These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Sunday, October 10, 2010
Lagrimas (Episode 1: Fear)
Scenario (Living room)
Batang lalaki : mommy, mommy? anong ginagawa nyo sa mommy ko?
Mother : Huwag nyong sasaktan ang anak ko. Sino ba kayo anong kailangan nyo sa amin?
Goon 1 : Napag utusan lang kami.
Goon 2 : Sige na pare patayin mo na.
Goon 1 : Ang ganda mo at ang bango.
Batang lalaki : Bitawan mo ang mommy ko.
Mother : Sino ang nag utos sa inyo? Bitiwan mo ako.
Goon 2 : Pare patayin mo na!
Goon 1 : Ang ganda mo
Goon 2 : Pare ano ba? Gawin mo na ang iniuutos sa atin para makaalis na tayo dito.
Batang lalaki : Bitawan mo ang mommy ko. Bitawan mo ang mommy ko!
Mother : Walanghiya, bastos, walanghiya! Ahhhhh!
Goon 1 : Wag kang naingay!
Batang lalaki : mommy, mommy!
Mother : Walanghiya ka! Walanghiya ka!
Goon 2 : Pare patayin mo na baka may makarinig pa sa sigaw niya.
Goon 1 : Wag ka sabing maingay ... uhmmm (sinaksak)
Goon 2 : Halikana pare, tumakas na tayo! Patay na yan!
Batang lalaki : mommy, mommy, mommy!
GAP 1
Scenario (Kuwarto, natutulog)
Pogiboy : ahhh, uhmmm, ahhh!
Kaibigan : Pare, pare gumising ka!
Pogiboy : ahhh!
Kaibigan : Binabangungot ka nanaman. Ano ba ang lagi mo napapanaginipan. Simula pa noong bata tayo lagi ka binabangungot ng ganyan.
Pogiboy : Wala!
Kaibigan : o san ka pupunta?
Pogiboy : Magpapahangin lang.
(Labas ng Bahay)
Pogiboy : Isinusumpa ko hahanapin ko ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko naipaghihiganti ang pagkamatay nila. Hanggang sa huling hininga ng buhay ko, hahanapin ko ang mga taong yun. Papatayin ko sila.
Gap 2
Scenario (Takbohan sa kalye ng tondo)
Pogiboy: Anong nangyari?
Kaibigan : Boss anong nangayri?
Tao : May binaril daw sa labasan.
Kaibigan : O san ka pupunta?
Pogiboy : Tara tingnan natin.
Kaibigan : Wag na dito na lang tayo. Baka madamay pa tayo run.
Pogiboy : Hindi tingnan natin kung sino ang binaril.
Kaibigan : Ayoko takot ako sa patay eh.
Pogiboy : Ang duwag mo, halika tingnan natin.
Kaibigan : Sige na nga, sige mauna ka susunod ako sa likod mo.
(Patay na taong binaril)
Pogiboy : Sino daw may kagagawan nito?
Tao 1 : Pulis daw eh.
Pogiboy : Bakit daw binaril?
Tao 2 : Snatcher daw yan ng cellfone.
Kaibigan : Umuwi na tayo, ayan na ang mga police.
Police 1 : Tabi, tabi kayo riyan. Ano ba tumabi kayo.
Kaibigan : Halikana umuwi na tayo. Takot ako sa patay eh.
Pogiboy : Duwag mo talaga.
GAP 3
Scenario (Pinagtatrabahuan)
Worker 1 : Mark, pinapatawag ka ni Boss.
Pogiboy : Sige salamat
(Opisina ng Boss)
Pogiboy : Sir pinapatawag nyo raw po ako.
Boss : Ikaw pala, oo pumasok ka. upo ka.
Pogiboy : Tungkol po saan sir?
Boss : Matagal ka nang nagtatrabaho sa kumpanyang ito. Nakita ko ang kasipagan at dedikasyon mo sa kumpanya. Wala akong taong pinagkakatiwalaan bukod sa iyo. Matanda na ako. Wala akong pamilya. Alam mong hindi na iba ang turing ko sa iyo. Anak na ang turing ko sa iyo noon pa man. Kaya gusto ko ikaw ang magpatuloy ng pagpapatakbo ng kumpanya kapag nawala na ako.
Pogiboy : Pero sir wala po akong alam sa pagpapatakbo ng kumapanya nyo.
Boss : Hindi problema yun, Mark. Ipadadala kita sa America para mag aral. Pagbalik mo gusto ko ikaw ang magpatuloy ng pagpapatakbo ng kumpanyang ito. O ano pumapayag ka ba?
Pogiboy : Ho eh nakakahiya po.
Boss : Wag ka na mahiya. Napakabuti mong tao kaya gusto ko suklian ang kabutihan mo. Sige na pumayag ka na.
Pogiboy : Eh kayo po ang bahala.
Scenario (Bahay)
Kaibigan : Dumating ka na pala.
Pogiboy : Saan ka galing?
Kaibigan : Sa tindahan bumili lang ako ng delata. Sandali maghahain na ako.
Pogiboy : Sige magbibihis lang ako.
(Mesa habang kumakain)
Kaibigan : Alam mo kanina may rambol nanaman sa labasan. Akala ko nga may magsasaksakan nanaman eh. Nagkainitan sina Totoy Bato at Gusting Siga. Nagtatalo sila kung alin daw ang nauna, ang manok o ang itlog. Nagkapikunan kaya ayun muntik magsaksakan. Tsk tsk wala ng magawang matino ang mga taong yun. Di kasi maghanap ng trabaho at ng di laging tambay sa kanto.
Hoy pare, okey ka lang? Bakit tahimik ka dyan?
Pogiboy : Okey lang.
Kaibigan : May nangyari ba sa trabaho mo?
Pogiboy : Wala
Kaibigan : Eh bakit ang tahimik mo dyan. Parang may malalim kang iniisip.
Pogiboy : Inalok ako ni Mr. Chan na pag aralin sa ibang bansa.
Kaibigan : Ano? Anong ibig mo sabihin?
Pogiboy : Gusto niya ako daw ang magpapatakbo ng kumpanya kapag nawala na siya.
Kaibigan : Ha? ibig mo sabihin ipamamana ni Mr. Chan ang negosyo niya sa iyo?
Pogiboy : Parang ganun na nga.
Kaibigan : Talaga! yahoooo! yayaman na tayo!
Pogiboy : Hindi naman ganun kadali yun eh.
Kaibigan : Anong hindi? Eh ang tagal mo na kayang nagtatrabaho sa kumpanyang yun. Kabisado mo na lahat ng pagpapalakad ng negosyo ni Mr. Chan.
Pogiboy : Pag aaralin daw niya ako sa ibang bansa.
Kaibigan : Pag aaralin ka sa ibang bansa, ibig sabihin aalis ka iiwan mo ako?
Pogiboy : OO
Kaibigan : Anong desisyon mo?
Pogiboy : Ewan ko naguguluhan ako.
Kaibigan : Malulungkot ako kapag naghiwalay tayo. Pero wag mo sayangin ang pagkakataon na ibibigay ni Mr. Chan sa iyo. Pagkakataon mo na rin makaahon sa lugar na ito. Matutupad na rin ang mga pangarap mo. Pero pangako mo, wag mo ako kakalimutan kapag umasenso ka na.
Pogiboy : OO naman ikaw lang ang naging kaibigan ko.
Kaibigan : ahhh touch naman ako.
Scenario (Airport)
Kaibigan : Pare wag mo kalilimutan size 10 na sapatos, large size na t-shirt. At saka kung may makita kang blonde ang buhok at blue ang mga mata, ipakilala mo sa akin ha? Ibigay mo ang twitter account at facebook account ko. At saka wag ka magpapagutom dun ha? Mag iingat ka lagi at follow mo ako sa twitter ko.
Pogiboy : OO na, sige na at baka maiwan na ako ng eroplano.
Boss : Mark, ma iingat ka lagi at mag aral ka ng mabuti. Kung ano man ang kailangan mo huwag ka mahihiyang sabihin sa akin.
Pogiboy : Opo Mr. Chan. Pagbubutihan ko po.
Kaibigan : Pare, wag mo kalilimutan ang mga bilin ko sa iyo.
Pogiboy : OO
(Eksenang nag-aaral)
Labels:
Heart Evangelista,
Lagrimas,
Mark Anthony Fernandez,
tagalog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment