Scenario - Isang malaking kuwarto.
Sa isang malaking kuwarto dinala ni aling Adela si Regine.
Aling Adela: Iha, dito ka na matulog. Matagal nang hindi nagamit itong kuwarto pero malinis ito kasi lagi namin nililinis ang mga kuwarto dito. Teka, baka mag mantsa sa damit mo ang suka ni Mark, sandali kukuha muna ako ng pwede mo maisuot pantulog at ng malabahan agad ang damit mo.
Lumabas ng kuwarto si aling Adela.
Napansin ni Regine ang mga lumang gamit nagpapahiwatig na babae ang may-ari ng tulugan dahil sa gilid ng kama may maliit na mesa para sa napakalaking salamin. Kitang kita ang buong sarili upang magpaganda.
Pagbalik ni aling Adela, may dala siyang damit pang tulog.
Aling Adela: O heto Regine, magpalit ka muna ng damit. Akin na ang damit mo palalabhan ko sa katulong.
Regine: Maraming salamat po.
Aling Adela: Sige matulog ka na. Pupuntahan ko lang si Mark sa kabilang kuwarto.
Maaga gumising si Regine at mangha sa ganda ng tinulugan. Mas lalo siyang namangha pagkakita sa malawak na mala paraisong tanawin ng Villa Fernandez.
Regine: Ang gara ng kwartong ito. Para akong prinsesa sa laki at ganda ng tanawin sa labas. Pero teka anong oras na kaya?
Dali daling nagbihis ng damit at bumaba si Regine hinanap si aling Adela upang magpaalam.
Nakita ni Regine si aling Adela sa kusina naghahanda ng almusal. Nilapitan nya ito.
Regine: Magandang umaga po aling Adela, aalis na po ako.
Aling Adela: Sandali, kumain ka muna iha bago umalis. Nagluto ako ng almusal para inyong dalawa ni Mark.
Tigas na tinanggihan ni Regine ang alok ni aling Adela na almusal.
Regine: Naku, hindi na po sa bahay na po ako mag breakfast. Maraming salamat na lang po.
Aling Adela: Ah hindi! masama ang walang laman ang tiyan sa umaga. Isang oras pa ang biyahe mo pabalik sa Maynila. Sige na iha, umupo ka na dyan. Kumain ka muna bago umalis.
Regine: Huwag na po. Salamat nga po pala sa paglaba ng damit ko.
Aling Adela: Nagmarka ang mantsa ng suka ni Mark. Pero matatanggal rin iyan kapag ibinabad mo sa bleach. Hindi na naibabad kagabi kasi baka di matuyo eh wala kang masusuot ngayong araw.
Nag aalala si Regine baka makita siya ni Mark sa bahay na iyon.
Regine: (nasa isip) Dyosku, baka makita ako ni Sir Mark dito.
Aling Adela: O eto tikman mo ang niluto kong adobong manok.
Regine: Aling Adela, kailangan ko na po talaga umalis.
Aling Adela: Talaga bang ayaw mo kumain?
Balisa si Regine baka maabutan siya ni Mark. Hindi na nagpapigil kay aling Adela umalis ng dali dali.
Regine: Sige po aling Adela, aalis na po ako. Maraming salamat na lang po.
Nagtaka si aling Adela kay Regine.
Aling Adela: (nasa isip) Bakit ba parang di mapakali ang batang yon.
Ilang sandali pagkaalis ni Regine pumasok si Mark sa kusina. Sa likuran nag aalangang dahan dahan nilapitan si aling Adela.
Mark: Yaya Adela?
Nagulat si aling Adela sa boses ni Mark.
Aling Adela: Ay kalabaw! ikaw na pala bata ka.
Mark: Yaya Adela?
Aling Adela: (naluha) Mark, anak, ako nga.
Niyakap ng mahigpit ni aling Adela si Mark ngunit hindi nagpakita ng emosyon ang alaga.
Aling Adela: (yakap si Mark) Ang tagal hindi tayo nagkita. Masayang masaya ako bumalik ka rito.
Mark: Saan si Mang Mario?
Aling Adela: Nasa likod bahay kasama ni Tino.
Bumitiw sa pagyapos kay Mark si aling Adela.
Aling Adela: Ay syanga pala, anak, halika nagluto ako ng paborito mong pesang bangus. Sigurado namimiss mo na ito. Wala niyan sa America at Maynila.
Mark: I'm not hungry, i need to go.
Aling Adela: Ha? O sige, ipagbabalot ko nalang ito para madala mo.
Halos maluha si aling Adela pinagmamasdan si Mark habang naglalakad palabas.
Aling Adela: (nasa isip) Hindi pa rin bumalik ang dating batang Mark na alaga ko. Sana isang araw matutuhan rin niyang patawarin ang kanyang ama.
Scenario - Sa harap ng Bahay
Pinagmamasdan ni Mark ang kapaligiran. Naghihintay ng kanyang sasakyan minamaneho ni Mang Mario.
Mark: (nasa isip) I'm sorry Mama, i'm so sorry.
Humihingi ng tawad si Mark sa kanyang Mama dahil sinunod niya ang utos ng ama na layuan ang ina.
Bumalik ang kirot ng sakit na nadama niya sa pagkamatay ng ina.
Mark: (nasa isip) hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa ni Papa. Ipinapangako ko, Mama, kukunin ko uli ang lahat ng kinuha ni Papa sa inyo. Babawiin ko ang mga kumpanyang ipinagbili ni Papa.
Papalapit na ang sasakyan ni Mark, humahangos si aling Adela iniabot ang ibinalot sa dahon ng saging ang nilutong pesang bangus.
Aling Adela: Anak, pabaon ko sa iyo. Salamat sa pagdalaw dito.
Mark: Aalis na kami.
Aling Adela: Aasahan ko babalik ka at sana sa pagbalik mo isang masayang Mark ang sasalubungin ko. Sige, mag ingat kayo sa pag uwi sa Maynila.
May iniabot si Mang Tino, isang envelop kay Mark.
Mark: Ano ito?
Mang Tino: Dala yan ng kasama nyong babae kagabi.
Mark: (nagtaka) sinong babae?
Aling Adela: Ah si Regine isang emplayado sa opisina mo.
Napatingin si Mark kay Mang Mario at nagtanong.
Mark: Sinong babae ang sinasabi nila?
Mang Mario: Sir, Regine po ang pangalan. Isa daw po siya sa mga staff nyo. Napag utusan para ibigay sa inyo ang envelop na yan. Pero lasing po kayo kagabi kaya nakiusap po ako sa kanya sumama sa atin upang umalalay habang nagmamaneho po ako.
Galit na galit si Mark sa narinig.
Mark: Bakit isinama mo pa ang sinong babaeng yon.
Mang Mario: Sorry po, Sir. Nag alala lang po talaga ako sa inyo kagabi.
Mark: Let's go!
Scenario - Sa loob ng sasakyan pauwi ng Maynila
Pilit inaalala ni Mark ang nangyari sa kanya nung gabi bago sila napunta sa Villa Fernandez.
Flashback
Umiinom ng alak habang nakatingin sa taong nakaupo sa piano tinutugtog ang awiting nagpa alala sa kanyang ina. Madalas tumutugtog ng piano ang ina ni Mark at sinasabayan niya ito. Ang kantang IkAW ang paboritong kanta ng kanyang ina.
End of Flashback
Samantala, napatingin si Mang Mario sa salamin at nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Mark.
Scenario - Bumaba ng tricycle si Regine
Lumapit si Regine sa isang kumpol ng mga tao para magtanong.
Regine: Magandang umaga po, saan po ba dito ang sakayan papuntang Maynila.
Tao: Sa banda roon, Miss. Maglakad ka pa ng konti makikita mo na ang terminal ng Bus.
Regine: Maraming salamat po.
Mabilis na naglakad si Regine patungong terminal ng Bus.
Regine: (nasa isip) Kailangan ko makasakay agad.
Habang naglalakad si Regine ng mabilis, paparating sa kanyang likuran ang sinasakyang kotse ni Mark. Nakita ni Mang Mario si Regine.
Mang Mario: Sir Mark, si Regine po.
Hindi lumingon at umimik si Mark parang walang narinig.
Napatingin si Mang Mario sa salamin at nakita ang seryosong mukha ni Mark.
Scenario - Opisina ni Mark
Hindi pa rin maalis ang pagdududa ni Mark kay Regine.
Mark: (nasa isip) Anong binabalak ng babaing yun?
May kumatok sa pinto ng opisina ni Mark. Bumukas at pumasok si Ate Linda lumapit sa table ni Mark.
Ate Linda: Sir, narito po ang schedule ng mga meetings nyo ngayon. Nag confirm na rin si Mr. Montecillo sa rescheduled meeting na hindi natuloy kagabi.
Mark: Okey, just leave it there.
Ate Linda: Sige po, Sir.
Lumabas ng opisina ni Mark si Ate Linda.
Habang nakatingin sa malaking bintana tanaw ang ibang nagtataasang gusali katabi ng kanyang opisina, naalala ni Mark ang nangyari sa kanila ni Regine sa Villa Fernandez.
Flashback
Nakasandal si Mark sa balikat ni Regine ng biglang sumuka dahil sa kalasingan pagkatapos ay yumakap ng mahigpit at dinumihan ang uniporme ni Regine.
End of Flashback
Hindi maiintindihan ni Mark ang nararamdaman sa nangyaring iyon.
Scenario - Nagmamadaling pumasok si Regine sa opisina.
Late na dumating si Regine sa opisina. Pagka upo nya sa mesa, sinita agad siya ni Ate Linda.
Ate Linda: Regine, bakit ngayon ka lang?
Regine: Malayo pa po kasi ang biniyahe ko. Sorry po Ate Linda.
Ate Linda: Saan ba bahay mo?
Regine: Ang tinitirhan ko po malapit lang dito pero kasi po.
Ate Linda: O sya sige na paki dala mo nalang itong mga folders sa Marketing Department.
Regine: Opo.
Agad umalis si Regine upang magtungo sa Marketing Department ng kumpanya.
Pagod na pagod at kulang sa tulog tuloy pa rin si Regine sa pagtatrabaho.
Napansin ni Giselle ang dumi sa damit ni Regine.
Giselle: Regine, anong nangyari sa damit mo? Bakit parang may mapa ng pilipinas.
Regine: Ah kasi nabuhusan ng pagkain. Mawawala rin ito kapag ibinabad sa bleach. Wala lang kasi akong time gawin kagabi.
Tiffany: Halina kayo mag lunch break na tayo.
Giselle: Sabay na tayo Regine mag lunch sa canteen.
Regine: Sige, mauna ka na susunod nalang ako.
Scenario - Sa table ni Regine
Antok na antok si Regine kaya imbes kumain, umidlip na muna para makabawi ng tulog.
Napansin ni Ate Linda tila walang tulog si Regine.
Ate Linda: Ano bang ginawa mo kagabi? siguro gumimik ka ano.
Regine: Hindi po Ate Linda.
Ate Linda: Eh bakit mukhang wala kang tulog.
Regine: May nangyari lang po kagabi.
Ate Linda: Sige na nga naniniwala na ako sa iyo. Ano? matutulog ka na lang? Di ka ba mag lunch?
Regine: Matutulog po muna ako.
Ate Linda: O sige, ikaw ang bahala.
Lingid sa kaalaman nina Regine at Ate Linda, narinig ni Mark ang kanilang usapan.
Pag alis ni Ate Linda, lumapit si Mark sa mesa pinagmamasdan habang natutulog si Regine.
Itutuloy ....
1 comment:
Hey keep posting such good and meaningful articles.
Post a Comment