These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, May 27, 2011

You Complete Me - Synopsis and Preface




Title: You Complete Me

Starring: Mark Anthony Fernandez & Regine Velasquez



Synopsis:


Isang kwento ng dalawang taong magkaiba ng kinagisnan.


"Born with a silver spoon in his mouth", Mark is the only heir to the vast Fernandez multi-million empire. Devastated by a family tragedy that caused a rift between him and his father, Mark hated his father so much even on his deathbed he did not reconcile with him.

Regine grew up in a loving environment, in a loving home and family. She was 6 years old when her father died. Her mother always showed her and her sister how much she loved them and how important they were and still are to her. She always put their needs before hers and made sure they were taken care of.


Can a Woman change a Man?




Preface:


Sa pagpanaw ng kanyang ama, napilitan si Mark umuwi ng Pilipinas upang pumalit sa pwesto ng naiwang mga negosyo nito.


Scenario - Fernandez Corporation, pinaghahandaan ng mga empleyado ang pagdating ng kanilang bagong boss. Aligaga ang lahat sa isang malaking welcome para sa kanya.

Hermis: Ate Linda, ano kaya ang hitsura ng bagong boss natin? Kasi naman kaisa isang anak, hindi man lang naglagay ng picture sa opisina niya si Boss Fernandez.

Ate Linda: Bata pa nung huling nakita ko si Sir Mark kaya nakalimutan ko na rin kung ano ang itsura niya ngayon.

Tiffany: Bakit nga po ba wala man lang picture si Boss ng kanyang anak sa opisina niya?

Ate Linda: May malaking hidwaan ang mag-ama. Hanggang namatay nga si Boss hindi sila nagkasundo.

Jessica: Mukhang matindi nga po ang galit nitong anak ni Boss kasi hindi man lang umuwi dito para sa libing ng kanyang ama. Ano sa tingin niyo ate Linda, mabait po ba itong bagong Boss natin?

Ate Linda: Nung nabubuhay pa ang ina ni Sir Mark, lagi siya dinadala ng kanyang ina dito sa opisina. Mabait siya at masayahing bata. Pero dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang ina, sinisi niya ang kanyang ama.

Giselle: Ate Linda! nag text na po si Richard. Lumapag na daw sa airport ang eroplanong sinasakyan ng anak ng dating Boss natin.

Tiffany: Hala! bilisan na natin isabit nyo na ang welcome streamer sa banda roon.

Ate Linda: Sige maghanda na kayo. Dapat ipakita natin kay Sir Mark ang mainit na pag welcome sa kanya.


Scenario - Airport Terminal, papalabas ng arriving area nakita at nilapitan ni Mark si Mang Mario, ang family driver ng Fernandez.

Mark: Mang Mario, kumusta na po kayo?

Mang Mario: (nagtanong) Sir Mark? Kayo po ba si Sir Mark?

Mark: Hindi niyo na ba ako kilala?

Mang Mario: Matagal na po kasi kayo di nauwi dito sa atin. Mabuti naman po Sir Mark.

Richard: Good morning po Sir. I'm Richard ako po ang personal assistant niyo. Ako na po ang kukuha ng mga bagahe.

Ibinigay ni Mark ang mga tags ng kanyang bagahe upang makuha ni Richard. Sinundan niya si Mang Mario palabas ng airport.

Mang Mario: Dito na po kayo maghintay Sir Mark. Kukunin ko lang po ang sasakyan sa may parking.

Habang naghihintay si Mark, dumating ang kanyang personal assistant dala dala ang mga bagahe.

Richard: Sir, eto na po lahat ng bagahe niyo.

Mark: You can go now. I'll take it from here.

Richard: (nagtaka) Sir?

Mark: I said, you can go now.

Richard: Opo Sir.

Isang Mercedez Benz ang tumapat sa harapan ni Mark bumaba si Mang Mario binuksan ang likurang pinto at sumakay si Mark. Kinuha ni Mang Mario ang mga bagahe isinakay sa kotse.

Mark: Mang Mario, dumaan muna tayo kay Mama.

Mang Mario: Opo sir.


Scenario - Sementeryo, isang magarang libingan nakahimlay ang ina ni Mark.

Mark: I really miss you mama. Nandito na ako.



Scenario - Bahay nina Regine, naghahanda siya ng kanyang gamit upang dalhin sa pagluwas ng Maynila.

Mama: Iha, mag-iingat ka sa Maynila maraming loko roon. Huwag ka masyadong magpaka pagod at kumain ka sa tamang oras para hindi ka magkasakit. Lagi ka magdadasal ha?

Regine: Mama, siguro pang sampung beses mo na sinabi sa akin ang paalalang yan. Don't worry Mama hinding hindi ko kakalimutan ang lahat ng bilin niyo sa akin.

Lara: Ate, mamimis kita sobra.

Yumakap si Lara kay Regine. Nakaramdam ng pagkalungkot si Regine dahil sa unang pagkakataon mawawalay sa kanya ang pinakamamahal niyang kapatid.

Regine: O sige na baka magkaiyakan nanaman tayo.

Lara: Ate, magte text ka lagi.

Regine: Oo syempre.

Lumapit si Regine sa kanyang ina, sa mga sandaling iyon ay umiiwas makita ang pag alis ng anak.

Regine: Mama, huwag kayong ganyan. Pinapahirapan niyo naman ako eh. Kung hindi nga lang ako inilipat sa main office ng aming kumpanya, ayaw ko rin magkahiwalay tayo. Pero hindi ba ikaw na rin ang may sabi sayang naman kung hindi ko tatanggapin. Malaking oportunidad ito para sa akin at para sa atin ang makapagtrabaho sa Maynila.

Mama: Ang hirap pala anak kapag nandito na. Aalis ka na at iiwan mo na kami.

Lara: Mama, tama naman si ate. Mas maraming opportunity sa Maynila keysa dito sa probinsya. Basta wag lang niya tayo kalilimutan.

Regine: Oo naman! kayo lang ang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

Mama: Sige na anak, lagi kang mag iingat sa Maynila. Wag mo kalilimutan magdasal lagi.

Regine: Opo Mama.

Lara: Sobrang mamimis kita ate.

Regine: Ako rin naman eh. Lara, huwag mong pababayaan si Mama.

Lara: Opo ate.



Scenario - Naglalakad sina Mark at Mang Mario papunta sa di kalayuang naka park na kotse.


Mang Mario: Sir Mark, nasa kabila lang po ang libingan ng inyong ama.

Patuloy na naglakad si Mark tila parang hindi narinig ang sinabi ng kanilang driver.

Mark: Ihatid mo ako sa condiminuim ko.

Mang Mario: Opo Sir.



Scenario - Dumating sa Maynila si Regine sinalubong siya ng isang katrabaho.

Cecile: Regine!!

Regine: Cecile!

Nagyakapan ang dalawa.

Cecile: O kumusta ang biyahe mo? Di ka ba nahirapan?

Regine: Okey lang hindi naman ako nahirapan.

Cecile: Halika, iwan muna natin ang mga gamit mo sa apartment. Tapos ipapasyal kita dito sa Maynila.

Umalis sina Regine at Cecile sumakay ng taxi papunta ng apartment nila.



Episode 1 - Ang Bagong Boss




Itutuloy .......

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...