These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, September 16, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 5: Roller Coaster






Episode 5: Roller Coaster



Scene: Star City

Pio, Inday at ang mga bata ay parang isang pamilya na masayang-masaya habang namamasyal.


Kabababa lang nila sa isang roller coaster at si Inday na hilong-hilo ay pilit na itinatago ang nararamdaman.

Tisay: Dun naman tayo? There! There! Let's gooooo!!!

Tsina: No, dun tayo!

Tisay: Doon? (tapos makita ang tinuturo ni Tsina) Sige sige dun na lang!!!! Woooo hooooo!!! Tara na !! Daddy , Ate Inday Dalian niyo!!!!

Nagmamadaling tumakbo ng palundag lundag ang mga bata.

Tsina: Oh!!! May isa pa palang roller coaster! Daddy! Sakay din tayo !




Pio: Wow mas maraming loops ito kesa dun sa kabila ah. Let’s go !!

Nginitian at kinindatan ni Pio si Inday. Hindi niya suot ang yaya uniform niya ngayon. Naka jeans at blouse siya ngayon kaya kita nag hubog ng kanyang katawan na ilang linggo niya ring pinagpaguran.

Pio: Ate Inday, gusto mong sumakay dito?

Tsina: (hinihila si Inday) Of course gusto niya! Mahilig din kaya siya sa roller coasters tulad natin! Ate tara na !!!

Inday: (sa isip) Jusko! Hindi ko na ata kaya. Baliktad na ang sikmura ko sa takot at nerbiyos. Nahihilo pa ako tapos sasakay na naman ulit. Ano ba itong napasukan ko.

Tisay: I’m soooo happy today!!!

Hinila siya ng bata papunta sa ride at nagpahila naman siya.

Inday: (sa mahinang tinig ) Yey!

----------------------------------
Scene: Habang si Pio at ang mga bata ay siyang-siya sa roller coaster. Si Inday naman ay hilong-hilo at nasusuka na sa lula.

Pagbabang-pagbaba sa roller coaster.

Tsina: Daddy pwede isa pa!

Tisay: Isa pa!!! Isa pa! Isa pa!

Pio: Gusto niyo ba talaga ng isa pa?!

Excited na sabay tumango ang mga bata.

Pio : Eh di isa pa.

Nagtatalon sa tuwa ang dalawa samantalang napansin ni Pio putlang-pula si Inday.

Pio : Okay ka lang Ate Inday?

Inday: A-ako.. oo naman.. pero kayo na lang ang umulit ha. Kailangan ko na talaga mag-cr. Antayin ko na lang kayo dun sa isa sa mga bench.

Inday: (sa isip) Hindi ko na ulit gagawin yon kahit para sa iyo Pio. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan kanina grabe. Kailangan ko ng fresh air. Konti na ;ang susuka na ako sa hilo at nerbiyos.

Inday pumunta sa cr pagkatapos ng ilang sandali ay umupo sa bench. Ilang segundo pa lang lumilipas ng marinig niya ang boses na taon na niyang hindi narinig at hindi na nais sana pang marinig.

Greg: Inday? Inday? Ikaw ba yan?

Inday tumingala upang makita lamang ang gwapo niyang ex-husband. Kasama nito ang asawang si Crystal at dalawang anak na ang isa ay nasa stroller pa.



Crystal: Oh ikaw! Oh my gosh! It's been so long!

Inday: Yes ako nga.

Crystal: Hindi mo pa nakita ang mga bata di ba? Ha ha, Ito si Angel, she's six, at ito naman si Phil, he just turned one. Di ba ang cute nila, mana pareho kay Greg?

Tumango si Inday.

Crystal: Ang daming tao ngayon ano? Ha ha ha.. (sabay bigay ng plastic na ngiti)

Angel: Ma, ihing-ihi na ako.

Greg: Honey dalin mo na sila sa cr at palitan mo na rin ang diaper ni Phil.

Nagdadalawang-isip pa si Crystal.

Angel: Ma! Lalabas na talaga ihi ko!

Crystal: Tara na. Sandali lang kami.

Tiningnan ni Crystal ng masama si Inday habang tulak ang stroller palayo.

Greg: (sa tonong nambobola) Parang lalo ka atang gumanda ngayon, Inday.

Hindi sumagot si Inday. Hindi pa nga siya nahihimasmasan mula sa pagkalula sa roller coaster kanina at eto naman ngayon sa harap niya ang kanyang ex-husband na nasa mood atang makipagkwentuhan pa. Lalong sumama ang pakiramdam niya. Feeling niya magkakatrangkaso siya.

Greg: Oh wala ka man lang bang sasabihin sa taong minsan mong naging asawa?

Inday: We had an annulment, so technically, never tayong naging mag-asawa.

Greg: All these years yan pa din ang nasa isip mo. Bahala ka pero alam natin pareho kung ano ang katotohanan.

Tumayo si Inday upang umalis subalit hinarangan siya ni Greg. Kaya umupo siya ulit.

Inday: Wala na akong sasabihin pa sayo kaya pwede ba.

Ngayon siya nakaramdam ng pagsusuka na kanina pa niya pilit pinipigilan.

Greg: Pero ako marami pa akong sasabihin. Alam mo bang iniisip pa rin kita hanggang ngayon. I am sorry na hindi maganda pano natapos ang ating relasyon. Hindi mo naman ako masisi kung nais kong magkaron ng sarili kong mga anak na sa akin mismo nanggaling.

Inday: Greg, okay na. Matagal na panahon na iyon. I'm over it.

Sinubukan ni Inday na lumayo na pero pinigilan na naman siya ni Greg na nagpatuloy sa paglilitanya.

Greg: Over it? Panong over it? Inday, alam kong tinanggihan mo ang marriage proposal ng kaibigan nating si Alvin. Nalulungkot ako na hanggang ngayon hindi ka pa rin naka move on. Alam kong nasira ko ang pananaw mo sa love at marriage pero hindi ibig sabihin dahil it didn't work for us, it will never work for you!

Inday: Wala ka ng pakialam sa akin Greg. Matagal na tayong may kanya-kanyang buhay.

Greg: (tuloy tuloy pa rin as if walang naririnig) ... Matalino ka naman at di hamak na mas sexy ka ngayon! Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon ang love, buksan mo ang puso mo at ipangako mo sa akin na magpapakasal ka uli!

Inday tinitigan ng masama si Greg.

Inday: (sa isip) Hindi pa rin nawawala ang pagiging mahangin nito at bilib sa sarili.

Greg: (tuloy sa walang katapusang speech) Feeling ko ako ang sumira ng buhay mo. Mula ng maghiwalay tayo gumulo ang buhay mo. Nang dahil sa akin hindi mo na magawang magmamahal muli at maging masaya. Alam kong lubusan kitang nasaktan ng mabuntis ko of all people ang kaibigan mo.

Inday: Hindi ko naman siya kaibigan talaga. (tumayo na siya ng tuluyan) Kailangan ko na talagang umalis. Paalam, Greg.

Greg: No! Listen to me! Obvious namang hindi ka pa rin maka move sa nangyari sa atin tulad ngayon bakit andito ka sa Star City ng nag-iisa...

Sinubukan ni Inday lumakad palayo subalit hinila ni Greg ang braso niya.

Inday: Bitawan mo ako! Ayaw na kitang kausap.

Subalit lalo lamang hinigpitan ni Greg ang pagkakahawak kay Inday na noon ay nagsimula ng magpumiglas.

Biglang dating ni Pio at hinila siya palayo kay Greg.

Pio: Pare, sinabi ng ayaw ka nang kausap. Huwag mo ng pilitin okay? (tiningnan si Inday) Okay ka lang?

Nagulat si Greg ng makitang may kasama pala si Inday. Binitawan nito ang braso niya.

Takip ang bibig ni Inday na tumakbo papuntang cr . Nang makalabas siya si Pio with a very concern look agad ang nabungaran niyang nag-aantay sa kanya. May hawak itong bottled water.

Pio: Uminom ka muna.

Kinuha ni Inday ang bottled water at ininom ito.

Inday: Salamat. Umm, si Greg yun, ex-husband ko.

Tumango si Pio.

Inday: (sa isip) Narinig kaya niya ang lahat?

Nagsimulang maubo ni Inday.

Inday: Asan nga pala ang mga bata?

Pio: Andun sa playground. Tanaw sila dito.

Tiningnan ang tinuturo ni Pio.

Pio: Gusto mo na bang umuwi? Pwede na tayong umalis kung hindi maganda ang pakiramdam mo.

Inday: No! Okay na ako. Antagal ng hinintay ng mga bata ang araw na ito. Hindi ko sisirain ang kaligayahan nila.

Tiningnan siya ni Pio na para bang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya.

Pio: Okay, pero kung gusto mong umupo at magpahinga, sabihin mo lang ha.

Inday: Salamat. Pahinga na muna ako sa pagsakay sa mga rollercoaster.

-----------------------------------
Scene: Isang tanghali sa condo, ilang araw makaraan.

Abala si Aling Benita sa paglilinis ng dumating si Pio.

Pio: Excuse me, sino ka?

Benita: Oh, uh sir, uh..

Palabas si Inday ng kwarto. Suot ang isang hapit na white polo shirt at maiksing white skirt. Nakatali ang buhok niya at hawak ang isang tennis racket.

Inday: Siya si Aling Benita. Nagpapatulong ako sa kanya maglinis ng bahay kapag hindi ko na kaya.

Pio: Ah okay hmm.. kung i-hire na natin siyang katulong total naman kakilala mo na.

Inday: Naku may trabaho iyang si Aling Benita pinapakiusapan ko lang siya pumunta dito.

Pio: Ah ganun ba sayang naman

Nakakatitig si Pio sa mga binti ni Inday habang nagsaslita habang si Inday ay deadma kunwari at di ito napapansin.

Pio: Mag-tetennis ka?

Inday: Ay hindi actually swimming ha ha. Biro lang off ko naman ngayong hapon teka anong ginagawa mo dito sa bahay ng ganito kaaga?

Pio: Tumawag sa school. May trouble na naman kay Tisay. Gusto ko sumama ka sa akin para kausapin ang teacher at principal.

Inday: Sasamahan kita? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?

Pio: Same reason bakit sinama kita noon. Hindi ako kumportable kausap si Mam Tintin baka may masabi akong hindi maganda.

Inday: Oh, so gusto mo ako bilang negotiator na naman?

Pio: Parang ganun na nga.

Inday: O siya. Magpapalit muna ako ng damit. Sandali lang ako.

Pio: Salamat Ate Inday. You're the best.

Bumalik si Inday sa kwarto at nagpalit ng hapit na maong pants.

Inday: Tawagan ko lang ang tennis partner ko na hindi ako makakapunta today.

Inday nag-dial sa kanyang cellphone.

Inday: Bjorn? Hi, ako ito. (pause) I'm so sorry hindi pala ako pwede ngayon. May emergency at kailangan ako ng boss ko. (pause) Okay.. ha ha .(pause) Okay. (pause) I promise babawi ako sayo next time. (pause) Ok, bye Bjorn.

Pio nakasimangot hanggang sa matapos ang tawag ni Inday.

Inday: Okay, tara na. Aling Benita paki-lock pag-alis ninyo.

Benita: (pabulong) Bukod sa gwapo ang bait pa ni Sir!

Napansin ni Inday na sinusundan ng tingin ni Pio ang kanyang puwitan ngunit tinago niya nag kanyang excitement.

-------------------------------
Scene: Sa kotse ni Pio na kasalukuyang naiipit sa gitna ngt traffic.

Pio: Hindi ko na alam ano ang gagawin sa pagiging sobrang pasaway ni Tisay.

Inday: Huwag kang magagalit pero nasaan ba talaga ang nanay ni Tisay? Mas maaalagaan at mauunawaan ko siguro siya kung alam ko ang buong kwento.

Matapos ang ilang tahimik na sandali sumagot din si Pio.

Pio: Gusto mo malaman bakit parang package na dineliver si Tisay sa bahay?

Inday: Kung gusto mong ikwento pero kung hindi okay lang. Di kita pinipilit.

Pio: Bina- blackmail ako ng nanay ni Tisay.

Inday: Ano?

Pio: Sabi niya either pakasalan ko siya o triplehin ko ang child support ng bata. Nang hindi ako pumayag sa kahit isa sa dalawa sinabi niya na sa akin na titira si Tisay. Sabi niya once na makita ko daw gano kahirap alagaan si Tisay magbabago ang isip ko. Sa isip ko mas mabuti ng sa akin nakatira si Tisay dahil bihirang-bihira ko makita ang anak ko. Gusto ko siyang makasama.

Inday: Magkaibang-magkaiba ang personality ng mga anak mo.

Pio: Sinabi mo pa. Opposite poles sila.

Inday: Ano na naman kayang kasalanan ang ginawa ni Tisay ngayon?

Pio: Malalaman natin sana di ganun ka grabe. Alam mo ang mommy ni Tisay, teacher niya, mga dati naming katulong at yaya kahit ang kapatid kong si Ally, lahat sila suko kay Tisay. Pero ikaw hindi nauubos ang pasensiya mo sa kanya. Alam na alam mo pano siya pakitunguhan.

Inday: Dahil trabaho ko ang pakitunguhan siya. Sa kabila ng pagiging pasaway ni Tisay masaya siyang kasama at malambing.

Pio: Malambing nga. Si Tsina huminto kumalong sa akin nung 4 pero si Tisay hanggang ngayon gustong-gusto magpakalong.

Inday: Madaling mahalin ang mga anak mo.

Pio: Salamat. Honestly, kung hindi ka dumating sa buhay namin baka pumayag na ako sa gusto ng mommy niya.

Inday: Eh di kasal ka na pala dapat ngayon.

Pio: No way! Triplehin ko na ang child support kesa magpakasal sa kanya! o magpakasal kahit sa kaninong babae ! Alam mo naman sigurong pareho tayo ng pananaw sa bagay nay an di ba…

Inday: Pananaw?

Pio: Pananaw sa pag-aasawa ulit.

Inday: Ah..yun ba

Pio: I'm sorry kung narinig ko ang usapan ninyo ng ex mo sa Star City. Talaga bang iniwan ka niya dahil hindi mo siya mabigyan ng anak?

Tahimik na tumango si Inday.

Pio: I'm sorry. Hindi ko sinasadyang buksan ulit ang sugat ng nakaraan.

Inday: Okay lang. Matagal na panahon na yon. Pangarap ko talagang magkaroon ng sarili kong anak kahit isa lang pero hindi ako nabigyan ng pagkakataon. Kaya mahal ko itong pagiging yaya ko. Ginagawa ko ito hindi lang dahil sa sweldo.

Pio: Higit ka pa sa pagiging yaya. Kahit sandali pa lang tayong nagkasama para ng matagal ka ng parte ng pamilya. Nakikita ko kung gano mo kamahal ang mga bata at pano mo sila alagaan. Sana matagal na matagal ka pang mag-stay sa amin.


Makalipas ng ilang minuto nasa gitna pa rin sila ng traffic.

Inday: Since ang dami mo ng alam sa buhay ko, pwede ko bang malaman kung bakit ayaw mo ng mag-asawa? Ayaw mo bang magkaroon ng ina ang mga anak mo?

Pio: Bakit naman maghahanap pa ako ng nanay ng mga anak ko. Andyan ka naman (seryoso)

Hindi sumagot si Inday hindi niya alam kung biro nga ba ang sinabi ni Pio.

Pio: Okay, seriously … buntis kay Tsina ang mommy niya ng magpakasal kami. (long pause) Sandali lang kami nagsama dahil namatay ito sa cancer. I don't think I can go through that again.

Gustong-gusto sanang tanungin ni Inday si Pio kung alin ang mas pumipigil dito - ang maranasan muli ang sakit ng isang bad marriage o ang sakit ng pagkawala ng isang taong minahal nito ng todo.

Inday: Ayaw mo ng mag-asawa pero kaliwa’t kanan ka kung makipag-date.

Pio: (sa defensive na tono) Sinasabi ko naman agad sa kanila umpisa pa lang na hanggang casual relationship lang ang kong kong ibigay sa kanila. Hindi ako naghahanap ng asawa much more love. Pero nagbibingi-bingihan ang karamihan sa kanila.

Inday: Hindi siguro sa bingi sadyang pinakikinggan lang nila ang nais nilang marinig.

Pio: Yah

Inday: Inisip nilang mababago nila ang isip mo.

Pio: Siguro nga kaya ang resulta galit na galit sila sa akin at sinusumpa ako. Tulad ni Janet nung umpisa ang saya-saya namin pero ng tumagal nagsimula na siyang maging demanding. Sukat ba naman pilitin akong umattend sa isang wedding para daw may dance partner siya.

Inday: Nakipagkalas ka dahil ayaw mong maging dance partner niya sa wedding?

Pio: Hindi pa ganun kalalim ang aming relasyon para samahan ko siya sa isang wedding.

Inday: Hindi ko alam na dapat nasa certain stage na ang couple sa isang relasyon bago pwedeng pumunta together sa isang wedding.

Pio: Ang isang single girl kapag umattend ng wedding, 9 out of 10, ini-imagine nila ang sariling nilang wedding. Kapag nagpunta ka lalo na at may bitbit kang girl maya’t mayang tanong ng mga bisita “Kayo kelan ang wedding ninyo?” “Di pa ba kami makakahigop ng mainit na sabaw?”

Inday: So corny para sa iyo ang marriage ceremonies?

Pio: Yup, ceremony, reception, speeches..

Inday: (pagsisinungaling) Ako rin nakokornihan.

Pio: Tapos may sayawan pa.

Inday: Teka gusto ko ang dancing part.

Pio: Not me! Pinaka-corny kaya ang sayawan.

Pio matamang tiningnan si Inday.

Pio: Kaya alam mo nangangarap ako na meron sanang someone out there that wants the same thing I do. Someone na okay sa isang casual physical relationship and nothing more. (kibit balikat) May pangangailangan din naman ako.

Pio tiningnan si Inday na tumaas ang isang kilay.

Pio: I'm sorry. Medyo nadala ako sa usapan.

Inday: Ano ka ba basta gusto mo ng kausap kahit tungkol saan nandito lang ako. Saka mabuti din para sakin minsan-minsan na may makausap naman sa mga bagay na seryoso tapos ng maghapong kasama ang mga bata Ha ha ha

Pio: Salamat Inday. Natutuwa ako at nauunawaan mo. Magaan ang loob ko sayo sobra siguro dahil masarap kang kausap.

Inday: Masarap ka ring kausap.

Pio: Ako rin pwede mong kausapin kahit tungkol saan. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo agad. Kung may bagay kang gusto, hilingin mo. Gusto ko yung direct to the point yun bang wala ng paligoy-ligoy pa.

Inday: Ako rin.

Pio: At pareho na tayong adults. Hindi na uso ang mga pakipot at laro, tama?

Inday: Tama ka dyan!

Inday: (sa isip) Teka... ano bang sinasabi nito?

Pio: Okay andito na tayo. Dalian na natin. Kanina pa sila naghihintay.

Tumungo na sila sa Principal’s Office.

----------------------------
Scene: Sa Condo. Isang oras makalipas.

Si Tisay naka-face the wall, mugto na ang mata sa pag-iyak.

Tisay: Waaaaaahhhh!

Pio: (galit na galit habang nagsasalitang pasigaw) Tatayo ka dyan sulok hanggang mamaya naiintindihan mo! Grounded ka ng isang buong month! Hindi dahil suspended ka sa school at nandito ka sa bahay ibig sabihin ay bakasyon grande ka! Mag-aaral ka pa rin ng lessons mo kahit nandito ka lang sa bahay! Naiintindihan mo!

Naglakad ang galit na galit na si Pio papuntang kusina kung nasaan si Inday. Mula doon tanaw pa din nila si Tisay na nakatayo sa sulok na ngumangawa.

Pio: Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyan!

Inday: Hindi ko lubos maisip na kaya niyang hilahinan ang shorts ng classmate niyang lalaki sa harap ng iba pa nilang classmate sa school.

Pio: Just when inakala ko pa naman nagawa na niya ang lahat ng ma-imagine kong kalokohan tapos eto na naman! Ate Inday, siguraduhin mong mag-aaral pa din siya ng lessons niya plus may dagdag pa. Mahilig siya sa Math so huwag mo siyang bigyan ng additional Math lessons instead Writing dahil hate niya yun. Siguraduhin mong tumanim sa isip niya na hindi masaya ang masuspend sa school.

Inday: Sisiguraduhin ko.

-------------------------------
Scene: Kinagabihan. Tulog na si Inday sa kwarto ng maramdaman niyang may sumampa sa tabi niya na pilit siyang ginigising. Si Tisay.

Tisay: Pwede ba akong matulog sa tabi mo, please?

Inday: Okay.

Sumiksik ito sa tabi niya. Matapos ang ilang sandali, hindi sila makatulog pareho dahil sa likot ni Tisay kaiikot sa kama.

Tisay: Ate Inday, kapag may sarili na akong bahay, pwede ka ring matulog sa kwarto ko.

Inday: Ang sweet naman. Tisay, ano ba talaga ang nangyari kanina? Bakit mo hinila ang shorts ng classmate mo?

Tisay: Dahil demonyo siya!

Inday: Tisay...

Tisay: Mamatay na sana siya!

Inday: Tisay, tama na! Nagiging bully ka na!

Tisay: Hindi ako bully! Siya ang bully. Itanong mo pa sa school! Tinulak niya ako kaya natumba ako. Pinagtawanan ng lahat ng classmates ko! Ginawa niya iyon 3 times (mwestra sa daliri) kaya hinila ko ang shorts niya. Di naranasan niya pagtawanan din!

Inday: Mali na nga ang ginawa niya gumawa ka pa ng mali! Ano mararamdaman mo kung ikaw naman ang hilahin ang shorts sa harap ng classmates mo ha?

Tahimik si Tisay na inaantok na.

Ilang sandali pa ay si Tsina naman ang pumasok sa kwarto at humiga sa kabilang tabi ni Inday.

----------------------------------
Hating gabi. Sinilip ni Pio ang mga anak sa kwarto. Wala ang mga ito kaya tumungo siya sa kwarto ni Inday. Itinulak niya ang pinto na bahagyang nakabukas. Madilim subalit tanaw niya si Inday at ang mga bata na nakahiga sa magkabilang tabi nito. Nakayakap pareho ang bata kay Inday. Napansin niya ang kumot na nakahagis sa sahig na malamang ay dala ng kalikutan ni Tisay sa pagtulog. Kinuha niya ito at itinakip sa tatlo subalit bago iyon ay pinagsawa niya munang masdan ang cleavage ni Inday na litaw dahil sa pagkahila ng nightgown nito pati ang hita at binti na litaw din dahil sa lumilis din ang laylayan. Paalis na siya ng marinig niya itong magsalita.

Inday: (pabulong na inaantok) Sir Pio?

Pio: (pabulong) Ah.. Sinilip ko lang ang mga bata. Gusto mong ilipat ko na sila sa kwarto? Parang ang sikip ninyong tatlo dyan?

Inday: (pabulong) Huwag na. Okay lang kami. Nalaman ko na bakit hinila ni Tisa yang shorts ng classmate niya. Sabi niya binu-bully daw siya.

Pio: (pabulong) Hindi pa rin excuse yon.

Inday: (pabulong) Pinagsabihan ko na siya pero hindi ko sigurado kung naintindihan niya.

Pio: (pabulong) Bukas na lang natin pag-usapan. Gabi na. Good night.

Inday: (higab) Good night.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...