Scenario (Labas ng Hospital)
(Sasakyan papasok ng parking ng Hospital Mark at Heart bumaba ng kotse)
Mark : Are you sure you're okey?
Heart : Yeah! sige na pumasok ka na mag aabang lang ako ng taxi dito.
Mark : Call me if you need me, okey?
Heart : Oo sige.
(Mark hinalikan si Heart)
Mark : Bye!
Heart : Bye!
(Mark pumasok sa Hospital)
(Heart naglalakad palabas ng gate ng hospital)
(Kotse papasok ng hospital huminto Claudine lumabas ng kotse)
Claudine : Heart?
(Heart hindi napansin ang pagtawag ni Claudine)
Claudine : (pasigaw) Heart!
(Heart napalingon sa likuran hinanap ang tumatawag)
(Claudine papalapit kay Heart)
Claudine : Heart!
Heart : (Nagulat) Hi!
Claudine : Parang malalim ang iniisip mo.
Heart : (Umiwas) I have to go.
(Claudine nagtaka sa kilos ni Heart)
Claudine : Sige ingat ka.
(Heart dali daling umalis)
Scenario (Labas ng ICU ng Hospital)
(Mark papunta ng ICU nag aalangan pumasok ng kwarto)
Mark : (Nasa isip) Kumain na kaya sya ng lunch? Baka kapag niyaya ko mag lunch hindi pumayag.
(Mark nag isip nagdisisyon hindi pumasok ng kwarto umalis)
Mark : (Nasa isip) Pero baka hindi pa.
(Mark bumalik nag isip nagdisisyon hindi pumasok ng kwarto umalis)
Mark : (Nasa isip) Pero baka tapos na, wag na lang. Pero baka hindi pa.
(Mark nagdisisyong bumalik pagharap sa pinto biglang bumukas lumabas si Claudine)
Claudine : Mark! anong ginagawa mo dito?
Mark : (Gulat na gulat) Ah eh check ko lang sana si Marky.
Claudine : Hindi ba bago mo lang sya na check 10 minutes ago?
Mark : (Nahiya) Ah oo nga pala. Ah lalabas ka?
Claudine : Oo bibili lang ako ng pagkain.
Mark : Hindi ka pa nag lunch?
Claudine : Hindi pa.
Mark : Ganun ba? Hindi pa rin ako nag lunch. Sabay na tayo, may malapit na restaurant dito.
Claudine : Wag na dyan na lang sa canteen.
Mark : Hindi, may malapit na restaurant talaga dito. Dyan lang sa labas ng hospital.
Claudine : O sige kung hindi ako nakaka abala sa iyo.
Mark : Wala naman akong pasyente ngayon. O ano tara?
Claudine : O sige.
(Mark at Claudine magkasabay naglalakad palabas ng hospital)
Scenario (Isang restaurant)
(Mark at Claudine umupo magkaharap sa isang mesa)
Claudine : Akala ko ba malapit lang sa hospital ang sinasabi mong restaurant.
Mark : Mas masarap kasi ang pag kain dito.
(Waiter lumapit kinuha ang order nila)
Mark : Anong gusto mo?
Claudine : Ikaw na bahala mag order.
(Mark at Claudine kumakain)
(Kotse nagpark sa parking ng Restaurant Heart at mga kaibigan bumaba ng kotse pumasok)
Officemate 1 : Puno na yata ang mga tables dito, sa iba na lang tayo kumain.
Heart : Nandidito na rin lang tayo dito na tayo kumain. Isa pa gutom na gutom na ako eh.
Officemate 2 : Ako rin gutom na eh. Pumasok na tayo at maghanap ng bakanteng mesa.
Heart : Girls come on pasok na tayo.
(Heart at mga officemates pumasok sa restaurant)
Officemate 1 : Heart hindi ba si Mark yun?
Heart : Ano? imposible naman pupunta si Mark dito eh hindi yun lumalabas ng hospital kapag duty.
Officemate 2 : Hay! oo nga Heart, si Mark nga yung nasa isang mesa. May kasamang girl.
(Heart nakita sina Mark at Claudine kumakain)
Heart : (Nasa isip) Si Claudine ang kasama ni Mark?
Officemate 1 : Heart hindi mo ba lalapitan si Mark?
Heart : Ha? wag na. Tama kayo parang walang bakanteng mesa dito. Humanap na lang kaya tayo ng ibang restaurant.
Officemate 2 : Oo nga sa iba na lang tayo kumain.
(Heart tiningnan uli sina Mark at Claudine bago umalis ng restaurant)
GAP 1
Scenario (Bahay nina Mark at Heart)
(Bedroom)
Heart : Nakita ko nga pala kayo ni Claudine kanina kumakain sa restaurant.
Mark : Nakita mo kami?
Heart : Oo kaya lang kasama ko ang mga officemates ko kaya hindi na ako lumapit sa inyo.
Mark : Bakit hindi ka lumapit?
Heart : Wala kasi kumakain kayo ayaw ko maka istorbo.
Mark : Ang tono ng pananalita mo, parang nagseselos ka.
Heart : Ako magseselos?
Mark : Oo.
Heart : Hindi kaya. Bakit naman ako magseselos sa inyong dalawa. Diba ako pa nga ang nagsabi sa iyo to comfort her and keep her company.
Mark : Hindi nga.
Heart : Oo naman no?
Mark : Halika nga! lumapit ka sa akin.
Heart : Ayoko nga.
Mark : Sige na lumapit ka na sa akin.
(Mark hinila ang kamay ni Heart)
(Mark niyakap ng mahigpit si Heart at hinalikan sa labi)
Scenario (Bahay nina Mark at Heart)
(Dining room having breakfast)
Heart : Mark, sabay tayo mag lunch mamaya.
Mark : Sige.
Heart : Naayos ko na nga pala ang bakasyon natin. Baka matutuloy tayo next month. Kaya mag schedule ka na ng vacation leave mo.
Mark : Oo sige.
Heart : Nakapag file na ako ng vacation leave ko.
Mark : Aalis na ako. Hindi ka ba sasabay sa akin?
Heart : Hindi na. Sasabay na ako sa officemate ko. Dadaanan nya ako dito.
Mark : Bakit ba hindi gamitin ang kotse mo?
Heart : Okey lang kasi may pupuntahan kaming meeting mabuti na yung sabay na kami ng officemate ko.
Mark : O sige ikaw ang bahala. Aalis na ako.
(Mark hinalikan si Heart umalis)
Scenario (kwarto nina Mark at Heart)
(Heart nakita ang gamit ni Mark)
Heart : Naku! nakalimutan ni Mark ang gamit nya.
(Heart narinig ang busina ng kotse ng officemate)
(Heart nagmamadaling lumabas ng bahay sumakay sa kotse ng officemate)
Scenario (Heart sakay sa kotse ng officemate)
Heart : Pwede ba tayo dumaan muna sa ospital ni Mark?
Officemate : Bakit?
Heart : Naiwan kasi ni Mark ang gamit nya sa ospital.
Officemate : O sige.
Scenario (Hospital)
(Mark pumasok sa room ng ICU nakitang umiiyak si Claudine)
Mark : Claudine?
Claudine : Hi! ikaw pala.
Mark : Umiiyak ka ba?
Claudine : Hindi, sinisipon lang ako.
Mark : Check ko lang si Marky.
Claudine : Okey.
(Mark tinitignan ang kalagayan ni Marky)
Claudine : Kailan magigising si Marky? (Umiiyak) Kailan magigising ang anak ko?
Mark : Hindi ko alam Claudine.
Claudine : Ang tagal na nyang ganyan. Namimiss ko na ang anak ko. Namimiss ko na si Marky. (Umiiyak)
Mark : May awa ang dyos Claudine. Magigising din sya.
(Claudine humagulgul ng iyak Mark niyakap si Claudine)
Samantala ..
Scenario (Labas ng Hospital)
(Heart pababa ng kotse nagmadaling pumasok ng hospital)
(Heart nagtanong sa information desk ng hospital)
Heart : Nurse, nasaan si Doctor Fernandez?
Nurse : Sandali lang ma'am itatanong ko lang.
Heart : Okey thank you.
(Nurse tumawag sa office clinic ni Mark)
Nurse : Ma'am nasa ICU room daw po si Doctor Fernandez.
Heart : Ah ganun ba? Thank you ha?
(Heart nagmamadaling pumunta sa ICU ng hospital)
(Heart sumilip sa pinto ng ICU nakita si Mark kayakap si Claudine)
(Heart nabigla sa nakita naglakad paalis iniwan sa information desk ang gamit ni Mark)
Heart : Nurse, pakibigay na lang kay Mark.
Nurse : Opo ma'am.
