These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Thursday, March 24, 2011

Happy Together - Episode 3 Bodyguard



Episode 3 - Bodyguard



Scenario (Opisina ng Network Executive)


(Marian at Mamsie papasok sa opisina ni Madam)


Madam : Marian! halika maupo ka. May maganda akong balita sa iyo.

Marian : Ano po yun, Madam?

Madam : Ikaw ang napili ng mga big boss para gumanap sa isang malaking project ng Network. Ito ang pinaka malaking gagawin sa kasaysayan ng telebisyon. Kaya kailangan ngayon pa lang maghanda ka na.

Marian : Pero Madam hindi pa po natatapos ang taping namin sa ginagawa kong teleserye.

Madam : Alam ko. Hindi naman kaagad sisimulan ang taping ng bagong project mo. Dahil pinaghahandaan pa ng mabuti ng production. Isang malaking teleserye ang gagawin mo pagkatapos ng teleseryeng ginagawa mo ngayon.

Marian : Madam, gusto ko po sana humingi ng bakasyon kahit dalawang buwan.

Madam : Hindi pa ba nasabi sa iyo ni Mamsie ang tungkol sa bakasyon na hinihiling mo?

Mamsie : Madam, nasabi ko na po sa kanya na hindi pumayag ang management.

Madam : I'm sorry Marian hindi talaga pumayag ang mga big boss sa bakasyon na hinihingi mo. Isang buwan lang ang maibibigay nila.

Marian : Sige po okey na rin po sa akin.

Madam : Pagkatapos ng ginagawa mong teleserye maghahanda ka na sa mga stunts na gagawin mo sa bagong project.

Marian : Opo.

Madam : O sya samahan nyo ako mag lunch.




Scenario (Opisina ni Mark)


(Mark may kausap sa telepono)


Mark : Boss, baka naman pwede bigyan nyo pa ng isa pang pagkakataon ang tauhan ko. Kung gusto nyo papalitan ko ng iba wag nyo lang iterminate ang contract namin sa inyo.


(Mark galit na ibinaba ang telepono)


(Coco papasok sa opisina nakitang galit si Mark)


Coco : O Pare, nagsalubong nanaman ang mga kilay mo. Bakit anong nangyari?

Mark : Anak ng putcha! hayun sinesante ang bodyguard na pinadala natin kay Mr. Trillo. Nakatulog daw kaya ninakawan ang pawn shop nila. Pati ang kontrata natin nadali.

Coco : Relax ka lang pare ako ang bahala.

Mark : Huwag mo ipapakita sa akin ang taong yun baka babasagin ko ang pagmumukha nun.

Coco : Ikaw naman magpapakita pa ba sya sa iyo? Siempre magtatago na yun.

Mark : Pare, piliin mo nga ng mabuti ang mga pumapasok na bodyguard sa atin. Nakakasira ng reputasyon kapag lagi tayong pumapalpak.

Coco : Cool ka lang pare.

(Mark iritang irita sa nangyari lumabas ng opisina)




GAP 1



Scenario (Location taping ni Marian)


(Marian napapansin ang pagtitig ng kanyang bodyguard)


Marian : (Nasa isip) Nakakainis na itong bodyguard na ito. Laging nakatingin sa akin.


(Production staff lumapit kay Marian)

Staff : Ms. Marian kayo na po ang kukunan ni Direk.

Marian : Sige susunod na ako.


(Marian naglakad papunta sa kinaroroonan ng Direktor)

Direktor : Marian ready ka na?

Marian : Ready na po ako Direk.

Direktor : O sige take na tayo. Quiet! Action!


(Marian iniaarte ang mga eksena direktor sumigaw)

Direktor : Cut!!


(Marian at kanyang kapartner natigilan)

Direktor : Marian, bigyan mo ng mas malalim na emosyon! Sige take ulit tayo. Quiet! Action!


(Marian umaarte nagtaas ng kamay at tumigil)

Direktor : Cut!! anong problema, iha?

Marian : Sandali lang po Direk hindi ako makapag concentrate.


(Marian umalis nilapitan ang bodyguard na nakatitig sa kanya)

Marian : Pwede ba? lumayo ka muna! doon ka na nga lang maghintay sa sasakyan! Nadidistract ako sa iyo eh.

Bodyguard : Opo Ma'am. Sorry po Ma'am.


(Marian bumalik itinuloy ang taping)



Scenario (Sa loob ng tent)


(Kotse dumating nagpark Mamsie bumaba ng sasakyan)

(Mamsie pumasok sa tent ni Marian)


Mamsie : Anak, ano naman ang problema sa bodyguard mo at tinawagan mo pa ako.

Marian : Paalisin nyo na po ang bodyguard ko. Nakakainis na talaga. Laging nakatingin sa akin. Nawawala ang concentration ko sa taping.

Mamsie : Sana huwag mo nalang pansinin.

Marian : Alam nyo naman ayoko ng ganun. Basta gusto ko paalisin nyo na sya.

Mamsie : Anak, ang hirap maghanap ng bodyguard. Di naman pwede wala kang bodyguard dahil sino ang magpo protekta sa iyo.

Marian : May bodyguard nga ako pero nakaka istorbo naman sa akin.

Mamsie : Hayaan mo kakausapin ko sya.

Marian : Mamsie, huwag nyo na kausapin. Tanggalin nyo na lang.

Mamsie : Hindi pwede dahil kailangan may bodyguard ka. Kakausapin ko sya na lumayo habang nagtatrabaho ka.

Marian : Kayo na nga ang bahala.

(Marian lumabas ng tent)



Scenario (Loob ng Kotse ni Mark)


(Mark nagmamaneho ng kotse binabaybay ang daan huminto sa stop light ng traffic)

(Pag green ng light hindi umandar tumirik ang kotse ni Mark)


Mark : Anak ng putcha! ngayon pa tumirik sa gitna ng traffic!


(Mga sasakyan sa likuran ni Mark bumubusina ng malakas)

(Mark inilabas ang kamay sa bintana sumesenyas na tumirik ang kanyang sasakyan)

(Mark bumaba ng kotse naghanap ng tutulong magtulak para ipark sa tabi)


(Mark nilapitan ang mga tambay upang magpatulong magtulak ng sasakyan)


Mark : Ah mga pare pwede ba ako magpatulong sa inyo? Tumirik kasi ang kotse ko.

Tambay : Okey lang Sir.


(Mga tambay tinulungan si Mark itinulak ang sasakyan itinabi sa tabing daan)


(Mark nagpasalamat sa mga tambay kumuha ng pera sa bulsa ibinigay para pang merienda)


Mark : Salamat sa tulong nyo ha? Eto nga pala pang mereinda.

Tambay : Salamat Sir.


(Mark pilit binubuksan ang hood ng kotse napaso ang kamay)

Mark : Arrrg! bad trip talaga ang araw na ito. Ngayon pa tumirik tong kotse may importanteng meeting ako sa kliyente.


(Mark tinawagan si Coco ngunit can not be reached ang sumasagot)

Mark : Ang malas talaga! nag low bat pa ang cellfone ko.


(Mark nakakita ng isang coffee shop sa kabilang kalsada tumawid)



Scenario (Sa Coffee Shop)


Mark : Ah miss, mag pay phone ba kayo?

Waitress : Meron po sir nandoon sa may counter.

Mark : Salamat ha.


(Mark nakatalikod may kausap sa telepono Marian at Mamsie pumasok ng coffee shop)

Mamsie : Sandali lang pupunta ako sa rest room.


(Marian nakaupo sa isang mesa waitress lumapit para kunin ang order)

(Marian napansin si Mark na nakatalikod habang may kausap sa telepono)


(Mark binaba ang telepono dali daling lumabas ng coffee shop)


Mark : Hoy! Saan nyo dadalhin ang kotse ko?

Traffic Police : Illegal parking po kayo, Sir!

Mark : Hindi ko naman pina park ang kotse ko dyan. Tumirik kaya nakahinto dyan.

Traffic Police : Dapat Sir nilagyan nyo ng EWD. May violation pa rin kayo kaya dadalhin namin ang kotse nyo sa LTO.

Mark : LTO? Bakit sa LTO?

Traffic Police : Doon nyo na po kunin ang sasakyan nyo, Sir.

Mark : Anak ng putcha naman kapag minalas ka talaga!


(Marian pinagmamasdan si Mark sa kabilang kalsada habang nakikipag argumento sa Traffic Police)


(Mamsie lumapit sa mesa ni Marian)


Mamsie : Ano ba ang tinitignan mo dyan.

Marian : Wala naman. Yung tao yata ang may ari ng sasakyan na dinala ng towing truck. Buti nga illegal parking kasi.

Mamsie : O umorder ka na ba?

Marian : Opo Mamsie.



GAP 2



Scenario (Tabing kalsada)


(Mark nag aabang ng masasakyan)


Mark : Ano ba itong lugar na ito wala man lang jeep o bus o taxi na dumadaan. Mahuhuli na ako sa meeting ko. Low bat pa itong cellfone ko.


(Taxi dumaan ngunit hindi huminto)

Mark : Taxi!! taxi!! Hoy taxi!!


(Mark nakaramdam ng may pumapatak sa ulo)

Mark : Huh! pumapatak na ang ulan!


(Mark tumakbo naghanap ng masisilungan)

(Bumuhos ang malakas na ulan habang tumatakbo si Mark patungo sa isang bus stop)


(Nagdagsaan ang mga tao sa bus stop upang makisilong)


Mark : Hindi yata titigil agad ang ulan na ito. Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon.



Scenario (Opisina ni Mark)


(Coco gulat na gulat nang makita si Mark basang basa ng ulan)


Coco: Pare! anong nangyari sa iyo?

Mark : You wouldn’t believe what happened to me today.

Coco : Ano, Pare? Bakit basang basa ka? Saan ka ba galing?

Mark : Tumirik ang sasakyan ko sa gitna ng traffic. Itinulak ng mga tambay sa gilid ng kalsada pero kinuha ng LTO dahil illegal parking daw ako.

Coco : Bakit nila kukunin ang kotse mo eh tumirik nga diba?

Mark : Ayoko na pag usapan ang bagay na yan. Lalo lang umiinit ang ulo ko.

Coco : Pare, tumawag si Mr. Santos hinahanap ka. Ang sabi ko on the way ka na.


(Secretary kumatok sinabihan si Mark may tawag siya sa telepono)

Secretary : Sir Mark, may tawag po kayo sa line 1.

Mark : Sige salamat.


(Mark kinausap sa telepono ang tumawag sa kanya)

Mark : Boss, nagkaroon lang ng konting problema kaya hindi ako nakarating sa meeting natin.

Mr. Santos : I'm sorry Mark, nagbago na ang isip ng management. Ibang Bodyguard Company na ang tinanggap nilang proposal. Na reject yung sa inyo. Sorry talaga Mark.

Mark : Baka naman pwede pa kami mag present ng isa pang option.

Mr. Santos : Final na ang desisyon ng management, Mark. Sorry talaga.

Mark : It's okey Mr. Santos. Maybe some other time.


(Mark inis na inis sa sinabi ng kausap sa telepono)

Mark : Arrghh! ang malas talaga ng araw ko ngayon!

Coco : Bakit Pare anong sabi?

Mark : Nakuha na daw ng ibang Bodyguard Company ang contract dahil hindi ako nakasipot sa usapan. Nagka leche leche ang araw ko ngayon.

Coco : Pare, easy ka lang. Marami pa naman ibang kumpanya dyan.

Mark : Pare, malaking kumpanya yun at maraming VIPs ang kakailanganin ng bodyguards.

Coco : Mabuti pa umuwi ka muna para makapag relax.

Mark : Makapag relax? Paano ako makakapag relax kung pera na naging bato pa!


(Secretary ni Mark pumasok sa opisina upang magpa pirma ng doccuments)

Secretary : Sir Mark.

Mark : (Sumigaw) Ano!!

Secretary : Ah eh Sir kailangan nyo po mapirmahan ito.


(Coco sumenyas sa Secretary ni Mark na bumalik nalang dahil mainit ang ulo)

Coco : Pare, lumabas ka muna at magpalamig. Sige na.


(Coco umakbay kay Mark pilit na isinama palabas ng opisina)

Coco : Halika na Pare. Umuwi ka muna at ng makapagpalit ka. Ikaw rin baka magkasakit ka nyan. Basa ang damit mo uso pa naman ang flu ngayon.



Scenario (Bahay ni Marian)


Mamsie : O bakit nakasimangot ka dyan?

Marian : Ayan tingnan nyo nakatingin nanaman ang bodyguard ko sa akin.

Mamsie : Ikaw naman kasi pinapansin mo eh baka nagagandahan lang sa iyo kaya laging nakatitig.

Marian : Ah basta Mamsie kapag hindi mo pinaalis ang bodyguard ko ngayon din hindi ako magrereport sa taping bukas.

Mamsie : O sya sige na. Tatawagan ko ang kumpanya nila para sabihing iteterminate na natin ang services ng bodyguard pati na rin ang kontrata nila sa atin.

Marian : Mamsie gawin mo talaga yan ha?

Mamsie : Oo na po. Pahihirapan mo nanaman akong maghanap ng magiging bodyguard mo. Buti nalang may isa pang bodyguard company ang inirekomenda ng Network.

