These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Thursday, August 8, 2013

Rivalry - Episode 2


RIVALRY - Episode 2

Scenario - Opisina ng Chairman ng SBS Network


Labis ang pag aalala nina Chairman Rivera at Mr. Santos (President) ng SBS Network dahil sa resulta ng kanilang pelikula.

Chairman Rivera: What went wrong? How can this happen? I thought we had a good story and bankable stars. Nagkulang ba talaga tayo sa marketing and promotions?

Mr. Santos (president): Next week na ang stockholder's meeting and we have a lot of explaining to do. I believe it has nothing to do with promotions. No amount of marketing genius can be effective with limited cinemas. So what do you expect? ganon lang talaga ang box office returns ng movie. All we need right now is political power.

Chairman Rivera: What do you mean, political power.

Mr. Santos (president): Stronger political power or connections.

Chairman Rivera: May political connections naman tayo ah. We are friends with some high ranking politicians. We can count on them anytime kung kinakailangan natin ng tulong.

Mr. Santos (president): But that is not enough. The company needs someone whom we can trust and will never waver in loyalty.

Chairman Rivera: How can we do that?

Mr. Santos (president): Why don't you convince your daughter to run for public office. She's more than qualified, she's a lawyer and we can back her up.

Chairman Rivera: If i had my way, ayoko talaga sya magtrabaho dito sa network. But she's a hard headed woman. Besides anong magagawa ko the network's board of directors voted for her upang pumalit kay Angel.

Mr. Santos (president): I think you really need to let her know the importance of political power in this business. A power that can protect the interest of our company. Other networks have close ties with the most powerful people in the country. They use these padrinos as leverage to every cinema owner.

Chairman Rivera: I've been convincing her to join politics even before she graduated from college. Pero gusto nya talaga magtrabaho sa network.

Mr. Santos (president): Malaki ang maitutulong ni Marian if she gets elected to public office. We cannot rely too much on other politicos to help us dahil hindi natin sila lagi maaasahan.

Chairman Rivera: I understand that.


Scenario - Bahay nila Marian


Dinner ng family at kasama sa long table ng dining room sina Marian, ang ama, ang kanyang ina at kaisa isang kapatid na lalaki.


Tahimik at parang hindi nagpapansinan sina Marian at kanyang ama habang kumakain. Nahalata ito ng kanyang kapatid na lalaki.

Enrique (kapatid): Dad, i'll be leaving on sunday.

Chairman Rivera: Why so soon?

Enrique (kapatid): Summer is almost over. Its enrollment time in a couple of weeks i need to prepare for it.

Chairman Rivera: I hope you consider my options.

Enrique (kapatid): I'll think about it Dad. I still have 4 years in college to do so, right?

Chairman Rivera: I want you to consider.

Enrique (kapatid): Dad, are we going to talk about it again?

Chairman Rivera: I only want what is best for our company.


Sa sandaling ito napatingin ang ama kay Marian.

Marian: Mom, dad, please excuse me. I had a long day, i want to rest.


Nagulat ang ina ni Marian dahil halos hindi pa nya nagagalaw ang pagkain.

Amanda (ina): Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo, iha.

Marian: I'm not hungry, Mom. I'm tired i want to rest.

Amanda (ina): O sige, i'll tell the maid to get you some snacks before you go to bed.

Marian: Huwag na po, Mom i'm not really hungry,


Nagsalita ang ama sa usapan nila Marian at ng ina.

Chairman Rivera: Let her rest.


Umalis si Marian at nagtungo sa kanyang kwarto.



Scenario - Sa labas ng bahay nila Marian


Nakatayo sa tabi ng swimming pool, malayo ang tingin at parang may malalim na iniisip ang ama ni Marian.


Start of Flashback


Scenario - College Graduation ni Marian


Tuwang tuwa ang lahat sa natamong karangalan ni Marian.


Sa pag akyat ni Marian sa stage upang gawaran ng medalya sa pagka cum laude naging very proud ang kanyang ama.


Marian: Dad, as promised, i made it!

Chairman Rivera: I'm so proud of you, anak.

Marian: Mana lang ako sa iyo, Dad.

Chairman Rivera: Pinaghirapan mo abutin ang karangalan na iyan. All credit must go to you.

Marian: I'm scared Dad, kasi mataas ang expectations ng school sa akin to top the bar exams.

