These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, September 30, 2011

You Complete Me - Episode 2 Unang Araw sa Fernandez Corporation





Scenario - Humahangos si Ate Linda para ibalita sa mga kasamahan na nariyan na ang bagong boss ng kanilang kumpanya.

Tiffany: Ate Linda ano po ang nangyayari sa inyo? Bakit kayo hinihingal? Okey lang po ba kayo?


Halos hindi makapagsalita si Ate Linda sa sobrang tuwa.

Tiffany: Sandali lang kukuha ako ng tubig.


Kumuha ng tubig si Tiffany at binigay kay Ate Linda.

Tiffany: O eto po uminom muna kayo. Ano po ba nangyari sa inyo?

Ate Linda: Nandito na ang bagong boss natin.

Tiffany: Ho? si Sir Mark?

Ate Linda: Oo nandito na siya.

Tiffany: Nasaan ho?

Ate Linda: Nasa opisina ng papa niya. Nagpapatawag siya ng meeting. Ikaw na ang magsabi sa lahat ngayon din.

Tiffany: Sige po.




Dali daling umalis si Tiffany upang ipaalam na magkakaroon ng meeting sa bagong boss.


Scenario - Nagtipon tipon ang Presidential staff ng kumpanya sa maliit na bulwagan, naghihintay sa gagawing meeting. Excited ang lahat sa unang pagkakataon makikilala nila ang kanilang bagong boss, ang anak ng may-ari ng Fernandez Corporation.

Tiffany: Ate Linda, nandito na lahat ng empleyado.

Ate Linda: Sinabihan ko na si Sir Mark. Paparating na siya.

Giselle: Excited na ako makita ang bagong boss natin. Ano kaya ang itsura niya? Ate Linda, gwapo po ba?


Maya maya ay pumasok na si Mark at tumayo sa gitna. Napatingin sa kanya ang lahat.


Mark: I'm Mark. I will be working with you. You may go to your work now.


Pagkatapos magsalita lumabas si Mark at nagtungo sa opisina ng kanyang ama.


Nagulat ang lahat sa maigsing introduction ni Mark.

Employee 1: Ang gwapo pala ng bagong boss natin.

Employee 2: Oo nga. Binata pa daw si Sir Mark.

Employee 3: Swerte kung sino ang mapapangasawa niya. Gwapo na mayaman pa.

Tiffany: Ate Linda, Ganon lang yun? Wala man lang speech?

Ate Linda: Hayaan na natin. Baka may jet lag pa.

Giselle: Infairness gwapo ni Sir Mark pero mukhang suplado.

Ate Linda: Magtrabaho na nga tayo.


Scenario - Papasok ng Fernandez building sina Regine at Cecile. Sumakay ng elevator patungo sa 7th Floor kung saan matatagpuan ang ang Finance Department. Unang araw ni Regine sa bagong assignment. Itinalaga siya bilang isa sa mga finance staff.


Cecile: Dito ang table mo.

Regine: Salamat Cecile sa lahat ng tulong mo.

Cecile : Okey ka lang ba?

Regine : Oo naman. Medyo naninibago lang ako kasi ang laki ng opisina at ang lamig dito.

Cecile: Bakit doon ba sa opisina sa branch hindi ganito?

Regine: Syempre iba dito kasi main office ito. At saka probinsya kasi yong sa Bulacan.

Cecile: O sya kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin.

Regine: Maraming salamat ulit sa lahat ng tulong mo, Cecile.

Cecile: Wala yon. Ilang beses ka na nagpapasalamat sa akin, naaasiwa na tuloy ako sa iyo. Tandaan mo lang wag ka basta basta magtitiwala kahit kanino, okey?

Regine: Okey.


Scenario - Tuwang tuwa si Regine sa bagong opisina. Habang nag aayos ng mga gamit sa mesa, lumapit ang ibang katrabaho.

Andrea: Hi! ikaw pala ang bagong makakasama namin. Ako si Andrea.

Pam: Ako si Pam.

Regine: Hi! ako si Regine.

Pam: Saang branch ka galing?

Regine: Sa Bulacan.

Andrea: Magte training ka rin dito?

Regine: Dito na ang bagong assignment ko.

Pam: Ah..... so makakasama ka na pala namin.

Andrea: Welcome sa Finance Department.

Regine: Salamat sa inyo.


Bumalik sa kani kanilang mesa sina Andrea at Pam. Napatingin naman kay Regine ang iba pa nilang kasamahan na bising bisi na sa kanilang ginagawa.


Scenario - Opisina ng ama ni Mark.

Nakatayo sa tabi ng malaking salaming bintana nakatingin at pinagmamasdan ang ibang building tila may malalim na iniisip.


Ate Linda: Excuse me sir, nandito na po si Mr. Cruz.

Mr. Cruz: Good morning po Sir Mark.

Mark: Maupo ka.


Naupo si Mr. Cruz sa tabi ng mesa ni Mark.

Mark: Mr. Cruz, i want you to submit the financial report of Fernandez corporation including its subsidiaries.

Mr. Cruz: Opo sir.

Mark: I want them within the week.

Mr. Cruz: Opo sir.

Mark: That is all Mr. Cruz.


Scenario - Nagkita sina Mark at Sam sa isang mamahaling restaurant.

Sam: Mark! join me here.

Lumapit si Mark sa bar ng restaurant kung saan nakaupo si Sam.

Sam: Mark, pare finally ikaw na pala ang magpapatakbo ng Fernandez Corporation.

Mark: I'm doing this para sa Mama ko.

Sam: Whatever your reasons, Pare, masaya ako sa desisyon mo.

Mark: Sam, pare, work for me. Kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan ko.

Sam: Pare, i'm sure maraming tutulong sa iyo sa loob ng kumpanya ng Papa mo. I know some of them ilang years na dyan. You can count on their loyalty tulad ng ibinigay nila sa Papa mo.

Mark: Wala akong tiwala sa ibang tao.

Sam: Pare, you have to learn how to trust other people. Bakit hanggang ngayon ba hindi ka pa rin marunong magtiwala sa ibang tao?

Mark: Hindi ko alam.

Sam: Mark, ang nangyari noon kay Tita Marita...


Hindi pa tapos magsalita si Sam tumayo na sa kinauupuan si Mark.

Mark: I don't want to talk about it, Pare.

Sam: Wait! Pare, okey i'm sorry. Buti pa umorder tayo ng maiinom.


Sam tinawag ang waiter at umorder ng isang boteng alak.

Sam: Sige Pare, i'll think about your offer.


Dumating ang waiter dala ang inorder ni Sam.


Scenario - Sa apartment nila Regine at Cecile.

Cecile: Nahirapan ka ba kanina sa opisina?

Regine: Hindi ako nahirapan sa trabaho. Kaya lang naninibago ako dahil bagong adjustment ang working environment ko lalong lalo na sa mga equipments sa opisina nakakalito sobrang high tech lahat.

Cecile: Masasanay ka rin kasi first day mo pa lang naman kanina eh.

Regine: Oo nga.

Cecile: Kanina rin pala ang unang araw nag report sa trabaho ang bagong boss natin. Ang balita ko bata pa raw at gwapo.

Regine: Gwapo at mayaman? siguradong marami ng babaeng pinaiyak niyan.

Cecile: Hindi naman siguro porke't gwapo at mayaman marami ng babaeng pinaiyak. Sana makita ko ang bagong boss natin.

Regine: Nasa iisang building lang tayo kaya makakasalubong mo rin siya one of these days.

Cecile: Naku! hindi mo basta basta makikita ang Presidente ng kumpanya natin. Yung dating Presidente ng kumpanya isang beses lang kung mapakita. Kapag Anniversary lang.

Regine: Isang beses lang?

Cecile: Oo! dahil sobrang busy kaliwa't kanan ng meeting at laging wala sa opisina. Naglilibot sa ibang mga negosyo. Tayong mga nasa rank and file sa Finance Department, wala tayong access sa Presidente ng kumpanya.

Regine: Ganon ba? Pero bakit sa Bulacan nakakausap naman namin si Sir Gary.

Cecile: Branch manager lang si Sir Gary. Iba ang Presidente ng kumpanya. Kaya nga isa sa pangarap ko maging isa sa staff niya. Sandali, tama na nga ang chikahan natin, kailangan ko pa tapusin ang report ko para bukas.

Regine: Magluluto ako ng hapunan natin.

Cecile: Sige nagugutom na nga ako.


Regine pumunta ng kusina upang magluto ng hapunan.


Itutuloy ....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...