Marian : Thank you po Mamsie.

Mamsie : Sige tatawagan ko bukas na bukas ang kumpanya nila para tanggalin itong bodyguard mo. Baka nga hindi ka pa magrereport sa taping bukas ako pa ang malalagot nito.




GAP 3




Scenario (Opisina ni Mark)


(Secretary ni Mark sinagot ang nag ring na telepono)


Secretary : Fernandez Bodyguard Company, may i help you.

Mamsie : Hello, pwede ba makausap si Mr. Fernandez?

Secretary : May i know who's on the line please?

Mamsie : Manager ito ni Marian Rivera.

Secretary : Sir, wala pa po si Mr. Fernandez sa office nya. Pero nandito po ang assistant ni Mr. Fernandez na si Mr. Martin.

Mamsie : Pwede ko ba sya makausap?

Secretary : Opo sir. Ikokonek ko po kayo sa kanya.


(Coco sinagot ang nag ring na telepono sa opisina nila ni Mark)

Coco : Hello?

Mamsie : Hello manager ito ni Marian Rivera. Gusto ko lang sana inform kayo na tineterminate na namin ang bodyguard at contract namin sa inyo.

Coco : (Nagulat) Po? Bakit po?

Mamsie : Hindi natupad ang kasunduan namin ni Mr. Fernandez na kailangan hindi magka interes ang bodyguard na ipapadala nyo sa alaga ko.

Coco : Hindi ko po kayo maintindihan.

Mamsie : Ang ibig ko sabihin, nagpakita ng interes ang bodyguard na ipinadala nyo kay Marian. Kaya sinisesante na namin siya.

Coco : Sir, pwede po namin palitan ngayon din ang bodyguard na pinadala namin sa inyo.

Mamsie : Hindi na! kasi tineterminate na namin ang services ng kumpanya nyo sa amin. Paki sabi na lang kay Mr. Fernandez ipagawa na as soon as possible ang papeles ng termination of contract.

Coco : Sir, baka pwede pa po natin pag usapan.

Mamsie : Nakapag desisyon na kami. Kukuha na kami ng ibang bodyguard sa iba. Sige na Mr. Martin marami pa akong lalakarin, pakibilisan lang ang termination papers namin.

Coco : Sige po sir.


(Coco nanlumo sa sinabi ni Mamsie)

Coco : (Nasa isip) Pati ang pinaka malaking kliyente namin mawawala pa. Siguradong sasabog sa galit si Mark kapag nalaman nya ito.



Scenario (Opisina ni Mark)


(Mark papasok sa opisina maaliwalas at masaya ang mukha)

(Mark lumapit sa kanyang secretary)


Mark : Sorry nga pala kahapon nasigawan kita. Hindi ko sinasadya medyo mainit lang ang ulo ko nung mga oras na yun.

Secretary : Wala yun Sir. Naiintindihan ko po kayo.

Mark : Salamat sa pag intindi. Nandyan na ba si Coco?

Secretary : Opo sir nasa loob na po ng opisina nyo.


(Mark pumasok sa kwarto ng opisina nila ni Coco)

Mark : Pare, ang aga mo yata. Buti nalang pinilit mo akong umuwi kahapon. Tama ka, siguro kung pinatuyo ko ang basang damit sa katawan baka nilagnat na ako kagabi.


(Coco hindi malaman ang gagawin nagdadalawang isip kung sasabihin ang tungkol sa termination papers)

Mark : O bakit parang hindi ka mapakali dyan. May problema ba?

Coco : Ha? eh wala naman Pare. Okey lang.

Mark : Napag isip isip ko kagabi. Bakit nga ba ako manghihinayang sa isang maliit na kliyente eh hawak naman natin ang pinaka sikat na artista ng bansa. Iyon pa lang pwede na natin ipagmalaki diba, Pare? Biruin mo isang Marian Rivera, ang pinaka sikat na artista ang isa sa mga kliyente natin? Diba dapat masaya na tayo?

Coco : Ah oo naman, Pare.

Mark : Sandali lang parang may napapansin ako sa iyo. Parang ang layo ng isip mo.

Coco : Wala Pare may iniisip lang akong bagong program para sa mga bodyguards natin.

Mark : Ganun ba? O sige lalabas muna ako magkita nalang tayo mamayang tanghali.

Coco : Buti pa nga, Pare.


(Coco hindi malaman ang gagawin kung paano sasabihin kay Mark ang pag terminate ng contract ng pinakamalaking kliyente ng kanilang kumpanya)





To be continued ... 

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...