Chairman Rivera: You don't have to put too much pressure on yourself.

Marian: Siempre with this achievement, my teachers and my fellow students, they expect a lot from me.

Chairman Rivera: Huwag mo na muna isipin yan.

Marian: Thanks Dad, i love you so much.

Chairman Rivera: I love you too, iha.

Niyakap ni Marian ang ama.


Scenario - Celebration ng Pagkapasa sa Bar Exams ni Marian

Sinurpresa ng ina si Marian ng magarbong celebration.


Habang nagkakasiyahan ang mga bisita, kinausap ng ama si Marian sa plano nito ngayong isa na syang abugado.

Chairman Rivera: So ano ang balak mo after this.

Marian: I want to work with SBS network.

Chairman Rivera: I don't think that is a good idea.

Marian: Dad, eversince i've always wanted to work in the company.

Chairman: I don't want you to work with SBS. Ang gusto ko paghandaan mo ang pagpasok sa pulitika.

Marian: But Dad, i don't want to enter politics. I don't want to be a politician.

Chairman Rivera: Do it for the company.

Marian: Ayoko, Dad. Mas gusto ko magtrabaho sa SBS network natin.

Chairman Rivera: Kahit naman you're in public office, you can still be part of our company. You can help us even more.

Marian: I don't want to, Dad, and i can prove to you i'll be of big help sa company kahit wala ako sa pulitika.


End of Flashback


Habang nakatalikod, lumapit sa kinaroroonan ng ama si Marian.

Marian: Dad, I'm sorry. I didn't mean to disappoint you.


Hindi hinarap ng ama si Marian.

Chairman Rivera: Just do what you have to do.


Malungkot si Marian dahil hindi pa rin nawawala ang galit ng ama.



Gap 1


Scenario - ATC Network Building


Umaga pa lang sa labas at loob ng ATC building ramdam na ang pagiging good mood ng lahat. Wide smile as they greet each other. From security guards na sumasalubong sa mga bisita to the lady usherettes ng elevators naka smile.

Sa opisina ni Mark Anthony kausap ang head ng ATC Films.

Mark Anthony: Malakas ang movie natin, congratulations!

Kris (ATC Films head): Thank you Sir. We're happy nag hit sa moviegoers ang pelikula.

Mark Anthony: Good job! It seems that we may well have another victory to celebrate. Paghandaan nyo na ang thanksgiving party.

Kris (ATC Films head): Actually pinaplano na po namin.

Mark Anthony: Gawin natin malaking celebration. Invite everyone including the press people.

Kris (ATC Films head): We'll do that, Sir.


Scenario - ATC Network Conference Room


Nagpatawag ng meeting si Katrina upang pag usapan ang status ng kanilang mga palabas sa tv.

Kabilang sa meeting ang lahat ng production unit heads at kanilang assistants.

Katrina: Ano ang status ng mga palabas natin ngayon.

Dean (executive2): Ma'am Katrina, based on the ratings tuluyan ng lumakas ang mga shows ng SBS network.

Katrina: What about our ad loads?

Dean (executive 2): Bumaba rin po.

Katrina: Really that bad? pati ad loads natin bumaba?

Dean (executive 2): Opo, ma'am Katrina.

Leon (asst. production head): Kailangan na po tayo kumilos, ma'am. Baka lalong mawalan ng audience ang mga palabas natin.

Katrina: Ilang percentage ang nawala sa atin.

Dean (executive 2): We lost roughly about 5 to 10 percent in mega manila and our lead in national ratings has already shrunk significantly compared to last couple of months.

Katrina: Ibig mo sabihin hindi nakuha ng ipinalit nating teleserye ang audience ng dating soap?

Dean (executive 2): Ganon na nga po ma'am Katrina. Hindi kasing lakas ng dating teleserye ang bago. In fact, naungusan na tayo.

Katrina: We cannot allow this. Ang tagal natin hinawakan ang timeslot na yan.

Lally (prod 1): Sa tingin namin naapektuhan pati ang line up ng primetime shows dahil mahina ang ipinalit nating soap.

Katrina: Prepare the production unit 1 to resume taping dahil ipapasok kaagad natin sila sa primetime.

Lally (prod 1): Ano po ang time table, ma'am Katrina.

Katrina: Within the month kailangan maglabas agad ng teaser and be ready to air anytime soon.

