These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Friday, August 5, 2011
Maid to Order (Tagalog) - Episode 2: DingDong
Episode 2: DingDong
Scene: Dr. Pio's Dental Clinic
Inday: Uh.. Uh..
Tisay: (talon ng talon na parang nasa trampoline) Yeyyyy!!! Ikaw ang aming yaya? Ano ang gagawin natin? Pupunta ba tayo ng Star City? Huh? Pwede ba tayo kumain ng ice cream? Pwede din ba tayo manood ng sine?! Tapos laro tayo ng....ng..... horsie-horsie Whooo!!!
Tisay kumapit agad sa braso niya.
Ruffa Mae: Nagpasalamat sa akin si Dr Pio dahil nagrekomenda ako sa kanya ng isang mahusay daw na yaya. Medyo napasobra ang pagbebenta ko sayo. Sabi ko pansamantala nasa parlor ka pero isa ka talagang yaya. Nangibang bansa na ang mga dati mong amo kaya naghahanap ka ng mapapasukan na iba. Mahusay na mabait ka pa kaya mataas tiyak ang expectations niya sayo.
Hindi makapagsalita si Inday.
Ruffa Mae: So pano fren ito ang susi ng condo. Hindi yan kalayuan dito, pwedeng lakarin. Eto ang address. Kailangan ko ng bumalik sa salon bago pa ako masisante. Huwag mong kalimutang bigay sa kin ang resignation letter mo ha?
Nagsimula ng lumakad palayo si Ruffa Mae. Sinundan siya ni Inday habang si Tisay ay nakakapit pa din.
Inday: Ruffa Mae! Wait! (natataranta)
Ruffa Mae: Iuwi mo na sila at alagaan (sabay kindat)
Tisay: You're very pretty! (hinila ang laylayan ng palda niya) Oooh.. ang lambot naman ng tela. Pwede ko ba hiramin ito? Pwede din ba ako manghiram ng make up? Pero kain muna tayo kanina pa ako nagugutom!
Inday: Teka ! Please wag mo muna ako iwan agad..
Ruffa Mae: Akala ko sabi mo, “I’m sure kayang-kaya ko naman mag-alaga ng dalawang batang babae.?” Nagmamakaawa ka kanina ngayon kung kelan okay na sumusuko ka na agad eh di ka pa nag-uumpisa?
Inday: Hindi ako sumusuko. Wala sa bokabularyo ko yun.
Ruffa Mae: Yun naman pala ! Fight fight fight kaya mo yan fren !
Lumakad palayo si Ruffa Mae ng may ngiting nakakaloko.
-----------------------------------
Scene: Pio's condo. Kinagabihan. >>>>>> hindi gabi, before 2 PM
Inday halatang pagod na pagod
Tisay: (itinaas ang dalawang kamay) Give me five!
Tsina: Ugh, here we go again...
Inday binigyan ito ng high five.
Tisay: (ibinaba ang mga kamay sa gilid) On the side!
Inday hinampas ang mga kamay ng mahina.
Tisay: (ibinaba lalo ang mga kamay) Down low!
Hinampas ni Inday subalit mabilis na naialis ni Tisay ang mga kamay.
Tisay: Ang bagal! Talo ka na naman! hi hi hi
Inday: ha ha ha, Um, girls, maghapon na tayong naglalaro. Ayaw ba ninyo matulog?
Tsina: We're big girls now, hindi na kami natutulog sa hapon. Babies lang ang tulog ng tulog.
Tisay: Let's play horsie again!
Tisay nagtatangkang umakyat sa likod ni Inday.
Inday: Uh.. pwede maya-maya na tayo mag horsie horsie... luto-lutuan o kaya tea party ng mga princess naman? Kunwari isa sa atin si Cinderella? Si Snow White? Si Sleeping Beauty? Sino ba ang favorite princess niyo?
Tsina: I think fairy tale princesses portray an unrealistic view of love and how girls should look. Palagay mo good role models ang Disney princesses? Dapat ba nakaupo lang lagi ang girls at nag-aantay sa prince charming na dumating? Pano kung maligaw at di dumating ang prince?
Inday: Alam nyo mabuti pa mag horsie-horsie na nga lang tayo ulit.(ngiting pilit na pilit)
Tisay: (lumundag kay Inday) Yey!!! Giddy-up!!! Yippie-kay-yay Hiyaaah !
---------------------------
Ilang minuto ang nakalipas, si Inday kausap si Ruffa Mae sa cellphone.
Inday: (sa mga bata) Naku naman.. Sinabi ng huwag tatalon sa sofa! Oh... (nagsusumbong kay Ruffa Mae) hindi sila nakikinig sakin. Anong gagawin ko? ( sa nanlulumong boses)
Tisay tumabi sa kanya at hinihila ang kanyang damit.
Tisay: Pwede ba ako ulit kumain ng Baby Ruth? Masarap eh! Pleeezzzzz!
Inday: Uh.. okay, sure..
Tsina: (iiling-iling) Ate pang lima na niya yan! Lalo siyang nagiging hyper kakakain ng chocolate.
Tisay nambebelat at pasayaw-sayaw na tumakbo papuntang kusina para kumuha ng chocolate sa ref.
Tsina: Ayaw ni Daddy kumakain kami ng masyadong madaming candies at chocolates. Sabi niya bad sa teeth yun.
Inday: Oh, Ganun ba, sige last na yun...
Tisay: (nag-isip) Kung last na ni Tisay dapat ako rin para fair!
Tsina tumakbo din ng kusina para kumuha ng candy.
Ruffa Mae: Ipakita mo sa kanila na ikaw ang boss kahit mga bata sila kundi di ka nila gagalangin much more di sila makikinig sayo.
Inday: Sinusubukan kong maging nice para magustuhan nila ako.
Ruffa Mae: Bukod sa pagiging nice dapat matuto kang kontrolin ang mga bata at hindi sila ang mag kontrol sayo.
Inday: Grabe pagod na pagod ako. Never pa akong napagod ng ganito sa tanang buhay ko!
Ruffa Mae: Eh kanino bang idea ang magpanggap na magaling na yaya?
Inday: Sa akin…
Ruffa Mae: Oh eh ano ang nirereklamo mo ngayon ha ha.
Biglang tumunog ang telepono.
Inday: Teka tumutunog ang telepono. Tatawagan na lang ulit kita.
Ruffa Mae : Kahit wag na haha sige isang malaking good luck.
Inday sinagot ang telepono.
Inday: Hello?
Pio: Hello, this is Pio. Is this Ruffa Mae's friend?
Inday: Yes ako nga.
Pio: Kamusta? Kamusta ang mga bata?
Inday: Okay naman ang mga bata. Maayos naman ang lahat.
Pio: Pinahirapan ka ba nila?
Inday: Hindi naman. Okay na okay ang lahat. Nagkakasundo kami. Walang ka proble-problema.
Pio: (huminga ng malalim) Salamat sa Diyos. May kakulitan ang mga anak ko minsan mahirap silang alagaan. Buti na lang pumayag kang maging yaya nila.
Inday: Naku wala yun. Salamat nga at tinanggap ninyo ako.
Pio: Nga pala pahatid ang mga bata sa ballet class nila mamayang 2 pm. Nasa blackboard sa kusina ang address. Alam ni Tsina yun.
Inday: No problem! Akong bahala maghatid sa kanila.
Pio: Thanks. Pasensiya pala at umalis ako agad kaninang umaga. Alam ko dapat kinausap muna kita pero may biglaang emergency.
Inday: Naiintindihan ko. Okay lang po.
Pio: Pasensiya na rin sa gulo ng bahay. Biglaan ang uwi ng probinsiya ng tagalinis ko kamakalawa lang. Nagkasabay-sabay ang problema.
Inday sinipat ang napakagulong bahay .....
Inday: Wala pong problema. Ako na ang bahalang maglinis!
Inday: (nag-isip habang nag make face at nasambit ng pabulong) Teka bakit ko ba nasabi yon.
Pio: Talaga? Wow! Maraming-maraming salamat! Hulog ka ng langit ! Sige kita na lang tayo mamya pag-uwi ko para naman makapagpasalamat ako sayo ng personal. Bye!
Inday: Bye!
Pio ibinaba ang telepono na may ngiti sa labi.
Inday: (sa isip) At magpapasalamat pa siya sa akin mamaya ng personal..(napangiti)
Inday nakatayo sa gitna ng napakagulong bahay na parang nadaanan ng lindol at tsunami ilang minuto lang ang nakararaan. Nagsambulat ang mga laruan, libro, crayons, lapis, papel sa lahat ng lugar. Nagkalat ang wrappers ng mga pagkain sa halos lahat ng sulok at may natapon pang juice sa may pintuan. Ang daming hugasin sa kusina at ang kwarto parang hinalukay ng pitong dwende bukod pa sa tambak na dirty laundry. Isang napakalaking disaster area ang buong kabahayan.
Sa sala naroon ang magkapatid. Ang mga kutson at unan ng sofa ay patung-patong na pinaglalaruan.
Tsina: Madali ! Kailangan na nating dalhin itong wedding cake. Hinihintay na ito ng mga bisita. Dahan-dahan ka!
Tisay: Yes, ma'am!
Tsina: Easy.. easy... Pagnahulog mo yan, sisante ka na. Tandaan mo!
Tisay: Kapag sinesante mo ako , ikaw na ang bubuhat ng mabigat na purple wedding cake na ito!
Tsina: Haaay I told you white yan di purple! Wala namang purple na wedding cake ah!
Tisay: Meron kaya! Pagkinasal ako next month purple ang wedding cake ko! Dahil yun ang favorite color ko! (sabay irap)
Tsina: Ha ha ha! Next month? At sino may sabi sayo ikakasal ka next month. Wala namang magkakagusto sayo. Tingnan mo nga ang taba-taba mo pawis na pawis ka na naman!
Tisay: Heh! Bad ka! Inaaway mo na naman ako!.(binato lahat ng mga unan)
Inday: Girls, girls tama na! Tigil na ang laro.
Inday kinuha ang mga unan at isa-isang binalik sa sofa.
Inday: Mag ready na kayo at pupunta na tayo sa ballet class.
Tisay: (biglang lumiwanag ang mukha) Dance class! I love dance class! Twirl.. Twirl...
Sabay na nagpa-ikot ikot ang magkapatid. Inday pinahinto ang dalawa at dinala sa kwarto para bihisan.
------------------------------------
Habang ang mga bata ay nasa dance class, abalang naglinis si Inday. Pagtingin niya sa orasan isang oras na pala ang lumipas pero parang wala pa ding nangyayari. Napakagulo pa din.
Inday: Hay parang walang nangyayari at parang walang nalilinis.
Kinuha niya ang cellphone at nagsimulang tumawag.
Maya-maya, dumating ang tatlong babaeng. Makalipas lang ng ilang oras super linis na agad ng bahay.
Inday: Maraming-maraming salamat Aling Benita, Nene at Ningning. Malaki ang utang ko sa inyo.
Benita: Your welcome. Basta ang pangako mo. Huwag mong kalimutang ayusan kami sa kasal ni Bek Bek ha.
Inday : Kayo at mga anak ninyo ang magiging pinakamaganda sa entourage ng kasal na iyon. Pinapangako ko.
Nene : Ate yung cake andun na sa mesa. Bahala ka na kung lalagyan mo pa ng icing.
Inday : Salamat talaga sa inyo.
Inday isinara ang pintuan. Bukod sa paglilinis mahusay magluto si Benita at mga anak nito. Nakatulong na siya minsan ng mag-catering ang mga ito sa isang binyag. Matagal na rin niyang kapitbahay ang mag-iina.
-------------------------------
Pinagmamasdan niya ang mga picture frames. Kinuha ang isa na larawan ni Pio habang pumapalo ng tennis ball. Tinitigan niya ito pagkatapos ay muli niyang inispeksyon ang buong bahay bago umalis para sunduin na ang mga bata sa dance class.
--------------------------------
Ala seis ng gabi.. tinapos niya ang pag-icing sa cake. Hindi siya expert baker but baking ay isa sa kanyang paborito niyang libangan lalo na ang pagdedecorate. Sinalin na rin niya ang mga pagkaing niluto kanina ni Aling Benita sa magandang serving platters. Inayos niya ang table na hindi sa pagyayabang ay papasa atang cover sa magazine sa ganda ng set-up.
Inday inalis ang apron at tumitig sa salamin habang inaayos ang sarili.
Inday: (sa isip) Not bad, kapag hindi ka pa na-impress dito Pio, ewan ko na lang. Teka asan na nga pala ang mga bata? Parang kanina pa sila tahimik.
Pagpunta sa kwarto ni Inday hindi siya makapagsalita sa nakita. Si Tisay ay naka makeup at nagkalat ang lahat ng laman ng handbag niya sa kama. Mukhang wala itong pinalampas ni isa sa make-up at lipsticks niya. Parang clown at kabuki ang mukha ng bata sa kapal ng make-up na lagpas lagpas. Pati ang mga stuffed toy at manika nito ay di pinatawad puno rin ng make-up ang mga mukha.
Inday: Oh no! Oh no! Ang paborito kong MAC lipstick! At ang pinag ipunan kong Enchanted Puce! Wala ng ganitong shade! Shit!
Tisay takot na takot. Alam niyang may ginawa siyang kasalanan.
Tisay: (nagsimula ng umiyak) Gusto ko lang naman maging maganda...I'm... sorry po... Waaahh
Dinala ni Inday si Tisay sa banyo at sinimulang linisan ang mukha. Tuloy tuloy pa rin si Tisay sa pag-iyak at pagpapaliwanag. Si Inday man ang naiiyak na rin sa inis pero alam niya wala siyang panahon para mag-emote.
Inday: Tama na, tumigil ka na sa kaiiyak... pauwi na si daddy mo...
Patapos na sila ni Tisay ng biglang isang malakas na bumagsak na kung ano ang narinig niya kasabay ng malakas na tili.
Tsina: Eeeeeeee!!!!
Sabay tumakbo si Inday at Tisay palabas ng banyo. Nakita nila si Tsina na paikot-ikot sa kusina habol ang isa asong dilat na dilat ang mga mata.
Inday: Saan nanggaling ang asong yan ?
Tisay: Aso siya ng kapitbahay natin. Dingdong pangalan niya. Nanay niya si Marimar. (nagpatuloy ito sa paghabol sa aso) Dingdong ! Halika dito ! Dingdooong !
Nakigulo na si Tisay sa paghabol sa aso na patuloy naman sa pagtakbo at pagtalun-talon. Isa-isa ng nagbagsakan ang mga upuan at kung anu-ano sa kusina.
Nakita ni Inday na matatabig at babagsak ang cake.
Inday : Naku ang caaaaake !
Tinangka niyang saluhin ito pero huli na ang lahat. Nahulog ang cake sa sahig at natapon sa kanya sa tangka niyang pagsambot dito. Naligo sa icing ang kanyang damit, buhok at mukha habang ang aso namang si Dingdong ay naging abala na sa pagkain ng nagkalat na cake sa sahig.
Pio: Anong nangyayari dito!
Tsina : Huli ka !!!
Pagtingin ni Inday, bitbit na ni Pio ang aso.
Tisay and Tsina: Daddy!
Tumakbo ang dalawa kay Pio at hinalikan at niyakap ito.
Pio: Hi sweethearts !! Ibalik muna natin si Dingdong sa kabila, okay?
In less than a minute, nakabalik na agad si Pio at ang mga bata. Si Inday ay abalang naglilinis ng sahig.
Pio: (kay Inday) Ako na bahala tumapos nito. May bago akong t-shirt sa CR yun muna isuot mo.
Nagmamadaling pumunta ng banyo si Inday. Nadismaya siya ng makita ang kanyang sarili sa salamin. Naliligo siya sa icing. Kung alam niya lang sana ay hindi na niya naisipan pang lagyan ng icing ang cake. (ang napala nga naman niya sa kagustuhang magpa-impress) Since malagkit ang icing natagalan siya sa paglilinis ng katawan.
Maya-maya ay isang katok sa banyo ang narinig niya.
Pio: Okay ka lang?
Inday: Lalabas na ako...
Paglabas ni Inday sa bathroom patapos ng kumain si Pio at mga bata.
Inday: Sir (Sir daw oh) Uwi na po ako.
Pio: Pwede mag-usap muna tayo?
Inday nagdadalawang-isip. Tumayo si Pio at nilapitan siya.
Pio: Please?
Inday: Okay
Pio: Sa sala na lang tayo mag-usap.
Sumunod siya kay Pio na nauna patungong sala. Kasunod niya sa likod ang mga bata.
Pio: Ikaw ba nagluto ng hapunan?
Inday: Oo, pinagsama-sama ko lang kung ano ang meron sa ref at pantry. I hope you like it.
Pio: Wow talaga! I’m impressed. Naparami nga kain ko sa sarap.
Tisay: Oo super sarap! Sayang nga nahulog yung cake ng salbaheng si Dingdong. Di ko tuloy natikman. (making face sabay belat kay Tsina). Ikaw kasi eh nilaro at pinapasok mo na naman si Dingdong dito sa loob ng bahay!
Tsina: Malay ko bang matatabig yung cake!
Tisay: Lagi namang nanggugulo yun pag napunta dito! Laging nakakabasag ng gamit pero di ka na nadala!
Tsina: Eh ikaw ano ginawa mo? Di ba pinaglaruan at sinira mo ang mga make-up at lipsticks ni Ate!
Pio: Tisay, totoo ba yun?
Tisay hinila ang isang kumot na nasa dirty laundry basket at tinakip sa sarili.
Pio: Tisay..
Tisay: (nasa ilalim ng kumot) Tisay is not here. She is unavailable at the moment..
Pio: Mag-uusap tayo mamaya Tisay.. (bumaling kay Inday) I'm sorry sa nangyari. Papalitan ko na lang yung mga make-up ilista mo na lang kung anu-ano ang mga iyon.
Inday: Hindi okay lang. Make-up lang yun, no big deal.
Pio: Magaling ka palang cook bukod sa pagiging isang mahusay na yaya.
Inday: Salamat. Wala yun.
Pio: Anong wala yun? Inalagaan mo ang mga bata ng buong araw, nilinis mo ang buong bahay at pinaglutuan mo pa kami ng masarap na hapunan. You're amazing! I really owe Ruffa Mae for recommending you.
Inday: Masaya ako at natulungan kita at mga anak mo sa araw na ito.
Pio: Araw na ito? You mean for today lang? Hindi ako papayag today lang. I’m offering you the job na maging official yaya na ng aking mga anak.
Inday nagdadalawang isip.
Pio: Please sabihin mo pumapayag ka. Di ba matagal ka na daw naghahanap ng malilipatang trabaho at matutuluyan?
Inday: Yeah, umm.. Oo...pero...
Pio: Alam ko mahirap alagaan ang aking mga anak pero sa experience at husay na pinakita mo sa araw na ito obviously wala tayong magiging problema.
Inday tinitigan ang mga bata na naglalaro sa kabilang sulok ng sala. Pinagtali-tali ng mga ito ang sarili ng sinturon at necktie ng Daddy nila habang tumalon-talon at humagikgik ng tawa.
Inday: Hindi ako sigurado kung kakayanin ko maging yaya ng dalawang bata.
Pio lumakad palapit kay Inday at tinitigan ito sa mga mata.
Pio: Please, (pinagsaklob ang daliri as if ito ay nagdadasal sa harap niya) Nagmamakaawa ako sayo.
Natulala si Inday. Ang gwapong doktor na si Pio nasa harap niya at nagmamakaawa.
Pio: Kung sweldo ang problema mo, willing ako magbayad ayon sa iyong ninanais (sa sexy nitong boses at lalo pa itong lumapit sa kanya sabay kindat)
Inday: ...(lunok)...sa aking ni-na-nais?
Pio: (halos idikit na nito ang mukha sa kanya) Yes... ayon sa iyong ninanais. Name the price?
Inday: (lunok at sa mahinang sambit) O..okay… sige na…sige na…
Pio: (masayang-masaya) Salamat ! Salamat!
Pio umikot at tinawag ang mga bata
Pio: Kids, come here!
Lumapit ang mga bata.
Pio: Pumapayag na siyang maging bagong yaya ninyo!
Kids: Yehey!!!
The kids jump up and down.
Tisay: Wooooooo!!!
Pio: Pwede ka na bang magsimula bukas, Ate ? Teka ano nga pala name mo?
Inday: (mahinang boses) Inday po.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment