These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Saturday, June 25, 2011

Happy Together - Episode 4 - Saving The Contract



Episode 4 - Saving The Contract


Coco : Patay, anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya sesante na rin ang bodyguard namin kay Marian Rivera? Paano ba ito siguradong uusok sa galit si Mark.

(Secretary ni Mark pumasok sa office upang ibigay ang mga papeles na pipirmahan napansing balisa si Coco)

Secretary : Sir Coco, okey lang po kayo?

(Coco parang hindi narinig ang tanong ng Secretary ni Mark)

Secretary : Sir Coco!

(Coco napalingon sa Secretary)

Coco : Ha? ano yun?

Secretary : Sabi ko po, okey lang po ba kayo?

Coco : Ha? ah eh oo okey lang ako.

(Secretary papalabas na ng office tinawag ni Coco)

Coco : Ah sandali! May itatanong ako sa iyo.



Secretary : Ano po yun, Sir?

Coco : Kung sakali ba mawawala ang pinaka malaking kliyente natin dapat ko ba sabihin kay Mark?

Secretary : Hindi ko po kayo maintindihan, Sir.

Coco : Gusto na magpaterminate ng contract ang kliyente nating si Marian Rivera.

Secretary : Ho? Bakit daw po?

Coco : Sinesante nila ang bodyguard na pinadala natin at pati ang kontrata ng kumpanya gusto nilang ipaterminate. Ang problema ko ngayon kung paano ko sasabihin kay Mark.

Secretary : Dapat nyo po sabihin agad sa kanya baka kapag nalaman niyang hindi nyo agad sinabi, magagalit yun.

Coco : Oo nga eh. Kaya lang mainit pa ang ulo nun ngayon kasi sunod sunod ang pag sesante at terminate ng contract natin.

Secretary : Pero Sir Coco, kapag hindi nyo sinabi agad, siguradong magagalit sa inyo si Sir Mark.

Coco : Oo nga eh. Sige bahala na.

(Coco nabigla nasa pintuan ng opisina nakatayo si Mark)

Mark : Tama ba ang narinig ko? Pati ang pinakamalaking kilyente natin mawawala na rin?

(Coco parang nakakita ng multo hindi maka sagot sa tanong ni Mark)

Mark : Sagutin mo ako, Pare.

Coco : Tumawag ang manager ni Marian kanina. Sinesesante daw nila ang bodyguard na pinadala natin dahil nanliligaw sa alaga nya. Pinapa terminate na nila ang kontrata natin sa kanila.

(Mark malakas na hinampas ng kamay ang mesa galit na galit)

Mark : Anak ng putcha! kapag minalas ka nga naman! Nasaan na ba yung bodyguard na pinadala natin? Iharap mo sa akin ang mokong na yun. Ano ba Pare, hindi mo ba pinagbilinan bago mo pinadala sa kanila?

Coco : Pare, kasama sa training natin na mariing pinagbabawal ang ma involve sa lahat ng kliyente natin.


(Gutierrez sumilip sa opisina ni Mark pumasok)

Gutierrez : Mukhang mainit ang ulo natin.

Coco : Gutierrez!

Gutierrez : Martin! bad timing yata ako. Mainit ang ulo ni Batman.

Mark : Anong kailangan mo Gutierrez?

Gutierrez : Ikaw naman, masama bang dalawin ang dati kong kasamahan? Na miss ko lang kayo.

Mark : Wag ka ng magpa ligoy ligoy Gutierrez.

Gutierrez : Mark, we need your cooperation. We want to pin down Pascual. Kailangan ka namin tumestigo laban sa kanya.

Coco : Bakit ba pinipilit nyo si Mark tumestigo? Inilaglag nyo nga siya noon tapos ngayon hahabol habol kayo.

Gutierrez : Malakas ang kaso namin laban sa kanya ngayon. Wala syang kawala kapag tumestigo ka, Mark.

Coco : Mark, wag ka pumayag baka iiwan ka lang sa ere kapag nagka onsehan na.

Gutierrez : Hindi mangyayari yun dahil si Atty. Rosales ang tatayong abugado ng Police Force.

Mark : Si Jericho?

Gutierrez : Oo Mark. Kilala mo sya di ba? Well, kung magbabago ang isip mo, alam mo na kung saan ako hahanapin.

(Gutierrez umalis naglakad palabas ng opisona ni Mark)

Coco : Pare, bakit si Atty. Rosales ang magiging abugado ng Police Force? Hindi ba matalik na kaibigan nun si Pascual?




GAP 1


Scenario (Location taping ng teleserye ni Marian)


(Mamsie dumating katatapos lang kinunan ang mga huling eksena ni Marian)

(Marian nakita si Mamsie pababa ng kotse naglakad papunta sa kanya)

Marian : (Kumakaway) Mamsie!

(Nagbeso beso ang dalawa)

Mamsie : O natapos na ang mga eksena mo?

Marian : Hindi pa Mamsie may dalawa pa kaming eksenang kukunan.

Mamsie : Siyanga pala sa sabado na ang mall show nyo sa SM Mall of Asia. Maghanda ka ng kanta at sayaw.

Marian : Opo Mamsie.

Mamsie : Eto nga pala may dala akong pasalubong sa iyo. Kumain ka muna habang wala pang take.

(Marian kumain ng dalang pasalubong ni Mamsie)


Scenario (Bodyguard office ni Mark)


(Mark umuusok pa rin sa galit dahil sa sunod sunod na termination ng kanilang mga contracts)


Mark : Hindi ako makakapayag mawala sa atin ang pinakamalaking kilyent ng kumpanya. Kailangan gumawa tayo ng paraan.

Coco : Anong paraan ang naisip mo, Pare?

Mark : Tawagan mo ang manager ni Marian. Kakausapin ko.

Coco : Mark, Pare sinubukan ko ng kausapin ang manager na yun. Pero ayaw na talaga. May bago na daw silang nakuha.

Mark : Anak ng putcha!

Coco: Relax ka lang, Pare. Makakahanap pa rin naman tayo ng malaking kilyente tulad niya.

Mark : No! Pare, i won't give up on her. Dapat makumbinse ko sila. Kailangan ko ma save ang kontrata.

Coco : Anong gagawin mo, Pare?

Mark : Tawagan mo si Marian mismo. Kakausapin ko siya.

Coco : Pero ...

Mark : Wala ng pero pero. Basta tawagan mo siya at kakausapin ko.


(Coco tinawagan si Marian)


Scenario (Location taping ng teleserye ni Marian)

(Cellfone nag ring Marian sinagot)

Marian : Hello?

(Mark nasa kabilang linya)

Mark : Ms. Marian? Ako si Mark, Mark Fernandez.

Marian : Eh ano naman ngayon kung ikaw si Mark Fernandez. Kilala ba kita?

(Mark nabigla hindi inasahan ang sagot ni Marian)

Mark : Gusto lang kita makausap tungkol sa bodyguard na sinesante mo?

Marian : Ang manager ko ang kausapin mo sa bagay na yan.

Mark : Ikaw ang gusto ko makausap. Bigyan mo pa sana kami ng isa pang chance.

Marian : Anong chance ang gusto mo. Hindi ba nagkaroon kayo ng kasunduan ng manager ko?

Mark : Oo nga pero hindi mo naman maiaalis na magkagusto sa iyo yung tao kasi naman napakaganda mo. Imposibleng hindi hahanga sa iyo ang pinadala naming bodyguard sa ganda mong yan?

Marian : Charot ka pala ano? Bakit alam mo? Bakla ka ba?

Mark : Ha?

Marian : O sige dahil sa mga sinabi mo, pag iisipan ko.

Mark : Hindi ba pwede wag mo na pag isipan? sana wag mo na ipa terminate ang contract.

Marian : Bigyan mo nga ako ng time para pag isipan. Ang kulit mo rin ano?

Mark : O sige, maghihitay ako sa desisyon mo.

(Mark pinatay ang cellfone)

Coco : O ano daw hindi na nya ipapa terminate ang contract?

Mark : Pag iisipan pa daw nya.

Coco : Pag iisipan pa nya?

Mark : Aalis muna ako. Ayusin mo ang training ng mga bodyguards natin. Baka lakwatsa lang ang inaatupag mo dyan.

(Mark tinapik ang ulo ni Coco lumabas ng office)



Gap 2



Scenario (SM Mall of Asia)

(Mall Show ng teleserye ni Marian punong puno ng tao ang lugar ng pinagtatanghalan nila)

(Isa isang kumanta at sumayaw ang mga kasamahang artista at huling tinawag ang pangalan ni Marian upang mag perform sa stage)

(Paglabas ni Marian sa stage, hindi magkamayaw ang mga tao)

(Sa backstage nag alala si Mamsie kung paano mailalabas si Marian pagkatapos ng kanyang kanta dahil sa kapal ng tao)

Mamsie : (nasa isisp) Naku naman ngayon pa sinesante ni Marian ang bodyguard nya. Paano kami makalalabas dito sa dami ng taong gusto makalapit sa kanya.

(Labis ang pag alala ni Mamsie nilapitan nya ang production ng mall show)

Mamsie : Excuse me, pwede ba tayo mag request ng dagdag security para sa paglabas namin mamaya?

Production Staff : Nag request na po kami.

Mamsie : Ganun ba? maraming salamat ha?

Production Staff : Don't worry Mamsie sa nakita namin dagsa na ang mga tao na gustong makita si Marian ng perosonal, nag add na po talaga kami ng security para sa kanya.

(Pagkatapos ng mall show sa kanilang palabas nagkagulo ang mga tao)

(Nagpanik ang mga mall security dahil sa dagsa ng mga tao nahirapan lumabas sila Marian)

Security 1 : Sir, mukhang mahihirapan po tayo ma control ang mga tao.

Mall Officer : Tumawag ka sa office sabihin mo magdagdag pa ng security dito.

Security 1 : Opo Sir.

Security 2 : Baka pwede po sa fire exit na nalang sila dumaan.

Security 3 : May nag aabang na rin doon sa area.

Mamsie : Paano ba ito hindi tayo makakalabas dito sa back stage.

Marian : Mamsie, maghintay hintay lang tayo ng konti. Baka magsi alisan na rin sila.

Mamsie : Kasi naman laging bad timing ka kung magpa alis ng bodyguard. At least kung kasama natin ang bodyguard mo mapo portektahan ka niya.

Marian : Mamsie, naman ngayon pa ba ako sisisihin tungkol sa pagsesante ko ng bodyguard?

Mamsie : Sabi ko naman sa iyo importante nga kasi na meron. Wag mo na lang kasi sila pansinin kapag nanligaw sa iyo.

Marian : O sya sige na sa susunod hindi ko na papansinin.

Mall Officer : Mamsie, maghintay lang po tayo ng sandali kasi manggagaling pa po sa Agency ang additional securities.

Mamsie : Naku, late na tayo makakarating sa storycon ng bago mong pelikula.

Marian : Mamsie, kung tawagan mo na lang muna yung Bodyguard Company ng dati kong bodyguard.

Mamsie : Oh ayan, sinesante mo ang dating bodyguard tapos doon din pala ang bagsak natin.

Marian : Wag ka na magalit sa akin. Hindi ko na nga papansin promise. Gusto ko lang maka alis na tayo dito.

Mamsie : O sya sige tatawagan ko.



Scenario (Opisina ni Mark)

(Habang kausap si Coco, pumasok sa office ang secretary ni Mark)

Secretary : Sir Mark, telepono po para sa inyo.

Mark : (Pasigaw) Sino daw?

Secretary : Manager po daw ni Marian Rivera.

(Coco dali daling sinagot ang telepono)

Coco : Hello

Mamsie : Hello pwede ko ba makausap ang manager nyo?

Coco : Wala po kasi sya dito. Tungkol po ba sa termination ng contract? As soon as possible po ibibigay namin sa inyo.

Mamsie : Ah hindi tungkol doon ang itinawag ko sa inyo.

Coco : Hindi po tungkol sa termination of contracts?

Mamsie : Hindi. Kasi may emergency kailangang kailangan namin ng isang bodyguard. Nasa SM Mall of Asia kami at maraming taong nag aabang sa alaga ko hindi kami makalabas. Pwede ba magpadala kayo ng isang bodyguard dito ngayon din?

Coco : Oo sige po ngayon din.

Mark : Ano daw?

Coco : Kailangan nila ng isang bodyguard nasa SM Mall of Asia sila. Marami daw taong nag aabang kay Marian hirap sila makalabas ng Mall.

Mark : Huwag ka na magpadala ng bodyguard.

(Mark nagmadaling umalis ng opisina)

Coco : Pare, saan ka pupunta?

(Hinabol ni Coco ngunit di nya inabutan si Mark)

Coco : (nasa isip) Saan kaya yun pupunta?




Gap 3



Scenario (SM Mall of Asia)


(Mark tumatakbo papuntang event area ng mall nakita ang dami ng tao naka abang)

(Mark dere derechong dumaan sa gitna ng maraming tao)


Mark : Makikiraan lang po! tumabi po kayo! doctor po ako may emergency sa loob.

(Mga fans ni Marian tumabi at pinaraan si Mark pero nagtaka)

Fan 1 : Bakit may emergency? Anong nangyari?

Fan 2 : Baka may nangyari kay idol!

Fan 3 : Oo nga baka may nangyari kay Marian!

(Mga fans lalong naging magulo dahil gustong malaman kung may nangyari kay Marian)

(Mark biglang pumasok sa back stage nilapitan at inutusan si Marian)

Mark : Ihubad mo ang jacket mo. Ibigay mo sa akin.

Marian : Ha? bakit ko ihuhubad ang jacket ko?

Mark : Basta sumunod ka na lang sa sinasabi ko.

Mamsie : Sige na anak, sundin mo na siya,

(Marian hinubad ang suot na jacket ibinigay kay Mark)

(Mark hinila ang isang lady guard at kumuha ng sumbrero at shades ibinigay ang jacket ni Marian)

Mark : Eto o isuot mo yan.

Marian : Oy sandali bakit mo pinapasuot ang jacket ko sa kanya?

(Mark hindi pinansin ang tanong ni Marian)

(Mark inutusan ang ibang mall security ilabas ang lady guard na pinasuot ng jacket ni Marian)

Mark : Guard ilabas nyo na siya. Alalayan nyo lang wag mahablot ang sumbrero at shades.

Guard 1 : Opo Sir.

(Marian at Mamsie tulalang nakatingin sa mga ginagawa ni Mark)

(Mark binigyan ng instructions ang mga mall guards kung ano ang gagawin pag labas ng back stage)

Mark : O ready na kayo?

Guard 1 : Ready na Sir.

Mark : Sige ilabas nyo na siya.

Marian : Sandali ang jacket ko!

(Mark pag bukas ng pinto biglang hiyawan at tilian ng malakas ang mga fans ni Marian)

Mark : Kailangan isuot niya ang jacket mo para mapagkamalan siya na ikaw yun. Ginawa ko syang decoy para sya ang habulin ng mga fans mo.

(Marian nagtaka kung sino ang taong tumulong sa kanila)

Marian : Sandali lang, sino ka ba?

Mark : Ako ang bagong bodyguard mo. Mark, Mark Fernandez ang pangalan ko.




To be continued ...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...