These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Monday, October 18, 2010

Pangarap Ka Na Lang Ba? (Episode 9 - Revelations)


Episode 9 - Revelations

Scenario (Hospital)


(Claudine nakita si Mark nakaupo sa may lobby ng ospital tila malungkot)

(Claudine lumapit kay Mark umupo sa tabi)

Claudine : Mark, are you okey?


(Mark napatingin kay Claudine)

Mark : Yeah. Okey lang ako.

Claudine : Bakit mukhang malungkot ka? May problema ka ba?


(Mark niyaya si Claudine pumunta sa lugar na pinupuntahan nya kapag may problema)

Mark : Dine, samahan mo ako.

Claudine : Saan tayo pupunta?

(Mark hinawakan naglakad hila si Claudine)



Scenario (Toktok ng Hospital)


Claudine : Madalas ka ba dito?

Mark : Kapag may problema lang.

Claudine : Ibig sabihin may problema ka ngayon?

Mark : Pitong taon tayo hindi nagkita. Nung iniwan mo ako, halos dalawang taon kita hinanap. Naging magulo ang buhay ko noon. Nakilala ko si Heart ng panahong yun. Tinulungan nya ako bumalik sa pag aaral ng pagka doctor. Pagkatapos ng apat na taon sa pag aaral ng medicine, nagpakasal kami. Isang taon na kaming kasal ni Heart ngayon.

Claudine : Masaya ako para sa iyo natupad ang pangarap mo maging mahusay na doctor.

Mark : Resident doctor pa lang ako dito sa ospital. Apat na taon pa para maging ganap na surgeon ako.

Claudine : Kaya mo yan, Mark.


(Mark hinarap tinitigan si Claudine at lumuha)

Mark : Ito ang pangarap natin noon Dine.

Claudine : Mark, masaya ako ngayon para sa iyo.


(Mark niyakap si Claudine ng mahigpit)






Scenario (Bahay nina Mark at Heart)



(Sasakyan papasok sa gate nagpark sa parking)

(Mark bumaba ng kotse pumasok ng bahay)

(Heart nakaupo sa sofa sa sala)

(Mark lumapit kay Heart humalik ngunit umiwas si Heart sa halik ni Mark)

Mark : Heart, pwede ba tayo mag usap?

Heart : Bakit nagsinungaling ka sa akin, Mark? Bakit hindi mo sinabi si Claudine pala ay si Dine. Was it intentional? Sinadya mo ba itago sa akin ang katotohanan?

Mark : Heart, No! wala akong balak itago sa iyo ang tungkol kay Dine.

Heart : (Pasigaw) Then why did you not tell me na si Claudine pala ang ex girlfriend mo?

(Mark Tumalikod kay Heart nakatungo tila hindi makatingin kay Heart)

Mark : Hindi ko alam.

(Heart pilit hinaharap ang mukha pero umiiwas si Mark harapin si Heart)

Heart : Mark, look at me! hindi mo alam?

(Mark hindi humarap kay Heart umiyak)

Mark : I'm sorry Heart.

(Heart umiwas tumalikod umiyak habang ayaw humarap sa kanya ni Mark))

Heart : Simula ng magkakilala tayo hanggang ngayon you never said, i love you. Ni minsan hindi ko narinig sa iyo sabihin sa akin na mahal mo ako. Bakit Mark, is it that hard for you to say it?

(Mark hinarap si Heart nagalit)

Mark : (Pasigaw) Bakit ako lang ba? ikaw rin naman ah. You never said, i love you!

(Heart hinarap si Mark umiiyak)

Heart : (Umiiyak) You know why? alam mo ba kung bakit? dahil natatakot ako! Natatakot ako na baka kapag sinabi kong mahal kita, hindi ko marinig sa iyo na, na sabihin mong mahal mo rin ako.

(Mark hinawakan ang balikat umiyak kaharap si Heart)

Mark : I''m sorry, Heart.

(Heart tumingin kay Mark lumuluha)

Heart : (Umiiyak) Alam mo ba kung gaano kasakit para sa akin yun, Mark? All i wish, is that, one day sabihin mo rin sa akin, I love you Heart.

(Mark bumuhos ang luha sa sinabi ni Heart)

Mark : I'm sorry, Heart hindi ko alam.


(Mark niyakap si Heart ng mahigpit)



Scenario (Isang Restaurant)



(Heart nakaupo tila may hinihintay)

(Kotse papasok huminto sa harap ng restaurant, Claudine bumaba ng kotse)

(Claudine pumasok ng restaurant lumapit sa mesa ni Heart)

Heart : I know ayaw mo malayo sa inyong anak kahit sandali lang.

Claudine : Kaibigan ko ang nagbabantay kay Marky ngayon.

Heart : Magkakilala pala kayo ng asawa ko.

Claudine : Oo.

Heart : Dati mo syang boyfriend?

Claudine : Oo, matagal na yun.

Heart : Do you still love him? Mahal mo pa rin ba ang asawa ko?

Claudine : Bakit mo tinatanong sa akin yan.

Heart : I just want to know kung mahal mo pa rin si Mark.

Claudine : Hindi ko masasagot ang tanong mo.

Heart : Bakit hindi Claudine? Dahil ba mahal mo pa rin sya?

Claudine : Wala kaming ginagawang masama ni Mark.

Heart : Mahirap ba sagutin ang tanong ko?

Claudine : Asawa mo sya. Matagal nang natapos ang kung ano man meron kami noon.

Heart : (Umiiyak) Mahal na mahal ko si Mark. Pero si Mark, ikaw pa rin ang laman ng puso nya.

Claudine : Anong ibig mo sabihin?

Heart : Mahal na mahal ka pa rin ni Mark.

(Claudine nabigla sa sinabi ni Heart)



Scenario (Hospital)



(Mark palabas ng operating room naglalakad papuntang ICU)

(Claudine nakita si Mark tinawag)

Claudine : Mark!

(Mark napalingon sa tumatawag nakita si Claudine)

Claudine : Mark, pwede ba tayo mag usap?

Mark : Bakit? May problema ba?

Claudine : Gusto ko sana makapag usap tayo.

Mark : Anong pag uusapan natin?

Claudine : Nagkita kami ni Heart. Pakiusap Mark ..

(Hindi pa tapos magsalita si Claudine nagsalita na si Mark)

Mark : Alam ko na ang sasabihin mo.

(Mark kinuha ang kamay naglakad ng mabilis hila hila si Claudine)

Claudine : Saan tayo pupunta?

Mark : You want to talk hindi ba?

Claudine : Mark, bitawan mo ako.

(Claudine nagpumiglas sa paghawak ng kamay ni Mark)

Claudine : Listen to me Mark. Mahal ka ni Heart.

(Mark hindi umiimik patuloy na naglalakad hila hila si Claudine)

Claudine : (Pasigaw) Mark! Will you listen to me!

(Mark hindi pa rin binibitawan ang kamay patuloy ang paglalakad hila si Claudine)

Claudine : (Pasigaw) Mark!

(Mark binitawan ang kamay ni Claudine tumigil sa paglalakad)

Mark : Alam ko na ang sasabihin mo, Dine.

Claudine : Mark, asawa mo si Heart. Mahal na Mahal ka nya.

Mark : Paano ang pagmamahal ko sa iyo?

Claudine : What happened to us was just a physical joining of our bodies nothing more.

Mark : (Pasigaw) I don't believe you, Dine. I know you loved me as much as i love you.

Claudine : (Umiyak) Mark, mahal na mahal ka ni Heart.

Mark : Ang tagal kitang hinanap. Now that i found you, i don't want to lose you.

Claudine : Mark, naririnig mo ba ang sarili mo? Marami na ang nagbago sa atin. Naiintindihan mo ba?

Mark : Walang nagbago sa akin, Dine. Mahal na mahal pa rin kita.

Claudine : (Pasigaw) Listen to me Mark! Hindi na pwede ibalik yung dati. May masasaktan kapag ginawa natin yun. Mahal na mahal ka ng asawa mo.

Mark : (Umiiyak) Ang tagal kitang hinanap. Buong buhay ko isa lang ang pinangarap ko. Ang makasama ka habang buhay, Dine.

Claudine : (Umiiyak) Kung minsan kailangan handa ka rin isakripisyo ang sariling pangarap.

Mark : Dine, wag mo gawin ito.

Claudine : Kailangan, Mark.

(Mark umiyak niyakap ng mahigpit si Claudine)





GAP 1





Scenario (Bahay nina Mark at Heart)



(Mark at Heart nakaupo sa may labas ng bahay)


Heart : Nagkita kami ni Claudine.

Mark : Alam ko. Kinausap nya ako kanina.

Heart : Sinabi ko sa kanya na mahal mo pa rin sya.

Mark : Simula ngayon iiwasan na nya ako.

Heart : Masakit magbiro ang langit. Ako pa mismo ang nakiusap sa iyo para tulungan sya. Yun pala sya ang babaing matagal mo nang hinahanap. Ang babaing hanggang ngayon laman ng puso mo.
Sinisisi ko ang sarili ko, dahil sa akin napalapit uli kayo ni Claudine.

Mark : Wag mo sisihin ang sarili mo, Heart.

Heart : Masakit ito para sa akin Mark dahil magalit man ako sa inyong dalawa, hindi ko magawa. But i won't give up on you Mark dahil mahal kita.

(Heart umiyak Mark lumapit para yakapin ngunit umiwas si Heart)

(Heart umalis iniwan si Mark)



Scenario (Hospital)


(Heart naglalakad papuntang ICU)

(Heart nagtataka nagtatakbuhan mga nurse at doctor papuntang ICU)

(Heart sinilip ang kwarto nakita si Mark nire revive si Marky)


(Heart nakita at narinig ang pag hagulgul ni Claudine habang nire revive ni Mark si Marky)

Claudine : (Umiiyak) Marky! Marky!


(Mark at mga kasamang nurse sa loob ng kwarto di magkamayaw sa pag revive kay Marky)

Mark : Dine, mas mabuting lumabas ka muna ng kwarto. Kami na ang bahala dito.

Claudine : (Umiiyak) Hindi! ayoko iwan si Marky!

Mark : Please Dine.

Claudine : (Umiiyak) Ayoko gusto ko kasama ko ang anak ko. Marky!


(Heart naawa kay Claudine at sa kanyang anak)

Heart : Oh my God! kung hindi dahil sa akin. (Umiyak)


(Habang niri revive ni Mark at ng ibang doctor si Marky, biglang nag seizure ang bata)

Claudine : (Pasigaw) No! Marky!


(Mark inutusan ang nurse na palabasin si Claudine)

Mark : Nurse ilabas mo muna sya.

Claudine : (Umiiyak) Mark! tulungan mo si Marky! Please Mark tulungan mo ang anak ko!

Mark : Dine, we're doing our best.


(Biglang humina ang tibok ng puso ni Marky)

Claudine : Mark! anong nangyayari? anong nangyayari sa anak ko?

Mark : I'm sorry.

Claudine : Mark tulungan mo si Marky! (Pasigaw) Tulungan mo ang anak natin!

(Mark nabigla sa sinabi ni Claudine)

(Mark hinawakan ang balikan pilit na hinarap si Claudine)

Mark : Anong sinabi mo?

(Heart nanlumo sa narinig na sinabi ni Claudine kay Mark)

Heart : Anak ni Mark ang batang nasagasaan ko?


(Claudine hindi makatingin kay Mark)

(Mark pilit tinatanong si Claudine)

Mark : Dine, anong sinabi mo?

Claudine : (Umiiyak) Anak mo si Marky. Anak natin sya.


(Biglang lumakas ang pagtibok ng puso ni Marky)

Nurse : Doc! lumalakas ang pagtibok ng puso ng bata!


(Marky gumising sa pagka comatose)

Nurse : Doc nagising na ang pasyente!


(Mark dahan dahan lumingon sa bata lumuha ang mga mata niyakap ng mahigpit si Marky)

Mark : Marky anak ko!


(Mark tinignan si Claudine umiiyak)

Mark : Anak ko sya?

Claudine : Oo anak mo si Marky.


(Mark umiyak niyakap ng mahigpit si Marky)

(Heart habang nasa labas ng pinto narinig lahat ng sinabi ni Claudine kay Mark umiyak)

(Heart nanlumo umalis naglakad palabas ng ospital)



Scenario (Bahay nina Mark at Heart)


(Mark pumasok ng bahay nakita si Heart nakaupo sa sala)

(Mark lumapit kay Heart humalik)

Heart : Gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo.

Mark : Heart

Heart : You have been wanting to file for annulment hindi ba? Pumapayag na ako. Mas makakabuti para sa ating dalawa ang maghiwalay.

(Heart tumayo umalis iniwan si Mark)





GAP 2




Scenario (Hospital)


(Mark at Claudine nakaupo naguusap sa may punong kahoy sa labas ng ospital)

Mark : Bakit hindi mo sinabi sa akin nagkaanak tayo? Bakit mo ako iniwan. Pitong taon kang nawala. Hindi ko maintindihan kung anong ginawa ko .. kung..

Claudine : Kinausap ako ng papa mo.

Mark : Ilang taon nang patay ang papa, Dine

(Claudine tumingin kay Mark)

Mark : Makikinig ako...


(Claudine closeup sa kanyang mukha at mga mata naluluha)



Flashback


7 years ago...


(Sa bahay nila Mark)

(Party para sa graduation ni Mark sa College, may mga bisita, kabilang sa bisita ay ang gilfriend ni Mark na si Claudine)

(Bisita kausap ang ama ni Mark)


Guest 1 : Congratulations Mr. Fernandez! your son graduated Magna Cum Laude. Im sure it wasn't a surprise.

Mark's Father : Gifted talaga iyang anak kong iyan. Simula grade school, laging top.

Guest 1 : Itutuloy ba niya ang kanyang pagdodoktor?

Mark's Father : No less than a medicine degree from a top medical school in the US. Doon namin siya pag aaralin. Matagal na iyang pangarap ni Mark and I have no doubts na matutupad niya ang pangarap niyang maging maging doctor.


(Mark biglang pinatahimik ang tugtugan at kasayahan hawak hawak ang kamay ni Claudine)

Mark : May I have your attention Ladies and Gentlemen. Sandali lang po!

Guests : ssshhhh may sasabihin si Mark.


(Guest tumahimik inaabangan ang sasabihin ni Mark)

Mark : I have an announcement!


(Mark tumingin kay Claudine, tumingin sa ama)

Mark : Dad, Im very thankful sa lahat ng suporta na binigay nyo sa akin ni Mommy. I really worked hard to finish my degree para maging proud kayo sa akin. Im very proud of my achievements as well. But tonight... (tumingin kay Claudine) gusto kong magpasalamat sa babaeng naging inspirasyon ko, pinakamamahal ko ... at mamahalin ko habang buhay


(Mga bisita naging maingay ang bulungan, may nag cheer at pumito sa mga sinabi ni Mark)


(Sa harapan nila Mark at Claudine naging seryoso ang mukha ng ama ni Mark)

Mark : (looking at Claudine) I found the woman of my dreams at sana payagan nyo akong itanong sa kanya ito.

(Mark lumuhod sa harap ni Claudine)

(Guests lalong lumakas ang kantiyawan at palakpakan)

(Mark itinaas ang kanang kamay para pakinggan sya, mga bisita tumahimik)

Claudine: (Nahihiya) Mark! Mark! wag kang ganyan.

Mark : (Naluluha) Will you marry me??

(Biglang nagkagulo sa kinalalagyan ng ama ni Mark)

Guest 2 : Mark! ang Papa mo hinimatay!

Guest 3 : Oh my God! tumawag kayo ng ambulansiya! Bilis!

Mark : (Pasigaw) Daddy! Daddy!


(Claudine nagulat sa nangyari sa ama ni Mark)

(Mark tumakbo at binigyan ng first aid ang ama)

Mark : Ihanda nyo ang sasakyan! isusugod natin siya sa ospital!

Mark's Father : Mark okay na ako. Please! gusto ko muna magpahinga sa kwarto.

Mark : No dad! you need to be brought to the hospital!

Mark's Father : Mark, mabuti pa sunduin mo na lang ang espesyalista ko. Wag mo na ako alalahanin ayokong masira ang party mo.

Claudine : Sige na Mark, sunduin mo ang doctor ni Tito. I'll be here. Ako na muna ang magbabantay sa daddy mo. Sige na! go ahead sunduin mo na ang doctor ng daddy mo.


(Mark nag aalangan iwan ang ama)


Mark : Dad, are you sure? I will get Dr. Santos. Dine, ikaw na muna ang bahala sa daddy ko matigas talaga ulo niyan.

Mark's Father : Okay na ako oh. Sabihin mo sa mga bisita wag mag alala.

Mark : O sige, Dine ikaw na bahala sa daddy. Dad, babalik ako kaagad!



Scenario (Sa kwarto ng ama ni Mark )


(Claudine binabantayan ang ama ni Mark habang nagpapahinga)

Claudine : Kamusta na po kayo?

Mark's Father : Claudine, i'm glad you're here. Meron sana akong ipagtatapat sa iyo. Hindi ito alam ng pamilya ko. Ikaw ang unang pagsasabihan ko nito.

Claudine : Ano po yun, tito?

Mark's Father : May sakit ako Claudine. Hindi na siguro ako magtatagal. Itinago ko ito sa pamilya ko, lalong lalo na kay Mark dahil ayaw kong mag alala siya sa akin.

Claudine : (Nagulat) Po! Diyos ko!

Mark's Father : Tanggap ko na ang lahat, iha. May dahilan ako bakit di ko sinasabi sa kanila at ngayon sasabihin ko sa iyo ang totoong kalagayan ko.

Claudine : Ano po ang maitutulong ko sa inyo? Ano po ang puwede kong gawin para kahit papano makatulong ako sa inyo at kay Mark.

Mark's Father : Claudine, wala akong inasam kundi makamit ni Mark ang mga pangarap niya. Alam kong mahal na mahal ka ng aking anak. Pero hindi natin hawak ang bukas. Kung minsan ang pag-ibig nagbabago, nawawala rin ang pagmamahal. Ngunit ang magkaroon ng matibay na pundasyon sa edukasyon iyon lang ang mapapamana ko kay Mark.

Claudine : Ano po ang ibig nyong sabihin?

Mark's Father : (Umiiyak) Makikiusap ako sa iyo, Claudine. Hayaan mo munang matapos ni Mark ang kanyang pag aaral ng medisina. Nakikiusap ako hiwalayan mo muna si Mark bago niya tuluyang kalimutan ang pangarap nyang maging isang mahusay na Doctor.

Claudine : (Naiiyak) Hindi ko po kayo maintindihan. Mahal na mahal ko po si Mark at hinding hindi ko po hahadlangan ang mga pangarap niya.

Mark's Father : May scholarship ang anak ko sa Amerika para doon na mag aral ng medisina. Ngunit mas pinili nyang magpakasal keysa malayo sa iyo.

Claudine : (Natigilan) Ho! hindi ko po alam.

Mark's Father : Hindi sinabi ni Mark sa iyo dahil ayaw nyang malaman mo. Wala siyang balak tanggapin ang scholarship na inaalok sa kanya. Nagbago ang isip niya dahil sa iyo! Ikaw ang mas pinili ng anak ko keysa abutin ang mga pangarap nya. Kaya nakikiusap ako sa iyo Claudine. Hindi na magtatagal ang buhay ko. Ito ang una at huling pakiusap ko sa iyo. Please Claudine, hiwalayan mo si Mark bago nya tuluyang kalimutan ang pangarap nya.


(Biglang bumukas ang pintuan ng Kwarto)

Mark: Dad andito na si Dr. Santos. Okay ka lang dad?


(Claudine tumayo lumabas ng kwarto)

Claudine: Excuse me...

(Claudine tumakbo palabas ng kwarto)

Mark: Dine!! Are you okay??


Scenario (Mark and Claudine naglalakad sa beach)

Mark: Dine, hindi mo sinagot ang tinanong ko sa iyo sa party.

(Claudine walang imik tila malalim ang iniisip tumingin sa mukha ni Mark)

(Mark hinawakan ang balikat hinarap si Claudine)

Mark: Dine, will you marry me?

(Claudine napaluha sa sinabi ni Mark)

Claudine : Mark, mahal din kita.

Mark : (Ngumiti) Dine, magpakasal na tayo. Ayoko ko na ipagpatuloy pa ng pag aaral ng medisina. Ayoko malayo sa iyo. Naplano ko na ang lahat. Kilala mo si Tony? He referred me to this company at mag aapply na ako. Tamang tama sa kursong natapos ko ang hinahanap nila.

Claudine : Mark, di ba sabi mo sa akin gusto mong maging doktor What if ituloy at tuparin mo muna iyon. Hindi naman
tayo dapat magmadali. Andito lang naman ako at sana,

(Mark pinutol ang sinasabi ni Claudine)

Mark : Nagbago na ang isip ko, Claudine. Gusto ko nang makasama ka. I want to get married and start a family with you, Dine. Magpakasal na tayo!

(Claudine tumingin sa mga mata ni Mark naalala ang hiling ng ama ni Mark sa kanya)


Naalala ..


Mark's Father : Hindi sinabi ni Mark sa iyo dahil ayaw nyang malaman mo. Wala siyang balak tanggapin ang scholarship na inaalok sa kanya. Nagbago ang isip niya dahil sayo! Ikaw ang mas pinili niya keysa abutin ang mga pangarap nya. Kaya nakikiusap ako sa iyo Claudine. Hindi na magtatagal ang buhay ko. Ito ang una at huling pakiusap ko sa iyo. Please Claudine, hiwalayan mo si Mark bago nya tuluyang kalimutan ang mga pangarap nya.


(Claudine naluluha sa naalalang sinabi ng ama ni Mark)


Mark : I have a scholarship to study medicine in the states. I didn't tell you because I don't plan to go anywhere. Ayokong magkalayo tayo. Magbibilang ng maraming taon ang pag aaral ng medisina. I am contented to stay here. Masaya ako na narito ako, kasama ka. Hindi ko kayang malayo sa iyo ng matagal, Dine.

(Claudine tahimik niyakap si Mark ng mahigpit)

Claudine : (Nasa isip) Ako din Mark. Hindi ko rin kaya na malayo ka sa akin. Sana patawarin ako ng daddy mo. Hindi ko magagawa ang hinihiling nya na layuan ka. Ayoko maghiwalay tayo, Mark. Mahal na mahal kita.



Scenario (Beach House magkasama sina Claudine at Mark)


Mark : I love you so much, Dine!

Claudine : I love you too, Mark

(Hinalikan ni Mark ang buhok ni Claudine)

(Mark niyak si Claudine ng mahigpit)

(Mark at Claudine nagkatinginan)

(Mark hinalikan sa labi si Claudine)

(Sumabay sa alon ng dagat ang kanilang pagniniig)

(Napaiyak si Mark sa tuwa dahil naangkin niya ang pinakamamahal niyang si Claudine)

(Mark niyakap si Claudine ng mahigpit)

Mark: Hinding hindi kita iiwan, Dine. Mahal na mahal kita.



Scenario (Kwarto ng beach house)


(May kumakatok sa silid nila Claudine at Mark)

(Claudine nagising habang natutulog pa ng mahimbing si Mark)

(Claudine tumayo at binuksan ang pintuan)

(Claudine nakita ang kotse ng ama ni Mark)

(Ama ni Mark kumaway kay Claudine na pumunta sa tabi ng kotse nito)

(Claudine nakatungo lumapit sa ama ni Mark)


Claudine: Magandang umaga po.


(Claudine akmang hahalik sa pisngi umiwas ang ama ni Mark)

Mark's Father : (Galit) Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa!

Claudine : (Natigilan) Pano nyo po nalaman na nandito po kami.

Mark's Father : May nakakita sa inyo rito.


(Ama ni Mark galit nagbuntunghininga)

Mark's Father : Hindi mo man lang iginalang ang hiling ko sa iyo. Alam mo ba kung gaano kaswerte ang anak ko na nakuha niya ang scholarship na iyon sa amerika? Bihira lang ang pinagkakalooban ng ganoong oportunidad. Buong buhay ko, nangarap ako para sa anak ko. At ito nga, matutupad na, pero anong ginagawa mo? Gusto mong sirain ang lahat? Hindi ako makakapayag!


(Ama ni Mark galit na galit diretsong nakatingin sa mga mata ni Claudine)

Mark's Father : (Galit) Hindi mo ba ako naiintidihan? Malapit na akong mamatay, Claudine! Bilang na ang oras ko sa mundong ito. Wag mo sana akong biguin sa pakiusap ko sa iyo, Claudine. Kung talagang mahal mo ang anak ko, lalayo ka muna. Hahayaan mo syang matupad ang pangarap nyang maging isang mahusay na Doctor! Kung talagang mahal mo si Mark, kaya mong isakripisyo ang kaligayahan mo at maghihintay ka!

(Claudine nangingilid ang luha sa sinabi ng ama ni Mark)

Mark's Father : Aalis na ako. Sabihin mo sa anak ko kung wala siyang balak tanggapin ang scholarship niya sa Amerika, kalimutan na niya na may ama siya.

(Ama ni Mark sumakay ng kotse umalis iniwan si Claudine na umiiyak)



Scenario (Sa kwarto ng beach house)


(Mark nagising nakita si Claudine nakatingin sa may veranda)

Mark : Good morning, baby!


(Claudine napalingon kay Mark ngumiti)

Mark : Sorry ngayon lang ako nagising.


(Claudine walang kibo tumingin ulit sa mga tanawin)

(Mark tumayo para yakapin si Claudine habang itoy nakatalikod at nakatingin sa dalampasigan)

Mark : (Bumulong sa tenga) Is everything okay?

Claudine : Nagugutom na ako. Ang tagal mo kasing magising.

Mark : Yun lang ba! Stay right here and your prince charming will bring you a feast!!


(Mark dali daling nagbihis hinalikan si Claudine lumabas ng kwarto)

Mark: Babalik ako kaagad! I love you!


(Mark lumabas ng kwarto, bumalik at hinalikan ulit si Claudine sa noo)



Scenario (Sa labas ng Beach house)



(Mark bumibilii ng flowers, pagkain, stuffed toy para kay Claudine)



Scenario: (Beach house)



(Mark masayang bumalik sa silid nila ni Claudine)


Mark : Dine! Baby! Andami kong surprise sayo!! Lika na kain na tayo. Tapos swimming tayo.


(Mark hindi nakita si Claudine sa loob ng kwarto hinanap)

Mark : Naasan ka ba?


(Mark napansin sa mesa ang isang relo nakapatong sa isang sulat)

(Mark binasa ang liham)


Mark,


What happened last night was just a physical joining of our bodies.
Hindi pa kaya ng puso, isip at kaluluwa ko na pag isahin ang kinabukasan at mga pangarap natin.

I'm so sorry Mark, may dahilan kung bakit ko ito ginawa pero hindi na importante yon. Alam ko di mo ako mauunawaan pero balang araw pasasalamatan mo rin ako.


I’m sorry for doing this.

Claudine



Mark : Anong ibig sabihin nito? Hindi! Hindi!

(Mark tumakbong palabas ng beach house, sinisigaw ng malakas ang pangalan ni Claudine)

Mark : (Sumisigaw) Dine! Dine!!




Flash Forward



Claudine : Nalaman ko buntis ako kay Marky. Pero natakot akong ipaalam sa iyo dahil baka lalong hindi ka tutuloy sa pag aaral ng medisina. Naisip ko pumunta ng ibang bansa at doon isilang ang ating anak.

Mark : Hinanap kita kung saan saan. Nagulo ang buhay ko nung iniwan mo ako.

Claudine : I'm so sorry, Mark.

Mark : Bakit hindi mo sinabi sa una palang natin pagkikita uli na anak ko si Marky?

Claudine : Dahil nalaman ko ang tungkol kay Heart. Ayoko na magulo pa ang buhay nyo nang dahil sa amin ni Marky.

Mark : Pero Dine anak ko si Marky.

Claudine : Patawarin mo ako ,Mark.

Mark : Wala kang kasalanan, Dine.


(Mark umiyak niyakap si Claudine ng mahigpit)





GAP 3




Scenario (Simbahan)


(Heart papasok ng simbahan lumuhod at nagdasal)

Heart : (Umiiyak) Dyos ko bakit sya pa? Bakit ang anak ni Mark ang nasagasaan ko. Patawarin mo ako hindi ko sinasadya.


Scenario (Bahay nina Mark at Heart)


(Heart naghihintay kay Mark sa sala nakalabas ang mga gamit)

(Mark pumasok ng bahay nakita ang mga gamit ni Heart)

Mark : Anong ibig sabihin nito?

Heart : Hinihintay talaga kita. Gusto ko magpaalam sa iyo.

Mark : Magpaalam?

Heart : I'm leaving you Mark.

Mark : Why do you have to do this, Heart?

Heart : Balikan mo si Claudine. Kailangan ka nya.

Mark : Heart, don't do this.

Heart : (Umiyak) Pinapalaya na kita.

Mark : Heart please.

Heart : Mark, i'm doing this for myself. I have to go.


(Heart umalis ng bahay iniwan si Mark)



Scenario (Hospital)


(Mark papasok ng ospital nakita ang isang nurse)

Nurse : Doc nanggaling dito ang asawa nyo kahapon nagkita po ba kayo sa ICU?

Mark : Nandito si Heart kahapon?

Nurse : Yes doc. Kaya lang umalis sya agad kasi nagkaroon ng emergency sa batang pasyente nyo sa ICU.


(Mark natigilan sa sinabi ng nurse)

Mark : (Nasa isip) Narinig ni Heart.

(Mark tinatawagan si Heart, Heart di sinasagot ang tawag ni Mark)



Scenario (ICU ng hospital)



(Mark pumasok ng kwarto nakita nakaupo sa kama si Marky)


Mark : Hi Marky! kumusta ka na?

Marky : Mabuti na po ako.


(Mark nilapitan si Marky niyakap ang bata umiyak)

Marky : Bakit po kayo umiiyak?

Mark : Wala natutuwa lang ako gumising ka na.

(Claudine naiyak habang pinagmamasdan ang unang pag uusap ng mag ama)

(Yakap yakap si Marky, Mark tumingin kay Claudine)

Mark : Marky pa rin ang ipinangalan mo sa anak natin.

Claudine: Ikaw ang nagsabi mahalaga para sa iyo na Marky ang pangalan ng ating magiging anak. Dahil ito ang magpapaalala ng katuparan ng ating mga pangarap.

(Mark hindi makapaniwala lumapit hinawakan ang mukha ni Claudine)

Mark: (Masaya) Anak ko siya, Dine? Anak natin siya?

Claudine : (Naluha) Oo Mark, anak natin si Marky.


(Mark niyakap ng mahigpit si Claudine umiyak)



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...