Scenario : (Ang pagbabalik -Airport)
Driver : Sir, kayo po si Mark?
Pogiboy : OO
Driver : Ako po si Jun ang driver ni Mr. Chan. Ako na po ang magdadala ng mga bagahe nyo sir.
(Kotse)
Pogiboy : Ah, mang Jun pwede po dumaan muna tayo ng Tondo?
Driver : Opo sir.
Pogiboy : (nasa isip) Hahanapin ko ang mga taong pumatay ng mga magulang ko. Hindi ako titigil hangga't di ko naipaghihiganti ang pagkamatay nila.
Mang Jun itabi niyo po. Bababa ako. Sige na po, iwan niyo na po ako. Ako na po ang bahala. Mauna na po kayo.
Driver : Sige po sir.
(Roaming around Tondo)
GAP 2
Scenario (Dating bahay sa Tondo)
Kaibigan : Pare, ikaw ba yan? Pare!! kailan ka dumating?
Pogiboy : Kararating ko lang.
Kaibigan : Saan ang pasalubong ko?
Pogiboy : Ayan.
Kaibigan : Para sa akin ito lahat?
Pogiboy : OO para sa iyo yan lahat.
Kaibigan : wow bagong sapatos! para sa akin rin itong mga polo at t-shirt?
Pogiboy : OO para sa iyo yan lahat.
Kaibigan : hmmm amoy stateside pa. Pero teka bakit walang kasamang puti. Ikaw, hindi mo tinupad ang pangako mong ipapakilala ako sa mga puti doon sa America. Nagtatampo ako sa iyo.
Pogiboy : Hindi totoo yan ha? Pinakita ko ang facebook account mo at twitter, pero di ka nila type eh.
Kaibigan : Niloloko mo naman ako eh. Yun na nga lang ang pag asa ko maahon sa lugar na ito. Pag nagkataon makakapunta rin ako ng America tulad mo.
Pero masaya ako at magkakasama na tayo muli . Nalungkot ako nung umalis ka. Namiss talaga kita.
Pogiboy : Huwe! hahaha! Gusto ni Mr. Chan dun na ako tumira sa bahay niya.
Kaibigan : Ha!! di ka na babalik dito?
Pogiboy : Kaya pinuntahan kita, gusto ko kasama kitang tumira sa bahay ni Mr. Chan.
Kaibigan : Talaga isasama mo ako?
Pogiboy : OO! bakit ayaw mo?
Kaibigan : Gustong gusto ko siempre. Sa wakas makaka alis na rin ako sa lugar na ito. Titira na ako sa magarang bahay.
Kaibigan : Wow, pare, ito na ba ang magiging bahay natin? Dito na tayo titira? Ang laki!
Boss : Mark! kumusta ang biyahe mo?
Pogiboy : Okey lang po, sir. Ah sir, ito nga po pala ang kaibigan ko. Ipakiki usap ko po sana kung pupwede ko po siya makasama sa pagtira dito. Mula bata pa po kasi, magkasama na kami.
Boss : Walang problema, Mark. Mabuti nga yun may makakasama ka sa bahay. Halika at ipakikita ko sa iyo ang magiging tirahan mo.
(Katabing bahay)
Boss : Matagal ng walang nakatira dito. Ito ang pinaka unang bahay ko. Nung lumago na ang negosyo ko, nagpagawa ako ng mas malaking bahay ngunit hindi ko pinasira ito. Nagsisilbing inspirasyon ko ang bahay na ito na minsan nanggaling rin ako sa mababa at dahil sa pagsisikap narating ko ang kinaroroonan ko ngayon. Gusto ko ikaw ang sumunod sa yapak ko, Mark. Kaya gusto ko dito ka tumira sa bahay na ito. Bago ka dumating ipina ayos ko muna. Halika, pasok. Nandito na ang mga gamit mo. Pinalagay ko na sa driver. O maiiwan ko na kayo. Kayo na ang bahala dito.
Pogiboy : Maraming maraming salamat po Mr. Chan. Isang malaking utang na loob ang tatanawin ko po sa inyo.
Boss : Wag ka magpasalamat, Mark. Basta pagbutihin mo lang ang mga ginagawa mo.
Pogiboy : Opo maaasahan niyo po.
Kaibigan : Maraming salamat din po, Mr. Chan.
Boss: O sige maiwan ko na kayo.
Pogiboy : Sige po. Maraming salamat po.
Kaibigan : Salamat po.
Kaibigan : Wow pare, sa wakas ang gara na ng bahay natin. May makakain ba dito?
Pogiboy : Ikaw talaga pagkain agad ang nasa isip mo.
Kaibigan : Eh sa nagugutom na ako eh.

No comments:
Post a Comment