These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Friday, July 22, 2011
Maid to Order (Tagalog) - Episode 1: Si Inday
Episode 1: Si Inday
Scene: Umaga sa Sassy Shears Salon and Spa. Isang class at kilalang salon sa isa sa pinakamalaking commercial building sa Quezon City.
Palakad-lakad ang manager na si Ruffa Mae.
Ruffa Mae: Malinis at maayos na ba ang lahat?
Beautician: Yes ma’am. Malinis na malinis na po ang bawat station.
Isa ang Sassy sa mga dinadayong salon sa QC. Mas mukha itong hotel kaysa salon dahil sa ganda at pinagkagastusang interior.
Ruffa Mae: Ang mga CR malinis na ba?
Beautician: Yes ma’am. Super puti na po. Pwede na nga pong matulog sa linis at bango.
Ruffa Mae : Sigurado ka?
Beautician : Siguradong sigurado po.
Patuloy na inispeksyon ni Ruffa Mae ang lugar ng mapansing mukhang late na naman ang kanyang kaibigan. Bibingo na talaga ito.
Ruffa Mae: (tiningnan ang orasan) Naku naman. Late ka na naman fren. Sana lang ma-late din ng dating si Madam kundi lagot tayo pareho.
Bagong Manikurista: (kausap ang Beautician) Bakit ninenerbyos si Ma’am. Terror ba ang may-ari nito?
Beautician: Naku super terror as in! Malayong malayo sa dati naming boss na anak niya. Ang daming sinesante ni Madam di lang dito pati sa kabilang branch. At wag ka ni-reshuffle pa ang iba. Kaya ang daming new staff kasama ka na! Kaya ayusin mo ang trabaho mo lalo na attendance. Galit yun sa laging late!
Bagong Manikurista; Siya na ba yan?
Papasok sa entrance ng salon ang isang may katabaang middle aged na ****** na itsura pa lang istrikto na. Medyo katawa-tawa nga lang ang pananamit nito dahil mas bata kaysa naaayon sa kanyang edad ang style. May suot pa itong kung anu-anong makukulay na accessories.
Ruffa Mae : Ayan na siya !
Everyone: Good morning, Madam Nanette!
Nagsimula ng mag-ikot si Madam Nanette. Taas ang kilay na isa-isang ininspeksyon ang mga work station mula shampoo area, manicure pedicure chairs, hair coloring area, spa area at iba pa. Ang lahat ng mga empleyado ng salon ay matamang pinagmamasdan ito na parang kanilang heneral at sila ang mga sundalo. Ultimo desk ay pinapasadahan nito ng daliri. Dinarama kung wala talagang alikabok. Pati mga brush at suklay ay hindi nakalampas sa inspeksyon.
Nanette: (hawak ang isang brush na may 2 hibla ng buhok) Ano ito? Linisin ang brush na ito!
Stylist : Sorry madam. Lilinisin ko po.
Patuloy si Madam Nanette sa pag-iikot at paghahanap ng mga bagay na pwede niyang pintasan at ireklamo.
Nanette: Hindi ko gusto ang bagong painting sa facial room masyadong makulay. Palitan agad yun ng something… calm. Something serene.
Ruffa Mae : Yes Madam !
Dahan-dahang pumasok si Inday sa Sassy sa paraang hindi sana mahalata ang pagdating niya. Subalit agad napansin pa din siya ni madam na tumaas ang kilay.
Nanette : Hep hep anong oras na?
Inday: Good morning Madam! (ngiting aso) Natrapik po ako.
Nanette : Trapik? Ilang beses mo ng alibi ang trapik na yan. Aba isang linggo ka pa lang dito.Kung sa kabilang branch naubra yan dito hindi. Matuto kang mahalin ang trabaho mo. Importante sa isang empleyado na laging punctual. Tandaan mo yan ! Nagkakaintindihan ba tayo?
Inday : Hindi na po mauulit.
Nanette: Siguraduhin mo lang. Tandaan mo kahit na isa ka pa sa pinakamahusay dito malapit na talaga kitang sisantehin sa tardiness mo. (nilingon si Ruffa Mae) Bantayan mo ang attendance nito. Kapag hindi tumino sa mga susunod na mga araw I want her out or else pati ikaw sisisantehin ko! Intiendes!
Beautician: (ng makalayo si Madam Nanette) Ikaw naman kasi lagi kang late. Alam mo namang very strict ang ating boss.
Inday: Tanghali na ako nakatulog kagabi. Inatake na naman kasi ako ng insomia. Tapos di ako makalabas kanina ng bahay. Tinataguan ko kasi yung kasera ng bahay.
--------------------------------------
Scene: Makalipas ang ilang oras… Sa opisina ni Ruffa Mae.
Ruffa Mae nakaupo sa manager's chair at busy sa pagtipa sa computer. Si Inday ay kasalukuyang nakaupo naman sa visitor’s chair at nagpapaliwanag.
Inday: I'm really sorry fren kung late na naman ako. Bukod sa inatake ako ng insomnia tinaguan ko pa yung kasera ng apartment. Hina-hunting ako ilang araw na. Hindi ako makalabas hangga’t hindi siya umalis.
Ruffa Mae: Bakit mo ba tinataguan? Don’t tell me di ka nagbabayad ng renta ng ilang buwan?
Inday: (buntong hininga) Hindi palalayasin na talaga ako sa apartment. Nabalitaan ko lang kay Aling Benita. Nangangailangan ng matitiran yung pamangkin at pamilya ng may-ari ng apartment. Nahuli at na-deport sa Japan yung pamangkin na TNT. Dito na daw sa Maynila gusto tumira. Saan naman ako makakahanap agad-agad ng murang apartment na pasok sa budget tapos malapit pa dito!
Ruffa Mae: (tinuloy ang seryosong pagtipa sa keyboard) Hmmm...
Inday: Nakikinig ka ba?
Ruffa Mae huminto sa ginagawa.
Ruffa Mae: Oo naman. Nakikinig ako. Pasensiya na kung demanding si Madam Nanette pero sa isang banda tama naman siya na dapat punctual ang mga staff. Kung gusto mo pwede ka namang makitira muna sa akin pansamantala hanggang makahanap ka ng malilipatan?
Inday: Sinubukan na natin yan noon di ba? At hindi umubra. Lalo lang kayong nag-away ng bf mo ng dahil sa akin! Wala naman akong masamang ginawa sa kanya pero galit na galit siya sa akin!
Ruffa Mae: Alam mo naman bakit galit na galit sayo yun. Sukat ba namang talikuran mo ang engagement mo sa bestfriend niyang si Alvin. Nasaktan kaya ng todo yung tao sa ginawa mo.
Inday: But it's none of his business.
Ruffa Mae: Maybe it's none of his business but unawain mo namang siya ang naging tulay bakit kayo nagkakilala at nagka-ibigan ni Alvin. Teka nagka-ibigan nga ba?
Inday: Kung nagkaibigan man o hindi. Hindi siya dapat namemersonal.
Ruffa Mae: Teka bago san san mapunta ang usapan natin. Starting tomorrow siguraduhin mong wala ka ng late ha. Hindi kita pwedeng protektahan palagi kahit magkaibigan pa tayo ayokong maging unfair sa mga staff na pumapasok ng maaga. Isa pa hindi ko gustong masisante ng dahil sayo.
Inday: Sorry talaga fren. Salamat lagi kang andyan sa tabi ko at pinagtiya-tiyagaan ako. You’re like a sister na never ako nagkaron. Pipilitin kong hindi na ma-late pero hahanap na rin ako ng ibang malilipatang trabaho.
Ruffa Mae: Ano lilipat ka na naman? Haaay fren alam mo nanghihinayang ako sayo. Dati isa ka sa pinaka-positive na taong nakilala ko. Puno ka ng pangarap at plano na unti-unti mo namang natutupad hanggang sa...
Inday: Please huwag na nating pag-usapan.
Ruffa Mae: Worried lang ako. It's been 7 years since naghiwalay kayo ng ex-husband pero look at you...
Inday: Annulled kami so technically hindi ko siya naging asawa.
Ruffa Mae: Okay, fine hindi na kung hindi pero it's been a long time. Move on ka na please. Get a life. Ayusin mo na buhay mo fren…
Inday: Naka move on na ako. Saka maayos naman ang buhay ko.
Ruffa Mae: Ha panong maayos? Eh parang magmula ng maghiwalay kayo nadiskaril ka na. Wala kang tinatagalang trabaho tapos pinabayaan mo na rin ang katawan mo. Tingnan mo palusog ka ng palusog oh.
Inday: Basta isa akong mahusay na hair stylist. (pagmamalaki niya)
Ruffa Mae: Mahusay pero walang direksyon ang buhay.
Inday: Sinasabi ko na sayo tapos na kami ni Greg.
Ruffa Mae: Kung tapos na talaga kayo bakit hindi mo tinuloy ang engagement ninyo ni Alvin?
Inday: Dahil hindi ko siya mahal. Wala kaming pagkakapareho maliban sa..
Ruffa Mae: ... ballroom dancing. To be honest iniisip ko nga kung ano ang ginagawa ninyo after ng cha-cha o samba lessons nung kayo pa. Parang wala naman kayong anything in common na pwedeng pagkasunduan. Kung sa gwapo, talagang gwapo pero hanggang gwapo lang. Di ko kayo ma-picture na together for life. Sa kabila ng nangyari sana huwag mo pa rin isara ang puso mo. Hindi lang si Greg at Alvin ang lalaki sa mundo.
Inday: Hay naku mas madami pa akong importanteng problema sa buhay ngayon kesa sa love love na yan !
May one way mirror ang opisina tanaw mula sa kanilang kinalalagyan ang mga nangyayari salon. Napansin ni Ruffa Mae na kanina pa may tinitingnan si Inday habang kausap siya. Nang matanawan niya kung ano ito napangiti siya.
Ruffa Mae: Ha ha, pati pala ikaw nabighani niya hi hi hi
Inday: Hah? Anong pinagsasasabi mo?
Ruffa Mae: Naku kunwari ka pa eh kanina ka pa titig na titig kay Dr. Pio habang nag-uusap tayo. Aminin! Sabagay lahat naman ata ng babae dito sa building eh nabighani niya. Ngiti pa lang ni Doc ulam na kaya ha ha ha
Pinanood nila si Pio na ginugupitan ng isang gay stylist na ngiting-ngiting at halatang kinikilig habang nakikipagkwentuhan dito.
Inday: Dr. Pio?
Ruffa Mae: Isa siyang dentista at may clinic siya sa lobby dyan sa kabilang building lang. Nadadaanan mo yun tiyak di mo lang napapansin. Popular siya sa ating mga staff dahil bukod sa gwapo na aba malaki pa magbigay ng tip. Sabi ni Jules ang lambot daw ng buhok ni Doc…
Inday: Ah ok (umarte as if hindi siya apektado)
Ilang segundo ay may dumating na babae at isang batang singkitin na nakasalamin. Agad na lumapit ang mga ito kay Pio. Hinalikan nito ang bata at niyapos.
Inday: Don’t tell me yan ang asawa’t anak niya? Parang matanda naman ata masyado ang wife?
Ruffa Mae: Yang bata anak niya pero yung babae hindi nya asawa. Sister slash yaya ng anak niya. Matagal ng tsugi ang asawa ni Doc.
Napansin ni Ruffa Mae na matama pa ding nakatingin sa nakangiting si Pio si Inday.
