These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Tuesday, May 10, 2011

I Heart You Pare Fanfic - Tonette & Chito's Date (with Kenneth)


Nasabi sa show na nagdate sila Tonette at Chito at sumama si Kenneth pero hindi pinakita. Ano kaya ang nangyari? Baka ganito... :)

Sa isang restaurant. Pumasok sila Tonette, Chito, Kenneth.

Tonette: Ay, ito! May vacant table! Dito na tayoh umupoh.

Lakad si Tonette papuntang table. Nagunahan sila Kenneth at Chito sa paghaltak ng silya para upuan ni Tonette. Pinabayaan na ni Kenneth si Chito.

Kenneth: O sige, ikaw na, tutal girlfriend mo naman yan.

Chito: (pulling the chair for Tonette while not taking his eyes off Kenneth) Dapat lang dahil talaga namang girlfriend KO ito.

Tonette: (sitting gracefully) Ha? Excuse meeeh, hindi ako “yan” at “ito”, tao poh akoh.

Chito and Kenneth are still giving each other the stink eye and ignoring her, while they take their seats facing each other.

Tonette: Ay nakoh, tama na iyan! Tom Jones na akoh, Tom Cruise at Tom Hanks pah! Order na tayoh! Waiter!!

Lumapit ang waiter at binigyan sila ng menu.

Tonette: Anong oorderin natin?

Chito at Kenneth: (nagtititigan pa din) Maski ano!

Tonette: Tingnan niyo na kasi itong menu, baka mamaya hindi niyo gusto ang ma order koh!

Kenneth: (not bothering to look at the menu, just pointing to anything) Ito, ito,

Chito: (not bothering to look at the menu too) .. at ito. Sige na!

Tonette: Dalhan niyo na kami agad ng beer.

Sinulat ng waiter at umalis

Kenneth: CR muna ako. Baka pag balik ko, mas maayos na ang mood ng mga tao dito.


Umalis si Kenneth.

Tonette: Chito naman, bakit naman ang init ng ulo mo?

Chito: Kasi naman, bakit pa sumama sama pa sa atin yang hitad mong boss. Di ba date natin ito. Kala ko pa naman masosolo kita.

Tonette: Pasensya ka na, Chito. Paalis na kasi ako nang tinanong ako ni Sir Kenneth kung saan tayo pupunta, sabi ko sa restaurant, Gutom na gutom na daw siya. So inimbita ko nang sumama na lang sa atin.

Chito: At sumama naman! Ang kapal din! Dehins na nahiya na nakikisingit siya sa date ng may date!

Tonette: (putting her hands on Chito's arm) Chito, ayaw ko na nakikita kayong nagaaway. Naisip ko din na baka ito na ang chance para makapag bonding kayo. Mabait naman si Sir Kenneth, promise. Basta nakilala ka na at komportable na siya sa iyo, okay naman sya. Please? Bigyan mo siya ng chance. Be nice to him.... For me? (pa cute, batting her eyelashes)

Chito puts in hands over Tonette's hands on his arm and smiles.

Chito: O sige, para sa iyo.

Dumating na si Kenneth. At nakatingin siya sa kamay ni Chito sa ibabaw ng kamay ni Tonette's sa braso ni Chito. Hindi siya mukhang natutuwa.

Kenneth: Nakaka istorbo na yata ako sa inyo. Baka mabuti pa uwi na lang ako, baka meron naman g tira tira sa kusina ng club ....

Chito: O sige, see you...

Sinipa ni Tonette si Chito.

Chito: Aray!! Ah, sandali Pare, Hindi ka nakakaistorbo! Ikaw naman! Bakit ka naman nakakaistorbo!? Date lang namin ito ni Tonette.. Sige na, umupo ka na at malapit nang dumating ang pagkain natin.

Umupo si Kenneth.

Kenneth: O sige, if you insist...

Chito: (under his breath) Ang epal!

Kenneth: Ano kamo?

Chito: Wala, sabi ko, ang tagal..... ang tagal nung order natin

Waiter comes with the beer.

Waiter: Eto na po yung beer. Malapit na po ang order ninyo.

They start drinking. Uncomfortable silence between them.

Tonette: Ah Chito, kamusta pala ang araw mo? Did you have a good day today?

Chito: Today, ni raid namin ang isang pugad ng sindikato. Hindi kami makapaniwala sa dami ng mga baril at weaponry nila. Napalaban kami ng husto.

Tonette: Ha? Dios ko! Okay ka lang, Chito? Nasaktan ka ba?

Chito: Hindi naman masyado, konting galos lang. Okay lang yon. Ganoon talaga ang trabaho namin.

Tonette: Aaay! Ang tapang mo talaga, Chito. Nakaka impress kah.

Kenneth rolls his eyes while taking a drink from his beer.

Tonette: Alam mo ba kanina, may mag-asawang mababangis na dagang nagwala sa aming rehearsal! Haaaayyy! Nagkagulo at nagtititili ang mga vaklush hanggang sa nahuli sila ni Sir Kenneth! Pareho kayo!

Chito: Parehong pareho pala ang araw natin. Ako, nakipagtugis sa sindikato, ikaw, ng daga. Ha ha

Tonette: Hindi lang daga. Mag-asawang dagang kumakain ng tao...

Kenneth: Tonette, hindi ka kailangang mag explain! Matanong nga kita Chito. Okay ba sa pamilya mo, sa mga katrabaho mo, na .. ano ka?

Chito: Anong “ano” ?

Kenneth: Alam mo na! Ano.. (pointing at Tonette) Uh, ang ano mo ay ... ano... Hindi ka ba naaano? I mean, lalo na sa trabaho mo. Anong iniisip o sinasabi nila?

Chito: Alam mo pare, wala akong pakialam kung ano ang iniisip sa akin ng iba. Secure ako sa sarili ko. Wala ako kailangang patunayan. Ikaw, hindi ba sinabi mo sa pamilya mo na kayo ni Tonette? Iniisip din nila na pumapatol ka sa bakla. Okay lang sa iyo iyon?

Kenneth: Wala rin sa akin kung anong iniisip sa akin ng ibang tao. Secure din ako sa sarili ko. Basta ako alam ko ang totoo.
Chito: Oh yeah, at ano naman ang katotohanan na ito?

Kenneth: Na ako ay tunay na tunay na lalaki.

Chito: Same here.

Kenneth: Teka, teka lang. Paano ka magiging tunay na lalaki e babae ba ang girlfriend mo?

Chito: Of course!

Kenneth: Ha?!?

Sinipa ulit ni Tonette si Chito.

Chito: Aww!

Kenneth: Sinasabi mo bang babae si Tonette?

Chito: I mean, mukha siyang babae! Tingnan mo naman! Mas maganda pa siya sa maski sinong babae. Mahihiya ang gitara sa hugis ng katawan niya diba.

Tonette: Oh, thank you! (kinikilig) Hi hi hi, ikaw talaga Chitoh, ang galing mong mang bola ha , talo mo pa si Kobe Bryant, hi hi hi.

Chito: Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi bola yon. Mas sexy ka pa sa maski sinong babae diyan. Mukhang babae ang girlfriend ko kaya babae ang tingin ko sa kanya.

Kenneth: Hmm, yan din ang sabi ni Joel. Maraming ngang mukhang babae sa club pero kahit balik-baliktadin mo, lalaki pa din sila.

Chito: (naiinis) Ano ba talaga ang pinapalabas mo ha? Na nakakalalaki ka sa akin, ganoon?

Dumating ang waiter.

Tonette: Ay salamat!

Waiter: Heto na po ang order ninyo. Hotdog, Banana Q, at popsicle.

Nilapag ng waiter ang pagkain.

Tonette: (eating) Umm, sarap nitong hotdog. O ano? Bakit hindi pa kayo kumain?

Si Chito at Kenneth parehong nakanganga na pero parang naasiwang isubo ang hotdog. Finally, si Chito, nilagay ang hotdog sa plato at ginamitan ng kutsilyo at tinidor. Si Kenneth naman, kinagat ang hotdog sa gitna.

Later.. marami na silang naimon lalo na sila Chito at Kenneth who are pretty drunk.

... to be continued....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...