Richard (executive 1): Ma'am Katrina, kung magdadagdag tayo ng bagong show ngayon, full na ang slot sa primetime, saan nyo ilalagay?

Katrina: We don't have a choice kailangan palakasin ang line up natin.

Richard (executive 1): Hindi kami papayag mamove uli ang show namin. Unfair kapag dalawang beses kami magpapalit ng timeslot. Malilito ang mga sumusubaybay ng show namin.

Katrina: But we have no choice.

Richard (executive 1): Mataas pa rin naman ang national ratings so why the need to add new show.

Katrina: According to Dean's report humihina na rin and its already affecting our ad loads. We cannot afford to lose advertising clients dahil pag nagkataon malulugi ang production.

Sandra (prod 2): Sir Richard, kahit po mas mataas ang ratings sa national, lumiliit na rin po ang lead natin sa kabilang istasyon.

Katrina: In that case, hihintayin pa ba natin mapantayan o maungusan? kailangan tayo mag pasok ng bagong show as soon as possible habang salvageable pa. Babawiin natin ang nawalang audience.

Richard (executive 1): Hindi ako sang ayon sa gagawin nyo.

Katrina: My responsibility is pangalagaan ang status ng primetime shows ng network. Hindi lang naman isang show ang concerns dito. Its the whole line up. Kaya kung may problema gagwan ko ng paraan.

Richard (executive 1): I'm afraid it will have a big impact on our show. Mawawalan kami ng audience at hindi na makakabawi kapag inilagay kami sa pinaka late na timeslot.

Katrina: Well then, just end the show. That is your only option now.

Richard (executive 1): I'll talk to the cast and my production team about it first.

Katrina: I need to know your decision at once so we can set the date kung kailan papasok ang bagong show.


Scenario - Meeting ng Production unit 1


Pinag usapan ng production unit 1 ang naging decision ni Katrina magpasok ng bagong show sa primetime.

Richard (executive 1): Final na ang decision ni Ma'am Katrina magkakaroon ng bagong show sa primetime. Ibig sabihin nito mauurong nanaman tayo ng mas late na timeslot.

Eric (prod staff 1): Sir Richard, marami kaming natatanggap na e-mail galing sa mga fans ng artistang bida ng show natin. Nagrereklamo sila bakit daw pinalitan ang timeslot ng idol nila. Kapag nagpalit tayo uli baka lalo lang madismaya ang mga fans at ibang televiewers.

Sarah (prod staff 2): Ano po ang gagawin natin?

Eric (prod staff 1): Sir, kung humingi po kayo ng tulong kay boss Mark Anthony?

Richard (executive 1): As if naman may maitutulong sya. Alam nyo naman kapag nag decision na si ma'am Katrina, kahit si boss Mark Anthony, he cannot question her actions. Ang pakialam lang naman ng mga may-ari ng TVC network ay ang kikitain ng kumpanya. Pero when it comes to decision making with regards to programming, si ma'am Katrina ang nasusunod.

Nina (prod staff 3): Ibig nyo po sabihin, sir wala tayong magagawa kundi tapusin ang show?

Richard (executive 1): Unless gusto nyo maging midnightserye tayo. Masakit man sa loob ko, let's just wrap it up.

Eric (prod staff 1): Huwag naman po, Sir Richard.

Richard (executive 1): Ayoko rin naman gawin ito kasi alam ko maraming mawawalan ng trabaho. Kaya lang nakakahiya rin sa mga artistang bida ng show natin kung palipat lipat tayo.


After the two hour meeting, everyone decided to just end the show.


Gap 2


Scenario - Opisina ng Chairman ng ME TV8 Network


Nag courtesy call muna si Angel sa chairman ng ME TV8 sa unang araw ng pagpasok niya bilang bagong head ng entertainment department.

Mr. Monteclaro: Angel! this is your first day of work. Welcome, welcome, welcome!

Angel: I'd just like to say thank you for the opportunity of being part of the company.

Mr. Monteclaro: Oh, the pleasure is ours.

Angel: Thank you, sir. I will do my best.

Mr. Monteclaro: Do whatever you think is best to the entertainment department.


Scenario - ME TV8 Building


Usap usapan sa ME TV8 network ang pag upo ni Angel bilang bagong head nila kaya hindi maiwasan ng mga staff ng naturang opisina ang mag alala sa posibleng kahihinatnan ng kanilang pananatili sa trabaho.

Sarah (staff 1): Ngayong araw na pala magsisimula si Ms. Angel sa ME TV8. Ano kaya ang unang gagawin nya.

Anna (staff 2): Ang balita ko nag bitbit ng staff si ma'am Angel galing sa dati nyang network.

Francis (staff 3): Yun nga rin ang nasagap kong balita. So paano na tayo?

Anna (staff 2): Ako, okey lang sa akin ilipat ng ibang department.

Francis (staff 3): Sana walang tigbakan.

Anna (staff 2): Mas gusto ko ma-assign sa iba kasi kabado ako magtrabaho kay ma'am Angel.

Sarah (staff1): Bat ka naman kabado?

Anna (staff 2): Sobrang unpredictable daw ng working habit nyan.

Francis (staff 3): Anong ibig mong sabihin unpredictable?

Anna (staff 2): Sabi lang ng kaibigan kong tiga SBS network na may pagka terror daw at workaholic yang si ma'am Angel. At saka wala daw patawad kung mangsibak ng tauhan.

Sarah (staff 1): Totoo naman kaya sinasabi ng kaibigan mo. Baka iniintriga lang si Ms. Angel kasi nga lumipat ng ME TV8.

Anna (staff 2): Hindi lang yan, ang sabi pa, mahilig mag-threaten ng demanda. Bukang bibig daw nya, i'll see you in court.

Sarah (staff 1): Grabe sobra naman yata yan.

Anna (staff 2 ): Well, malalaman natin sa mga susunod na araw kung totoo nga ang sinasabi ng friend ko.

Francis (staff 3): Hay panibagong boss, panibagong stress.

Napangiti lang sila sa isa't isa ngunit may kahalong kaba.


Scenario - Opisina ni Angel


Unang tinalakay ni Angel bilang head ng entertainment department ay pulungin ang mga production executives ng mga shows ng ME TV8.

Pagpasok ng mga production executives sa opisina ni Angel isa isang nagkipag beso sa kanya. Bakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na sa wakas pamumunuan na ni Angel ang naturang department. Hindi maitatanggi ang magandang nagawa ni Angel sa mga programa ng SBS network kaya marami natuwa sa pagkakatalaga sa kanya ng ME TV8 management.

Jacob (executive 1): Welcome, Ms. Angel. I am looking forward to working with you.

Karen (executive 2): Welcome po Ms. Angel sa ME TV8.

Kabilang sa mga executives ay dati ng nakatrabaho ni Angel sa SBS network na nauna ng lumipat.

Louie (executive 3): We're really excited to be working with you once again.

Masayang masaya si Angel sa mainit na patanggap sa kanya mga executives ng ME TV8.

Louie (executive 3): Balak namin maghanda ng welcome party para sa iyo.

Angel: Naku! wag na! ayoko ng mga ganyan.

Jacob (executive 1): It's a simple gatherings lang upang formally ipakilala ka sa buong work force ng ME TV8.

Angel: Hindi na kailangan! Sapat na ang naging announcement ni Chairman during the trade launch. Gusto ko lang hingin ang full support ninyo sa lahat ng mga hakbang na gagawin ko.

Jacob (executive 1): Asahan nyo po ma'am Angel ang 100% support namin sa upcoming projects na pinaplano mo.

Angel: Maraming salamat.


Scenario - Bahay nila Angel at Jericho


Halos nagkasabay dumating ng bahay sa magkaibang sasakyan ang mag asawang Angel at Jericho.

Jericho: Maaga ka yata ngayon, sana tinawagan mo ako para nasundo kita.

Angel: Nakalimutan kong tawagan ka kanina.

Jericho: Sana nakapag dinner date tayo sa labas.

Angel: Napagod na rin ako sa opisina kaya gusto ko na umuwi para makapagpahinga.

Habang papasok ng bahay sina Angel at Jericho, hinahanda na ng maid ang kanilang hapunan.

Angel: I am so tired, honey. Pahinga muna ako sa room.

Jericho: O sige susunod na ako.

Lumapit ang maid upang sabihin nakahanda na ang kanilang hapunan sa mesa.

Maid: Ma'am Angel, nakahanda na po ang dinner.

Angel: Mamaya na ako mag dinner sobrang napagod ako sa opisina pahinga muna ako.

Maid: Opo ma'am.



To be continued

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...