These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, September 2, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 4: Balbas sa Pepe



Episode 4 : Balbas sa Pepe

Scene: Isang umaga naliligo si Inday sa bathroom na pakanta-kanta. Hindi pa siya tapos magpunas ng buong katawan ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tisay. Titig na titig ito sa kanya lalo na sa kanyang ano.

Tisay: Bakit may balbas ka sa pepe?

Inday dali-daling sinuot ang bata de roba.

Inday: Uh.. uh...uh... Gutom ka na ba? Ready na ang breakfast. Susunod na ako.

Inday: (sa isip) Bakit ba nakalimutan kong i-lock ang pinto haaay




Ilang minuto pagkatapos. Si Inday ay bihis na at pumunta ng kusina. Si Pio at ang mga bata ay kasalukuyang nag-aalmusal.

Tisay: ...ayan na si Ate Inday! Daddy alam mo ba kanina nakita ko si Ate Inday may balbas sa pepe. Ang weird!

Pio nasamid sa pag-inom ng kape.

Tisay: Daddy narinig mo ba ako? Sabi ko may balbas sa pepe si Ate Inday!

Tsina: Ha balbas sa pepe?!

Pio: (kinda amused) Tisay lahat ng matanda may ganoon. Pag lumaki kayo magkakaron din kayo ng ganoon.

Tisay: Ha? Magkakaron din ako ng ganu? Ewww! Yuck! Ayoko!

Nakita ni Pio si Inday na nakatayo at namumula sa kahihiyan.

Pio: ..ahem.. Tisay, Di pa natin tapos pag-usapan ang ginawa mo sa purse ni Tita Janet kagabi bago dumating si Ate Inday.

Tisay: Sorry po. Hindi ko na po uulitin.

Pio: Di ba yan din ang sinabi mo dati ng gamit naman ni Ate Inday ang pinakialaman mo?

Tisay: Di na po mauulit. Promise.

Pio: (sa awtorisadong tono) Tisay, since dalawang beses mo na ito ginawa times two ang parusa mo. Una susulat ka ng hindi na po ako makikialam ng gamit ng may gamit 100x. Ikalawa no TV, no allowance at no dessert for two weeks. Ate Inday, please make sure gagawin ni Tisay lahat ng ito.

Tisay nagsimulang mag- emote na parang sinintensiyahan ng life imprisonment.

Tisay: (umiiyak) Waaaah! That's not fair! Asan mommy ko? Tatawagan ko si mommy! Waaaah!

Pio: (galit) NO!! I told you hindi mo pwede tawagan mommy mo at do not ever mention her!

Tsina: (tumakbo kay Inday) Waaaah!

Inday: Uh.. kasalanan ko ito.. dapat binantayan ko siya ng maigi.

Pio: She's old enough alam na niya ano ang mali. Besides, busy ka sa pagluluto ng dinner di ba?

Inday: Oo, pero...

Pio: Mukhang kailangan ko na talagang maghanap ng temporary katulong habang hindi pa nakakabalik si Aling Chedeng. Hindi pwedeng ikaw na ang yaya ikaw pa ang katulong.

Inday nag-imagine ng pagdating ng isang sexy at maarteng katulong sa bahay.

Inday: Wag na! Hindi na kailangan. Kaya ko naman lahat ng gawaing bahay. Mas babantayan ko na lang si Tisay.

Pio na nakatinging hindi naniniwala sa sinasabi ni Inday.

Inday: Kung hindi ko naman kaya ako na mismo ang magsasabi but so far kaya ko pa naman.(patuloy niyang pagpapaliwanag para kumbinsihin ito)

Pio: Sigurado ka?

Inday: Yes. I'll take care of everything Sir.

Pio: Ok. Salamat, Ate Inday. Lubos lubos talaga akong nagpapasalamat na nandito ka sa amin. Hindi ko alam ano ang gagawin ko kung wala ka.

-----------------------------------------
Kinagabihan. Si Inday ay abala sa kusina habang si Tisay at Tsina ay gumagawa ng kanilang mga homework.

Tisay: Ayan yehey! Tapos na ko! Can I play now?

Tsina: Natapos mo na ba yung 100 sentences?

Tisay: Ah yun. Ate? Kailangan ba talaga yun? (with matching pagmamakaawa look) Baka naman pwede kunwari na lang natapos ko na? Di naman malalaman ni Daddy eh. Besides wala na nga akong allowance, tv pati dessert ng two weeks. Please... Ate please...

Guilty si Inday dahil kung sinita niya agad si Tisay hindi sana nangyari ang nangyari.

Inday: Sorry Tisay pero sabi ni Daddy di ba kailangan mong gawin ito. Hindi naman kailangan na tapusin mo agad. Pwede namang sampu muna tapos sampu uli mamaya basta dapat mabuo mo ang 100 sentences hanggang bukas.

Tisay: Okay. (sabay buntong hininga)

Tsina: Hindi na parusa kung pahinto-hinto ang pagsulat niya. Dapat tuloy-tuloy.

Sinimulan na ni Tisay magsulat. Matapos ang 30..

Tisay: Pwede stop na? Please? Sakit na ng kamay ko oh (nagdradrama).

Nilapitan ni Inday si Tisay at pinisil pisil ang kamay pagkatapos ay hinalikan ito.

Inday: Sorry, baby.

Tisay: Pwede na ba ako maglaro? Pleeeease

Inday: Okay, pero sandali lang ha. Tatapusin mo pa din yan wala pa sa kalahati ang naisulat mo.

Tisay: (kumaripas ng takbo sa kwarto) Yey!

Tsina: Teka antay sasama ako sayo. Laro tayo ng Angry Birds!


---------------------------------
Matapos ng ilang sandali, narinig ni Inday na nagtatalo ang dalawa kaya pinuntahan niya sa sa kwarto.

Inday: Anong nangyayari dito?

Tisay: Salbahe ka! Bad ka! Bad! Bad! Bad!

Tsina: Hindi ako bad! Tinatama ko lang ang spelling mo. It's U-S-E.

Si Tsina hawak-hawak ang maliit na blackboard na may sulat ni Tisay na “do not yous”

Tisay: Pinagtatawanan mo ako eh!

Tsina: Nakakatawa naman talaga! ha ha ha! YOUS ! Di marunong mag-spell.

Tisay: Susumbong kita sa mommy ko! Lagot ka!

Tsina: Hah! Mama mo? Remember iniwan ka nga ng mommy mo dito dahil ayaw niya sayo di ba? Nagpunta na nga ng Amerika di ba. Hindi ka niya love? Di ba? Di ba? Di ba? Kaya pareho tayong wala ng mommy!

Tisay nagsisigaw na tumakbo at tinulak si Tsina sabay hampas. Hinilang pilit ni Inday si Tisay na noon ay nagwawlang hinahampas si Tsina na tatawa-tawa.

Inday: Tama na, tumigil na kayo! Tsina, hindi tama na inaaaway mo ang kapatid lalo na ang magsabi ng kung anu-ano. Mag-uusap tayo mamaya. (Pagalit na sabi niya kaya tumigil si Tsina sa pagtawa)

Iyak pa rin ng iyak si Tisay kaya binuhat niya ito at dinala sa sala. Umupo siya sa sofa habang kalong na inaalo si Tisay na tumahan na.

Inday: Tisay, tahan na. Hindi ko pa nakilala ang mommy mo pero hindi ako naniniwala na ayaw niya sayo. Sigurado akong mahal ka ni mommy mo.

Tisay: Pero (hikbi) bakit (hikbi) niya (hikbi) ako iniwan dito at di sinama sa Amerika (hikbi)? Hindi na ba niya ako love? (hikbi)

Inday: Maraming dahilan bakit niya ginawa yon. Alam mo naman kapag tumatanda ang isang tao may bagay tayong nagagawa na hindi nauunawaan ng mga bata.

Tumango sabay hikbi si Tisay.

Inday: Kung ano man ang rason sigurado naman para sa mas ikabubuti iyon. Tisay, tingnan mo ako... Huwag na natin isipin yun ha? Ang importante kasama mo si Daddy ngayon na love na love ka at pati ang kapatid mong si Tsina,

Tisay: Love ko si Daddy at Tsina.(hikbi) At love din kita, Ate Inday. (hikbi)

Inday: Awww! I love you too Tisay. (niyapos ang alaga)

Napansin ni Inday na nakatingin sa kanila si Tsina kaya inabot niya ang kamay niya para lumapit ito. Lumapit naman si Tsina at umupo rin sa ibabaw niya.

Inday: Tsina, please be careful next time sa mga sinasabi mo sa sister mo ha. Alam mo minsan mas masakit ang pagsasalita ng hindi maganda sa kapwa kaysa sa sinampal o sinuntok mo siya.

Tsina tahimik na nakaupo.

Inday: Pero hindi ko sinasabing tamang manampal o manuntok ha? Bad din yun. Basta tandaan ninyo na ang salita pagnasabi na hindi na pwedeng bawiin pa. Kaya bago ka magsalita ng bad mag-isip ka muna ng sampung beses o kaya wag ka na lang magsalita pa. Nagkakaintindihan ba tayo?

Tsina: Opo. Sorry po.

Inday: Dapat sinasabi mo yan sa kapatid mo.

Tsina: Sorry na Tisay.

Tisay: Okay lang yun.

Inday: Alam niyo ba ano pa ang pwedeng ibigay na hindi na maaring isoli?

Tsina and Tisay : Ano?

Inday : Isang halik.

Binigyan si Inday ng kiss at isang mahigpit na yakap ng magkapatid na nauwi pagkatapos sa kilitian.

-----------------------------------------
Scene: Kinagabihan. Kadarating lang ni Pio.

Pio: Kamusta ang aking mga beautiful princesses?

Kids: Daddy!

Tisay: Kumain ka na Daddy? May tira pa sa ref na ulam. Alam mo tinulungan ko si Ate Inday magluto. Tapos kanina tinuruan niya kami kumanta.(buong pagmamalaki nito)

Pio: May dinner kami ni Tita Diane. Umuwi lang ako para magpalit ng damit and to say good night sa inyo bago kayo matulog.

Biglang dismayado ang naging aura ng mga bata.

Tisay: Awww Daddy, lalabas ka na naman? Hindi ka na naman dito mag-dinner? Ayaw mo na kami makasama kumain?

Pio: Nag dinner tayo ng sama-sama kagabi di ba?

Tsina: Hindi kaya, late ka na umuwi kagabi remember?

Pio: Sorry girls. I'll be home tomorrow night, promise.

Naglalaro ang mga bata ng Barbie dolls ng lumabas si Pio sa kwarto na bihis na bihis at humahalimuyak sa pabango.

Inday: (sa isip) ****, bakit ba ang gwapo niya talaga.

Pio: Kids, it's toothbrush time na.

Tisay: Hindi ako pwede mag toothbrush, Daddy.

Pio: At bakit naman?

Tisay: (ngumiti ng pilya) Nanaginip kasi ako.

Ang ganda ganda ko sa suot kong gown at may korona pa ako tapos magtotoothbrush na dapat ako kaso di ko mahanap ang toothbrush. May nagnakaw! Nung nakita ko pinanlinis sa sapatos na nakatapak ng poopoo. Yuk!

Pio: ha ha! No problem! Nanaginip din ako na binili kita ng bagong toothbrush na parehong pareho sa gamit mong toothbrush. Nilagay ko pa sa cabinet. Ate Inday pakuha nung bagong toothbrush sa cabinet sa may tabi ng ref.

Tisay: Hindi ba pwede tawad na wag na magtoothbrush kahit today lang? Pleeeeease!

Pio: No. Hindi pwede. Importante na laging magtoothbrush tapos kumain para laging malinis ang inyong teeth at mabango. Remember dentist si Daddy di ba?

Tisay: (kamot ng ulo) Sorry nalimutan ko hehe.

Inday : Eto na po Sir ang bagong toothbrush.

Pio : Oh eto Tisay ang bago mong toothbrush. Magtoothbrush na kayo ni Tsina.

Pumunta na ng banyo ang magkapatid para mag tooth brush.

Pio: Ate Inday, natapos na ba ni Tisay ang 100 sentences?

Inday: Uhh, oo naman. (pagsisinungaling niya)

Pio: Ok. I just hope nagtanda na siya at di makikialam ng gamit ng may gamit.

Pagkalabas ng banyo ay nagpatuloy sa paglalaro si Tisay.

Tisay: ... at inantok na si Barbie tapos ay humiga na sa putting-puti at malambot na kama (higab) Inaantok na ako Ate...

Nagulat si Inday ng ligpitin ang mga manika.. ang mga sanitary napkins niya pala ang ginawang kama sa mga Barbie dolls ni Tisay.

Inday: (sa isip) Haay ano ba ang gagawin ko sayo Tisay?

----------------------------------------------
Scene: Isang hapon. Si Inday ay busy sa pag-exercise. Malaki-laki na ang nabawas sa timbang niya ngunit hindi ito gaano halata dahil maluluwag na t-shirt at pants pa din ang sinusuot niya.

Pumasok bigla sa bahay si Pio. Nagulat ng makita si Inday na nagsi-sit-up.

Pio: Wow nag-eexercise ka? (gulat na gulat na tanong)

Inday: (biglang bangon) Pio ! Bakit bigla kang napauwi?

Pio: Tumawag sa school may emergency. Sinundo lang kita para puntahan natin si Tisay dinala daw sa clinic.

Inday: Ha? Anong nangyari ? Teka lang magpapalit lang ako ng damit.(wala pang isang minuto lumabas agad ng kwarto si Inday) Tara na. (nauna pa siya lumabas ng bahay na natataranta kesa kay Pio)

Inday: Sinabi ba nila anong nangyari?

Pio: Hindi basta emergency daw.

Inday : Dalian mo ang pagmamaneho.


-------------------------------------------
Scene: Sa School Clinic

Pagdating ni Pio at Inday nakita nila si Tisay at ang teacher nitong si Mam Tintin nag-aantay.

Pio: Tisay! Okay ka ba?

Tisay: Yes, Daddy.

Inday: Anong nangyari?

Mam Tintin: Ang anak ninyo nalagyan ng munggo ang loob ng tenga.

Nahihiyang tumingin si Tisay sa kanila.

Tisay: I'm sorry Daddy.

Inday: Pano nalagyan ng munggo ang tenga?

Mam Tintin: Sa Science class we were discussing ang iba’t ibang klaseng beans. Si Tessa pinaglaruan yung munggo. Sabi ng classmates may binubulong daw sa kanya ang munggo ang ginawa tinapat sa tenga dahil di raw niya madinig tapos nahulog sa loob ng tenga.

Tisay: It was accident Daddy! Di ko naman sinasadya. (nagsimula ng umiyak) Waaah!

Si Pio inakap ang anak.

Pio: It's okay, princess.

Mam Tintin: Naalis na ng doctor ang munggo. Kailangan lang patakan ng antibiotic drops para di ma-infect. (iniabot ang reseta)

Inday: Masakit ba?

Umiling si Tisay.

Pio: Okay. Tara na umuwi. Thanks, Mam Tintin.

-------------------------------------
Scene: Sa Condo. Isang hapon.

Nagulat si Inday ng makita si Pio ng ala-una ng hapon.

Pio: Wala ng opis si Daddy today.

Tsina: (happy) Talaga, Daddy?

Pio: Yup

Tsina: Hindi ka magtratrabaho at wala ka ring date mamaya?

Pio: Nope! Iniisip kong mag tennis tayo.

Nagtatalon sa tuwa ang dalawang bata.

Tisay: Yey Daddy! Tennis! Tennis! Yey tennis!

Pio: Di ba nagpromise si Daddy tuturuan ko kayo?

Tsina: Ate Inday, marunong ka mag tennis?

Inday: Love ko ang tennis pero one time pa lang ako nakapaglaro. Pero matagal na iyon.

Pio: Really? That's great! Tamang-tama matagal tagal na ring nawala ang partner ko sa tennis. Sumama ka sa amin.

Inday: (nagdadalawang isip) Uh..

Pio: (inakbayan si Inday) Huwag ka ng mag-isip tara na. Baka takot ka lang matalo ako? Ha ha! Huwag kang mag-alala promise di ako magagalit..

Sino ba naman ang tatanggi kapag inakbayan at binigyan ka ng killer smile ng isang tulad ni Pio ang kaso…

Inday: Sir hindi talaga pwede, uh. Hindi ako pwede maglaro (sa mahinang boses) may bisita ako today ....

Pio: Bisita? Sino?

Inday: Mens ba ?( sa mahinang boses)

Pio: Ah! Sayang naman. Di bale next time na lang.

Inday: Magandang magkasama-sama kayo ng mga anak mo. Magpapaalam na rin ako para mamya. Pupuntahan ko lang sana yung isa kong kaibigan. Matagal tagal na din kaming hindi nagkakakwentuhan.

Pio: Okay. Huwag ka ng magluto ng dinner kakain na lang kami sa labas. Dagdag bonding moments din namin yun ng mga bata.

Inday: Salamat.

----------------------------------
Scene: Emo Cozy Bar


Si Inday ay naka tight red short dress at red shoes in full make-up. Papasa siyang cover ng magazine sa itsura niya. Si Ruffa Mae ay naka dress to kill din.

Inday: ... Na-shock talaga ako! Hindi ko akalain na tatawagin ni Tisay yung mama ng beking butanding.

Ruffa Mae: (tawa ng tawa) ha ha! Eh teka mataba at pangit ba talaga?

Inday: Oo in fairness super taba naman talaga at maitim pa. Pero di ko maisip san pinulot ni Tisay ang salitang iyon.

Ruffa Mae: Ha ha! Masanay ka na. Hindi naman ito ang una at huling beses na pinahiya ka ng alaga mo di ba? Ha ha!

Inday: (sumeryoso bigla) Pero alam mo the more time I spend with Pio and the kids, the more na narerealize ko I'm really meant to be a mom. Parang natural lang sakin. (malungkot) Sayang nga lang at hindi ako pinagkalooban ng katawan na pwedeng mag-anak.

Ruffa Mae: Akala ko ba tanggap mo na hindi ka maaaring magka-anak kahit na si Greg ay di ito matanggap noon. Pwede ka naman mag-adopt?

Inday: Alam ko. Pero mahal ko si Pio at ang mga bata. Sila ang pamilya na gusto ko.

Ruffa Mae: Sana hindi ka masaktan. Di ba ikaw na rin ang nagsabi ayaw na ni Pio mag-asawa ulit?

Inday malungkot na tumango.

Ruffa Mae: Gano ba kasama ang nanay ni Tsina na na-trauma si Pio ng ganun o masyado lang siyang perfect na hindi niya kayang palitan?

Inday: Hindi ko alam pero kailangan kong makaisip ng paraan pano babaguhin ang isip ni Pio. (buntong hininga) Hindi ka maniniwala sa ginawa ko today. Nagpanggap akong love ko ang tennis.

Ruffa Mae: Ano?! Nasisiraan ka na ba? Di ba hate mo lahat ng sports mula ng bata pa tayo! Kahit nga sa PE class di ba lagi kang nagdadahilan noon para ma-excuse ka.

Inday: Korek ! (malalim na buntong hininga) Kaya nga nasisiraan na ata talaga ako...

Ruffa Mae : Buti alam mo! So hanggang kelan mo ba plano maging yaya ng mga bata?

Inday: (malalim na buntong hininga) Actually hindi ko alam.


-----------------------------------------
Scene: Madaling araw sa Condo

Inday dahan dahang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Papasok na siya sa kwarto ng biglang bumukas ang ilaw.

Pio: Ate Inday?

Si Pio suot ang pajama, nakatayo sa kusina hawak ang isang baso ng tubig.

Nanlaki ang mata ni Pio ng makita ang isang glamorosong Inday. Halos maibagsak nito ang baso.

Inday: (sa isip) Darna!

Pio speechless pa din.

Inday: Ako ito. Sorry kung late ako umuwi. Medyo napasarap ang inuman naming ng kaibigan ko.

Pio: (titig na titig kay Inday) Uh, uh .. N-no problem.

Inday: Kamusta ang mga bata? Okay ba ang tennis lessons?

Pio: Huh? Tennis?

Inday: Hindi ba kayo natuloy mag-tennis?

Pio: Ah yung tennis. Ah Oo..Oo masaya… masaya. Si Tsina mahusay pumalo.

Inday: Good. Umm, mauna na ako Sir. Kailangan ko pang magising ng maaga. Pupunta tayo ng Star City di ba. Kailangan ko ng matulog.... Good night.

Pio: Oh yes... Good night Inday

Tumalikod na si Inday habang may isang malaking ngiti sa labi dahil kitang-kita niya sa salamin ang pagsunod ng tingin sa kanya ni Pio. Nagbunga din ang ilang linggo niyang diet at workout dagdagan pa ng sexy na damit plus make-up.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...