These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, August 19, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 3: Chicken Fox


Episode 3 : Chicken Fox

Scene: Pio at ang mga bata ay kumakain ng almusal habang pinagsisilbihan ni Inday. Suot niya ang clinical robe na pang nurse. Printed cartoon character blouse at plain blue pants. Nakapusod ang buhok at walang make up. Tatlong linggo na mula ng mag-resign siya sa salon.

Tisay: Sabi ni John Lloyd may chicken fox daw si Kenneth! Anong bang itsura ng pet na chicken fox? Paano na ang isang chicken ay fox din? Pwede ba ako magkaron ng ganung pet Daddy? Please!?

Pio: Chicken fox? Ha ha, baka ibig mong sabihin chicken pox? Pox with P not F. Sakit yun na puro rashes ang buong katawan. Kadalasan nag pepeklat pa kapag gumaling at nakakahawa.

Tisay: Ay!!! Kaya pala absent si Kenneth sa class! Miss ko na tuloy siya wala akong katabi sa upuan hihi Pero parang magandang magkaron ng pet na kalahating chicken at kalahating fox.

Tsina: Ha Ha! Ano maging itsura nun? Fox na may palong at tuka tapos nangingitlog.



Pagkatapos ng almusal, tumayo na si Pio..

Pio: Okay girls, papasok na ako sa opis. Come here at bigyan niyo muna si Daddy ng mahigpit na hug at madaming kiss.

Masunuring binigyan ng mahigpit na hug at pinupok ng mga halik si Pio ng mga anak. Sa kabila ng kakulitan parehong malambing ang mga bata. Napakadaling humingi ng kiss sa mga ito.

Pio: Love you, girls. Ate Inday, pwede mo bang dalin ang mga bata sa mall para mag-shopping today? (may dinukot sa wallet ) Eto ang shopping list at credit card.

Inday: Sure. No problem.

----------------------------------------
Naglilinis si Inday habang kinakausap si Ruffa Mae sa cellphone.

Inday: Sorry, friend, meron lang akong ilang minuto para magkipag-usap.

Ruffa Mae: Ilang linggo ka ng andiyan. Ano na ang nangyayari? May nangyari na ba sa inyo? Kwento mo lahat sa akin. As in lahat lahat ng detalye.

Inday: Wala pang nangyayari noh

Ruffa Mae: Ano!? Di ba front mo lang yang pagiging yaya at paghahanap ng matutuluyan. Wag mong sabihing nag-iba ang plano mo at kuntento ka na sa pagiging yaya na lang?

Inday: Inaamin ko isa ito sa pinaka siraulong ideya na naisip kong gawin sa buhay ko. Sa ngayon I just take one day at a time. Sa maikling panahon nakita ko iba’t ibang mga babaeng nakakasama ni Pio. Ang iba inuuwi pa dito ng hating gabi. Kung ginusto ko nabingwit ko na siguro si Pio sa kama pero parang mas higit pa doon ang gusto ko na ngayon.

(Flashback si Inday na nakikita si Pio at mga babae nito sneaking around sa gabi at umaalis ng madaling araw bago magising ang mga bata habang siya ay patagong nakatingin na may galit sa mga mata.)

Inday: Hindi ko alam pero masaya ako sa trabaho ko. Bukod sa pag-aalaga sa mga bata andyan yung paglilinis, luto, laba, plantsa... at iba pang gawaing bahay. Minsan tinatawag ko sila Aling Benita at mga anak nito para tumulong pero kadalasan ako lahat ang gumagawa. Tagal ko na ngang hindi nakakapag ballroom dance classes sa maniwala ka pero hindi ko ito namimiss.

Ruffa Mae: Ano? Akala ko ba yaya ka lang bakit all round maid ata ang labas mo bigla!

Inday: Hindi pa siya nakahanap ng bagong maid. Kahit yaya lang ako pinakita ko na kayang-kaya ko naman lahat ng gawaing bahay to impress him... I know, sasabihin mo nasisiraan na ako ng bait pero actually nag-eenjoy akong pagsilbihan siya at ang mga bata kahit nakakapagod kadalasan. May mga oras nga na gusto ko ng mag-quit but a part of me wants to hang on. Nasasanay na rin naman ako lalo na at nagiging routinary na. Sa palagay ko I am doing a great job. Wala pa naman siyang naipintas sa akin haha

Ruffa Mae: Ang sabihin mo ayaw mo makahanap siya ng new maid dahil takot kang baka mas maganda sayo at may kaagaw ka na sa atensyon niya. Geez! Aminin mo nahuhulog ka na sa kanya?

Inday: Aaminin ko habang tumatagal I think I want him bad, Ruffa Mae, but to be honest, it's not just him I'm in love with, nahuhulog na rin ang loob ko sa mga bata. I consider this a challenge.

Ruffa Mae: Ibig mong sabihin hindi ka titigil hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo? Teka ano ba ang gusto mo?

Inday: Six years lang naman ang difference ng aming age gap although mukha akong ate niya pero once na namayat pa ako babagay din kami. By the way malaki na ang pinangayayat ko mula ng maging yaya ako at nagdidiet na din ako. Konti na lang sesexy din ito at babagay na kami haha

Ruffa Mae: Hahaha sira ka talaga as if naman masusungkit mo for real si Pio...

----------------------------------------
Scene: Querry Shopping Mall.

Si Inday at ang mga bata ay nasa isang sikat na kids clothing store, tinitingnan ang mga naka-display na naggagandahang gowns at dresses. Lahat ng mga taong nakakasalubong nila ay tinitingnan si Tisay ng isa, dalawa, tatlo at ikaapat na nakakaloko at nakakatawang tingin.

Tsina: Hindi ka ba nahihiya? Lahat ng tao pinagtitinginan tayo dahil sa suot mo!

Tisay: I look fa-bu-lous! Ako lang ang may kayang magsuot ng ganito! Pak! (sabay kumpas ng kamay)

Si Tisay ay suot ang isang nakakalokong kombinasyon ng isang bright green shirt printed with colorful flowers at bright orange skirt printed with geometric design in colors na hindi match at masakit sa mata. May belt pa itong pula at naka-shiny purple boots. Ang buhok ay naka-braid na may iba’t ibang kulay ng ribbons ang bawat dulo. Suot din nito ang sunglasses ni Inday na super laki sa kanya na pinilit nitong hiramin kanina.

Tsina: Ate Inday, bakit mo siya pinayagan magsuot ng ganyan?

Inday: Well, mabuti ang may sariling sense of style ang isang tao kahit bata pa ito.

Tisay: Tama! Dapat may sarili kang sense of style! Di tulad mo na lagi na lang naka big t-shirts and big shorts. Boring!

Tsina: Dito ako kumportable bakit ba!

Inday: Ang sabi ng Daddy ninyo bibili tayo ng mga bagong pambahay at gown para sa isang formal wedding na pupuntahan ninyo?

Mukhang hindi natuwa si Tsina sa narinig.

Si Inday tiningnan isa isa ang mga gowns.

Tisay: Gusto ko itong purple!

Tsina: No! Ayoko! Ayoko ng mga gowns lalo na iyang madaming lace. Makati yan sa balat!

Tisay: Kung ayaw niya pwede bang ako na lang ang bumili ng dalawa Ate?

Inday: Tsina, pipili tayo ng hindi madami ang lace para hindi makati sa balat. (patuloy na isa isang tinitingnan ang mga gowns at kumuha ng isa) Eto bagay sa iyo ito.

Tsina: Lahat yan makati!

Inday: Bago ka magreklamo pwede sukatin muna natin ha.

Tisay: Yey!

Tsina: (malalim na buntong hininga) AYOKO !

Dala-dala ang ilang pirasong gowns. Pumunta sila sa fitting room.

Saleslady: Ang gagandang mga bata.

Tisay : Maganda talaga ako. Thank you.

Saleslady: Pwede kang maging child star. Alam mo hawig mo yung bata sa Capt. Barbell… si Super Tiny.

Tisay : Mas maganda ako dun!

Inday : Miss pwede pa-assist… pakisukatan siya nitong gown (tinuro si Tisay).

Tisay ay masayang nagsusukat at panay rampa na parang model sa bawat gown na naisukat.



Tisay: Oh yeah, uh huh... oh di ba.. ang ..pretty ko talaga... uh huh...

Inday: Please Tsina? Try mo ito.

Tsina: No! Makati yan!

Inday: Ipapatong lang natin. Ibibili kita ng bagong libro pag sinukat mo ito.

Tsina: Okay, fine. (inikot ang mga mata)

Tisay nasa ika third gown at masayang nagpapaikot-ikot.

Tisay: Oh I’m...a… super...model...

Saleslady : Mukha ka ngang model.

Tisay : Thank you. Alam mo ate love na kita hihi

Inday ipinatong ang gown kay Tsina na hindi talaga pumayag na alisin ang suot na t-shirt. Tumayo sila sa harap ng salamin.

Inday: See, ang pretty mo di ba? Pwede natin ayusin ang buhok mo ng ganito... o kaya ganito...o kaya ganito...tapos lalagyan natin ng bulaklak dito... See!

Tahimik na nakasimangot si Tsina.

Inday: Bibili na lang tayo ng manipis na panloob na shirt. Promise pag suot mo yun di na makati. Okay?

Tsina: (patamad na sumagot) Okay.

Tisay: Look pareho na tayo ng gown oh haha Pwede tayong twins!

Inday: Awww! Ang gaganda ninyo. Sige Miss itong dalawa na ang kukunin namin. Bibili pa tayo ng hair accessories at shoes.

Tisay: Yey! Gusto ko ng high high heels na pula. Yung tulad nung nasa closet mo Ate Inday!

Inday: ha ha, Okay, kapag may nakita tayong size na kasya sayo. Bibilin natin.

-------------------------------
Later, sa food court habang si Inday at ang mga bata ay nagmemeryenda.

Tisay: Tingnan mo tingnan mo oh? (may tinuturo)

Tsina: Tisay! Ano ba!

Tisay: Tingnan mo yung baby mukhang monkey! Tapos kumakain pa ng banana!

Inday at ang nanay ng baby sabay na nagkatinginan na may shock expression ang mukha.

Inday: Tisay!

Tiningnan sila ng masama ng nanay nung baby at nagmamadaling umalis.

Inday: Tisay, masama ang namimintas ng kapwa. Masama yun.

Tisay: Hindi naman ako namimintas. Nagsasabi lang ako ng totoo?

Inday: Kung wala kang masabing maganda tumahimik ka na lang. Tandaan ninyo yun ha.

Biglang tumunog ang cellphone ni Inday. May text si Pio.

Inday: Isasama daw ng Daddy ninyo mamaya si Tita Janet sa dinner.

Tsina: (umikot ang mata) Hmph, isa na namang tita na gustong maging mommy namin.

Inday: Ayaw niyo bang magkaron ng mommy?

Tisay: No! May mommy na ako!

Tsina: (kibit balikat) Ayaw ko ng mommy at hindi kami magkakaron ng bagong mommy ever dahil ayaw na ni Daddy mag-asawa ulit. Ilang beses na niyang sinabi sa amin yun. Gusto niya puro date lang.

Tisay: Bakit si Daddy pwede lumabas at makipag-date pero bakit ako hindi? It's not fair!

Tsina: Six years old ka pa lang noh!

Tisay: So what? Di ba ikaw nga may crush ka din sa school!

Tsina: (galit) Wala noh!

Tisay: Ha ha! Meron kaya? Alam ng lahat sa school na crush mo si Kenneth. Sinabi mo kaya kay Xyriel na pinagkalat niya! Ito pa nga ang theme song niyo (dinampot ang kutsara at ginawang mic) We were both young when I first saw you I close my eyes…(sabay pikit) And the flashback starts I'm standing there… On a balcony in summer air…

Tsina: Tumahimik ka!

Tisay: (patuloy sa pagkanta) .. You’ll be the prince and I’ll be the princess it’s a love story…..!

Tsina: Tumahimik ka! Tumahimik ka! (nagsimula ng umiyak)

Inday: Tama na, Tisay.

----------------------------------------
Scene: Kinagabihan sa bahay. Kadarating lang ni Janet. Isang maganda at mestisahing modelo. Suot nito ang hapit na hapit na asul na damit na lalong nagpasexy dito. Tinitingnan ito ng masama ni Inday tuwing walang nakakakita.

Pio: Janet, ito nga pala ang aking dalawang prinsesa. Girls, say Hi to your Tita Janet.



Girls: Hi, Tita Janet.

Pio: (tumunog ang cellphone) Wait sagutin ko lang itong tawag..

Janet: Oh, take your time. I'm sure the kids and I will be just fine. hi hi hi . They're so cute! We'll be BFF by the end of the night I'm sure. hi hi hi

Inday sinisipat si Janet mula ulo hanggang paa.

Inday: (sa isip) Hmmph.

Tisay: (tinaas ang kamay at humingi ng high five) Give me five !

Janet: Huh?

Tisay: Give me five! Sabi ko give me five?

Janet: Oh okay.. ha ha...Oh, what a lovely view from the balcony...

Pumunta sa balkon si Janet at nagyosi.


Samantalang sa kusina habang nag-preprepare ng dinner si Inday lumapit si Tsina.

Tsina: Pwede ba ako tumulong?

Inday: Sure. Sige tulungan mo ako dito sa salad. Pitasin mo ang mga dahon ng lettuce. Parang ganito...

Matapos ang ilang minuto.

Tsina: Ayan tapos na. Ano pa gagawin ko?

Inday: Maghahalo tayo ng dressing. Kunin mo ang mayonnaise at mustard sa ref teka asan nga pala si Tisay?

Tsina: (kibit balikat) Andyan lang yun.

Inday sinilip kung asan si Tisay. Nakita niya ito sa sulok ng sala at kinakalikot ang purse ni Janet. Napangiti siyang bumalik sa kusina at tinuloy ang paggawa ng dinner katulong si Tsina.

Inday: Tsina, excited na akong makitang suot mo yung pretty gown na binili natin kanina. Ikaw excited ka na ba isuot?

Tsina: Di ko alam..

Inday: Okay naman magsuot ng t-shirts and shorts araw-araw pati sa pamamasyal kung doon ka kumportable pero pag special occasions kailangan ding nagsusuot ng magandang damit tulad ng gown kahit di ka komportable.

Sinilip ang nilulutong chicken sa oven.

Inday: Ang gaganda nung mga pinili mong hair clips kanina.

Tsina: Hindi naman ako marunong magkabit nun.

Inday: Akong bahala! Ang tagal kong nagtrabaho sa salon ako pa nga gumupit sayo remember? Kaya hit anong style ng hair ang like mo kaya ko yun.

Tsina: Talaga?

Inday: Talaga. At kung may gusto kang pag-usapan natin kahit tungkol saan, huwag kang mahihiya sakin ha, okay?

Tsina: Okay

Bigla sila nakarinig ng malakas na tili sa sala.

Janet: EEEEEEEEEEEEE!!!!!

Tumakbo si Pio, Inday at Tsina sa sala upang madatnan si Tisay na hawag ang purse ni Janet na nagkalat lahat ng laman sa sahig. Punong puno ng makapal na make-up si Tisay pati ang ilang manika nito.

Janet hinablot si Tisay at niyugyog ito.



Janet: What the hell!! What did you do?!! You little sh!t!

Tisay: Oww! Oww! (umiyak) Waaaaah!

Janet tuloy-tuloy sa pagyugyog kay Tisay at ambang hahampasin ito ng biglang lumapit si Inday at itinulak si Janet. Yumapos kay Inday ang umiyak na si Tisay.

Janet: (ngitngit na ngitngit sa galit) Why you! How dare you! Pio! Did you see that! Your nanny just pushed me! (Hinarap si Inday) Who do you think you are!

Pio kinakalma si Janet.

Janet: Pio! She used up all my Britney Spears perfume! I paid a lot of money for that!

Pio: I will replace it, okay?

Janet: Damn right you are going to buy me a new bottle! You are also going to replace my ruined make up and purse!

Tsina: Hindi naman nasira ah !

Pio: (di pinansin ang sinabi ng bata) Yes, of course I will replace whatever you want. I'm very sorry about this, Janet. Tisay, you're going to get punished for this. Mag-sorry ka kay Tita Janet !

Tisay: Waaah! I'm sorry..

Janet huminahon at ngumiti.

Janet: Okay. But can we go eat dinner somewhere else instead of here? Then afterwards, we can go to my place?

Pio: Sure, we can do that.

-----------------------------
Scene: Kinagabihan. Si Inday ay nasa kwarto ni Tisay at Tsina binabasan ang mga ito ng bedtime story. Tulog na si Tisay. Si Tsina naman ay sleepy na. Palabas na si Inday ng pintuan ng kwarto.

Tsina: (sa inaantok ng boses) Ate Inday...

Inday: Yes, Tsina?

Tsina: (antok na antok) Pwede mo bang haplusin ang buhok ko para mas mabilis akong makatulog…

Inday lumapit sa kama at umupo sa tabi ni Tsina. Sinimulang haplusin ang buhok ng alaga hanggang sa mamakuha na ito ng tulog.

Tsina: (naalimpungatan) Ate Inday, pwede bang ikaw na lang ang mommy ko...

Inday naging teary eyed sa narinig habang patuloy na hinahaplos ang buhok ni Tsina. Nang makatulog na ito ng tuluyan hinalikan niya ito pagkatapos si Tisay bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...