These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Tuesday, October 16, 2012
You Complete Me - Episode 7 Sugat Ng Nakaraan
Scenario - Nakatingin sa folders at binabasa ni Mark ang resume ni Regine.
Sa naturang records, napag alaman ni Mark patay na ang ama ni Regine. Siya ang tumatayong bread winner ng kanyang pamilya. Natuklasan rin ni Mark naging empleyado ng kanilang kumpanya ang namayapang ama ni Regine at pinarangalan ng model employee of the year bago nag retiro.
Biglang napasandig si Mark sa upuan ng mabasang nagtapos si Regine sa kolehiyo na magna cum laude.
Mark: (nasa isip) Wala ako makitang kaduda duda sa resume niya.
May kumatok sa pinto ng opisina ni Mark. Pagbukas pumasok si Ate Linda.
Ate Linda: Sir Mark, remind ko lang po kayo about your meeting.
Mark: Dumating na ba si Sam?
Ate Linda: Bukas pa po ang return flight ni Sir Sam galing ng Cebu.
Mark: Paki handa ng mga documents na kailangan ko mamaya sa meeting.
Ate Linda: Opo Sir.
Mark: Syanga pala pakibalik itong mga resumes.
Iniabot ni Mark kay Ate Linda ang mga folders. Lumabas ng opisina si Ate Linda nag iisip kung ano ang pakay ni Mark sa mga resumes nila.
Scenario - Cubicle nila Regine at Ate Linda
Bising bisi sina Regine at Ate Linda sa trabaho. Hinahabol ang deadline ng mga reports.
Ate Linda: Regine, natawagan mo na si Mr. Gomez tungkol sa documents?
Regine: Opo Ate Linda.
Ate Linda: Make sure nakahanda na bago ang meeting ni Sir Mark.
Regine: Opo sinabihan ko na po si Sir Gomez.
Ate Linda: Follow-up mo uli mamaya dahil pinaka importante ang documents na iyon para sa meeting ni Sir Mark.
Regine: Opo.
Nakalipas ang buong araw naging busy ang lahat sa trabaho.
Scenario - Regine nasa opisina ni Mr. Gomez
Ilang minutong naghintay si Regine upang makuha ang documents na sinasabi ni Ate Linda.
Maya maya'y lumabas ng kwarto ang secretary ni Mr. Gomez dala ang dalawang makapal na folders at ibinigay kay Regine.
Secretary: Ngayon lang napirmahan ni Mr. Gomez kasi busy siya kanina.
Regine: Sige salamat.
Nagmamadaling umalis si Regine bumalik sa kanilang opisina.
Regine: Ate Linda, ito na po ang mga documents na hinihingi nyo.
Kinuha ni Ate Linda ang naturang folders at ibinigay rin agad ito kay Mark.
Nagtapos ang buong araw, walang naging problema si Regine sa kanyang trabaho. Papalabas na siya ng opisina ng tumunog ang telepono, pero hindi na sinagot ni Regine dahil pauwi na sya. Lumabas si Regine ng opisina ngunit habang naghihintay sa harap ng elevator, dinig pa rin niya ang walang tigil na pag ring ng telepono sa loob ng opisina.
Regine: (nasa isip) Sino kaya ang tumatawag?
Hindi na pinansin ni Regine ang tawag dahil papalapit na ang elevator na hinihintay niya..
Regine: (nasa isip) Baka emergency kaya walang tigil ang pag ring ng telepono.
Nagdesisyon si Regine na bumalik sa opisina para sagutin ang tumatawag.
Regine: Hello?
Nagulat si Regine dahil pamilyar ang boses sa kabilang linya.
Regine: Good evening po Sir Mark.
Nakikinig ng mabuti si Regine na tila nagbibigay ng instructions sa kanya ang kausap sa telepono.
Regine: Opo Sir Mark.
Walang ibang sagot si Regine kundi puro, opo Sir Mark, habang kausap niya ito.
Pagkababa ng telepono, pumunta si Regine sa kwarto ni Mark ngunit naka lock ang pintuan.
Naalala ni Regine ang sinabi ni Ate Linda nung unang araw pa lang niya sa trabaho.
Flashback
Ate Linda: Ito ang mesa mo at iyan ang kwarto ng boss natin.
Tinuturo ni Ate Linda ang isang kwarto sa may harapan nilang dalawa.
Ate Linda: Walang nakakapasok dyan kundi ako lang. Maselan si Sir Mark kaya hindi basta basta makakapasok sa kwarto niya. Ako lang ang may susi.
Natandaan ni Regine ang susing nakasabit sa may cubicle ni Ate Linda.
End of Flashback
Regine: (nasa isip) Nasa may cubicle ang susi.
Kinuha ni Regine ang susi ng kwarto at binuksan ang pinto. Dahan dahan siyang pumasok.
Napansin ni Regine ang pagiging organize ni Mark. Magmula sa kanyang mesa, upuan, hanggang sa pagkaka ayos ng mga librong nakalagay sa shelves.
Regine: (kausap ang sarili) Nasaan kaya ang sinasabi ni Sir Mark na mga papeles.
Sa ibabaw ng mesa nakita ni Regine ang folders ng papeles.
Regine: Heto na yon.
Kinuha niya ito at mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Hindi namalayan ni Regine sa ilalim ng nakuha niyang folders ay ang kanyang resume.
Nagmamadali si Regine palabas ng gusali na parang may hinahabol na oras. Tumawag ng taxi at sumakay.
Samantala, sa isang magarang restaurant na pang mayaman, nag iisang nakaupo si Mark sa mesa at tila marami ng nainom na alak. Tinawag ang waiter.
Mark: Waiter!!
Lumapit ang waiter ng restaurant.
Mark: Bigyan mo pa ako ng isang boteng alak.
Waiter: Sir, marami na po kayong nainom.
Mark: Hindi, gusto ko pa ng isa pang bote ng alak.
Sa di kalayuan nakamasid si Mang Mario, ang driver ni Mark.
Waiter: Sir
Tumayo si Mark ngunit nabuwal. Inalalayan ng waiter si Mark.
Sa pagkakataong ito, lumapit si Mang Mario kay Mark upang tulungan maglakad papuntang sasakyan. Siya namang pagdating ni Regine sa naturang lugar.
Nakita ni Regine akay akay ni Mang Mario si Mark.
Regine: Excuse me po, ako po si Regine. Empleyado po ako ni Sir Mark. Pinapunta po niya ako dito.
Mang Mario: Medyo maraming nainom si Sir, pwede mo ba akong tulungan?
Regine: Po?
Mang Mario: Kailangan may aalalay sa kanya sa likod ng kotse habang nagmamaneho ako.
Regine: Ako po?
Mang Mario: Sige na Miss. Baka kung mapano siya.
Regine: O sige po.
Isinakay nina Regine at Mang Mario ang tulog na si Mark sa kotse.
Sa loob ng sasakyan, napasandal si Mark sa balikat ni Regine. Hawak ni Regine ang pisngi ni Mark habang umaandar ang kotse upang maiwasang masubsob ang mukha.
Biglang nagsalita si Mark na ikinagulat ni Regine. Nanlaki ang mga mata ni Regine sa takot na baka makita siya at mapagalitan. Ngunit tila hindi napansin ni Mark ang katabi.
Mark: Tuloy tayo sa Villa Fernandez.
Mang Mario: Sa Villa Fernandez po?
Mark: Narinig mo ako. Tuloy tayo sa Villa Fernandez.
Mang Mario: Opo.
Isang malawak na lupain kung saan nakatayo ang malapalasyong bahay. Villa Fernandez ang naging tahanan ng pamilya ni Mark noong bata pa siya. Lahat ng masasayang alaala ay naganap dito. Ngunit saksi rin ang tahanang ito sa pinaka masaklap na pangyayari sa buhay nila.
Mang Mario: Miss Regine, pasensya na po sa abala.
Regine: Okey lang po yon. Tama naman po kayo baka mahirapan po kayo magmanero kung walang aalalay kay Sir Mark.
Mang Mario: Maraming salamat, Miss Regine.
Regine: Regine na lang po itawag nyo sa akin.
Mang Mario: Salamat, Regine.
Makalipas ang isa't kalahating oras ng pagbiyahe, narating nila ang Villa Fernandez.
Pumasok ang minamanehong sasakyan sa isang pagkalaki laking gate na bakal. Mahaba pa ang nilakbay bago narating ang bahay na Villa Fernandez.
Unang bumababa ng sasakyan si Mang Mario. Sa loob ng kotse tulog na tulog si Mark. Natatanaw ni Regine may lumapit na matabang babae kay Mang Mario at niyakap ito. Madilim ang lugar kung kaya hindi mabanaag ni Regine ang mukha ng babaing kausap ni Mang Mario. Sabay silang lumapit sa kotse.
Pagbukas ng pintuan ng kotse, halos mapaiyak ang babae pagkakita kay Mark.
Mang Mario: Regine, siya si Aling Adela ang katiwa dito sa mansyon.
Aling Adela: Naku! ang alaga ko.
Humagulgol sa iyak si aling Adela.
Aling Adela: Anong nangyari kay Mark? Bakit bigla kayong napunta dito?
Mang Mario: Siya ang nagpahatid dito. Naparami lang ho ang nainom kaya nakatulog sa sobrang kalasingan. Buti nalang nandyan si Regine pinakiusapan ko alalayan si Sir Mark habang nagmamaneho ako.
Aling Adela: Ganon ba? Sige ibaba nyo na si Mark. Dalhin nyo sa kwarto niya.
Inakay ni Mang Mario si Mark papasok ng bahay. Sumunod sila Aling Adela at Regine.
Regine: Dito po ba nakatira si Sir Mark?
Aling Adela: Dati, ito ang tahanan ng kanyang mga magulang. Dito isinilang at lumaki si Mark. Ngayon lang muli bumalik dito ang alaga ko mula ng mamatay ang kanyang ina. Ako ang nagpalaki sa batang yan.
Sa loob ng bahay, naroon ang isa pang may edad na lalaki.
Aling Adela: Siya si Tino, ang aking asawa.
Regine: Magandang gabi po.
Mang Tino: Magandang gabi naman. Gabi na bakit napunta kayo rito.
Aling Adela: Sabi ni Mario nagpahatid daw dito si Mark.
Inutusan ni Mang Tino si Aling Adela maghanda ng pagkain.
Mang Tino: Adela, maghanda ka ng makakain. Mukhang napagod sila sa biyahe. Maghanda ka rin ng mainit na sopas para kay Mark.
Aling Adela: Iha, maiwan ka muna namin maghahanda lang kami ng makakain nyo.
Regine: Sige po.
Napansin ni Regine ang mga lumang muwebles ng bahay. Ang mga mamahalin at antigong palamuti. Ang masayang larawan ng pamilya ni Mark.
Habang nililibot ng tingin ni Regine ang bahay, nakita niya si Mark nakahiga sa kahoy na sofa kaya nilapitan niya ito.
Iniangat ni Regine ang ulo ni Mark ng biglang nagising. Tinitigan si Regine at biglang humagulgol ng iyak na parang bata, niyakap si Regine at tinawag na mama.
Mark: (humahagulgol) Mama! Wag mo ako iiwan... wag mo ako iiwan.
Natigilan si Regine sa ginawa ni Mark. Hindi maintindihan ang kanyang naramdaman sa mga sandaling iyon. Nakita niya ang pagtangis ng isang matigas, matapang at kinatatakutang boss. Humahagulgol na parang batang nagmamakaawa.
Naramdaman ni Regine ang tila pangungulila ni Mark sa ina. Naawa siya sa hindi inaasahang pag iyak at pag yakap ng mahigpit ni Mark.
Napaiyak si Regine dahil tulad niya ramdam ni Regine ang pighati ng mawalan ng isang magulang.
Nakatulog uli si Mark yakap si Regine. Dumating si Aling Adela dala ang mainit na sopas para kay Mark.
Aling Adela: Inaayos pa ni Mario ang higaan ni Mark.
Regine: Bahagyang nagising po si Sir Mark pero nakatulog rin uli.
Hindi sinabi ni Regine ang tungkol sa pag iyak ni Mark.
Aling Adela: Iha, bumaba ka muna at ng makakain. Ako na ang bahala kay Mark.
Regine: Opo.
Patayo ni Regine, napansin ni Aling Adela ang dumi sa damit nito.
Aling Adela: Naku iha, nadumihan pala ang damit mo. Sandali kukuha ako ng pamalit.
Regine: Wag na po, Aling Adela. Pupunasan ko nalang po ng basang panyo konti lang naman po.
Aling Adela: Ikaw ang bahala. Sya sige bumaba ka na at ng makakain ka.
Regine: Sige po.
Habang kumakain si Regine di maalis sa isip niya ang pag iyak ni Mark.
Scenario - Sa tabi ng isang Garden ng Mansyon
Nakita ni Regine si Mang Tino nakaupo sa rocking chair hawak sa kanang kamay ang tabako. Nilapitan niya ito.
Regine: Hindi po ba kayo nalulungkot dito?
Mang Tino: Sanay na kaming mga kuliglig lang ang naririnig.
Nangiti si Regine sa sinabi ni Mang Tino.
Regine: Matagal na po ba kayo dito?
Mang Tino: Kababata ko ang ama ni Mark.
Regine: Magkababata po kayo ng papa ni Sir Mark?
Mang Tino: Ikaw ba ang kasintahan ni Mark?
Regine: Naku, hindi po. Isa lang po ako sa mga empleyado ng kumpanya niya.
Nahihiyang magtanong si Regine kay Mang Tino tungkol sa pamilya ni Mark pero gustong gusto niya malaman ang dahilan ng matinding pag iyak ni Mark.
Regine: Mang Tino, umiiyak po si Sir Mark kanina. Namimiss po yata niya ang kanyang mama.
Mang Tino: Ngayon lang uli napunta dito si Mark mula ng mamatay ang kanyang ina. Iniwan niya ang lugar na ito dahil labis niyang dinamdam ang pagkamatay nito.
Regine: Dito po namatay ang ina ni Sir Mark?
Mang Tino: Dito nagpakamatay ang ina ni Mark.
Nagulat si Regine sa sinabi ni Mang Tino.
Regine: Nagpakamatay po ang ina ni Sir Mark?
Mang Tino: Pinaghinalaan ng ama ni Mark ang kanyang ina ng pagtataksil kaya pinalayas ito. Dahil dito, inilayo ng ama niya si Mark sa kanyang ina. Pilit na kinukuha ng ina si Mark sa kanyang ama ngunit itinago siya ng ama.
Regine: Hindi na po nakita ni Sir Mark ang kanyang ina?
Mang Tino: Lahat ng may kaugnayan sa kanyang ina, itinapon ng kanyang ama. Pati ang mga negosyo ng ina ipinagbili ng ama ni Mark. Walang itinira kaya naghirap ng husto ang kanyang ina. Isang araw dumating ang ina ni Mark dito. Hinihiling na makausap si Mark. Hindi pumayag ang ama niya na magkausap silang mag ina. Dahil dito sa harap mismo ni Mark at ng kanyang ama nagbaril sa sarili ang kanyang ina.
Nanlumo si Regine sa kwento ni Mang Tino.
Mang Tino: Sinisi ni Mark ang kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina kaya umalis siya dito at hindi na bumalik.
Sa sandaling ito, dumating si Aling Adela.
Aling Adela: Iha, hindi ka ba napagod? Magpahinga ka na inayos ko na ang tulugan mo.
Regine: Hindi po ako matutulog dito uuwi na po ako.
Aling Adela: Bukas ka na umalis at gabi na.
Regine: Magpapahatid nalang po ako kay Mang Mario sa sakayan.
Aling Adela: Di ako makakapayag bumiyahe ka pa ng ganitong oras. Sige na inihanda ko na ang kwartong matutulugan mo. Sumunod ka sa akin.
Walang magawa si Regine kundi sumunod kay aling Adela. Pero nag aalala siya sa gagawin ni Mark kapag nakita siya sa bahay nito.
Itutuloy ....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment