These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, May 27, 2011

You Complete Me - Synopsis and Preface




Title: You Complete Me

Starring: Mark Anthony Fernandez & Regine Velasquez



Synopsis:


Isang kwento ng dalawang taong magkaiba ng kinagisnan.


"Born with a silver spoon in his mouth", Mark is the only heir to the vast Fernandez multi-million empire. Devastated by a family tragedy that caused a rift between him and his father, Mark hated his father so much even on his deathbed he did not reconcile with him.

Regine grew up in a loving environment, in a loving home and family. She was 6 years old when her father died. Her mother always showed her and her sister how much she loved them and how important they were and still are to her. She always put their needs before hers and made sure they were taken care of.


Can a Woman change a Man?



Tuesday, May 10, 2011

I Heart You Pare Fanfic - Tonette & Chito's Date (with Kenneth)


Nasabi sa show na nagdate sila Tonette at Chito at sumama si Kenneth pero hindi pinakita. Ano kaya ang nangyari? Baka ganito... :)

Sa isang restaurant. Pumasok sila Tonette, Chito, Kenneth.

Tonette: Ay, ito! May vacant table! Dito na tayoh umupoh.

Lakad si Tonette papuntang table. Nagunahan sila Kenneth at Chito sa paghaltak ng silya para upuan ni Tonette. Pinabayaan na ni Kenneth si Chito.

Kenneth: O sige, ikaw na, tutal girlfriend mo naman yan.

Chito: (pulling the chair for Tonette while not taking his eyes off Kenneth) Dapat lang dahil talaga namang girlfriend KO ito.

Tonette: (sitting gracefully) Ha? Excuse meeeh, hindi ako “yan” at “ito”, tao poh akoh.

Chito and Kenneth are still giving each other the stink eye and ignoring her, while they take their seats facing each other.

Tonette: Ay nakoh, tama na iyan! Tom Jones na akoh, Tom Cruise at Tom Hanks pah! Order na tayoh! Waiter!!

Lumapit ang waiter at binigyan sila ng menu.

Tonette: Anong oorderin natin?

Chito at Kenneth: (nagtititigan pa din) Maski ano!

Tonette: Tingnan niyo na kasi itong menu, baka mamaya hindi niyo gusto ang ma order koh!

Kenneth: (not bothering to look at the menu, just pointing to anything) Ito, ito,

Chito: (not bothering to look at the menu too) .. at ito. Sige na!

Tonette: Dalhan niyo na kami agad ng beer.

Sinulat ng waiter at umalis

Kenneth: CR muna ako. Baka pag balik ko, mas maayos na ang mood ng mga tao dito.

Monday, May 9, 2011

DIVA fanfic #4 (Gary and Tiffany)


No copyright infringement intended.  Fanfic lang ito ng Diva.  I miss this show.  Someone suggested a Gary and Tiffany fanfic at the PEX Diva thread.   
(Sa labas ng bahay ni Tiffany, pagkatapos ng date ni Tiffany at Gary)

Tiffany: I had a great time tonight. Gusto mo munang pumasok?

Gary: I was hoping you would say that.

(Pasok sila)

Tiffany: May wine at beer sa fridge. Ano ang gusto mo? (landing tingin kay Gary)

Gary: (Nakikipag-landian din) Beer na lang. Pero may iba akong mas gusto.

Tiffany: hi hi hi . Ikaw talaga. Ha ha ha (lapit kay Gary, ilalagay ang kamay sa balikat ni Gary) Tingnan mo nga naman, napunta ka rin sa akin. Ha ha. Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ni Melody kanina nung nakita niya tayo sa restaurant, ha ha ha.

Gary: Di ba sabi ko say yo, hiwalay na kami. Wala siyang pakialam kung sino ang ka-date ko.

Tiffany: Buti na lang nagkita tayo kahapon. Secret ang pagkakalabas namin ng hospital.

DIVA fanfic (Alternate reality with Martin and Melody)


Pinoy TV show Diva fanfic.  No copyright infringment intended.  Just a fanfic.

May kumakatok sa pinto.  Binuksan ni Martin. 

Martin: (surprised) Hi Melo.. Sam..

Melody: Melody na lang..  Pwede bang pumasok?

Martin: Oo naman.  Come in.

Pasok si Melody

Melody: (starts to cry) Martin, galit na galit sa akin ang mga fans.  Pati si Gary, galit na galit siya. hu hu hu

Niyakap ni Martin si Melody ng mahigpit.  Nagiiyak si Melody sa balikat ni Martin.  Ito ang gabi na binuking ni Tiffany si Melody na siya at si Sam ay iisa.  Nagalit si Gary kay Melody, pero si Martin, hindi niya makuhang magalit.  Naiintindihan niya at nagmamahal pa rin siya sa kabila ng lahat.  Gusto niyang protektahan si Melody at damayan sa oras na iyon.  Pero gusto ni Melody magpahatid sa bahay ng magulang at sinunod naman niya.  Gagawin niya ang lahat para kay Melody.  Natutuwa si Martin na pinuntahan siya.

Martin: Don't worry, lilipas din ito. 

Melody: Wasak na ang lahat ng pangarap ko.  hu hu

Martin: Hindi.  Babawi tayo.  Nandito ako para sa iyo.

Melody: (medyo tumitigil na ng iyak, nakatitig kay Martin) Martin, hindi ka galit sa akin? Malaking disgrasya ito sa Birit Records. 

Martin: Hinding hindi ako pwedeng magalit sa iyo.

Melody: Ang bait mo talaga.  Hindi ka nagagalit sa akin kahit hindi ko pa nasasabi sa iyo ang mga dahilan ko.  Ako na hindi nakinig at naniwala sa explanation mo dati kaya tayo nagkahiwalay.   

Martin: Melody, maybe this is not the right time, but I can't help it.  I have to tell you, mahal na mahal pa rin kita. 

Melody: Paano mo nasasabi iyan.  Nakikita mo ba ang mukha ko?  Bumabalik na ang kapangitan ko.  Ito yung dating mukhang ayaw mo.

Martin: Siguro nga una akong na-attract sa iyo dahil sa maganda ka.  Sorry, it's human nature.  Pero ngayong kilala na kita.  Nakikita ko na lang ang nasa loob mo.  Hindi ko na nakikita ang pang labas.

Mukhang diskumpiyado si Melody

Martin: Hey, you know what might cheer you up?

Melody: Hindi posible yan ngayon

Martin: Halika dito sa kwarto

Melody: Ha? Ano ka sineswerte !?!

Martin: Hindi iyon ang iniisip ko, ha ha.  (pulling her to the bedroom)

Umakyat at tumayo sa bed si Martin at nagsimulang tumalon

Martin: Naalala mo ito?  (jump, jump) Come on!

Hesitant si Melody pero umakyat na rin siya at nagsimulang tumalon.

Melody at Martin: ha ha ha

Sa kakatalon, napahiga silang pareho.  Nagtatawanan, nagkatinginan. Nag kiss sila. Una light lang, pero mamaya, serious make out na.

Sam sa ulo ni Melody: Hep hep hep, ano yan. Tumigil ka ngayon din! .. ano yan, nakaka second base na..

Melody: (sa isip) Ssshh shut up Sam..

Sam sa ulo pa rin ni Melody:  Huwag.. huwag mong isusuko ang Bataan...

Melody: (sa isip) Oh my God.  Ngayon lang ako nahalikan ni Martin o maski kanino ng ganito... bakit parang kinukuryente ang talampakan ko... Sam, sam, tulungan mo akong makapigil

Sam sa ulo ni Melody:  Aaah, suko na tayo, suko na...

So kinaumagahan.  Dalawa ang pwedeng mangyari.  Magigising si Martin na mag-isa.  Panaginip lang pala ang lahat ng ito.  Or, magigising si Martin at Melody ng sabay, mapapatawad na ni Melody si Martin at magkakabalikan sila.  Si Gary naman, may mahahanap din siya iba, pero ibang kwento na iyon.



DIVA fanfic (Barang and Martin)


Pinoy TV show Diva fanfic.  No copyright infringment intended.  Just a fanfic.  I do love Barang and wish we knew more about her personal life in the show.
Martin driving in his car, upset, sad.  Picks up his cell phone and calls a number.

Martin: Hi.  It's me, pwede ba akong pumunta diyan?... (pause)... Thanks, I'm on my way.

Darating siya sa destination niya.  Kakatok sa pinto.  May bumukas ng pinto.

Barang:  Hi Martin.  Pasok ka.

Pasok si Martin sa bahay.  He grabs Barang and they kiss passionately.  He picks her up and takes her to the bedroom, slams the door shut.

Kinaumagahan sa dining room, kumakain si Barang at Martin ng breakfast.

Martin: Thank you for breakfast.

Barang: Thank you sa breakfast lang? ha ha

Martin (blushes): umm, umm, Thank you din don sa.. umm,

Barang: Ha ha ha, binibiro lang kita.  Napaka serious mo kasi e.  Ano ba ang nangyari? Bakit upset na upset ka kagabi?  Hulaan ko dong?  Si Sam na naman.

Martin: Oo. Barang, I'm still not over her.  Lungkot na lungkot pa rin ako tuwing makikita ko sila ni Gary.  (Looking at Barang).  I'm sorry...Am I making you uncomfortable?

Barang: No, sige lang, pagusapan natin.

Martin: You're such a good friend...

Barang: .. with benefits. ha ha ha. (Martin blushes again). Pinapatawa lang kita.  Sige, go on.

Martin: You know what else is not fair.  Si Gary, ilang babae na ang pina-iyak non.  Ako, hindi ako naglalaro ng babae.  Bakit kay Gary pa rin napunta si Sam?

Barang: Sabi nga nila 'all's fair in love and war'.  Wala namang rules diyan.

Martin: Palagi ko pa rin iniisip ang pagkakamali ko.  Kung sinabi ko kaagad ang pag-blackmail ni Tiffany, hindi sana kami nagkahiwalay ni Sam.  Kami sana ang mag-asawa ngayon.  (looking at Barang) Para ba akong sirang plaka?

Barang: Medyo, Dong.  Pero okay lang.  Napansin ko kagabi na mas ... emotional ... ka.

Martin: Sorry ha.  Sana hindi kita nasaktan.

Barang: Hindi a. ha ha (notices that Martin is serious). Martin, don't worry.  May mahahanap ka ding iba.

Martin: Sana nga.  You're a great friend.  Ayaw ko na sanang tumawag kagabi pero,.. Okay lang ba talaga sa iyo itong relationship natin?  Hindi ako sanay ng ganito..

Barang: Hindi rin naman ako sanay sa ganito.  Siguro nga dapat itigil na rin natin bago pa may masaktan.

Martin: Yun din ang sabi natin last time.  I'm sorry, ikaw ang una kong naisipang tawagan.

Barang: Okay, last time na talaga.  Mag-usap na lang tayo next time.

Martin: Sige.

Barang: Ay, maiba tayo ng usapan.  Mamaya, meron tayong appointment sa isang very promising singer.  Chona ang pangalan niya. Tingin ko may potential na maging bagong Diva natin.

DIVA fanfic (Sam, Gary, Chona, Martin)

Originally posted at pinoyexchange's Mark Anthony Fernandez thread 10/8/10.  No copyright infringement intended.  Fanfic lang ito ng Diva.  I miss this show so sinulat ko ito.

Ang setting ay sa bahay ni Sam at Gary. Simula ng magkakilala sina Sam at Chona, magkasundo sila at naging mabuting magkaibigan. Nag-uusap sina Sam at Chona habang nag-co-coffee. Si Gary nasa other side ng room, nagbabasa ng magazine kunwari, pero nakikinig din sa usapan.

Sam: Congratulations Chona! Unang beses ko pa lang makita kayo ni Martin, alam ko na kayo ang magkakatuluyan. Ang ganda naman ng singsing na binigay niya sa iyo. Romantic ba ang proposal niya?

Chona: Yes, romantic talaga. Nanonood kami ng fireworks. Nung patapos na, lumuhod siya sa harap ko at nag-propose. He said I'm the brightest spark in his life at mas matingkad pa daw ako kesa sa fireworks. As long as I live, hinding hindi ko malilimutan ang reflection ng mga fireworks sa mga mata niya sa moment na yon.

Sam: Eeeeeeee, napaka romantic talaga ni Martin. Masaya ako para sa iyo. Na-i-imagine ko din ang mga mata niya. (Gary rolls his eyes)... Pero bakit nung dumating ka dito parang malungkot ang balita mo imbis na masaya.

Chona: I can't help it. Mahal na mahal ko si Martin pero hindi ko maalis sa isip ko na ikaw pa rin ang first choice niya at hindi ako.

Sam: Naman, lumang kwento na iyon. Alam ng lahat na mahal ka niya. Kaya nga ilang buwan pa lang kayo nagkakilala, nag-propose na.

Chona: Isa nga yon sa dahilan kaya ako nagdududa eh. Parang ang bilis. Kilala ba niya talaga ako o gusto niya ako dahil magkahawig tayo.

Sam: Kung nagdududa ka, bakit mo tinanggap ang proposal?

Chona: I can't say no to Martin. Napakaganda ng moment, when I look into his eyes, I forget all my doubts. Sam, mayroon akong gustong hingin na favor sa iyo.

Sam: Oo naman, ano yon?

Chona: Gusto kong subukan si Martin. Pwedeng bang magpanggap kang ako? Gusto kong malaman kung makikilala ba niya ako? Konting make-up lang, magkamukha talaga tayo.

Sam: Ano!?! Ano naman klaseng test iyon?

Chona: Magkahawig tayo, pero iba ang kilos natin, iba ang personality natin. Gusto kong malaman kung mapapansin ba niya? Kung hindi, ibig sabihin non, nakikita lang talaga niya ang outer appearance ko.

Ako Si Kim SamSoon Fanfic - Vincent's Wedding

Originally posted at pinoyexchange's Mark Anthony Fernandez thread 9/17/10.  Not my characters, fanfic lang ito.  No copyright infringement intended.
I feel bad for Vincent.  So sa kwentong ito, it's 2 years later.  Cyrus and SamSoon are driving back galing sa reception ng kasal ni Vincent.  Si Kim ang gumawa ng wedding cake at pinaghirapan talaga niya ito.  Nung nakita ni Cyrus ang wedding cake, nagseselos siya.

Cyrus: That's the most beautiful cake I've ever seen you do.  Ilang oras mo ginawa yon?

SamSoon: Hay naku.  Hindi lang ako, pati staff natin.  100 oras mahigit pa siguro.  Tinggin ko rin ito and pinakamagandang cake na nagawa ko.

Cyrus: So magkano naman ang chi-narge mo para dito.

SamSoon: Cyrus, alam mo naman.  Promise ko iyon kay Vincent at Mary na sa kasal nila, gift natin ang wedding cake nila.

Cyrus: Wow, grabe din ang pagmamalasakit mo kay Vincent, ha.  Ikaw na ang naghanap at nagpakilala sa kanya kay Mary, ginawa mo pa ang best work mo para sa kanya.

SamSoon: Oooy, nagseselos ka yata, ha ha.  Panay na yata yan ha.  Last week nagseselos ka doon sa client natin.  May ari yon ng hotel at napakalaki ng regular order nila.  Nakikisama lang naman ako.  Customer is always right, ikaw naman. Ha ha. 

Cyrus: Sige, just keep laughing at me.  Tama siguro ang Mommy.

SamSoon: Yang mommy mo talaga.  Dati gawa siya ng gawa ng paaran para magkahiwalay tayo.  Ngayon naman bantay siya ng bantay dahil iniisip niyang iiwanan kita porke nakikilala na ako bilang pastry chef at payat na ako.  Ginagawa ka niyang praning! Ano  na naman ang sinabi sa iyo ng mommy mo.

Cyrus: May point naman siya e.  Mas mabuti daw huwag ka nang magtrabaho.  Sa bahay ka na lang.

SamSoon: Ano!  Para wala akong makilalang ibang tao.  Maghihintay lang ako sa paguwi mo para pagsilbihan kita??

Cyrus: What's wrong with that!

SamSoon: Alam mo naman na mahal ko itong trabahong ito.

Cyrus: Fine! Pero you owe me big time.  Hindi pwedeng ang pinaka best work mo ay ginawa mo para kay Vincent.

SamSoon: Okay, okay.  Igagawa ba rin kita ng fairy tale wedding cake? Ano ang gusto mo?

Cyrus: Hindi ko pa alam.  Pagiisipan ko pa.  (smiling)

SamSoon: Ano na naman ang ini-smile mo diyan.

Cyrus: Wala lang.  Ang ganda mo talaga ngayong gabi.  Very sexy.  Bagay talaga sa iyo ang red.

SamSoon: Ikaw ha.  Nandyan na naman yang tingin mong yan! Ay, Nandito na pala tayo sa bahay.

Cyrus: Samsoon, wear the red lingerie na binili ko para sa yo. (under his breath) lagot ka sa akin ngayong gabi.

Parapapa parapapa parapapa

Nine months later, they have their first child
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...