These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Saturday, June 25, 2011

Happy Together - Episode 4 - Saving The Contract



Episode 4 - Saving The Contract


Coco : Patay, anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya sesante na rin ang bodyguard namin kay Marian Rivera? Paano ba ito siguradong uusok sa galit si Mark.

(Secretary ni Mark pumasok sa office upang ibigay ang mga papeles na pipirmahan napansing balisa si Coco)

Secretary : Sir Coco, okey lang po kayo?

(Coco parang hindi narinig ang tanong ng Secretary ni Mark)

Secretary : Sir Coco!

(Coco napalingon sa Secretary)

Coco : Ha? ano yun?

Secretary : Sabi ko po, okey lang po ba kayo?

Coco : Ha? ah eh oo okey lang ako.

(Secretary papalabas na ng office tinawag ni Coco)

Coco : Ah sandali! May itatanong ako sa iyo.


Tuesday, June 7, 2011

You Complete Me - Episode 1: Ang Bagong Boss


Episode 1 - Ang Bagong Boss



Scenario - Handang handa na ang lahat sa pagsalubong ng kanilang bagong boss. Nakasabit na ang isang malaking banner nagsasabing, "Welcome Sir Mark". Nagkalat sa paligid ng reception area ng Fernandez Building ang iba't ibang kulay ng balloons. Masaya at excited ang mga empleyado dahil sa unang pagkakataon makikita na nila ang papalit sa dati nilang boss. Ngunit makalipas ang buong maghapon hindi dumating ang kanilang hinihintay.


Tiffany: Ate Linda, ano po ang nangyari? Bakit hanggang ngayon wala pa si Sir Mark.

Ate Linda: Hindi ko rin alam eh. Tawagan niyo nga si Richard tanungin niyo kung nasaan na sila.

Giselle: Ate Linda, nagtatanong na po ang mga tao kung pwede na daw sila bumalik sa kanilang trabaho.

Tiffany: Hindi sinasagot ni Richard ang cellfone niya.

Ate Linda: Giselle, sige sabihin mo sa kanila bumalik na muna sa trabaho. Sasabihan na lang natin sila kapag nandito na si Sir Mark.

Giselle: Sige po.

Ate Linda: O ano wala pa rin ba?

Tiffany: Hindi talaga sumasagot si Richard eh.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...