These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Sunday, October 10, 2010

Lagrimas (Episode 4: Envy)



Scenario (bahay ni Chinagirl)


(Dining table)


Papa : (kausap sa telepono) Good, good. I'm so proud of you. Kung hindi dahil sa iyo siguro malaki ang malulugi ng kumpanya. Keep it up. Magkita tayo mamaya sa meeting.

Chinagirl : Good morning pa.

Papa : Anong nangyari sa meeting mo kagabi?

Chinagirl : Aren't you going to ask me kung anong nangyari sa akin at bakit di ako umuwi kagabi? Mas inaalala nyo pa ang naging meeting ko? Yan lang ba ang importante sa inyo, pa? Ni hindi nyo man lang ako tatanungin kung saan ako nanggaling? Kung anong nangyari sa akin o kung kumain na ba ako. Ang negosyo lang ba ang importante sa inyo. (crying)

Papa : Yaya paki tawagan nga si Alfred. Pakisabi pumunta na sa opisina ngayon din sabay na kami mag breakfast.

Yaya : Opo sir.

Chinagirl : Ayan si Alfred, si Alfred nanaman. Mas mabuti pa si Alfred nakakasama mo kumain, nakakasama mo sa mga trips mo, sa mga golf games mo. Pa, what am i to you? Ako ang anak mo pero parang nararamdaman ko di tayo magka dugo eh.

Papa : That's enough Heart. I'll see you in the office. (Sabay tumayo at umalis)

Yaya : Heart, saan ka ba nanggaling kagabi? Nag alala ako sa iyo baka kung ano na ang nangyari sa iyo. Bakit ganyan ang itsura mo? Ang baho mo. Buti pa maligo ka muna at maghahain ako ng breakfast mo. Dadalhin ko na sa kwarto mo ang pagkain. Umakyat ka na at maligo. Itong batang ito.


(umakyat sa kwarto)


Yaya : o tapos ka na pala nag shower. Kumain ka na. Ihahanda ko lang ang mga damit mo.

Chinagirl : Mabuti ka pa yaya nag alala ka sa akin at inaasikaso mo ako. Bakit ganun ang papa, hindi ko nararamdaman ang pagmamahal niya sa akin. Buti pa si Alfred kapag nagkakasakit dinadalaw pa ni papa sa ospital. Bakit ako hindi? (crying)

Yaya : Iha, busy lang ang papa mo sa trabaho. Marami lang siguro siyang iniisip. Sige na kumain ka na at baka mahuhuli ka pa sa opisina.


(Nagmamaneho papuntang opisina)


Chinagirl : (nasa isip) sino nga pala ang taong tumulong sa akin kagabi? Hindi ko man lang sya napasalamatan. Wala akong matandaan sa nangyari.



GAP 1


Scenario (Opisina)

Secretary : Ma'am ito nga po pala ang mga schedule ng meetings nyo.

Chinagirl : Mamaya na yan. Paki contact nga ang Bar na ito.

Secretary : Ma'am on going na po ang meeting ng papa nyo. Kailangan daw po kayo sa meeting.

Chinagirl : Sabi ng mamaya na yan eh. Tawagan mo muna ito.

Secretary : Opo ma'am. (dialing the phone) Hello good morning po sandali lang po kakausapin kayo ng boss ko.

Chinagirl : Hello, si Miss Evangelista ito. Itatanong ko lang kung sino ang waiter ng Bar kagabi?

Bar employee : Ma'am wala po siya dito. Mamaya pa po ang duty niya. Bakit po ma'am? May kailangan po ba kayo sa kanya?

Chinagirl : Ah wala, wala. Duty ba yung waiter na yun mamaya?

Bar employee : Opo ma'am mamayang 7 p.m.

Chinagirl : Okey thank you.

Bar employee : You are welcome ma'am.

Secretary : Ma'am pinapatawag na po kayo ng papa nyo.

Chinagirl : Sabihin mo papunta na ako.


GAP 2


Scenario (Conference room)


Pumasok si Chinagirl - natingin sa kanya lahat

Chinagirl : Good morning po.

Papa : You are late! Kanina ka pa hinihintay dito.

Chinagirl : sorry po.

Papa : As i was saying kailangan makuha natin ang target to dominate the market.

Alfred : Sir, may launching ng same product ang competitor natin. The same product and strategy ang gagamitin nila. But we have a good head start kaya hindi pa natin napifeel ang threat.

Papa : Anong kumpanya ang nakikipag kumpitensya sa atin?

Alfred : As far as i know, dating kumpanya na rin na naging competitor natin. But they will launch the product under the new management. Bago na ang magiging Presidente ng kumpanya. Isang dating empleyado ni Mr. Chan na pina aral sa America. He is taking over the Chan Corporation's Presidency. His name is Mr. Mark Fernandez. Matagal ng empleyado ni Mr. Chan na pina aral niya sa America. Now he is taking over the top position ng kumpanya dahil mag reretire na si Mr. Chan.

Papa : Chan Corporations? Sounds familiar. Okey try to look into this Mark Fernandez.

Alfred : Opo Sir.



Samantala..


Scenario (Chan Corporation)


Mr. Chan : Mark, halika. Ipakikilala na kita bilang Presidente ng Chan Corporations. Nagmemeeting ang mga managers ko ngayon. Pagkatapos ng meeting nila, ipapakilala na kita bilang Presidente ng kumpanya.

Secretary : Sir tapos na po ang meeting ng mga managers.

Mr. Chan : Good,



(Meeting ng mga managers)


Mr. Chan : Gentlemen, gusto ko ipakilala ang bagong Presidente ng Chan Corporations, si Mark Fernandez.


(Palakpakan)


Mr Chan : Simula ngayon siya na ang magiging bagong Presidente ng kumpanya. Ang hihilingin ko lang sa inyo, kung ano ang pag galang na ginawa at ginagawa nyo sa akin, ganun din ang ibigay nyo kay Mark.

Manager 1 : Aasahan nyo po yun Mr. Chan. Welcome po Mr. Fernandez.

Manager 2 : Welcome po. Asahan nyo ang tapat na kooperasyon ng mga tauhan ko sa inyo.

Manager 3 : Ikinagagalak ko kayong makilala.

Pogiboy : Taos puso akong nagpapasalamat kay Mr. Chan sa oportunidad na ito. Asahan nya ang matapat kong serbisyo sa kumpanyang ito.

Mr. Chan : O Mark, ikaw na ang bahala dito. Aalis na ako.

Pogiboy : Maraming salamat po.



(Balik sa conference room)


Papa : Heart anong nangyari sa meeting mo kagabi?

Chinagirl : Kahit anong offer ko para makuha natin ang exclusive distribution sa kanila, ayaw pa rin pumayag dahil may nakausap na daw silang kliyente at nagkaroon na ng exclusive contract na sila ang magsusuply.

Papa: What? Hindi mo man lang nakuha kahit mag supply tayo ng kalahati? Nakuha nila ang exclusive contract? Alfred why don't you take care of that account.

Alfred : Opo sir.


(Tapos na ang meeting)


Papa: Heart maiwan ka muna. Ano nanaman itong naka headline. Lasing na lasing ka at sino itong taong bumuhat sa iyo. Ano nanaman ito? Hindi ka na ba talaga magtitino? Lahat na ng kahihiyan dinadala mo sa kumpanyang ito at sa pamilya natin. Pwede ba, nakakahiya ka.

Alfred : Sir i'll go ahead.

Papa : No, sabay na tayo. Samahan mo ako mag lunch.


(Umalis ng room naiwan si Chinagirl, close up sa matang naluluha)



GAP 3


Scenario ( Sa Bar )


Chinagirl : Waiter, nasaan yung waiter na duty kagabi?

Waiter 1 : Ayun po ma'am.

Chinagirl : Thank you. Waiter ikaw ba yung duty kagabi?

Waiter 2 : Opo ma'am ako po ang duty kagabi.

Chinagirl : Lasing na lasing ako kagabi. Hindi ko alam kung sino ang lalaking bumuhat sa akin. May kumuha ng picture namin at inilagay sa headline. Alam mo ba kung sino yung taong yun?

Waiter 2 : Naku ma'am hindi ko rin natanong ang pangalan. Kasi magsasarado na kami nung nakatulog na kayo dahil lasing na lasing na po kayo. Siya na lang ang taong naiwan dito kagabi. Nag alala nga po siya dahil baka kung anong mangyari sa inyo.

Chinagirl : Ganun ba? Hindi mo talaga alam kung sino sya?

Waiter 2 : Hindi talaga ma'am eh. Sorry po talaga.

Chinagirl : okey lang. (nasa isip) Sino nga kaya yung taong yun?

Waiter 2 : Ma'am iinom po kayo?

Chinagirl : oo bigyan mo ako ng alak.

Waiter 2 : eto po ma'am.

Chinagirl : Salamat.


(Sasakyan dumating sa labas ng Bar)


Pogiboy : (Bumaba ng kotse) Boy paki bantayan ang oto ko.

Batang tambay : Areglado po sir. Punasan ko rin po sir, dagdag bayad sa pag punas.

Pogiboy : Okey


(Pogiboy papasok sa Bar nakita si Chinagirl)


Pogiboy: (nasa isip) Pambihira naman itong babaing to umaiinom nanaman. Naghahanap yata ng sakit sa katawan.


(Umupo sa isang tagong mesa)


Waiter 1 : Sir ano po ang order niyo?

Pogiboy : Isang boteng beer lang.

Waiter 1 : Pulutan sir.

Pogiboy : Hindi na. Beer lang.



(Pogiboy pinagmamasdam si Chinagirl)


Waiter 1 : Ito na po ang order nyo sir.

Pogiboy : Ah waiter kanina pa yang babaing yan dito?

Waiter 1 : alin dyan sir?

Pogiboy : Yung babaing naka pulang damit.

Waiter 1 : Ah bago lang po pumasok dito sir.

Pogiboy : Sige salamat. (nasa isip) hindi pa lasing.



(Chinagirl tumayo at lumabas ng Bar)


(Sinundan ni Pogiboy)


Batang tambay : Sir aalis na po kayo? Di pa po ako tapos magpunas ng oto nyo.

Pogiboy : Wag mo na tapusin aalis na ako. Ito oh ang bayad.

Batang tambay : Wala po akong panukli

Pogiboy : Keep the change mo na.

(Pogiboy nagmamadali sinusundan ang papaalis na kotse ni Chinagirl)



GAP 4


Scenario (Binabaybay ang daan)

Pogiboy : (nasa isip) Saan kaya pupunta ang babaing to. Huh? simbahan? Anong gagawin niya sa simbahan.


(Chinagirl pumasok sa simbahan lumuhod at nagdasal)


(Bumaba ng kotse si Pogiboy at sinilip sa loob ng simbahan si Chinagirl)


Batang babae : Sir, bumili na po kayo ng mga rosas. Pwede nyo po ialay kay Mama Mary itong mga rosas.

Pogiboy : Magkano ba yan.

Batang babae : sampu po ang isa.

Pogiboy : Ilang piraso yan lahat.

Batang babae : Labing isa po.

Pogiboy : Bibilhin ko lahat. Pero kung pwede ibigay mo dun sa babaing naka pula. Ayun o.

Batang babae : Salamat po, maraming salamat po. Sige po ibibigay ko na sa babaing sinasabi mo.

Pogiboy : Sandali lang bata. Kapag nagtanong kung sino ang nagpapabigay, sabihin mo galing sa isang taong ubod ng pangit. At nakaka takot ang mukha.

Batang babae : eh sino po yun?

Pogiboy : Basta sabihin mo lang yun sa kanya.

Batang babae : Opo


(Lumapit kay Chinagirl ang batang babae)


Batang babae : Miss para po sa inyo.

Chinagirl : Ha? para sa akin?

Batang babae : Opo para sa inyo po yan. Ipinabibigay lang po sa kin.

Chinagirl : Sino, sinong nagpapabigay sa iyo?

Batang babae : Isang taong ubod po ng pangit. Nakakatakot nga po ang itsura nya eh.

Chinagirl : Ha? Nasaan yung taong yun?

Batang babae : wala na po umalis na. Ayan po basta nabigay ko na sa inyo.

Chinagirl : Sandali lang.


(Chinagirl hinabol ang batang babae palabas ng simbahan)


Chinagirl : (nasa isip) sino kaya yung taong yun?



(Sa labas ng simbahan pinagmamasadan si Chinagirl habang litong lito)


Pogiboy : (sa loob ng kotse natatawa kay Chinagirl) Yan ang bagay sa iyo. Ang suplada mo.


Fash Forward



Scenario (Mental Hospital)


(Nurse's Station)


Nurse 1 : Eto na ang gamot ng pasyente sa room 7.

Nurse 2 : Salamat, paki abot na rin ng chart niya.

Kaibigan : (nakangiti at nagpapacute) Good morning nurse.

Nurse 2 : Good morning rin sa iyo.

Kaibigan : Kamusta na ang friendship ko nurse? Magaling na ba siya?

Nurse 2 : Bumubuti na ang kalagayan niya. Di na siya gaano nagwawala.

Kaibigan : Mabuti naman kung ganun. Sana gumaling na siya para makalabas na siya dito.

Nurse 2 : Sandali lang po sir, papainumin ko pa po ang pasyente ng gamot.

Kaibigan : Wag mo na ako sini sir. Feeling ko matanda na ako kung sinisir mo ako.

Nurse 2 : Ikaw ang bahala. Maiwan muna kita kasi kailangan na uminon ng gamot ang pasyente eh.

Kaibigan : Samahan na kita kasi dadalawin ko rin ang friendship ko.


(Room 7)


Nurse 2 : Good morning po Sir. Eto po ang gamot nyo.

Kaibigan : Uy friendship! Looking good ah! Namimiss na kita friendship. Pagaling ka na para magkasama na tayo ulit.

Pogiboy : (tumingin sa kaibigan) Anong ginagawa mo dito?

Kaibigan : Ano pa ba ang gagawin ko dito? Eh di dinadalaw ka. Kamusta ka na?

Pogiboy : Ayos lang.

Nurse 2 : Sir, time na po mag morning walking sa labas.

Kaibigan : Nurse pwede ba ako na lang ang kasama niya mag walking sa labas? Promise hindi ko siya itatakas.

Nurse 2 : Bawal po sa amin baka pagalitan po ako ng Doktora.

Kaibigan : Pero hindi naman bawal kung samahan ko kayo ano?

Nurse 2 : Hindi naman po.


(Lumabas ng kuwarto)


GAP 1


Scenario ( Naglalakad sa may garden)


Kaibigan : Pare, pagaling ka na agad para makalabas ka na dito. Namimiss na kita. Namimiss ko na yung dati nating ginagawa. Alam mo yun? Pati si Mr. Chan nagkasakit dahil sa labis na pag alala sa iyo. Labas masok nga siya sa ospital eh. Gusto ka niya dalawin dito pero di siya pinayagan ng mga doctor.


(Walang imik si Pogiboy at tila tulala habang naglalakad)


Nurse 2 : Dito po tayo maupo.

Kaibigan : Nurse hindi ba pwede doon sa may lilim naman tayo umupo? Hindi kasi ako nakapag sunblock eh.

Nurse 2 : Hindi po pwede sir kasi kailangan po niya ng sunlight sa umaga.

Kaibigan : Ganun ba? Kung alam ko lang nag sunblock sana ako.



(Pogiboy napalingon sa isang inang kausap ang anak)




GAP 2



Flashback

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...