Ruffa Mae: Fren tulo na laway mo oh baka gusto mo naman punasan.(sabay abot ng tissue) Pakisara na rin ang bibig baka mapasukan ng langaw ha h aha kanina ka pa nakanganga eh Bata si Doc sayo ng ilang taon. Not exactly ang mga type mo, pero bakit hindi! Halika, pakilala kita sa kanya.
Inday: Wait lang ayusin ko lang ang hair ko. (dinampot ang brush)
Ruffa Mae : Hay naku ewan ko sayo…dalian mo at paalis na oh.
Habang palabas sila ng opisina, nagmamadaling lumabas na rin si Pio ng salon.
Ruffa Mae: Naku ayan wala na ikaw kasi ang bagal bagal mo!
----------------------------------------
Napansin ni Ruffa Mae na nakaupo at tahimik na nagbabasa ng libro ang anak ni Pio sa waiting area. Nilapitan niya ito.
Ruffa Mae: Inaantay mo lang ba si Tita Ally o magpapagupit ka?
Tsina: Magpapagupit sana kaso wala akong appointment. Si Daddy lang ang meron kanina. One hour pa daw sabi ng receptionist. Magbabasa na lang muna ako.
Ruffa Mae : May bakante ng hair stylist halika na.
Dinala ni Ruffa Mae si Tsina sa station ni Inday.
Ruffa Mae : Siya si Ate Inday. Magaling yan. Ikaw na magsabi anong style ng hair ang gusto mo? (tumingin kay Inday) Bahala ka na babalik na ako ng opis.
Nilagyan ni Inday si Tsina ng barber’s cape na may cute na design na pambata. Inalis ni Tsina ang eyeglasses.
Inday: Anong style ang gusto mong igupit natin?
Tsina: Trim lang.
Inday: Sigurado ka? You have such a pretty face. Pwede nating layer ito o bob cut...
Tsina: Trim lang. Ayoko ng maiksi basta pwede i-pony tail.
Inday: Okay. Trim na lang natin.
Tsina: Thank you.
Inday: Tunay mo bang pangalan ang Tsina o nickname lang?
Tsina: Tunay kong pangalan Xhi Na. It means noble and graceful girl in Chinese. Pero everyone just calls me Tsina and that's close enough, I guess. Sabi ng dad ko si mommy daw nagpangalan sakin.
Inday: Asan ba si mommy mo?
Tsina: Namatay siya noong 2 years old ako. Wala akong naaalala sa kanya.
Inday: Ah okay
Inday tuloy sa paggupit ng buhok ni Tsina habang ang bata ay busy sa pagbabasa ng libro.
Inday: Bata mo pa pero mahilig ka ng magbasa.
Tsina: Yup, reading is my number one favorite thing to do. Mahilig ka din ba magbasa?
Inday: Hindi masyado. Asan na nga pala ang kasama mo kaninang babae?
Tsina : Ah si Tita babalik yun. Sinundo lang ang kapatid ko.
---------------------------
Ilang segundo ang lumipas ay dumating ang Tita ni Tsina na may bitbit na isa namang mestisang bata na halos hindi nalalayo sa edad ni Tsina.
Ruffa Mae: Hi Ally! Kaibigan ko nga pala si Inday. (kakatapos lang gupitan si Tsina)
Ally : Nice to meet you.
Ruffa Mae: At sino naman itong pretty girl na kasama?
Tisay: (ngiti sabay beautiful eyes) Ako si Tessa pero ang tawag ng lahat sa akin ay “Tisay” kasi tisay ako hi hi hi
Binitiwan ni Tisay ang kamay ng kanyang Tita at sinamahan si Tsina sa waiting area. Napansin ni Inday na mukhang may kalikutan si Tisay palipat-lipat ito ng upuan habang tumitingin sa mga magazine na isa-isa nitong kinalat.
Tsina: Tisay, stop that, nagkakalat ka na eh.
Tsina biglang inayos ang mga magazine.
Ruffa Mae: May isa pa palang anak si Doc?
Ally: Yup. Dineliver at iniwan ng mommy niya na parang package sa bahay noong isang buwan! Ang galing di ba?
Ruffa Mae: Ha kaloka naman? Noon pa alam ni Doc ang tungkol sa bata?
Ally: Two years ago pa lang. Sa Cebu nakatira si Tisay at ang mommy niyang Amerikana pero nakapagbakasyon na ang bata dito. Hindi alam ni Pio naanakan niya ang mommy ni Tisay bago pa siya kinasal sa nommy ni Tsina. Pina DNA pa nga ni Pio ang bata para makasiguro na kanya talaga. Regular silang nagvivideo chat at nagtatawagan sa telepono noong nasa Cebu pa si Tisay.
Ruffa Mae: Permanente na siya sa inyo?
Ally: Malamang. Ang sabi ng mommy niya hindi na niya kayang alagaan si Tisay kaya iiwan na niya ito kay Pio. Sa totoo lang namamatay ako sa kunsumisyon sa batang iyan. Namumuti na ata lahat ang buhok ko sa grabeng kakalikutan. Malayong-malayo kay Tsina.
Natanawan ni Ally ang hinihintay niya na papasok na sa salon. Kinawayan niya ito.
Ally: Honey! I'm here!
Isang matangkad at gwapong foreigner ang lumapit sa kanila. Madami itong bitbit na paper bags.
Ally: Ruffa Mae, this is my Ron, my fiance. Ron, this is my friend Ruffa Mae.
Ron: Hi Ruffa Mae.
Ruffa Mae: Fiance? Ano? Kelan at pano nangyari?
Ally: (pinulupot ang braso sa beywang ni Ron) Remember, sinabi ko sa iyo meron akong nakilala online na gwapong tisoy? Matapos ang isang taong sulatan guess what? Andito na siya at niyaya na niya akong magpakasal!
Ruffa Mae: Oh I remember you, you own a chain of restaurant in Australia. Congratulations on your engagement!
Ron and Ally: Thanks!
Narinig nilang may pinagtatawanan ang magkapatid sa magazine.
Tisay: Ewwww! Tingnan mo itong babae! Nakahiga sa ibabaw ng kotse na naka- panty lang? Oh eto naming lalaki pogi sana kaya lang wala ding pambili ng damit naka-brief lang!
Tsina: Tingnan ko nga...
Ron : Hon, I’ll go ahead. I’ll just wait for you at the parking lot.
Nang makalabas si Ron.
Ally: Super saya ko! Pero worried ako kay Pio at sa mga bata. Noon ko pa sinasabi kay Pio na paano kapag nag-asawa na ako pero mukhang hindi niya sineseryoso. Sinabi namin ni Ron ang balita sa kanya the other day na lilipad na kami papuntang Australia.
Ruffa Mae: Anong sabi niya? Pinigilan ka ba?
Ally: Hindi naman. Sabi niya kung saan ako masaya doon ako. He and the kids will be fine daw pero duda ako… o pano mauna na kami. Kailangan ko ng iuwi ang mga batang ito at may dadaanan pa kami ni Ron. Pupunta nga pala muna kami ng Boracay bago mag Australia.
Pinagmasdan ni Inday si Ally at ang mga bata palabas ng salon. Hawak ni Ally si Tisay na patalun talon na naglalakad habang si Tsina naman ay tahimik na sumusunod.
Tisay: Yey!! May naisip ako ! (sabay mwestra ng daliri na kunwari sa isip) Mag-ice cream tayo!
Ally: Hindi pwede ice cream kakainin na tayo ng dinner maya-maya. Mawawalan kayo ng gana. Saka nag-aantay na si Tito Ron sa parking area.
Tisay: Awwww, pero gusto ko ng ice cream! Sige na please yung bagong flavor sa commercial kakapakita lang kagabi.... tomatoes and chocolate… cge na please…
-----------------------------------
Scene: Amaya Mall. Kinagabihan.
Nagwiwindow shopping si Inday ng makarinig siya ng kaguluhan sa isang café na di kalayuan sa kinatatayuan niya. Natanawan niya si Pio na may kasamang babae na naghihisterya. Pinagtitinginan ang mga ito ng ibang shoppers.
Pio: Just calm down, okay?
Girl: How dare you break up with me? I thought you were going to propose?!!
Pio: Hindi ko alam saan mo nakuha ang idea! I was very clear from the very beginning that I don't want to ever get married again!
Girl: Yeah but.. I thought you would change your mind!
Pio: I was right na tapusin na natin ito.
Girl: How could you do this to me, Pio?
Pio: Halika na, Pinagtitinginan na tayo dito...
Nauna ng lumakad paalis si Pio habang nakasunod ang babae na patuloy pa ding naghihisterya at nagtatalak.
-------------------------------------
Scene: Inday nakahiga sa kama kinagabihan. Ikot siya ng ikot. Hindi siya makuha ng tulog. Ilang oras ng pabalik-balik sa kanyang alaala si Dr. Pio na nagpapagupit… Ngumiti ito sa kanya… Si Tsina na ginugupitan niya… Si Pio na nakangiti naman sa kanya… Si Pio na nakikipag-break sa kanyang gf sa café… Si Pio na nakangiti na naman uli…
-------------------------------------
Scene: Pio's Dental Clinic. Ilang linggo pagkatapos…
Si Inday ay nasa waiting area suot ang isang maiksing damit na medyo mababa ang neckline. Madaming pasyente ng araw na iyon. Tiningnan niya ang sarili sa compact mirror ng mapansin niya ang dalawang babae na nasa waiting area na nakaupo malapit sa receptionist. Masyadong sexy ang damit ng mga ito para sa isang dental appointment. At tulad niya panay din ang tingin sa salamin at retouch.
Inday tiningnan ang suot na relo at sumimangot. Nilapitan ang receptionist.
Inday: Miss, more than 30 minutes na. Lagi ba siyang late?
Receptionist: No ma'am. He's usually here very early. Parating na po yun.
Tumunog ang telepono at sinagot ng receptionist.
------------------------------------
Scene: Pio may kausap sa phone sa bahay na parang dinaanan ng buhawi.
Pio: Tisaaaay! Halika dito! Magbihis ka na please naman baby!
Tisay: (takbo ng takbo ng naka panty at kapa na tuwalya) Darna!!!!!.
Tsina lumabas ng banyo ngumangawa ng iyak. Nahulog daw sa toilet bowl ang paborito niyang bracelet.
-------------------------------------
Scene: Sa Dental Clinic
Receptionist: (may kausap sa telepono) Okay sir... Yes sir.. Cge sabihin ko po...
Receptionist ibinaba ang telepono.
Receptionist: (sa malakas na boses) Excuse me... Medyo ma-late daw po si Doc today.
Lady 1: Anong problema? Baka pwede ko siya tulungan. Hi hi hi
Receptionist: Nahihirapan siya maghanap ng mag-aalaga sa mga anak niya!
Lady 2: Mga anak? Di ba isa lang ang anak ni Doc?
Receptionist: Dalawa ang anak niya. Dumating kelan lang yung isa. Ang masama umalis na ang sister niya papuntang Australia at doon na titira kasama ng fiancé.
Lady 1: Sakin okay lang na may dalawa siyang kahit sampu pa hi hi hi
Lady 2 : Ha ha ha.. Narinig mo pagkakataon mo na. Mag-apply ka kaya bilang yaya. Ha ha ha.
Lady 1: Hmm.. alam mobinigyan mo ako ng idea.
Lady 2: Sira! Wag mong sabihing seryoso ka?
Lady 1: Bakit hindi? Gwapo kaya ni Doc at kahit may anak na wala naman siyang asawa. I wonder how good he is in bed. (taas baba ang kilay sabay ang nakakalokong ngiti)
Receptionist: Naku sinasabi ko sa inyo hindi papayag yun mag-hire ng yaya ng walang recommendation galing sa isang kaibigan o kakilala niya.
Inday biglang tumayo. Magpapalinis sana siya ng ngipin para makita si Dr.Pio pero may naisip siyang bigla ng marinig ang usapan ng dalawang babae at receptionist.
Inday: (sa receptionist) Babalik ako agad..
Dali-dali siyang tumakbo papunta ng salon. Nadatnan niya si Ruffa Mae sa opisina.
Inday: Fren! I need your help right now! Dali!!
Ruffa Mae: Ha?! Anong nangyayari?
Inday: Kailangan tulungan mo ako!!
Ruffa Mae: Ano ba ang gusto mong gawin ko!
Inday: Irekomenda mo ako kay Dr. Pio bilang yaya ng mga anak niya.
Ally: Ha ? Ano pinagsasabi mo?!?
Inday: Kailangang kailangan niya ng yaya. Ito na ang pagkakataon ko.
Ruffa Mae natigilan sa narinig. Nasisiraan na ata ang kaibigan niya.
Inday: Sige na fren ! Pagkakataon ko na ito baka mamya may makauna pa sa posisyon na yaya.
Ruffa Mae : Teka teka di ko ma absorb ang sinasabi mo ! Ulitin mo ng dahan dahan pwede !
Inday: Okay, makinig ka sa akin. Sabi ko kailangan kita na pumunta kay Dr. Pio, at irekomenda ako bilang yaya. Sabihin mo sa kanya ako ang pinakamahusay na yaya sa buong mundo.
Ruffa Mae: Ano? Tama ba ang naririnig ko? Nababaliw ka na ba? Don’t tell me magpapalit ka ng career… naku sabi ko na ... Tinamaan ka ano, na love at first sight kay Doc? (nanlalaki ang mata)
Inday: Hindi naman masama maging yaya ng dalawang cute na bata na may gwapong ama. Testing ko muna mag yaya ng isang araw pag okay saka ako magreresign sa salon. Saka isa pa kailangan ko rin ng bahay di ba? Di parang hitting 2 birds with one stone ito pagnakuha ko ang trabaho di ba?
Ruffa Mae: Pero wait fren pano kita marerekomenda bilang yaya eh wala ka namang kaalam-alam sa mga bata!
Inday: I’m sure kayang-kaya ko naman mag-alaga ng dalawang batang babae. Behaved naman si Tsina. Para nga siyang matanda. Hindi naman siguro nalalayo si Tisay sa kanya. Please Ruffa Mae! Do this for me?
Ruffa Mae: Okay! Okay ! Alam mo naman gagawin ko ang lahat para sayo. Pero sigurado ka ba dito sa papasukin mo? Baka nabibigla ka lang?
Inday: Siguradong sigurado ako. Kaya puntahan mo na! Rekomenda mo na ako please. Pupunta lang ako sa CR at magreretouch.
Pumunta si Inday sa CR at matapos ng mahaba-habang sandali ay nakuntento na sa kanyang itsura. Bumalik na siya sa Dental Clinic. Nakita niya si Ruffa Mae kasama si Tsina at Tisay.
Inday: Anong nangyari? Nasaan na si Dr Pio?
Ruffa Mae: May emergency na pinuntahan kaya cancelled ang iba pa niyang appointments today. Pinauwi na ang lahat ng pasyente. Pero ginawa ko na agad ang hiling mo. Congratulations! Ikaw na ang bagong yaya nila. (isang matamis na ngiti)
Tinitigan siya ng dalawang bata mula ulo hanggang pa. Si Tsina sa kanyang serious look at si Tisay sa kanyang naughty look.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment