. Waiter! nasaan na ang ice ko!


Waiter : Eto na po ma'am.

Pogiboy : Miss, siguro tigilan mo na yan. Lasing na lasing ka na eh.

Chinagirl : Huwag mo nga ako pakialaman. Nagsicelebrate ako! Sino ka ba? Hindi mo ba ako nakikilala? Ha?

Pogiboy : Miss, wag ka magtaas ng boses. Pinagtitinginan ka ng mga tao.

Chinagirl : Anong pakialam ko sa mga taong yan! Hoy! kayo ano ang tinitingin tingin nyo sa akin? Di pa ba kayo sawa sa mga pictures ko? At ikaw, sino ka ba at bakit ka nangingialam?



(nawalan ng malay si Chinagirl)


Pogiboy : Miss, miss, miss! Waiter tawagan mo ang driver niya.

Waiter : Eh sir di ko po alam ang number ng driver niya. Siya lang po talaga ang tumatawag kapag aalis na dito.

Pogiboy : Ha? paano yan? tulog na yata ito. Miss, miss, miss, gumising ka!

Waiter : Tulog na nga yata sir.

Pogiboy : Kasi naman umiinon hindi naman pala kaya.



(Magsasara na ang Bar)


Waiter : Sir, magsasara na po kami.

Pogiboy : Ha? paano ito.

Waiter : Eh sir, isama niyo na lang po sa inyo.

Pogiboy : Ano?

Waiter : Eh magsasara na po talaga kami sir eh.

Pogiboy : Paano ba ito. Sandali pakihawakan baka may ID pwede natin matawagan ang pamilya.
Wala rin! Hindi mo ba talaga alam kung saan nakatira ang babaing ito?

Waiter : Hindi talaga sir. Naka charged po kasi ang babayaran niya sa account niya dito sa Hotel.

Pogiboy : Wala ba kayong record? o tel no.?

Waiter : Hindi ko rin po alam dahil ang accounting lang ang may alam. Pero sarado na po ang accounting office namin.

Pogiboy : O sige ako na ang bahala sa kanya.

Waiter : sige po sir.



(Binuhat palabas ng Bar ni Pogiboy si Chinagirl)



Scenario (bahay ni Pogiboy)


Kaibigan : Pare naman, isang araw pa lang tayo dito, nagdala ka na kaagad ng babae. Malas daw yan.

Pogiboy : Sira! dinala ko lang yan dito dahil nakatulog sa sobrang kalasingan. Hindi alam ng waiter ng Bar kung paano tatawagan ang pamilya nito. Kaya dinala ko na lang dito baka may mga masasamang tao pa ang magka interes sa kanya.

Chinagirl : ahkkk! (nasuka)

Pogiboy : Kumuha ka ng mainit na tubig at ng mapunasan siya.

Kaibigan : In fairness ang ganda niya. Mukhang familiar ang babaeng ito. Parang nakita ko na.

Eto na ang mainit na tubig at pang punas.

Pogiboy : Ako na bahala dito. Matulog ka na.

Lagrimas (Episode 4: Envy)



Scenario (bahay ni Chinagirl)


(Dining table)


Papa : (kausap sa telepono) Good, good. I'm so proud of you. Kung hindi dahil sa iyo siguro malaki ang malulugi ng kumpanya. Keep it up. Magkita tayo mamaya sa meeting.

Chinagirl : Good morning pa.

Papa : Anong nangyari sa meeting mo kagabi?

Chinagirl : Aren't you going to ask me kung anong nangyari sa akin at bakit di ako umuwi kagabi? Mas inaalala nyo pa ang naging meeting ko? Yan lang ba ang importante sa inyo, pa? Ni hindi nyo man lang ako tatanungin kung saan ako nanggaling? Kung anong nangyari sa akin o kung kumain na ba ako. Ang negosyo lang ba ang importante sa inyo. (crying)

Papa : Yaya paki tawagan nga si Alfred. Pakisabi pumunta na sa opisina ngayon din sabay na kami mag breakfast.

Yaya : Opo sir.

Chinagirl : Ayan si Alfred, si Alfred nanaman. Mas mabuti pa si Alfred nakakasama mo kumain, nakakasama mo sa mga trips mo, sa mga golf games mo. Pa, what am i to you? Ako ang anak mo pero parang nararamdaman ko di tayo magka dugo eh.

Papa : That's enough Heart. I'll see you in the office. (Sabay tumayo at umalis)

Yaya : Heart, saan ka ba nanggaling kagabi? Nag alala ako sa iyo baka kung ano na ang nangyari sa iyo. Bakit ganyan ang itsura mo? Ang baho mo. Buti pa maligo ka muna at maghahain ako ng breakfast mo. Dadalhin ko na sa kwarto mo ang pagkain. Umakyat ka na at maligo. Itong batang ito.


(umakyat sa kwarto)


Yaya : o tapos ka na pala nag shower. Kumain ka na. Ihahanda ko lang ang mga damit mo.

Chinagirl : Mabuti ka pa yaya nag alala ka sa akin at inaasikaso mo ako. Bakit ganun ang papa, hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya sa akin. Buti pa si Alfred kapag nagkakasakit dinadalaw pa ni papa sa ospital. Bakit ako hindi? (crying)

Yaya : Iha, busy lang ang papa mo sa trabaho. Marami lang siguro siyang iniisip. Sige na kumain ka na at baka mahuhuli ka pa sa opisina.


(Nagmamaneho papuntang opisina)


Chinagirl : (nasa isip) sino nga pala ang taong tumulong sa akin kagabi? Hindi ko man lang sya napasalamatan. Wala akong matandaan sa nangyari.



GAP 1


Scenario (Opisina)

Secretary : Ma'am ito nga po pala ang mga schedule ng meetings nyo.

Chinagirl : Mamaya na yan. Paki contact nga ang Bar na ito.

Secretary : Ma'am on going na po ang meeting ng papa nyo. Kailangan daw po kayo sa meeting.

Chinagirl : Sabi ng mamaya na yan eh. Tawagan mo muna ito.

Secretary : Opo ma'am. (dialing the phone) Hello good morning po sandali lang po kakausapin kayo ng boss ko.

Chinagirl : Hello, si Miss Evangelista ito. Itatanong ko lang kung sino ang waiter ng Bar kagabi?

Bar employee : Ma'am wala po siya dito. Mamaya pa po ang duty niya. Bakit po ma'am? May kailangan po ba kayo sa kanya?

Chinagirl : Ah wala, wala. Duty ba yung waiter na yun mamaya?

Bar employee : Opo ma'am mamayang 7 p.m.

Chinagirl : Okey thank you.

Bar employee : You are welcome ma'am.

Secretary : Ma'am pinapatawag na po kayo ng papa nyo.

Chinagirl : Sabihin mo papunta na ako.


GAP 2


Scenario (Conference room)


Pumasok si Chinagirl - natingin sa kanya lahat

Chinagirl : Good morning po.

Papa : You are late! Kanina ka pa hinihintay dito.

Chinagirl : sorry po.

Papa : As i was saying kailangan makuha natin ang target to dominate the market.

Alfred : Sir, may launching ng same product ang competitor natin. The same product and strategy ang gagamitin nila. But we have a good head start kaya hindi pa natin napifeel ang threat.

Papa : Anong kumpanya ang nakikipag kumpitensya sa atin?

Alfred : As far as i know, dating kumpanya na rin na naging competitor natin. But they will launch the product under the new management. Bago na ang magiging Presidente ng kumpanya. Isang dating empleyado ni Mr. Chan na pina aral sa America. He is taking over the Chan Corporation's Presidency. His name is Mr. Mark Fernandez. Matagal ng empleyado ni Mr. Chan na pina aral niya sa America. Now he is taking over the top position ng kumpanya dahil mag reretire na si Mr. Chan.

Papa : Chan Corporations? Sounds familiar. Okey try to look into this Mark Fernandez.

Alfred : Opo Sir.



Samantala..


Scenario (Chan Corporation)


Mr. Chan : Mark, halika. Ipakikilala na kita bilang Presidente ng Chan Corporations. Nagmemeeting ang mga managers ko ngayon. Pagkatapos ng meeting nila, ipapakilala na kita bilang Presidente ng kumpanya.

Secretary : Sir tapos na po ang meeting ng mga managers.

Mr. Chan : Good,



(Meeting ng mga managers)


Mr. Chan : Gentlemen, gusto ko ipakilala ang bagong Presidente ng Chan Corporations, si Mark Fernandez.


(Palakpakan)


Mr Chan : Simula ngayon siya na ang magiging bagong Presidente ng kumpanya. Ang hihilingin ko lang sa inyo, kung ano ang pag galang na ginawa at ginagawa nyo sa akin, ganun din ang ibigay nyo kay Mark.

Manager 1 : Aasahan nyo po yun Mr. Chan. Welcome po Mr. Fernandez.

Manager 2 : Welcome po. Asahan nyo ang tapat na kooperasyon ng mga tauhan ko sa inyo.

Manager 3 : Ikinagagalak ko kayong makilala.

Pogiboy : Taos puso akong nagpapasalamat kay Mr. Chan sa oportunidad na ito. Asahan nya ang matapat kong serbisyo sa kumpanyang ito.

Mr. Chan : O Mark, ikaw na ang bahala dito. Aalis na ako.

Pogiboy : Maraming salamat po.



(Balik sa conference room)


Papa : Heart anong nangyari sa meeting mo kagabi?

Chinagirl : Kahit anong offer ko para makuha natin ang exclusive distribution sa kanila, ayaw pa rin pumayag dahil may nakausap na daw silang kliyente at nagkaroon na ng exclusive contract na sila ang magsusuply.

Papa: What? Hindi mo man lang nakuha kahit mag supply tayo ng kalahati? Nakuha nila ang exclusive contract? Alfred why don't you take care of that account.

Alfred : Opo sir.


(Tapos na ang meeting)


Papa: Heart maiwan ka muna. Ano nanaman itong naka headline. Lasing na lasing ka at sino itong taong bumuhat sa iyo. Ano nanaman ito? Hindi ka na ba talaga magtitino? Lahat na ng kahihiyan dinadala mo sa kumpanyang ito at sa pamilya natin. Pwede ba, nakakahiya ka.

Alfred : Sir i'll go ahead.

Papa : No, sabay na tayo. Samahan mo ako mag lunch.


(Umalis ng room naiwan si Chinagirl, close up sa matang naluluha)



GAP 3


Scenario ( Sa Bar )


Chinagirl : Waiter, nasaan yung waiter na duty kagabi?

Waiter 1 : Ayun po ma'am.

Chinagirl : Thank you. Waiter ikaw ba yung duty kagabi?

Waiter 2 : Opo ma'am ako po ang duty kagabi.

Chinagirl : Lasing na lasing ako kagabi. Hindi ko alam kung sino ang lalaking bumuhat sa akin. May kumuha ng picture namin at inilagay sa headline. Alam mo ba kung sino yung taong yun?

Waiter 2 : Naku ma'am hindi ko rin natanong ang pangalan. Kasi magsasarado na kami nung nakatulog na kayo dahil lasing na lasing na po kayo. Siya na lang ang taong naiwan dito kagabi. Nag alala nga po siya dahil baka kung anong mangyari sa inyo.

Chinagirl : Ganun ba? Hindi mo talaga alam kung sino sya?

Waiter 2 : Hindi talaga ma'am eh. Sorry po talaga.

Chinagirl : okey lang. (nasa isip) Sino nga kaya yung taong yun?

Waiter 2 : Ma'am iinom po kayo?

Chinagirl : oo bigyan mo ako ng alak.

Waiter 2 : eto po ma'am.

Chinagirl : Salamat.


(Sasakyan dumating sa labas ng Bar)


Pogiboy : (Bumaba ng kotse) Boy paki bantayan ang oto ko.

Batang tambay : Areglado po sir. Punasan ko rin po sir, dagdag bayad sa pag punas.

Pogiboy : Okey


(Pogiboy papasok sa Bar nakita si Chinagirl)


Pogiboy: (nasa isip) Pambihira naman itong babaing to umaiinom nanaman. Naghahanap yata ng sakit sa katawan.


(Umupo sa isang tagong mesa)


Waiter 1 : Sir ano po ang order niyo?

Pogiboy : Isang boteng beer lang.

Waiter 1 : Pulutan sir.

Pogiboy : Hindi na. Beer lang.



(Pogiboy pinagmamasdam si Chinagirl)


Waiter 1 : Ito na po ang order nyo sir.

Pogiboy : Ah waiter kanina pa yang babaing yan dito?

Waiter 1 : alin dyan sir?

Pogiboy : Yung babaing naka pulang damit.

Waiter 1 : Ah bago lang po pumasok dito sir.

Pogiboy : Sige salamat. (nasa isip) hindi pa lasing.



(Chinagirl tumayo at lumabas ng Bar)


(Sinundan ni Pogiboy)


Batang tambay : Sir aalis na po kayo? Di pa po ako tapos magpunas ng oto nyo.

Pogiboy : Wag mo na tapusin aalis na ako. Ito oh ang bayad.

Batang tambay : Wala po akong panukli

Pogiboy : Keep the change mo na.

(Pogiboy nagmamadali sinusundan ang papaalis na kotse ni Chinagirl)



GAP 4


Scenario (Binabaybay ang daan)

Pogiboy : (nasa isip) Saan kaya pupunta ang babaing to. Huh? simbahan? Anong gagawin niya sa simbahan.


(Chinagirl pumasok sa simbahan lumuhod at nagdasal)


(Bumaba ng kotse si Pogiboy at sinilip sa loob ng simbahan si Chinagirl)


Batang babae : Sir, bumili na po kayo ng mga rosas. Pwede nyo po ialay kay Mama Mary itong mga rosas.

Pogiboy : Magkano ba yan.

Batang babae : sampu po ang isa.

Pogiboy : Ilang piraso yan lahat.

Batang babae : Labing isa po.

Pogiboy : Bibilhin ko lahat. Pero kung pwede ibigay mo dun sa babaing naka pula. Ayun o.

Batang babae : Salamat po, maraming salamat po. Sige po ibibigay ko na sa babaing sinasabi mo.

Pogiboy : Sandali lang bata. Kapag nagtanong kung sino ang nagpapabigay, sabihin mo galing sa isang taong ubod ng pangit. At nakaka takot ang mukha.

Batang babae : eh sino po yun?

Pogiboy : Basta sabihin mo lang yun sa kanya.

Batang babae : Opo


(Lumapit kay Chinagirl ang batang babae)


Batang babae : Miss para po sa inyo.

Chinagirl : Ha? para sa akin?

Batang babae : Opo para sa inyo po yan. Ipinabibigay lang po sa kin.

Chinagirl : Sino, sinong nagpapabigay sa iyo?

Batang babae : Isang taong ubod po ng pangit. Nakakatakot nga po ang itsura nya eh.

Chinagirl : Ha? Nasaan yung taong yun?

Batang babae : wala na po umalis na. Ayan po basta nabigay ko na sa inyo.

Chinagirl : Sandali lang.


(Chinagirl hinabol ang batang babae palabas ng simbahan)


Chinagirl : (nasa isip) sino kaya yung taong yun?



(Sa labas ng simbahan pinagmamasadan si Chinagirl habang litong lito)


Pogiboy : (sa loob ng kotse natatawa kay Chinagirl) Yan ang bagay sa iyo. Ang suplada mo.


Fash Forward



Scenario (Mental Hospital)


(Nurse's Station)


Nurse 1 : Eto na ang gamot ng pasyente sa room 7.

Nurse 2 : Salamat, paki abot na rin ng chart niya.

Kaibigan : (nakangiti at nagpapacute) Good morning nurse.

Nurse 2 : Good morning rin sa iyo.

Kaibigan : Kamusta na ang friendship ko nurse? Magaling na ba siya?

Nurse 2 : Bumubuti na ang kalagayan niya. Di na siya gaano nagwawala.

Kaibigan : Mabuti naman kung ganun. Sana gumaling na siya para makalabas na siya dito.

Nurse 2 : Sandali lang po sir, papainumin ko pa po ang pasyente ng gamot.

Kaibigan : Wag mo na ako sini sir. Feeling ko matanda na ako kung sinisir mo ako.

Nurse 2 : Ikaw ang bahala. Maiwan muna kita kasi kailangan na uminon ng gamot ang pasyente eh.

Kaibigan : Samahan na kita kasi dadalawin ko rin ang friendship ko.


(Room 7)


Nurse 2 : Good morning po Sir. Eto po ang gamot nyo.

Kaibigan : Uy friendship! Looking good ah! Namimiss na kita friendship. Pagaling ka na para magkasama na tayo ulit.

Pogiboy : (tumingin sa kaibigan) Anong ginagawa mo dito?

Kaibigan : Ano pa ba ang gagawin ko dito? Eh di dinadalaw ka. Kamusta ka na?

Pogiboy : Ayos lang.

Nurse 2 : Sir, time na po mag morning walking sa labas.

Kaibigan : Nurse pwede ba ako na lang ang kasama niya mag walking sa labas? Promise hindi ko siya itatakas.

Nurse 2 : Bawal po sa amin baka pagalitan po ako ng Doktora.

Kaibigan : Pero hindi naman bawal kung samahan ko kayo ano?

Nurse 2 : Hindi naman po.


(Lumabas ng kuwarto)


GAP 1


Scenario ( Naglalakad sa may garden)


Kaibigan : Pare, pagaling ka na agad para makalabas ka na dito. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung dati nating ginagawa. Alam mo yun? Pati si Mr. Chan nagkasakit dahil sa labis na pag alala sa iyo. Labas masok nga siya sa ospital eh. Gusto ka niya dalawin dito pero di siya pinayagan ng mga doctor.


(Walang imik si Pogiboy at tila tulala habang naglalakad)


Nurse 2 : Dito po tayo maupo.

Kaibigan : Nurse hindi ba pwede doon sa may lilim naman tayo umupo? Hindi kasi ako nakapag sunblock eh.

Nurse 2 : Hindi po pwede sir kasi kailangan po niya ng sunlight sa umaga.

Kaibigan : Ganun ba? Kung alam ko lang nag sunblock sana ako.



(Pogiboy napalingon sa isang inang kausap ang anak)




GAP 2



Flashback

Lagrimas (Episode 5: Hatred)



Scenario (Sementeryo)


(Sa pontod ng ina at ama)

Pogiboy : (Galit na lumuluha) Mama, Papa, nakabalik na po ako. Pinagbuti ko ang pag aaral ko sa America upang magamit ko lahat ng natutunan ko sa mga taong nagpahirap sa atin. Makakamit nyo na rin ang katarungang matagal nang ipinagkait ng panahon. Hahanapin ko ang mga taong umapi sa ating pamilya. Papa, kukunin ko sa taong kumuha ng mga negosyo mo. At pahihirapan ko rin ang mga mahal nila sa buhay tulad ng pagpapahirap nila sa atin. Mama, hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng katarungan ang ginawa nilang pagpatay sa iyo. Magbabayad silang lahat. Isinusumpa ko.


(Papaalis na si Pogiboy, tumunog ang cellfone at sinagot habang naglalakad)

(Isang babaeng may dalang bulaklak naglalakad papalapit, si Chinagirl)

(Nagkasalubong ngunit hindi nakita ni Pogiboy dahil may kausap sa cellfone)

(Napansin ni Chinagirl ang lalaki habang nadaanan niya at napalingon muli sa lalaking may kausap)



(Sa puntod ng ina)


Chinagirl : Mama, miss na miss na kita. (Crying) Happy birthday po.


Scenario (Chan Corporation)


Manager 1 : Pinapatawag nyo raw po ako sir?

Pogiboy : Yes. I want you to make a list of our prime products and its competitors. Gusto ko malaman kung sino ang mga kalaban ng mga produkto natin. I want it as soon as possible.

Manager 1 : Opo sir.

Pogiboy : By the way i want to see the Production Area.

Manager 1 : okey po sir, sasamahan ko po kayo.



(Production Area)


Production Manager : Good morning po sir.

Pogiboy : Wala bang problema sa beverage production natin? On time ba kayo sa deadline ng delivery? Make sure everything is in order. Kailangan natin matalo ang kalabang produkto by being on time sa production at delivery.

Production Manager : Opo sir. Sinisikap po talaga namin matugunan ang lahat ng sinabi nyo.

Pogiboy : Mabuti kung ganun. Sige ipagpatuloy nyo lang ang ginagawa nyo.

Manager 1 : Sir gusto nyo po mag ikot sa production area?

Pogiboy : Hindi na. Paki sabihan na lang ang ibang heads magkakaroon tayo ng meeting mamaya.

Manager 1 : Opo sir sasabihan ko po sila.


Scenario (Opisina ni Pogiboy)


Manager 1 : Sir, eto na po ang ipinagagawa nyo sa akin. Nakalagay na po dyan lahat ng competitors natin pati na rin po kung sino ang namumuno ng mga kumpanya. Isinama ko na po ang sales report ngayong buwang ito.

Pogiboy : Sige salamat.

Manager 1 : May ipagagawa pa po ba kayo sir?

Pogiboy : No wala na. Magkita na lang tayo mamaya sa meeting.

Manager 1 : Opo sir. Aalis na po ako.

Pogiboy : Okey.


(Binabasa ang report ng manager)


Pogiboy : (nasa isip) Mr. Ramon Evangelista. Presidente ng Evangelista Corporation. Parang familiar ang pangalang ito. Sila ang direct competitor ng produkto namin.
(intercom) Miss Cruz, paki tawag nga si Mr. Santos.

Secretary : Opo sir.

Manager 2 : Good morning po sir. Pinapatawag nyo daw po ako.

Pogiboy : Oo maupo ka. Gusto ko pag aralan at alamin mo ang lahat ng tungkol sa Evangelista Corporation. Find out the background and history of this company.

Manager 2 : Yes sir.



GAP 3


Scenario (Sa Bar)


(Dumating sasakyan sa labas ng bar)


Pogiboy : (bumababa ng kotse) Boy paki bantayan.

Batang tambay : Punasan ko po uli ang oto nyo sir?

Pogiboy : Hindi na. Malinis na yan. Kagagaling lang car wash. Bantayan mo lang.

Batang tambay : Sige boss.


(Pogiboy pumasok sa bar tila may hinahanap)


Pogiboy : (nasa isip) Wala yata yung babaing lasengga.

Waiter 1 : Sir, dun po sa dulo walang nakaupo.

Pogiboy : Okey, bigyan mo ako ng isang beer.

Waiter 1 : Yun lang Boss?

Pogiboy : Oo yun lang. Ah waiter wala yata ngayon yung regular customer nyong babaing lasengga.

Waiter 1 : Sino pong babaing lasengga?

Pogiboy : Yung babaing lagi umiinom dito lasing na lasing tapos nakakatulog na sa sobrang kalasingan.

Waiter 1 : Ahh si Miss Heart Evangelista po yata ang tinutukoy nyo sir. Dalawang araw na siya di pumupunta dito.

Pogiboy : Ano kamo ang pangalan niya? Heart Evangelista?

Waiter 1 : Opo sir. Hindi nyo po ba siya kilala? Anak po siya ng mayamang intsek na may-ari ng gumagawa ng mga alak. Anak po siya ng may-ari ng Evangelista Corpration. Lagi nga po siyang nasa headline dahil po pasaway. Galit nga po ang ama niya sa kanya dahil lagi nasasangkot sa gulo. Rebeldeng anak po kasi si Ms. Heart.



(Pogiboy natigilan sa kwento ng waiter)


Pogiboy : Hindi ko siya kilala. Kararating ko lang galing ibang bansa kaya wala akong alam tungkol sa kanya. Sige salamat ha?

Waiter 1 : Walang anuman sir.


(Pogiboy tumayo iniwan ang bayad at umalis sa bar)


(Sa loob ng kotse)


Pogiboy : (nasa isip) Siya pala ang anak ng kalaban namin sa negosyo. Kailangan makilala ko siya.



GAP 4


Scenario (Opisina ni Pogiboy)



Secretary : Sir, narito po si Mr. Santos.

Pogiboy : Papasukin mo.

Manager 2 : Sir, eto na po yung pinapagawa nyo sa akin. Nandyan na po lahat ang tungkol sa Evangelista Corporation.

Pogiboy : Sige salamat.

Manager 2 : Wala na po ba kayong kailangan sir?

Pogiboy : Wala na, sige salamat.


(Pogiboy binabasa ang report ng manager)


Pogiboy : (nasa isip) Siya nga ang sinasabi ng waiter. Ms. Heart Evangelista. Siya pala ang Marketing Manager ng kumpanya. Nag iisang anak ni Mr. Ramon Evangelista. Kailangan makilala ko siya.


Scenario (Sa Bar)


Chinagirl : Cheers! cheers tayo! waiter isang bote pa ng alak! waiter bilisan mo, ang bagal bagal mo naman eh.

Waiter : Eto na po ma'am.

Chinagirl : Cheers! hahaha! ang saya saya! waiter alam mo ba kung bakit ako masaya ngayon? Dahil naka headline nanaman ang mukha ko . Hahaha! Ikagagalit nanaman ng papa ko yan sigurado ako. Sasabihin na naman niyang ikinahihiya nya ako. Hahaha!

Waiter: Ma'am lasing na po kayo.

Chinagirl : Sino me sabi sa iyong lasing na ako. Hindi pa ako lasing oh? Nakakatayo pa ako no?

Waiter : Ma'am wag na po kayo tumayo.

Chinagirl : oppss! na out balance lang ako.


(Sa likod ni Chinagirl, si Pogiboy)


Pogiboy : Miss, lasing na kayo.

Chinagirl : (napalingon sa likod) Sinong lasing? Ako lasing? Sandali sino ka ba?

Pogiboy : Miss, pinagtitinginan ka na ng mga tao. Nakaka eskandalo ka na.

Chinagirl : Saan, sinong nakatingin sa akin? Ah sila ba? kokonti lang yang mga taong yan kumpara sa nagbabasa ng dyaryo. Ano ka ba? hindi mo ba nakikilala ang pagmumukhang ito? Lagi nasa headline ito dahil sa kabalbalang pinag gagawa ko. Pero masaya ako dahil pinagalit ko nanaman ang aking ama. Gustong gusto ko siya magalit sa akin para mapansin niya ako. Alam mo ba yun?


(Nawalan ng malay si Chinagirl)


Pogiboy : Miss, miss. Nakatulog nanaman yata ito.

Waiter : Sir, mukhang nakatulog nanaman si Ms. Heart. Kailangan nyo naman siya tulungan.

Pogiboy : Oo nga eh. Sige ako na ang bahala dito.


(Pogiboy binuhat si Chinagirl palabas ng Bar)


(Hinatid ni Pogiboy si Chinagirl sa bahay nito)


(Bumababa ng sasakyan at nag doorbell)


Security Guard : Ano po ang kailangan nila?

Pogiboy : Dito ba ang bahay ng pamilya Evangelista?

Security Guard : Opo dito nga po. Bakit po?

Pogiboy : Ihahatid ko lang ang anak ng may ari kasi lasing na lasing.

Security Guard : Ah si Miss Heart po. Pasok nyo po ang sasakyan nyo. Sandali po bubuksan ko ang gate.

Pogiboy : Salamat.

Security Guard : Direcho lang po.


(Pumasok ang sasakyan ni Pogiboy. Sa harap ng bahay)


Yaya : Naku, ang batang ito naglasing nanaman. Iho paki dala na lang siya sa itaas sa kwarto niya.

Pogiboy : Sige po manang. Saan po ba?

Yaya : Dito sumunod ka sa akin. Naku sabi ko na nga ba. Mabuti naihatid mo siya dito. Kaibigan ka ba ng batang yan?

Pogiboy : Hindi po. Hindi nga po kami magkakilala.

Yaya : Ganun ba? mabuti naman napaka bait mo para ihatid siya dito. Ihiga mo lang siya sa kama. Maraming salamat sa pagdala mo sa kanya dito.

Pogiboy : Walang anuman. Sige po aalis na ako.

Yaya : Sandali lang wag ka muna umalis. Baka gusto mo mag tea o kape muna.

Pogiboy : Wag na po kayo mag abala. Hinatid ko lang po talaga siya dito kasi baka kung mapano po siya. Lasing na lasing kasi baka may masamang mangyari sa kanya.

Yaya : Hay naku iho. Maraming, maraming salamat sa iyo.

Pogiboy : Sige po aalis na ako.

Yaya : Hahatid na kita sa labas.


(Pababa ng bahay si Pogiboy ng dumating ang ama ni Chinagirl)


Papa : Sino ka? Anong ginagawa mo dito?

Yaya: Sir, hinatid niya lang po si Heart dahil lasing na lasing po. Siya nga pala ang papa ni Heart. Ano nga yung panagaln mo?

Pogiboy : Mark po ang pangalan ko. Hinatid ko lang po ang anak nyo.

Papa : Pasaway na batang yan! Wala ng matinong ginawa kundi magbigay ng kahihiyan sa pamilyang ito. Nasaan na ang batang yan.

Yaya : Nakatulog na po sir.

Papa : Ikaw, ano nga ang pangalan mo?

Pogiboy : Mark po.

Papa : Mark sige salamat sa paghatid ng anak ko dito.

Pogiboy : Walang anuman po.

Papa : Yaya ipaghanda mo ako ng pagkain.

Pogiboy : Sir, tutuloy na po ako.

Papa : (tumango kay Pogiboy at umalis)

Yaya : Pasensya ka na sa papa ni Heart. Pagod lang siguro. Galing kasi sa trabaho. Maraming salamat sa pag hatid kay Heart dito ha?

Pogiboy : Ayos lang po. Sige po tutuloy na ako.

Yaya : Sige iho mag iingat ka ha?

Papa : (pasigaw) Yaya nasaan na ang pagkain ko?

Yaya : Nandyan na po.



Scenario (Dining Room)


Chinagirl : Good morning, pa.

Papa : Ano ito? Bakit nasa headline ka nanaman? Hindi ka na ba talaga titigil sa kahibangan mo? Ano nalang ang iisipin ng ibang tao? Hindi kita kayang disiplinahin?

Chinagirl : Bakit papa? Mas mahalaga pa ba ang iisipin ng ibang tao keysa sa nararamdaman ko? (crying) Mas importante pa ba ang ibang mga tao keysa sa akin? Bakit di mo ako tanungin kung ano ang nangyayari sa akin? Kung bakit ako nagkakaganito? Gusto ko lang naman humingi sa inyo ng konting pagmamahal na simula pa noong bata ako hindi ko naramdaman sa inyo. (crying)

Papa : (tumayo) Yaya tawagin mo ang driver. Sabihin mo aalis na kami.

Yaya : Opo sir.

Chinagirl : Ganun naman talaga kayo papa. Balewala ako sa inyo. Hindi nyo ako pinapakinggan.

Papa : Wala na tayong dapat pag usapan pa. Magpaka tino ka na.

Chinagirl : Meron papa. Marami akong gusto itanong sa inyo. Bakit hindi ko nararamdaman ang pagiging ama mo sa akin. Bakit ang layo layo ng loob mo sa akin.

Papa : Yaya! nasaan na ang driver?

Yaya : Kinukuha na po ang sasakyan.

Chinagirl : Papa, pakinggan nyo naman ako. (crying)


(Umalis ang ama)


Yaya : Iha, marami lang sigurong iniisip ang papa mo.

Chinagirl : Ganun naman talaga siya lagi. Kapag gusto ko siyang kausapin bigla siyang umaalis. (crying)

Yaya : Sige kumain ka na. Syanga pala mabait yung lalaking naghatid sa iyo dito. At ang gwapo pa.

Chinagirl : Lalaking naghatid sa akin?

Yaya : Oo may nag magandang loob na naghatid sa iyo kagabi dahil lasing na lasing ka. Siya pa nga ang nagbuhat sa iyo papunta sa kwarto mo. Mark daw ang pangalan niya. Gwapo siya.

Chinagirl : (nasa isip) Siya rin kaya yung bumuhat at tumulong sa akin nung malasing ako?


Yaya : Anong iniisip mo?

Chinagirl : Wala yaya. May naalala lang ako. Naalala ko lang yung taong tumulong sa akin nung minsang nalasing ako. Nung minsan hindi ako naka uwi ng bahay dahil yung tumulong sa akin dinala ako sa bahay niya. OO nga pala hindi ko pa napapasalamatan ang taong yun.

Yaya : Bakit di mo naman pinasalamatan. Dapat puntahan mo ang taong yun at magpasalamat sa kabutihang ginawa niya sa iyo.

Chinagirl : Pero hindi ko alam kung paano puntahan yung bahay dahil di ko matandaan kung saan. Ah baka si manong alam niya kung saan ang lugar na yun. Yaya, paki tawag si manong.

Yaya : O sige tatawagin ko si manong, pero kumain ka na muna.

Chinagirl : Opo yaya.



(Yaya tinawag ang driver ni Chinagirl)


Yaya : Manong pinapatawag kayo ni Heart.

Manong : Opo nandyan na po.


(Manong papasok ng bahay)


Manong : Pinapatawag nyo raw po ako ma'am.

Chinagirl: Oo manong. May itatanong lang ako sa inyo. Natatandaan nyo pa po ba ang bahay kung saan sinundo nyo ako? nung nakaraang linggo po?

Manong : Ah yung nalasing kayo at may tumulong sa inyo dinala kayo sa bahay nila?

Chinagirl : opo yun nga po. Natatandaan nyo pa po ang address nung bahay?

Manong : Opo natatandaan ko pa ma'am.

Chinagirl : Manong pwede po natin puntahan ang bahay na yun? Hindi pa kasi ako nakapag pasalamat sa taong yun.

Manong : Opo ma'am. Ngayon na po?

Chinagirl : Opo manong ngayon na tayo pumunta dun.

Yaya : Sandali lang! Heart kumain ka muna.

Chinagirl : Wag na yaya. Sa opisina na lang ako kakain. Tayo na po manong.



(Chinagirl at si Manong umalis)



(Papunta sina Chinagirl at Manong sa bahay ni Pogiboy)



Scenario (Binabaybay ang lugar ni Pogiboy)


Chinagirl : (loob ng kotse) Manong sigurado ba kayo dito yun?

Manong : Opo ma'am tandang tanda ko pa ang lugar. Mukhang nandito na tayo.

Chinagirl : Sigurado kayo Manong?

Manong : Sigurado po ako ma'am.



(Chinagirl bumaba ng kotse)


Chinagirl : (doorbell sa gate) (nasa isip) dito nga kaya yun?

Security Guard : Ano po ang kailangan nila?

Chinagirl : Ah guard may hinahanap lang ako? Pwede ba pumasok?

Security Guard : Sino po ang hinahanap nyo?

Chinagirl : Eh hindi ko kasi alam ang pangalan. Basta dito nakatira.

Security Guard : Sorry po ma'am, bawal po magpa pasok ng di kakilala dito.



(Biglang bumukas ang gate, may kotseng palabas)


Kaibigan : (binaba ang bintana ng kotse) Sandali parang kilala kita. Ah ikaw nga. Yung babaing lasing na dinala dito ng kaibigan ko.

Chinagirl : Kilala mo ako?

Kaibigan : Oo naman. Sa bahay ka namin nagkalat at natulog. Tapos bigla ka na lang nawala. Anong ginagawa mo dito?

Chinagirl : Eh gusto ko sana magpasalamat sa iyo sa pagtulong mo sa akin. Maraming salamat ha?

Kaibigan : Wag ka magpasalamat sa akin kasi hindi naman ako ang tumulong sa iyo. Yung mabait kong kaibigan ang nagdala sa iyo dito kasi nakatulog ka na dahil sa sobrang kalasingan.

Chinagirl : Ah ganun ba? Hindi pala ikaw ang tumulong sa akin. Nasaan na yung kaibigan mong tumulong sa akin? Nandyan ba siya? Gusto ko sana magpasalamat sa kanya.

Kaibigan : Wala siya dito may business trip siya. Mamayang gabi pa siya babalik ng bansa.

Chinagirl : Babalik ng bansa?

Kaibigan : Oo nasa ibang bansa siya ngayon. May business meetings doon.

Chinagirl : Ah ganun ba? O sige paki sabi nalang sa kanya, salamat sa pagtulong sa akin.

Kaibigan : Makakarating. Pwede ba? umatras ka muna at baka masagasaan ka?

Chinagirl : Ah o sige.


(Naglalakad papuntang kotse niya si Chinagirl)


Chinagirl : (nasa isip) Nasa abroad ang taong tumulong sa akin? May business meetings daw? Sino kaya siya?
Ah manong sa opisina na po tayo

Manong : Opo ma'am.


(Opisina ni Chinagirl)


Secretary : Ma'am pinapatawag kayo ng papa nyo.

Chinagirl : O sige.


(Opisina ng papa ni Chinagirl)


Chinagirl : Pa, pinapatawag nyo raw po ako.

Papa: OO gusto ko pumunta ka ng HongKong ngayon din. Nakikipag meeting ang isang kalaban natin sa main office ng hotel na sinusuplayan natin. Gusto pa yatang sulutin ang negosyo natin sa hotel na yun. Importanteng hindi nila ma close ang deal dahil malaking account natin yun. Malaki ang mawawala sa atin kapag nakuha ng kalaban ang exclusive distributorship. Madali ka baka maunahan tayo. Kunin mo ang plane ticket mo sa secretary ko. Umalis ka na ngayon din.

Chinagirl : Opo papa.

Papa : (nasa isip) Sino kaya ang nang aagaw ng mga kliyente ng negosyo ko?

Manager 1 : Good morning sir.

Papa : o ikaw pala. Tapos na ang iniutos ko sa iyo?

Manager 1 : Opo sir. Eto na po ang pinapagawa nyo sa akin.

Papa : Chan Corporations? Sila ang kumakalaban sa atin?

Manager 1 : Opo sir. Halos lahat ng malalaking accounts natin pinupuntahan nila at nag ooffer sila ng mas malaking discounts. Kaya lumilipat na po sa kanila ang ibang malalaking account natin. Nababawasan na ang mga valued clients natin na malalaki.

Papa : Ano? Gaddarn it! Paanong nangyari yan? Tawagin mo si Alfred. Madali!

Manager 1 : Opo sir.


(Alfred pumasok sa opisina)


Alfred : Good morning sir.

Papa : Anong nangyayari sa mga malalaking accounts natin? Bakit lumilipat na sa kalaban?

Alfred : We are trying to look into it sir. Balita namin ang mismong Presidente ng kalabang kumpanya ang nakikipag usap sa mga malalaking kliyente natin.

Papa : Darn it! anong ginagawa ni Heart? Alfred, ikaw na muna ang in charge ng marketing. Kailangan matigil ito. Otherwise maba bankrupt tayo. Malaki pa ang binabayaran nating utang sa bangko. Baka makuha pa ng bangko itong negosyong ito. You better do something quick!

Alfred : Opo sir.



Scenario (Dining room)


Chinagirl : Good evening, pa.

Papa : Anong nangyari sa lakad mo?

Chinagirl : Its too late papa. Nakuha na nila ang exculsive disributorship.

Papa : Gaddarn! Kasalan mo ito eh. Kung hindi ka ba nagpabaya hindi mangyayari ito. Ikaw ang marketing manager ng kumpanya. You could have prevented this to happen. Pero anong ginagawa mo? Puro kahihiyan ang binibigay mo sa akin. Ngayon, pati ang negosyo natin nalulugi na dahil sa iyo. Mula ngayon si Alfred na ang hahawak ng marketing. And you are fired!
(tumayo at umalis)


(Chinagirl naluluha sa galit sa ama)


Scenario (Sa Bar)


Chinagirl : (malungkot) Isang boteng alak nga.


(Pogiboy nasa likod ni Chinagirl)


Pogiboy : Bakit mo ako hinahanap?

Chinagirl (napalingon kay Pogiboy) Huh?

Pogiboy : Pumunta ka kanina sa bahay ko. Anong kailangan mo sa akin?

Waiter : Sir! mabuti nandito kayo. Miss. Heart siya nga po pala yun taong tumulong sa inyo.

Chinagirl : Ah ikaw ba? Gusto ko lang sana magpasalamat sa iyo sa pagtulong mo sa akin kaya pumunta ako sa bahay mo.

Pogiboy : I'm Mark. Mark Fernandez.

Chinagirl : Ako si Heart. Heart Evangelista.

Pogiboy : Yeah i know you.

Chinagirl : Talaga? kilala mo na ako? Care for a drink?

Pogiboy : No hindi ako umiinon ng hard drinks.

Chinagirl : Hmm good boy ka pala. You look familiar. Parang nakita na kita.

Pogiboy : Marami lang siguro akong kamukha.

Chinagirl : Sabi nung kaibigan mo kanina, nasa ibang bansa ka daw may meeting. Ano ba ang trabaho mo? If you don't mind my asking.

Pogiboy : Ah wala konting business lang.

Chinagirl : Konting business pero sa ibang bansa pa ang meeting.

Pogiboy : Eh ikaw anong trabaho mo?

Chinagirl : Ako? wala na akong trabaho ngayon eh kasi sinesante ako ng papa ko. Ako ang sinisisi niya sa pag kakalugi ng negosyo namin. Kaya ayun tinanggal niya ako sa trabaho.

Pogiboy : (ring ng cellfone) Sandali lang sasagutin ko lang ang tawag sa akin.


(Chinagirl pinagmamasadan si Pogiboy habang may kausap sa cellfone)


Pogiboy : I have to go may kailangan lang akong aasikasuhin. Nice meeting you. Ah by the way, wag ka magpakalasing walang tutulong sa iyo.

Chinagirl : OO alam ko. Bye.


(itinaas ni Pogiboy ang kamay habang nakatalikod)


Scenario (Opisina ni Pogiboy)


Pogiboy : Nakuha na natin ang halos 60 percent ng mga kliyente ng Evangelista Corporations. Gusto ko malaman kung sino sino pa ang mga malalaking kliyente nila at kailangang makuha natin agad ang mga yun.

Manager 1 : Opo sir. Sa ngayon po, yan pa lang ang nakuha naming impormasyon ng mga kliyente nila.

Pogiboy : Sige ako na ang bahala sa ibang major accounts nila.


(Manager lumabas ng opisina ni Pogiboy)



Flashback


Manager : Sir, Ang history ng Evangelista Corporations ay dating co-partnership pala with Fernandez company. Pero biglang nawala ang partnership ng dalawa at ang Evangelista Corporations na lang ang natira. Hindi alam kung anong nangyari kung bakit nawala ang Fernandez company.

Pogiboy : Hindi alam kung bakit nawala?

Manager : Opo sir. Basta sabi dahil namatay daw sa di malamang dahilan ang may ari ng Fernandez company.



Flash Forward


Pogiboy : (nasa isip) Kailangan mapasaakin ang Evangelista Corporations. Kailangan malaman ko kung bakit namatay si papa.


(Pogiboy tinatawagan si Chinagirl)


Pogiboy : Hi! is this Heart? Heart Evangelista?

Chinagirl : Yes, may i know who's calling please?

Pogiboy : Si Mark ito. Mark Fernandez.

Chinagirl : Ah Mark, my superhero. hahaha! Paano mo nalaman ang cellfone number ko.

Pogiboy : I have my way of looking for something very important.

Chinagirl : Very important? Isa ba sa very important eh ang cellfone number ko.

Pogiboy : Parang ganun na nga. I wonder if you are free mamayang 7 p.m. Wala kasi akong kasama mag dinner at nakakalungkot naman kumain ng nag iisa diba?

Chinagirl : Are you asking me out for dinner?

Pogoboy : Hindi pa ba obvious?

Chinagirl : Ewan ko sa iyo. Hindi ko alam eh.

Pogiboy : Kahit sabihin ko sa iyong ...Pleaseee!

Chinagirl : Well, in that case, nag makaawa ka na, pumapayag na ako. haha

Pogiboy : Great! I'll pick you up tonight at 7 sharp, okey?

Chinagirl : Okey.

Pogiboy : Bye

Chinagirl : Bye


Scenario (Restaurant)


Chinagirl : Ang ganda naman dito.

Pogiboy : For a very special girl, dapat special rin ang lugar.


(Background music playing)

Chinagirl : Hindi ko alam romantic ka pala. Dito mo rin ba dinadala ang mga babaing nakikilala mo?

Pogiboy : Ikaw lang ang unang babaing dinala ko dito.

Waiter : Ano po ang order nyo sir/madam.

Pogiboy : Anong gusto mo?

Chinagirl : Kung anong oder mo yun na rin ang sa akin.


(Pogiboy itinuturo sa waiter ang iniorder habang pinagmamasadan ni Chinagirl)


Pogiboy : Nabanggit mo sinesante ka ng papa mo.

Chinagirl : Oo kaya jobless na ako ngayon.

Pogiboy : Anong dahilan at sinesante ka ng papa mo.

Chinagirl : Ako ang sinisisi niya sa pag kakalugi ng negosyo namin.

Pogiboy : Ano ba ang negosyo nyo?

Chinagirl : Major distributor kami ng beverage sa malalaking hotel. Kaya lang may pumapasok na isang kumpanya at nakukuha na nila ang mga kliyente namin. Kaya ako ang sinisisi ng papa ko kasi dahil daw sa akin kaya nawawala na ang ibang kliyente namin.

Pogiboy : Bakit sa iyo sinisisi ng papa mo. Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Kapag maganda ang pinagsamahan ng kliyente nyo at kayo hindi naman makukuha ng kalaban ang account nyo.

Chinagirl : Ganun naman lagi si papa. Wala na siyang nakitang tama sa akin. Alam mo ba galit na galit ako sa papa ko?


Pogiboy : Hindi ka dapat magalit sa ama mo. Kahit anong mangyari ama mo pa rin siya.


(Waiter sineserve ang pagkain)



(Pogiboy at Chinagirl kumakain habang may magandang music sa background)



Scenario (Sa labas ng bahay ni Chinagirl)



Chinagirl : Thank you sa dinner, nag enjoy ako.

Pogiboy : Ako nga dapat ang mag thank you sa iyo dahil sinamahan mo akong mag dinner. Dahil sa iyo hindi malungkot ang dinner ko ngayong gabi.

Chinagirl : Alam mo ikaw ang galing mo mambola.

Pogiboy : Seryoso ako. Ngayon lang ako nag dinner na kasama ang pinaka importanteng tao sa buhay ko ngayon.

Chinagirl : Naku gabi na. Sige na at baka maniniwala na ako sa lahat ng sasabihin mo. hahaha! Good night.

Pogiboy : Goodnight.



(Pogiboy hinalikan si Chinagirl sa pisngi)



Pogiboy : (papasakay na ng kotse) May gagawin ka ba tomorrow night?

Chinagirl : Wala naman, bakit?

Pogiboy : I'll pick you up tomorrow night.

Chinagirl : Okey.

Pogiboy : Bye.

Chinagirl : Ingat ka sa pag dadrive.

Pogiboy : (tumango at nangiti) okey.



(Pogiboy sumakay ng kotse at umalis)



Scenario (Bahay ni Pogiboy)


Kaibigan : Busy ka na sa trabaho mo kaya di na tayo nakakapag bonding.

Pogiboy : Marami akong inaasikaso ngayon eh.

Kaibigan : Napansin ko mukhang masaya at blooming ka ngayon ah. May nagpapa saya na ba sa iyo? Yun bang babaing tinulungan mo noon?

Pogiboy : Si Heart? Kaibigan ko lang yun.

Kaibigan : Kaibigan o Ka-i-bi-gan.

Pogiboy : (nakangiti) Kaibigan!

Kaibigan : Kung kaibigan lang eh bakit nangingislap yang mga mata mo nung binanggit mo ang pangalan niya. Parang in love ka na yata dun sa babaing yun eh.

Pogiboy : Sabi ng kaibigan ko lang yun. At may pangalan ang sinasabi mong babaing yun. Heart ang pangalan niya.

Kaibigan : Wag ka na magkaila sa akin. Sa tagal natin magkasama kabisado na kita.

Pogiboy : (natatawa) Ikaw ang bahala kung anong gusto mo isipin.

Kaibigan : O saan ka pupunta?

Pogiboy : Matutulog na. Maaga pa ako gigising bukas.



GAP 1


Scenario (Opisina ni Pogiboy)



Manager 1 : Sir narito na po ang sales report this month.

Pogiboy : Gusto ko makuha natin itong pinaka malaking account ng Evangelista Corporation. Kunin mo lahat ng impormasyon tungkol sa kliyenteng ito.

Manager 1 : Opo sir

Pogiboy : (nasa isip) Kapag nakuha ko ang pinakamalaking account na yan ng Evangelista Corporation, lalong malulubog ang negosyo ni Ramon Evangelista. Mababawi ko na rin ang kumpanyang kinuha niya sa aking ama.


(Pogiboy sinundo si Chinagirl sa bahay nito)


Pogiboy : You are so beautiful.

Chinagirl : Thank you. Saan ba tayo pupunta?



(Chinagirl sumakay sa kotse ni Pogiboy at umalis)


(Pogiboy at Chinagirl naglalakad papunta sa isang yate)


Pogiboy : Takot ka ba sa dagat?

Chinagirl : Hindi ako takot sa dagat.

Pogiboy : Dahan dahan baka ma out balance ka.

Kapitan ng yate : Good evening sir.

Pogiboy : Good evening. Hindi ba maalon?

Kapital ng yate : Hindi sir. Tahimik po ang dagat.

Pogiboy : Good.

Kapitan ng Yate : Dito po tayo sir. Nakahanda na po ang dinner nyo.

Pogiboy : Salamat.


Scenario (Sa pina itaas ng yate, nakahanda ang isang magarang dinner table na may masarap na pagkain at champange)


Chinagirl : Lagi ka ba dito?

Pogiboy : Kapag gusto ko mag relax, dito ako pumupunta.

Lagrimas (Episode 6: Passion)



Scenario (Passionate lovemaking nina Pogiboy at Chinagirl)


(Pogiboy at Chinagirl masaya habang kumakain ng dinner)


Scenario (sa may deck ng yate pinagmamasdan nina Pogiboy at Chinagirl ang kagandahan ng mga bituin sa langit)


Chinagirl : (habang nakatingala sa langit) Ang ganda ng langit at mga bituin.


(Chinagirl napatingin kay Pogiboy)

Pogiboy : I love you, I really do.

Chinagirl : I love you too.


(Pogiboy hinalikan si Chinagirl sa labi)






Scenario (Opisina ng ama ni Chinagirl)


Papa : What's going on? Anong nangyayari sa mga kliyente natin? Bakit isa isa ng nawawala?

Alfred : Sir, successful ang ginagawang strategy para makuha ang mga kliyente natin ng kalaban.

Manage 1 : OO nga po sir. Magaling daw makipag deal ang Presidente ng Chan Corporations.

Manager 2 : Infact sir, may nakapagsabi sa akin, yung isang malaking kilyente natin makikipag deal daw mamayang gabi ang Presidente ng Chan Corporations.

Papa : Mamayang gabi?

Manager 2 : Opo sir. May nakapagsabi sa akin. Magkakaroon daw ng dinner meeting ang Presidente ng Chan Corporations at yung isang malaking kiliyente natin. Sa isang malaking hotel daw gaganapin ang business meeting nila.

Papa : Gusto ko alamin mo kung saan ang meeting nila.

Manager 2 : Opo sir.

Papa : Alfred samahan mo ako mamaya. Pupunta tayo kung saan mag memeeting ang kliyente natin at ang Presidente ng Chan Corporations.

Alfred : Opo sir.



Scenario (Dinner meeting ni Pogiboy at isang kliyente sa isang hotel)


(Pumasok ang Papa ni Chinagirl at nakita ang mesa kung saan kausap ni Pogiboy ang isa sa malaki nilang kliyente)


(Papa ni Chinagirl lumapit sa mesa nina Pogiboy)


Client 1 : (nagulat) Mr. Evangelista. What a surprise nadito rin pala kayo.

Papa : We are just having dinner. So kumusta na kayo. How's your business doing?

Client 1 : Very good, Mr. Evangelista. Siyanga pala this is Mr. Fernandez. (ipinakilala si Pogiboy kay Mr. Evangelista) Mr. Fernandez this is Mr. Evangelista.

Pogiboy : (kinamayan si Mr. Evangelista) Kumusta po kayo Mr. Evangelista.

Papa : I know you. Ikaw yung naghatid ng anak sa bahay, hindi ba?

Pogiboy : Ako nga po.

Client 1 : Magkakilala na pala kayo.

Papa : Mr. Fernandez. May mga kakilala akong Fernandez.

Pogiboy : Ganun po ba? Marami po kasi akong ka apelyido. Common po ang apelyidong Fernandez dito sa Pilipinas.

Papa : Tama nga. Mukhang may mahalaga kayong pinag uusapan baka nakaka abala ako sa inyo. I have to go to my table now. Nice meeting you again Mr. Fernandez.

Pogiboy : Mark na lang po. I'm glad that we've now been formally introduced.


(Umalis at pumunta na si Mr. Evangelista sa mesa nila)



GAP 4



Scenario (Bahay ni Chinagirl)


(Dining room)


Chinagirl : Good morning, pa.

Papa : Saan mo nakilala si Mark Fernandez?

Chinagirl : Paano nyo nalaman ang tungkol sa kanya?

Papa : Gusto kong alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya.

Chinagirl : Sandali lang papa, so why the sudden interest on him? Bakit bigla kayong interesado sa isang kaibigan ko?

Papa : Gusto ko lang kilalanin mo sya ng mabuti.

Yaya : Nandyan na po ang driver sir.

Papa : I have to go.

Chinagirl : Ingat kayo papa.



Scenario (Pogiboy at Chinagirl naglalakad sa isang mall)


Chinagirl : Magkakilala ba kayo ng papa ko?

Pogiboy : Bakit mo naitanong?

Chinagirl : Kasi kanina tinanong niya ako kung saan kita nakilala.

Pogiboy : Nagkita na kami nung inihatid kita sa bahay nyo nung malasing ka.

Chinagirl : Ah talaga? Kaya pala nakilala ka ni papa.

Pogiboy : O anong gusto mo? Gusto mo ba ng ice cream?

Chinagirl : Kahit ano okey lang sa akin. Basta kasama lang kita masaya na ako.

Pogiboy : Masarap ang ice cream dito.



(Pogiboy at Chinagirl pumasok sa isang ice cream house)


(Pogiboy at Chinagirl nagkukulitan habang kumakain ng ice cream)


Pogiboy : Aside from beverage business, ano pa ang negosyo ng papa mo?

Chinagirl : Si papa may mga real estate business rin siya. May plantation ng mga fruits and flowers na ini export sa ibang bansa. Kung may free time ka puntahan natin minsan ang plantation namin.

Pogiboy : Sige. Gusto ko rin makita ang sinasabi mong plantation nyo.

Chinagirl : Magugustuhan mo ang plantation ng fruits and flowers namin dahil sa ganda ng place.


Scenario (Plantation)


(Pogiboy and Chinagirl binabaybay ang mahabang daan papuntang Plantation)


(Papasok ng Plantation)


Katiwala 1 : Magandang araw po ma'am.

Chinagirl : Magandang araw din sa inyo.

Katiwala 1 : Naghihintay na po si Mang Jose sa inyong pagdating.

Chinagirl : Maraming salamat po.


(Pumasok sa Plantation ang sasakyan nina Pogiboy at Chinagirl)


(Isang magandang tanawin ang makikita habang papalapit na sila sa isang rest house ng pamilya Evangelista)


Scenario (Rest House ng mga Evangelista)


Katiwala 2 : Magandang araw po ma'am.

Chinagirl : (nakita si Mang Jose) Mang Jose! kumusta na po kayo. Ang tagal na natin hindi nagkita.

Mang Jose : Iha, hindi ka ba nahirapan bumiyahe dito?

Chinagirl : Hindi naman po. Siyanga pala ito si Mark. Mark ito si Mang Jose. Siya ang katiwala ng papa. Siya ang kaibigan ng papa simula noong bata pa sila. Hindi na iba ang tingin namin sa kanya. Para na rin miyembro ng pamilya namin si Mang Jose.

Pogiboy : Ikinagagalak ko po kayong makilala.

Mang Jose : Ako rin iho. Halina Kayo. May inihanda akong pagkain para sa inyo.

Chinagirl : Mang Jose, kumusta naman po ang taniman ng mga bulaklak. Yun kasi ang lagi kong pinupuntahan kapag nandito ako.

Mang Jose : Maganda ang harvest ngayong taon.

Chinagirl : Pwede po ba mamasyal mamaya sa plantation ng mga bulaklak?

Mang Jose : OO pwede. Maupo na kayo. Ipinaghanda ko kayo ng mga paborito mong pagkain.

Chinagirl : Wow! Ito talaga ang namimiss ko. Ang mga ganitong pagkain.

Mang Jose : O sige maiwan ko na muna kayo at nang makakain na kayo.

Chinagirl : Maraming salamt po Mang Jose.

Pogiboy : Salamat din po.

Mang Jose : Sige na kumain na kayo.


(Mang Jose umalis at naiwan sina Pogiboy at Chinagirl kumakain sa mesa)



Scenario (Plantation ng mga bulaklak)


(Pogiboy at Chinagirl tumutulong mag harvest ng mga bulaklak)

(Pogiboy at Chinagirl nilibot ang farm sakay ng kabayo)




Scenario (Kinagabihan sa terrace ng Rest House)


(Habang nakatanaw sa beranda si Pogiboy)


Mang Jose : Baka gusto mo uminom ng lambanog. Meron akong naitago.

Pogiboy : Hindi po ako umiinom ng labanog o kahit anong alak.

Manong Jose : Akala ko kagaya ka rin ng mga kaibigan ni Heart na pumupunta dito. Gustong gusto nila ang lambanog.

Pogiboy : Matagal nyo na po pala kilala ang papa ni Heart.

Manong Jose : Ah oo. Bata pa kami, magkasama na kami ng papa ni Heart. Halos sabay kami lumaki.

Pogiboy : Ganun po ba? Eh di kilalang kilala nyo po si Mr. Evangelista.

Mang Jose : OO naman.

Pogiboy : Ang laki pala ng farm na ito ni Mr. Evangelista.

Mang Jose : Pangarap lang ni Ramon ito noon.

Pogiboy : Pangarap lang po?

Mang Jose : oo isang pangarap lang na natupad.

Pogiboy : Akala ko minana ito ng ama ni Heart sa kanyang mga magulang.

Mang Jose : Hindi. Dating tauhan lang ang ama ni Ramon sa lupaing ito. Ngunit dahil sa likas na matalino ni Ramon, napasakanya ng lupaing ito.

Pogiboy : Ano po ang ibig nyong sabihin.

Mang Jose : Ang unang nagmamay-ari ng lupaing ito ang ang pamilya Fernandez. Si Adolfo ang isang mayamang kaibigan ni Ramon noon. Naging matalik silang mag kaibigan. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang umibig sila pareho sa iisang babae. Naging kasintahan ni Ramon si Marcela. Ngunit si Adolfo ang pinakasalan niya. Labis na nasaktan si Ramon kaya umalis siya at pumunta ng Maynila. Ngunit bago siya umalis dito, ipinangako ni Ramon sa sarili na lahat ng pag aari ni Adolfo ay aangkinin niya.

Pogiboy : (nanlumo dahil sa narinig na kwento ni Mang Jose) Kaya pati itong lupain inangkin rin niya.


Mang Jose : Pinagsikapan ni Ramon maangkin ang lupaing ito.

Lagrimas (Episode 7: War)



Scenario (sa sasakyan pauwi ng Maynila)

Chinagirl : Kanina ka pa tahimik.

Pogiboy : Medyo pagod lang ako.

Chinagirl : Enjoy ka ba?

Pogiboy : OO nag enjoy ako.


(Chinagirl hinalikan si Pogiboy)



Scenario (bahay ni Pogiboy)


Pogiboy : (naiiyak sa galit) Kung naangkin man niya ang lahat ng pag aari ni papa, babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa papa ko.

Kaibigan : Pare, may problema ba?

Pogiboy : Wala.

Kaibigan : Bakit parang may malalim kang iniisip?

Pogiboy : Marami lang trabaho sa opisina.

Kaibigan : Siguro dapat magbakasyon ka naman kahit ilang araw lang.

Pogiboy : Okey lang. Sige magpapahinga na ako.

Scenario (Sa kuwarto ni Pogiboy)



Pogiboy : (nakatingin sa larawan ng kanyang ama't ina) Nagkaroon ng kaugnayan ang mama kay Ramon Evangelista?


(Flashback sa nagpag usapan nila ni Mang Jose)


Mang Jose : Pangarap lang ni Ramon ito noon.

Pogiboy : Pangarap lang po?

Mang Jose : oo isang pangarap lang na natupad.

Pogiboy : Akala ko minana ito ng ama ni Heart sa kanyang mga magulang.

Mang Jose : Hindi. Dating tauhan lang ang ama ni Ramon sa lupaing ito. Ngunit dahil sa likas na matalino ni Ramon, napasakanya ng lupaing ito.

Pogiboy : Ano po ang ibig nyong sabihin.

Mang Jose : Ang unang nagmamay-ari ng lupaing ito ang ang pamilya Fernandez. Si Adolfo ang isang mayamang kaibigan ni Ramon noon. Naging matalik silang mag kaibigan. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang umibig sila pareho sa iisang babae. Naging kasintahan ni Ramon si Marcela. Ngunit si Adolfo ang pinakasalan niya. Labis na nasaktan si Ramon kaya umalis siya at pumunta ng Maynila. Ngunit bago siya umalis dito, ipinangako ni Ramon sa sarili na lahat ng pag aari ni Adolfo ay aangkinin niya.

Pogiboy : (nasa isip) Babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa aking ama.



Scenario (Opisina ng ama ni Chinagirl)



Manager 1 : Eto na po ang ipinagawa nyo tungkol kay Mark Fernandez.

Papa : (habang binabasa biglang kinabahan) Siya ang anak ni Adolfo Fernandez? Hindi, hindi maari ito. Siya ang anak ni Adolfo.



Samantala..


(Pinuntahan ni Pogiboy si Chinagirl sa bahay)

Pogiboy : Magandang araw po. Nandyan po ba si Heart?

Yaya : Ay naku Mark, kaaalis lang ni Heart. Pupunta siya sa Plantation. Nagkaroon yata ng problema doon.

Pogiboy : Ganun po ba? Sige po pupuntahan ko siya sa Plantation.

Yaya : O sige.

Pogiboy : Tutuloy na po ako.

Yaya : Sige Mark mag iingat ka.

Pogiboy : Salamat po.


(Pogiboy sumakay ng kotse at umalis)



GAP 2



Scenario (Sa Plantation nina Chinagirl)

(Kausap ni Chinagirl si Mang Jose sa may pataniman ng mga bulaklak)


Mang Jose : Nagrereklamo ang mga trabahante dahil sa delayed daw ng tatlong buwan ang sweldo nila. Ang iba gusto ng umalis, wala ng makain ang kanilang mga pamilya.

Chinagirl : Alam na ni Papa ang tungkol dito. Sinabihan ko na siya. Mahina ang orders natin. Nagbawas ng quota ang taga ibang bansa dahil sa crisis. Sana maintidihan nila ang hirap ng negosyo ngayon.

Mang Jose : Hindi nila maiintindihan kapag kumakalam na ang mga sikmura ng mga pamilya nila.

Chinagirl : Naiintindihan naman po namin sila. Sige po Mang Jose, tutulong muna ako sa pag aayos ng mga bulaklak dito.

Mang Jose : Opo ma'am.



(Dumating sa Plantation si Pogiboy)


Close up sa mata ni Pogiboy na nagniningning sa saya…(camera zoom out sakto sa face na nakangiti) Pinagmamasdan si Chinagirl ng di niya alam.


Close up sa mata ni Chinagirl na ubod ng saya (camera zoom out sakto sa face na nakangiti)


(Pogiboy nasa likod ni Chinagirl)



Pogiboy : Charaaan!

Chinagirl : (napalingon sa likod) Ginulat mo naman ako. Para sa akin yan?

Pogiboy : Sino pa ba sa tingin mo ang bibigyan ko ng bulaklak? Ikaw lang naman ang taong gusto kong bigyan ng bulaklak.

Chinagirl : Huhumm! nambola ka nanaman.

Pogiboy : Hindi pambobola ang sinasabi ko. Ikaw lang talaga ang nais kong bigyan ng bulaklak.

Chinagirl : Anong ginagawa mo dito. Akala ko ba may business trip ka.

Pogiboy : Pinakansel ko ang trip. Mamimiss kasi kita kapag umalis ako.

Chinagirl : Ikaw talaga araw araw na tayo magkasama, di ka pa ba nagsasawa sa akin?

Pogiboy : Hinding hindi ako magsasawa sa iyo kahit kaylan man. Isang minuto lang di kita makita miss na agad kita.

Chinagirl : Nambola ka pa. If i know kapag wala ako, malay ko ba may ibang babae kang kasama.

Pogiboy : Sumpa man ikaw lang talaga.

Chinagirl : OO na naniniwala na ako sa iyo. Nabola mo nanaman ako. hahahaha!

Mang Jose : Ma'am nandito po ang papa nyo. Hinahanap po kayo.

Chinagirl : Nandito si papa? Anong ginagawa nya dito? Halika Mark puntahan natin si papa.

(Sumunod sina Chinagirl at Pogiboy kay Mang Jose papuntang rest house)



GAP 3



Scenario (Sa rest house)


Chinagirl : Papa! anong ginagawa nyo dito?

Pogiboy : Magandang araw po.

Papa : Anong ginagawa mo dito?

Chinagirl : Pa, dinadalaw lang po ako ni Mark.

Papa : Paano mo nalaman ang lugar na ito.

Chinagirl : Papa, dinala ko na po dito si Mark noong isang araw. Kaya alam na po niya ang Plantation natin.

Papa : Pwede ka na umalis. Iwan mo na kami dito.

Chinagirl : Papa! bisita ko po si Mark. Bakit nyo siya pinapaalis?

Pogiboy : It's okey Heart. Aalis na ako. I'll see. (umalis)

Chinagirl : Sandali lang Mark, Papa, what's wrong with you? Bisita ko siya bakit mo siya pinapaalis? Ano bang problema?

Papa: Hindi mo na dapat pang malaman.

Chinagirl : Anong hindi ko dapat malaman, papa.

Papa : Iwasan mo ang lalaking yun, Heart.

Chinagirl : Hindi ko siya pwedeng iwasan papa, dahil boyfriend ko na siya. Mahal na mahal ko si Mark, papa!

Papa : Anong sinabi mo? Boyfriend mo na yung Mark na yun?

Chinagirl : Opo papa. Mahal na mahal ko siya at mahal na mahal rin niya ako.

Papa : Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng mahalin!

Chinagirl : Bakit hindi pwede papa? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin?

Papa : (galit) Sundin mo ako Heart. Hindi mo siya pwedeng mahalin. Naiinditindihan mo ba?

Chinagirl : Hindi papa. Hindi kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko pwedeng mahalin si Mark.

Papa : (galit) Wag mo akong suwayin sa pagkakataong ito. Sinasabi ko na sa iyo. Iwasan mo yang Mark na yan.

Chinagirl : (umiiyak) Hindi papa. Hindi ko magagawa yan. Mahal na mahal ko si Mark. (umalis)

Papa : Heart bumalik ka dito. Heart!

Mang Jose : Pabayaan mo muna siya.

Papa : Hindi nya pwedeng mahalin ang anak ng taong napatay ko.

Mang Jose : Anong ibig mong sabihin, Ramon?

Papa : Siya ang anak ni Adolfo. Ang lalaking napatay ko.

Mang Jose : Si Mark ang anak ni Marcela?

Papa : OO Jose. Siya ang anak ni Adolfo at Marcela.

Mang Jose (nasa isip) : Kung si Mark ang anak ni Marcela, ang ibig sabihin, siya ang anak mo kay Marcela. Ikaw ang ama ni Mark.

Mang Jose : Ramon, may dapat kang malaman.

Papa : ano yun?


(Bago nakapag salita si Mang Jose dumating ang isang trabahante)


Trabahante 1 : Sir, nakahanda na po ang mga tao sa bulwagan para makipag usap sa inyo.

Papa : Sige pupunta na ako. (umalis)

Mang Jose : (nasa isip) kailangang malaman ni Ramon ang katotohanang siya ang tunay na ama ni Mark at hindi si Adolfo. Si Mark ang anak nila ni Marcela.



GAP 4



Scenario (Chinagirl habang nagmamaneho ng kotse)

Chinagirl : (tinatawagan ang cellfone ni Pogiboy) Come on, Mark, answer the phone.


(Pogiboy nagmamaneho, naririnig ang ring ng cellfone pero di sinasagot)



Scenario (Opisina ni Pogiboy)


Secretary : Sir, may naghahanap po sa inyo.

Pogiboy : Papasukin mo.

Inspector : Good morning po sir.

Pogiboy : Ikaw pala inspector. Kumusta na ang pina iimbistigahan ko sa inyo?

Inspector: May bago po kaming natuklasan sa kaso ng papa nyo sir.

Pogiboy : Anong bagong natukalsan nyo, inspector.

Inspector : Ayon sa pasisiyasat ng mga tauhan ko, si Ramon Evangelista po ang pumatay sa inyong ama.

Pogiboy : (nabigla) Si Mr. Evangelista ang pumatay sa aking ama?

Inspector : Opo sir. May testigo po kaming nakuha na willing mag testify na si Ramon Evangelista ang pumatay sa inyong ama.

Pogiboy : Gusto kong pabuksan uli ang kaso ng aking ama sa lalong madaling panahon.

Inspector : Opo sir.



(Chinagirl tinawagan si Pogiboy)


Chinagirl : Hello Mark pwede ba tayo magkita?

Pogiboy : Yeah sige.

Chinagirl : Doon sa dati.

Pogiboy : Okey i'll be there.



Scenario (Sa Bar)


(Dumating sasakyan ni Pogiboy)

(Pogiboy bumaba at pumasok sa bar)


Chinagirl : Mark!

(Pogiboy lumapit kay Chinagirl)

Chinagirl : I'm sorry about yesterday. Hindi ko alam kung bakit ginawa ng papa ko yun sa iyo.

Pogiboy : Okey lang.

Chinagirl : Hindi okey sa akin yun.

Pogiboy : No, really it's okey. Wag na natin pag usapan ang nangyari. Let's go.

Chinagirl : Saan tayo pupunta?

Pogiboy : Basta somewhere.

Chinagirl: Okey



(Pogiboy at Chinagirl umalis sa bar)

Chinagirl : Saan ba talaga tayo pupunta?

Pogiboy : Dito lang.

Chinagirl : Simbahan?

Pogiboy : Yup!


(Papasok ng simbahan sina Pogiboy at Chinagirl may batang lumapit sa kanila)

Batang babae : Sir, bumili na kayo ng bulaklak. Ay kayo pala sir.

Chinagirl : Teka natatandaan kita. Hindi ba ikaw yung nagbigay ng bulaklak sa akin. At sabi mo inutusan ka lang na ipinabibigay ang mga bulaklak na yun sa akin?

Batang babae : Opo ako nga po. Siya po ang nagpapabigay ng bulaklak sa inyo (sabay turo kay Pogiboy ng batang babae)

Pogiboy : (habang sumisenyas sa batang babae na wag sabihin) Uy bata magkano yang bulaklak mo? Bibilhin ko na lahat.

Chinagirl : Sandali lang ang ibig mo sabihin siya ang nagpapabigay ng bulaklak? (tinuturo ni Chinagirl si Pogiboy)

Batang babae : Opo siya po. Siya rin po ang nagsabi na sabihin ko sa inyo na ang nagpapabigay ay isang ubod ng pangit na lalaki at nakakatakot ang mukha.

Pogiboy : Sige na bata bibilhin ko na lahat ng bulaklak mo.

Chinagirl : Ibig mo sabahin nakita mo na ako dito sa simbahan?

Pogiboy : Binibiro ko lang yung bata. Sige na pumasok na tayo.

(Pumasok sina Pogiboy at Chinagirl sa loob ng simbahan, lumuhod at nagdasal)

Pogiboy : (nasa isip, nakatingin kay Chinagirl na nakapikit habang nagdarasal) I'm sorry Heart. Alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Pero kailangan kong gawin ito para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aking ama at pati na rin ang akin ina.



Lagrimas (Episode 8: Deception)



(Sasakyan papasok sa bahay ni Chinagirl)


(Chinagirl bumaba ng kotse pumasok sa bahay)


(Sa sala naka upo sa sofa ang ama)


Papa: Heart, mag usap tayo.

Chinagirl : Wala na tayong dapat pag usapan, papa.

Papa: May dapat kang malaman tungkol kay Mark Fernandez.

Chinagirl : Ayoko na marinig kung ano man ang sasabihin nyo. Mahal na mahal po ko si Mark, papa.

Papa : Heart, makinig ka sa akin. Hindi mo pwedeng mahalin si Mark. Masasaktan ka lang.

Chinagirl : Bakit papa? anong alam nyo sa pag mamahal? Marunong ba kayo magmahal? (umalis)

Papa : Heart!



GAP 1


Scenario (Bahay ni Chinagirl)


(Dining table)


Papa : Yaya, gising na ba si Heart?

Yaya : Natutulog pa po sir.


(Security guard humahangos na pumasok sa bahay)


Security Guard : Sir, nagpupumilit po silang pumasok.

Police 1 : Mr. Ramon Evangelista?

Papa : Ako nga? Anong kailangan nyo?

Police 2 : May dala po kaming Warrant of Arrest para sa inyo.

Papa : Warrant of Arrest?

Police 1 : Inaaresto po namin kayo sa salang pagpatay kay Adolfo Fernandez.

Police 2 : Sumama na po kayo sir.

Papa : Sandali lang tatawagan ko muna ang lawyer ko.

Polive 1 : Sumama na po muna kayo sa amin.


Chinagirl : Ano nangyayari dito? Sino ang mga taong ito?

Yaya : Heart, mga Police daw sila. Inaaresto nila ang papa mo.

Chinagirl : Bakit nyo inaaresto ang papa ko? Anong kasalanan ng papa ko? Papa, ano ito? Bakit ka nila inaaresto?

Papa : Heart, tawagan mo si Atty. Santos. Sabihin mo pumunta agad dito.

Chinagirl : Opo papa.

Police 1 : Sa presinto na po tayo.

Chinagirl : Sandali lang. Ano ba ang kasalanan ng papa ko?

Police 2 : Sumunod na lang po kayo sa presinto.

Chinagirl : Sandali lang.

Papa : Sige na Heart. Tawagan mo si Atty. Santos at sabihin mo pumunta agad sa presinto.


(Dinala ng mga Police ang kanyang ama)



GAP 2



Scenario (Presinto)


(Dumating si Chinagirl kasama si Atty. Santos)


Chinagirl : Papa, what's going on? Bakit ka nila inaresto?


(Atty. Santos kausap ang officer ng Presinto)


Atty Santos : (lumapit sa kliyente) Mr. Evangelista, hindi po tayo makakakuha ng bail.


(Papa ni Chinagirl dinala para sa police proceedings)


Chinagirl : What's going on papa? Atty, anong nangyayari? Bakit inaresto nila ang papa ko?

Atty Santos : Inaresto ang papa mo sa salang pagpatay kay Adolfo Fernandez.

Chinagirl : Pagpatay? Hindi kita maintindihan?

Atty Santos : May napatay ang ama mo Heart. Matagal ng nangyari ngunit sabi ng mga police na may isang saksi at payag tumestigo laban sa papa mo.

Chinagirl : (umiiyak) Hindi totoo ang binibintang nila sa papa. Saan nila dadalhin ang papa ko?

Atty Santos : I'm afraid ikukulong nila ang papa mo.



Scenario ( Ang paglilitis)


(Habang tinatanong ng abogado ng nag aakusa si Mr. Evangelista, pumasok si Pogiboy)


(Nagulat si Chinagirl ng makita si Pogiboy umupo sa kinaroroonan ng mga nag aakusa sa kanyang ama)


Chinagirl : (nasa isip) Bakit kasama ni Mark ang mga taong nag demanda sa papa ko?


(Pagkatapos ng paglilitis)


Korte : Napatunayan ng korteng ito na ikaw Ramon Evangelista ay nagkasala ng papatay kay Adolfo fernandez. Hinahatulan ka ng hukumang ito ng pagkakabilanggo ng habang buhay.

Chinagirl : (napaiyak sa narinig na desisyon ng korte) Papa!



(Pogiboy tumayo at umalis)


(Chinagirl sinudan si Pogiboy)


Chinagirl : Mark, anong ibig sabihin nito?

Pogiboy : I'm sorry Heart.


(Pogiboy umalis hinabol ni Chinagirl)


Chinagirl : (nagtataka) What do you mean?

Pogiboy : (galit) Don't you get it? Ang ama mo ang pumatay sa ama ko.

Chinagirl : (umiiyak) Hindi, hindi totoo yan!

Pogiboy : (galit) Pinatay ng ama mo ang ama ko, Heart! Naiintindihan mo ba? Ito ang nararapat sa kanya. Dapat nyang pagdusahan ang ginawa nyang pagpatay sa papa ko.


(Chinagirl sinampal si Pogiboy)


Chinagirl : (umiiyak) Matagal mo na bang alam ito? Pinagplanuhan mo ba ito? Am i part of the plan? Tell me!

Pogiboy : I'm sorry, it's over between us.

Chinagirl : (umiiyak) I hate you! I hate you for doing this to my papa!


(Pogiboy umalis, Chinagirl naiwang umiiyak)



GAP 3


Scenario ( Kulungan ng ama)


Chinagirl : (umiiyak) Papa, How could you do this to me? Bakit?

Papa : I'm so sorry Heart.

Chinagirl : (umiiyak) Papa.


(Chinagirl niyakap ng mahipit ang ama)


(Bahay ni Pogiboy)


Kaibigan : Pare, may naghahanap sa iyo, Mang Jose daw ang pangalan.

Pogiboy : Nasaan siya?

Kaibigan : Nasa labas.



(Pogiboy lumabas at hinarap si Mang Jose)


Pogiboy : Bakit po kayo naparito?

Mang Jose : May gusto sana akong ipagtatapat sa iyo.

Pogiboy : Ano po yun?

Mang Jose : Tungkol kay Ramon.

Pogiboy : Wala na po tayong dapat pag usapan tungkol sa taong yun. Makaka alis na po kayo.

Mang Jose : Siya ang iyong ama.



(Pogiboy natigilan sa narinig)


Mang Jose : Si Ramon ang tunay mong ama. Ikaw ang anak ni Ramon kay Marcela. Nang gabing napatay ni Ramon si Adolfo, Ipinagtapat ng inyong ina kay Adolfo na si Ramon ang tunay mong ama. Hindi matanggap ni Adolfo ang natuklasan kaya sinugod niya si Ramon upang patayin. Ngunit siya ang napatay ni Ramon.

Pogiboy : (pasigaw) Ano ba ang sinasabi mo! Hindi totoo yan! Umalis ka na baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo!

Mang Jose : Hindi alam ni Ramon na may anak siya kay Marcela.

Pogiboy : (galit na sumigaw) Umalis na kayo!

Mang Jose : Hindi alam ni Ramon na anak ka niya.

Pogiboy : (Pasigaw) Umalis na kayo!

(Umalis si Mang Jose)

(Galit na galit si Pogiboy sa ipinagtapat ni Mang Jose)

(Pogiboy sumakay ng kotse at nagdrive ng hindi alam kung saan pupunta)

Pogiboy : (nagdadrive nagngingitngit sa galit habang lumuluha) : Hindi siya ang ama ko! Hindi! (sumigaw ng malakas dahil sa galit)


(Pogiboy bumuhos ang luha pinatulin ang pagmamaneho ng kotse biglang pumreno nabangga sa isang punong kahoy)




Scenario (Hospital Room)


Kaibigan : Kumusta ka na pare?

Pogiboy : Anong nangyari? Nasaan ako? (pilit tumayo) ahh!

Kaibigan : Wag ka muna tumayo baka di mo pa kaya.

Pogiboy : Anong nangyari?

Kaibigan : Nandito ka sa ospital. Nabangga ang minamaneho mong sasakyan.

Mr. Chan : O Mark gising ka na pala. Okey naman ang mga x-rays at tests na ginawa sa iyo. Magpahinga ka lang muna baka bukas pwede ka na lumabas dito.

Pogiboy : Mr. Chan, pasensya na po.

Mr. Chan : Alam kong may pinagdadaanan kang problema Mark. Kung kailangan mo ang tulong ko wag ka mag atubiling magsabi.

Pogiboy : Problemang personal ko po ito. Ayoko na po madamay pa kayo. Napakalaki na po ng naitulong nyo sa akin.

Mr. Chan : Mark willing ako tumulong sa iyo sa abot ng aking makakaya. O sya sige magpahinga ka na muna.

Pogiboy : Maraming salamat po Mr. Chan.

Mr. Chan : O sige maiwan ka na muna namin at ng makapagpahinga ka.

Kaibigan : Aalis na kami pare. Babalik ako mamaya.



(Mr. Chan at kaibigan umalis naiwan mag isa si Pogiboy sa kuwarto ng ospital)



GAP 1


(Bumukas ang pinto pumasok si Chinagirl lumapit kay Pogiboy)

(Chinagirl hinawakan ang kamay ni Pogiboy)


Pogiboy : (nagising) anong ginagawa mo dito?

Chinagirl : (umiiyak) gusto ko mag usap tayo.

Pogiboy : (galit) wala na tayong dapat pa pag usapan.

Chinagirl : I just wanna know, did you plan it? Kasali ba ako sa plano mo kay papa? Kasali ba tayo.

Pogiboy : Ayoko na pag usapan.

Chinagirl : (umiiyak) Just tell me! Gusto ko malaman kung niloko mo lang ako nung sinabi mong mahal mo ako.

Pogiboy : (galit) Do you really wanna know? OO! i need you to get to your father. Yun lang yun!

Chinagirl: (umiiyak) tell me Mark, minahal mo ba ako kahit konti? (pasigaw) minahal mo ba ako kahit konti?

Pogiboy : Ni minsan hindi kita minahal.


(Chinagirl humagulgul tumakbo palabas ng kwarto ni Pogiboy sa ospital)


Pogiboy : (umiiyak) Heart, alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Kung nasaktan man kita, mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.



Scenario (Selda ng ama ni Chinagirl)


Mang Jose : Ramon.

Papa : Jose kumusta na ang mga tao sa plantation. Nagkasundo na ba sila sa inaalok ng anak ko?

Mang Jose : OO bumalik na sila sa pagsasaka at pagtatanim ng bulaklak. Sang ayon na rin sila sa mga napagkasunduan.

Papa : Mabuti naman. Hindi na mahihirapan si Heart sa pamamalakad ng plantation.

Mang Jose : May dapat kang malaman Ramon.

Papa : Ano yun Jose.

Mang Jose : Nung gabing pinuntahan ka ni Adolfo ...



GAP 2



Flashback



Scenario (Rest House ng Plantation)


Adolfo : (galit na galit) Ramon! Ramon!

Mang Jose : Adolfo anong ginagawa mo dito?

Adolfo : (galit) Nasaan si Ramon!

Mang Jose : Wala siya dito nasa pataniman ng bulaklak. Bakit mo siya hinahanap? Bakit may dala kang baril? Saan mo gagamitin yan?

Adolfo : (galit) Malaki ang kasalanan ni Ramon sa akin. Papatayin ko siya!

Mang Jose : Anong kasalanan ni Ramon sa iyo?

Adolfo : (galit) Ipinagtapat ni Marcela sa akin na hindi ko tunay na anak si Mark.

Mang Jose : Anong ibig mong sabihin Adolfo?

Adolfo : (galit na galit) Si Mark ang bunga ng pagtataksin nila Marcela at Ramon sa akin. Si Ramon ang tunay na ama ni Mark. Hindi ako ang ama ni Mark!

Mang Jose : Anak ni Ramon si Mark kay Marcela?

Adolfo : (galit na galit) OO bunga ng kataksilan nila sa akin. Papatayin ko siya!


Mang Jose : Adolfo! wag mong gagawin yan!


(Adolfo hinanap si Ramon)


Adolfo : (galit) Ramon! Papatayin kita!

Ramon : Anong ibig sabihin nito Adolfo?

Adolfo : (galit na galit) Papatayin kita!


(Nagkaroon ng komosyon umalingawngaw ang isang putok ng baril)


Mang Jose : Ramon! nabaril mo si Adolfo!

Ramon : Hindi ko sinasadya. Gusto nya akong barilin ngunit naagaw ko ang baril. Nakalabit nya ang gatilyo tinamaan siya.

Mang Jose : Magmadali tayo idala natin siya sa ospital!


(Ospital)


Doctor : Sino po ang pamilya ng pasyente?

Ramon : Nasa Maynila po ang pamilya niya. Kami po ang mga kaibigan ng pasyente. Kumusta na po ang lagay niya.

Doctor : I'm sorry dead on arrival na ang pasyente.

Ramon : (namlumo sa narinig) Kailangan malaman ni Marcela ang nangyari.

Mang Jose : Ako na ang bahalang magsabi sa kanya. (nasa isip) Hindi na dapat malaman ni Ramon ang tunay na dahilan kung bakit galit na galit sa kanya si Adolfo.



(Bahay ni Marcela)


Mang Jose : Marcela may masamang nangyari kay Adolfo.

Marcela : Anong masamang nangyari kay Adolfo?

Mang Jose : Nagkaroon ng aksidente sa plantation. Nabaril siya.

Marcela : Anong ibig mo sabihin nabaril si Adolfo.

Mang Jose : Patay na si Adolfo, Marcela.

Marcela : (umiiyak) Hindi! hindi totoo yan!


(Libingan ni Adolfo)

Mang Jose : Patawarin mo ako Adolfo. Hindi ko maaring sabihin kay Ramon ang tungkol sa anak nila ni Marcela. Hindi na dapat malaman ni Ramon na may anak sila ni Marcela.




GAP 3



Flash Forward


(Selda ni Ramon)


Mang Jose : Ramon patawarin mo ako hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa anak nyo ni Marcela. Hindi ko alam na si Mark pala ang anak nyo ni Marcela.

Ramon : Anong ibig mong sabihin Jose?

Mang Jose : Ramon nagkaroon kayo ng anak ni Marcela. Anak mo si Mark Fernandez kay Marcela. Ramon ang sarili mong anak ang nagpakulong sa iyo.

Ramon : (galit) Hindi!

Mang Jose : Patawarin mo ako Ramon. Inilihim ko sa iyo ang tungkol sa anak mo kay Marcela.

Ramon : (galit) Hayop ka! Bakit mo ginawa sa akin ito? Lumayas ka! Layas!


(Galit na galit si Ramon pinalayas si Mang Jose)



Scenario (Rest House sa plantation)


(Mang Jose habang umiinom ng lambanog sa may beranda)


Flashback



(Rest House)


Marcela : Nasaan si Ramon.

Mang Jose : Anong kailangan mo kay Ramon.

Marcela : Gusto kong malaman niya ang tungkol sa aming anak.

Mang Jose : Wala si Ramon dito. Nasa Maynila siya ngayon.

Marcela : Aalis na ako.

Mang Jose : (nasa isip) Hindi dapat malaman ni Ramon na may anak sila ni Marcela.


(Mang Jose kausap ang dalawang lalaki)


Mang Jose : Anong nangyari?

Lalaki 1 : Nanglaban po ang ina ng bata kaya napatay po namin.

Lalaki 2 : Siya po kasi pinagsamantalahan ang ina ng bata.

Mang Jose : Hindi ba ang usapan natin dukutin niyo lang ang bata?

Lalaki 1 : Nataranta na po kami nung makita po naming patay na yung nanay ng bata.

Lalaki 2 : OO nga po natakot kami baka may makakita sa amin. Kaya hindi na po namin nakuha yung bata.

Mang Jose : Sige umalis na kayo.



Flash Forward


(Mang Jose umiiyak habang umiinom ng lambanog)

Mang Jose : Malaki ang kasalanan ko sa iyo Marcela. Patawarin mo ako. Nagawa ko lang yun dahil ayokong malaman ni Ramon ang tungkol sa inyong anak. Ayoko magkaroon ng kahati sa mamanahin ang anak kong si Heart. Patawarin mo ako.


Scenario (Office ng ama ni Chinagirl)


Manager 1 : Ma'am nabalitaan nyo pa po ba na nag pull out na po ang mga kliyente natin. Tuluyan na po lumipat sa Chan Corporation.

Chinagirl : OO alam ko.

Manager 2 : Ma'am Heart nagtatanong na po ang Production kung ano na po ang mangyayari sa Production. Magkakaroon daw po ba ng stop operation dahil sa nangyari sa papa nyo.

Chinagirl : Hindi ko pa alam. Iwan nyo muna ako. Gusto ko muna mapag isa.

Manager 1 : Sige po ma'am Heart kung may kailangan kayo nandito lang po kami.

Chinagirl : Maraming salamat sa inyo.



(Manager 1 at Manager 2 iniwan si Chinagirl sa office ng kanyang papa)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...