Scene: Sa Tennis Court. Naglalaro sila ng doubles. Si Pio at Tisay ang magkakakampi habang sa kabilang side si Inday at Tsina.
Inday: 30 - Love! Good job Tsina!
Tisay: Daddy! Talo na naman tayo! Ano ba umayos ka nga?
Pio: Sorry! Na-didistract si Daddy!
Tisay: Puro kasi si Ate Inday ang tinitinganan mo eh hindi ka tumitingin sa bola! (sabay kumpas ng kamay) Eh di ba yun ang bilin mo sakin tingnan ang bola!
Ang sexy ni Inday sa suot niyang pink tennis outfit.
Inday: Good job Tsina!
Tsina: Yes! Tama nga ang tinuro mo sakin!
Inday: Dahil yan ang turo sakin ni Bjorn.
Sumimangot si Pio ng madinig si Bjorn.
Inday: Ikaw mag-serve, Tsina.
Inday: (sa isip) Mukhang nagugustuhan ko na ata ang tennis.
--------------------------
Matapos ang ilang sandali, naglalakad silang apat sa napakagandang landscaped area di kalayuan sa tennis court. Ang mga bata ay patakbu-takbong naghahabulan taguan sa paligid ng colorful benches.
Tsina: Pung ! Huli ka ! Hahaha
Tisay: Hahaha huli na naman ako.
Masasalubong nila si Bjorn. Isang gwapong lalaki na matipuno ang katawan at may killer smile.
Bjorn: (ngiting-ngiti) Oh hi Inday! Napapadalas ang practice ah.
Inday: Hi Bjorn! Ang boss ko si Dr Pio.
Nagkamay ang dalawa.
Bjorn: Dr. Pio? You’re a doctor? Good I was looking for a podiatrist.
Pio: Dentista ako.
Bjorn: Cool! I’m in a hurry I need to go ahead. Kita tayo bukas, Inday.
Ngumiti si Bjorn na kita ang perfect set ng white teeth na papasa sa commercial ng toothpaste smiles sabay turo kay Inday at kindat bago tuluyang lumayo.
Nginitian din ito ng matamis ni Inday sabay kaway.
Matapos ang ilang minutong katahimikan.
Pio: So ano ang real score sa inyo ni Bjorn? (diniin ang pagkakabigkas sa "Bjorn")
Inday: Si Bjorn? Wala. Nakakalaban ko siya sa tennis minsan. Hmm.. alam mo, now na nabanggit mo palagay ko may gusto siguro sakin yun.
Pio: (umiling-iling) Ingat ka sa kanya.
Inday: Anong ibig mong sabihin?
Pio: Mga ganyang tipo ng lalaki hindi sumeseryoso ng babae yan. Maniwala ka sakin.
Inday: Ows? (panuksong bigkas) It takes one to know one ba haha
Pio: Well in way hindi ko itatanggi ... Ako brutally honest ako sa babae. Hindi ako nagsisinungaling. Umpisa pa lang alam na nila agad. Pero ang Bjorn na yan I doubt it.
Inday: At nakapag-conclude ka na agad eh ngayon mo pa lang nakita yung tao. Ni hindi mo nga gano nakausap eh.
Pio: Yes! Sa pangalan pa lang Bjorn! Pupusta ako kalahati ng kababaihan o-oo agad sa kanya sa pangalan pa lang.
Inday: (nanunukso) Hindi naman kasalanan nung tao na binigyan siya ng unique name ng magulang niya. Bukod sa mabait na, gwapo pa at mahusay na tennis player.
Pio: Of course, ano pa ba ang pwedeng gawin ng isang taong Bjorn ang pangalan maliban sa tennis. At saan mo pala siya nakilala?
Inday: Dito. Isa siya sa mga una kong nakalaro.
Pio: Sasamahan kita mag-practice.
Inday: Ha? Teka wala kang time, ang dami mo kayang pasyente araw-araw.
Pio: Gagawan ko ng paraan. Wala akong tiwala sa lalaking yun.
Nagtaas ng kilay si Inday.
Pio: Humungi ka ba ng permiso na umalis ng hapon para magpunta dito.
Inday: (lalong tumaas ang kilay) Hindi ko alam na kailangan ko pa pala ng permiso kung ano ang gusto kong gawin ko sa breaktime ko.
Pio: Hindi namana naisip ko lang paano kung kailanganin ka bigla ng mga bata o kaya ako?
Inday: Ano ka ba wala pang limang minuto mula sa bahay itong court at pwede mo naman ako tawagan sa cellphone. Bakit may hindi ba akong nagagawang trabaho ?
Pio: Wala naman pero kahit na gusto ko kapag aalis ka ng bahay gusto ko ipaalam mo sa akin. Kahit thru text okay?
Inday: So gusto mong i-text kita tuwing ihahatid ko ang mga bata sa school, pupunta ako ng grocery, dadalin ko sila sa playground...so on and so forth ganun ba Sir?
Pio: Huwag kang pilosopo. Kapag out of the ordinary lang.
Inday: Never ka namang nag-impose na boss kita sa pagkakatanda ko.
Pio: Dahil pamilya ang trato ko sayo kahit ako ang boss mo?
Inday: Yes boss, tama ka.
Pio: Good. Malinaw ang usapan natin.
Narating na nila ang dulong bahagi na puno ng naggagandahang halaman at bulaklak. Sa gitna ay may decorative stone fountain.
Pio: Tsina! Tisay! Balik na tayo sa tennis court.
Tisay: Awww! Kakarating lang natin dito balik na agad! (sa nagmamaktol na tinig)
Tsina: Teka mag-wiwish lang ako sa fountain! Wait lang!
Pio: O siya bilisan na.
Tisay : Ako din! Daddy pahingi kami ng coin!
Matapos abutan ng coins ang mga bata humarap si Pio kay Inday.
Pio: Ready ka na ba para sa isang game? Yun bang ikaw at ako lang.
Inday: Depende kung anong klaseng game…
Pio: Yung game na pagpapawisan ang buong katawan mo...
Inday: At parang feel ko nga mag-bonggang workout. Alam mo tennis ang 3rd favorite kong gawin para magpapawis. Ballroom dancing ang pangalawa…(sinadya niyang ibitin ang sasabihin)
Pio: At ano naman ang number one favorite mo?( sa pilyong ngiti)
Tumakbo ang mga bata sa harap nila papunta sa tennis court. Sinundan ni Inday ng patakbo ang mga ito ngunit nilingon muna si Pio upang sagutin.
Inday: Hulaan mo ha ha ha
-------------------------------
Scene: Sa Condo.
Inday: (sa isip) Dapat ata i-text ko si Pio na nakabalik na ako. Hmm wag na nga lang total nakaluto na naman si Aling Benita at dalawang oras pa bago ko sunduin ang mga bata. Makapagbabad na lang muna sa bathtub.
Maya-maya umahon na sa bathtub si Inday suot ang kanyang roba de bata ng may marinig siyang ingay mula sa sala ng condo. Dahan-dahan siyang sumilip sa pinagmumulan nito.
Wala siyang makita pero nadidinig niya ang boses ng dalawang lalaking nag-uusap at ilang segundo pa ay nakita niya ang isang may nilalagay sa backpack nito.
Magnanakaw 1: Sigurado kang walang tao dito?
Magnanakaw 2: Oo naman! Ako pa.
Magnanakaw 1: (hawak ang isang balisong habang nag-mwestra) Tandaan mo pag may makita ka huwag ka ng magdalawang isip pa.
Dahan-dahang tumakbo ng nanginginig sa takot si Inday sa kwarto. Hinanap niya ang kanyang cellphone pero naalala niyang nasa bag pa nga pala ito na naiwan sa sala kanina. Wala ring telepono sa kwarto. Wala siyang maisip na gawin kundi magtago na lang sa cabinet at magdasal.
Magnanakaw 1: Tingnan mo ang kwarto. Sigurado andun ang mga alahas at gadgets.
---------------------------
Scene: Sa Dental Clinic ni Pio
Kakatapos lang niya sa isang pasyente na balikbayan.
Pio: Okay, I'll see you in two weeks. We will have your permanent crown ready then.
Patient: Thanks.
Sumimangot si Pio ng silipin ang cellphone. Tumawag siya sa condo pero walang sumasagot. Lalo siyang nagduda. Nagpaalam siya ng dali-dali sa clinic.
Pio: Lalabas lang ako sandali.
Pio lakad/takbo na pumunta ng condo.
-----------------------------
Scene: Sa kwarto ni Inday. Hindi niya alam kung sinong santo ang tatawagin niya sa takot ng biglang bumukas ang cabinet. Hinila siyang pilit palabas ng isa sa mga magnanakaw.
Inday: EEEEEEEEEEEE !!!!! Bitiwan mo ako! TULONG!!!!
Tinakpan agad nito ang bibig niya.
Magnanakaw 2: Bossing! Tingnan mo ito!
Lumapit ang tinawag na isa pang magnanakaw. Lalong natakot si Inday ng makita ang nakakalokong ngiti nito.
Magnanakaw 1: Akalain mo may bonus pa tayo. Intek na heh heh heh!
Magnanakaw 2: Boss ang bango. Bagong ligo pa. Pag sinuswerte nga naman Heh heh heh
Nagsimulang magpumiglas si Inday. Ngunit hindi siya makawala kaya lalo siyang natakot at nagsimulang pahisteryang umiyak.
Akma na siyang ihahagis ng mga ito sa kama ng magulat ang mga ito ng may magsalita.
Pio: Bitiwan niyo siya!
Nagpambuno si Pio at mga magnanakaw.
Inday: (hikbi) Oh my God, mag-ingat ka!
Ilang segundo pa ay dumating na ang mga security guards ng condo at dinampot ang mga magnanakaw. Tumakbo si Pio at inakap si Inday na umiiyak pa rin sa takot. Kumapit ito ng mahigpit sa kanya.
Pio: Nasaktan ka ba? Are you okay, huh?
Inday: (hikbi) Salamat at dumating ka! Hu hu hu
Pio: Nag-worry ako ng hindi ka nag-text na nakauwi ka na ng bahay. At lalo akong nag-worry ng hindi mo sinasagot ang tawag ko. Kaya napatakbo ako dito.
Inday: Salamat..maraming salamat…(hikbi) Kung hindi ka dumating sa oras hindi ko alam kung ano na ang nagyari sakin... hu hu hu. (lalong lumakas ang iyak)
Lalong hinigpitan ni Pio ang yakap kay Inday at hinaplos ang likuran.
Dumating ang head ng security ng condo.
Security head: Sir, tumawag na kami ng pulis. Papunta na po sila. Okay ba kayo, ma'am?
Pio: (galit) Anong nangyari? Paanong may nakapasok na magnanakaw dito sa building? Oras na malaman kong may lapses ang security idedemanda ko kayo!
Security head: Nagpanggap silang delivery men, sir. Pero iniimbestigahan na namin ang nangyari.
Pio: Ibalita agad sa akin ang development.
Security head: Yes, sir. Ma’am kakausapin po kayo ng pulis pagdating nila.
Inday: Okay. Oh ,pero kailangan ko pang sunduin ang mga bata!
Pio: Huwag mo na silang alalahanin. Tatawag ako sa clinic para may sumundo sa kanila. Papa-cancel ko na rin ang appointments ko today.
Akbay si Inday tumawag si Pio sa clinic.
--------------------------------
Scene: Sa Condo. Kaaalis lang ng pulis.
Inday: Kailangan ko ng ayusin itong bahay. Hindi dapat madatnan ng mga bata na ganito.
Pio: Tulungan na kita.
Sinimulan na nilang ayusin ang bahay hanggang sa magbalik sa dating itsura.
Inday: Pauwi na ang mga bata. Anong sasabihin natin sa kanila?
Pio: Hindi natin pwede itago na may naganap na nakawan dito dahil malalaman din nila iyon pero ayoko rin namang matakot sila. Sabihin na lang natin na may nagtangkang magnakaw pero nahuli sila ng mga pulis.
Tumango si Inday.
Si Pio pinagmamasdan si Inday.
Pio: (nagsalita mula sa likuran) Inday, sigurado kang okay ka?
Nataranta si Inday sa boses ni Pio at nagsimulang umiyak. Niyakap siya ni Pio habang hinihimas sa likod. Sa umpisa, mahinang haplos sa itaas na bahagi ng likuran hanggang sa buong likod na tila may iba ng gustong ipahiwatig. Matapos ng ilang sandali hinila ni Inday si Pio at hinalikan. Hindi nagdalawang isip na gumanti ng halik si Pio. Hanggang sa lumalim na ng lumalim ang mga halik.
Huminto si Pio at lumayo. Alam nitong mas higit pa roon ang gusto ni Inday.
Hinawakan ni Pio ang mukha ni Inday, umiling na tinititigan ito sa mga mata.
Pio: Ayokong mag-take advantage.
Tumunog ang doorbell, hudyat na dumating na ang mga bata. Umarte sila na parang walang nangyari.
------------------------------------
Scene: Kinagabihan.
Hindi makatulog si Pio. Kanina pa ito paikot-ikot sa kama. Napapatingin sa pintuan pero pilit na iniiwas ang itingin. Ipinikit ang mga mata para kumuha ng tulog pero hindi magawa. Ilang sandali pa hindi na nakatiis, tumayo mula sa pagkakahiga at dahan-dahang lumabas ng kwarto. Natanawang nakatayo sa balkon si Inday na mukhang may malalim na iniisip. Nilapitan agad ito at niyapos mula sa likuran.
Pio: I want you badly now (bulong nito)
Sinimulan ni Pio halikan ang batok niya. She waited and longed for this moment. Nang iharap siya nito at halikan ng mariin sa labi ay ginantihan niya ang halik nito. Nagpatuloy ang kanilang nag-aapoy na mga halik hanggang sa tuluyan ng nadarang si Inday. Hindi siya tumanggi ng buhatin na siya patungong kwarto ni Pio.
Kung gaano kalakas ang ulan sa labas ay siya ding lakas ng simbuyo ng damdaming namagitan sa kwarto. Matuling lumipas ang ilang sandali at humupa na ang ulan sa labas. Humupa na rin ang nag-aalab na mga damdamin. Kumawala si Pio sa pagkakayakap kay Inday…
Pio: Hindi tama ito.
Inday: Bakit? Sabi mo kagabi you wanted me badly? (hinampas ito sa dibdib) Ngayon nagbago na isip mo? Hindi mo ba ako gusto?
Pio: Nagbibiro ka ba? I've been wanting you for weeks! Lalo na ng rumarampa-rampa ka na naka-maiksing palda ng tennis. Kung alam mo lang gustong-gusto kita buhatin tapos halikan ng ganito.
Mariin siyang hinalikan uli ni Pio sa labi.
Inday: Gusto din kita so ano ang problema?
Pio: Baka magsisi ka bukas.
Inday: Sinisiguro ko sa iyo, alam ko ang ginagawa ko. God hindi naman ako isang teenager.
Pio: (ngumiti) Alam ko. Pero tulad ng sinabi ko kanina hindi ko gustong mag-take advantage. Dapat nakontrol ko ang sarili ko. Traumatic ang araw mo today. Maaaring makahanap ako ng daang girlfriends pero mahihirapan ako humanap ng yaya na katulad mo. Ayokong mawala ka sa amin.
Inday: Sino ba nagsabing aalis ako. Andito lang ako hangga’t kailangan ninyo ako.
Pio: Talaga?
Inday: Talaga!
Umupo si Pio. Umupo rin si Inday.
Pio: Talaga? Hindi ka magagalit at isusumpa ako? Hindi mo ako aakusahan na selfish? Hindi ka magdedemand sa akin? Hindi mo ako pipililiting samahan ka sa mga boring parties at pilitin akong maging dance partner? Hindi mo ako sisigawan dahil hindi ako nakapag-text o tumawag man lang maghapon? Hindi ka aarte na parang isang selosang girlfriend? Hindi ka magpupumilit ng commitment? Hindi ka magtatanong ng bakit hindi kita kayang mahalin?
Inday: Hindi sa lahat dahil alam ko namang malinaw na wala kang pagmamahal na maibibigay at ayaw mo na ng kasal. Nagkataong pareho tayo ng paniniwala sa bagay na yan. Pangarap kong magkaron ng sariling anak noon pa pero hindi maari at ikaw ayaw mo na rin ng anak pa di ba? Hindi mo ako kailangang bigyan ng mga love letter o tawagan maya’t maya para magpaalam. Nangangako akong hindi kita bibitbitin sa dance floor ng parties na pupuntahan ko. Ang tanging hihilingin ko lang ay huwag ka ding mag-demand ng mga bagay na hindi naman parte ng trabaho ko at hindi rin ako mag-dedemand sayo.
Nagtitigan sila na parang sinusukat ang isa’t isa ng ilang sandali.
Pio: Kung ibang babae ang nagsalita niyan maaring totoo sa umpisa pero kapag tumagal na sigurado akong magbabago at itatanggi pero pag ikaw ang nagsalita naniniwala ako.
Inday: At tulad mo, may mga pangangailangan din ako.
Pumaibabaw muli si Pio kay Inday at binigyan siya ng isang mapusok na halik.
Pio: Napaka swerte ko. Imagine hindi lang marami tayong bagay na pagkakapareho, maganda ka pa, matalino at kahanga-hanga. Parang kang made to order para sa akin. Isang pangarap ba na natupad, Ate Inday.
Hahalikan siya muli ni Pio pero pinigilan ito ni Inday.
Inday: Please huwag mo na ako tawaging Ate mula ngayon.
Pio: (ngumiti) ha ha.
Inday: (sa isip) …wife. Gusto kong tawagin mo akong wife.
No comments:
Post a Comment