These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Monday, May 9, 2011

DIVA fanfic (Sam, Gary, Chona, Martin)

Originally posted at pinoyexchange's Mark Anthony Fernandez thread 10/8/10.  No copyright infringement intended.  Fanfic lang ito ng Diva.  I miss this show so sinulat ko ito.

Ang setting ay sa bahay ni Sam at Gary. Simula ng magkakilala sina Sam at Chona, magkasundo sila at naging mabuting magkaibigan. Nag-uusap sina Sam at Chona habang nag-co-coffee. Si Gary nasa other side ng room, nagbabasa ng magazine kunwari, pero nakikinig din sa usapan.

Sam: Congratulations Chona! Unang beses ko pa lang makita kayo ni Martin, alam ko na kayo ang magkakatuluyan. Ang ganda naman ng singsing na binigay niya sa iyo. Romantic ba ang proposal niya?

Chona: Yes, romantic talaga. Nanonood kami ng fireworks. Nung patapos na, lumuhod siya sa harap ko at nag-propose. He said I'm the brightest spark in his life at mas matingkad pa daw ako kesa sa fireworks. As long as I live, hinding hindi ko malilimutan ang reflection ng mga fireworks sa mga mata niya sa moment na yon.

Sam: Eeeeeeee, napaka romantic talaga ni Martin. Masaya ako para sa iyo. Na-i-imagine ko din ang mga mata niya. (Gary rolls his eyes)... Pero bakit nung dumating ka dito parang malungkot ang balita mo imbis na masaya.

Chona: I can't help it. Mahal na mahal ko si Martin pero hindi ko maalis sa isip ko na ikaw pa rin ang first choice niya at hindi ako.

Sam: Naman, lumang kwento na iyon. Alam ng lahat na mahal ka niya. Kaya nga ilang buwan pa lang kayo nagkakilala, nag-propose na.

Chona: Isa nga yon sa dahilan kaya ako nagdududa eh. Parang ang bilis. Kilala ba niya talaga ako o gusto niya ako dahil magkahawig tayo.

Sam: Kung nagdududa ka, bakit mo tinanggap ang proposal?

Chona: I can't say no to Martin. Napakaganda ng moment, when I look into his eyes, I forget all my doubts. Sam, mayroon akong gustong hingin na favor sa iyo.

Sam: Oo naman, ano yon?

Chona: Gusto kong subukan si Martin. Pwedeng bang magpanggap kang ako? Gusto kong malaman kung makikilala ba niya ako? Konting make-up lang, magkamukha talaga tayo.

Sam: Ano!?! Ano naman klaseng test iyon?

Chona: Magkahawig tayo, pero iba ang kilos natin, iba ang personality natin. Gusto kong malaman kung mapapansin ba niya? Kung hindi, ibig sabihin non, nakikita lang talaga niya ang outer appearance ko.



(Lumapit na rin si Gary at sumali sa usapan.)

Gary: Teka, teka. Hindi mag-wo-work ang planong ito. Ang layo naman ng itsura ninyo. Si Chona, mas bata at mas payat, isa pa ...

Sam: Heh ! Sinong nagtatanong sa iyo! Doon ka nga, bumalik ka na lang sa binabasa mo. (But she's smiling)

Chona: Gusto ko sana ganyan din kami ni Martin, tulad ninyo. Hindi lang kayo mag-asawa, mag-best friends pa. Nabibiruan lagi. Hindi kami ganon ni Martin. Pakiramdam ko kasi, parang babasaging ornament pa rin ang trato niya sa akin.

Sam: Ayaw mo non? Prinsesa sa pedestal ang trato sa iyo, hindi tulad ng iba diyan!

Chona: Hindi naman lagi na lang gusto ko maging prinsesa. Siyempre minsan gusto ko ring maging 'bad girl'.

(Sam and Gary smile at each other.)

Gary: Chona, sigurado ka ba sa plano mo? Parang gumagawa ka lang ng dahilan para saktan ang sarili mo.

Chona: Waaah, tingin mo, hindi niya mapapansin na iba kami?

Gary: Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, pag nalaman ni Martin, baka magalit siya. There's no way na hindi niya mapapansin na iba kayo. Napaka-obvious ng layo nga ng itsura ninyo eh. Si Sam ay..

Sam: Oo na Gary!

Chona: Sam please, sige na, pumayag ka na.

Gary: Wala ba akong say dito?


....

Sa isang restaurant. Mag-di-dinner sina Martin at Sam (as Chona). Around the corner sina Chona at Gary, pinapanood sila.

(Gary: Hindi ito magandang idea.)

(Chona: Sabi na kasi sa iyo ni Sam na huwag ka nang sumama e.)

Martin: You look beautiful like always.

Sam: Thank you. You look handsome too. Bagong shirt?

Martin: Yes, hindi mo ba naaalala na binili mo ito para sa akin?

Sam: Ay, oo nga. Medyo madilim kasi dito. ha ha.

(Martin takes Sam's hand and kisses it. Gary's eyes narrows.)

Martin: When you accepted my proposal, you made me the happiest man in the world.

Sam: Ako din, napakasaya ko. Napakalaking effort ng proposal mo sa akin. Ganoon din ba ang proposal mo kay Sam dati?

Martin: Um, kay Sam. Hindi.

Sam: Bakit naman. Hindi ba ni Sam deserve ang fireworks?

Martin: Bakit ba natin pinaguusapan si Sam. Tonight is about us. (Looking a bit suspicious). Something is different about you...

Sam: Wala ka na ba talagang feeling para kay Sam? Sabi ng lahat, grabe kang nasaktan nang nagkahiwalay kayo.

Martin: Totoo iyon but Sam is just a good friend now. Wait, are you jealous? I think that. (smiling) ... Hindi pa natin napaguusapan ang tungkol sa amin dati ni Sam. Baka nga mabuting pagusapan natin ngayon.

(Sam hesitates dahil alam niyang conversation ito dapat ni Chona at Martin kahit siyempre curious din siya).

Martin: Bakit, you don't want to talk about it?

Sam: Hindi naman, pero baka dapat tsaka na natin ito pagusapan.

Martin: Okay...

Sam: Ano ba talaga ang feelings mo para kay Sam?

Martin: Sige, I'll tell you. Mahal ko siya dati but I'm over her. Mali ang pagka-handle ko ng situation dati with Tiffany.  Natuto na ako. Sana huwag tayo magkaroon ng ganoong problema, pero kung magkaroon man, I will tell you everything right away. Hindi na ko magtatago. (looking at Sam intensely) You know, something is really different about you...

Sam: Ah, kailangan kong pumunta sa ladies room.

(Sam stands up and signals Chona. Nagpunta sila sa ladies room).

Sam: Chona, magpalit na tayo ng damit! Hindi ko na ito pwedeng gawin. Mahal ka niya. Napapansin na niya na iba tayo.

Chona: Talaga?! Yes!!! Thank you Sam!

Sam: Oo na. Dali! Nangagati na ang mukha ko sa isang baldeng make up na ito. Chona, huwag na huwag mo na akong pilitin na gumawa pa ng ganito ulit!

Chona: Yes, of course. I owe you talaga.

(Chona joins Martin at the table. Outside..)

Sam: Halika na uwi na tayo, bago pa tayo makita ni Martin.

Gary: Sige, let's go. Sa wakas natapos na rin. Isa lang ang gusto kong malaman.. so ano ngayong gabi, 'princess' o 'bad girl'?

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...