(Heart nasa isip ang nakita sa kwarto ng ICU)
(Heart sumakay sa kotse ng officemate)
Officemate : O bakit ganyan ang mukha mo?
Heart : Ha? halika na baka mahuli pa tayo sa meeting natin.
(Heart at officemate umalis)
GAP 2
Scenario (Office ni Heart)
(Heart kausap si Mark sa cellfone)
Heart : Hello, Mark? Kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot ang fone mo.
Mark : Nasa operating room ako kanina nung tumatawag ka.
Heart : Ah ganun ba? Free ka ba ngayon? Sabay na tayo mag lunch.
Mark : Kalalabas ko lang ng operating room. I need to monitor my patient. Baka mamaya pa ako mag lunch.
Heart : O sige wag nalang. Sasabay nalang ako sa mga officemates ko.
Mark : Okey.
Heart : Sige Bye.
Mark : Bye.
Scenario (Hospital)
(Mark tinawag ng kasamang doctor)
Another Doctor: Mark, lunch break ka muna ako na ang mag momonitor ng inoperahan natin.
Mark : Thank you so much pare. Tumawag na nga si misis gusto nya sabay kaming mag lunch.
Another Doctor : Sige pare tatawagan lang kita kapag kailangan ka dito sa ospital.
Mark : Okey pare, thank you talaga.
(Mark tinatawagan si Heart ngunit cannot be reach ang cellfone ni Heart)
Mark : (Nasa isip) Baka nakapatay ang cellfone ni Heart.
(Mark nasa 2nd floor pababa ng lobby ng ospital nakita si Claudine)
(Claudine naglalakad palabas ng Hospital)
(Mark tumatakbo hinahabol si Claudine)
(Mark tinawag si Claudine)
Mark : (Sumigaw) Claudine! Claudine!
(Claudine napalingon sa tumatawag nakita si Mark)
(Mark papalapit kay Claudine)
Mark : Saan ka pupunta?
Claudine : Kailangan ako sa Coffee shop ko.
Mark : May sasakyan ka?
Claudine : Mag ta taxi lang ako.
Mark : Hatid na kita.
Claudine : Wala ka bang pasyente ngayon?
Mark : Wala libre ako ngayon.
Claudine : Sigurado ka okey lang hatid mo ako?
Mark : Yeah! okey lang.
Claudine : O sige.
Mark : Tara!
Scenario (Sa loob ng kotse)
(Mark habang nagmamaneho)
Claudine : I'm sorry Mark.
Mark : Sorry for what?
Claudine : For leaving you na walang paalam.
(Mark inihinto ang saskyan nagpark sa gilid ng daan)
Mark : I'm listening, Dine.
(Claudine napalingon kay Mark nung tinawag sya ni Mark na Dine)
Claudine : (Umiyak) Hindi ko gustong iwanan ka, Mark.
Mark : Bakit mo nagawa sa akin yun?
Claudine : Marami kang pangarap, Mark. Natakot ako na hindi mo marating ang mga pangarap mo ng dahil sa akin.
Mark : Nangako ka Dine, kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay. Sumumpa ka! Pero bakit? Bakit ka umalis?
Claudine : I have no choice kailangan ko umalis.
Mark : Bakit? Anong dahilan bakit ka umalis?
Claudine : I'm so sorry.
Mark : Hinanap kita kung saan saan.
Claudine : I'm so sorry, Mark. Patawarin mo ako.
(Mark niyakap si Claudine ng mahigpit)
Mark : Mahal na mahal kita, Dine.
(Mark at Claudine nagkatinginan Mark hinalikan si Claudine sa labi)
Scenario (Office ni Heart)
(Heart nakita ang fone nag missed call si Mark)
(Heart tinawagan ang fone ni Mark cannot be reached)
(Heart tumawag sa Hospital)
Heart : Hello? Could you connect me to Doctor Fernandez clinic please?
Operator : May i know who's on the line?
Heart : Si Mrs Fernandez ito.
Operator : Hold on ma'am.
(Office Clinic ni Mark)
Secretary : Hello, Doctor Fernandez clinic, may i help you?
Heart : Hello? Si Mrs. Fernandez ito. Pwede ba makausap ang asawa ko?
Secretary : Ma'am nag out pa po si Doctor.
Heart : What do you mean nag out?
Secretary : Nag lunch out po si Doctor, ma'am.
Heart : Sino ang kasama?
Secretary : Hindi ko po alam ma'am.
Heart : O sige thank you. Pakisabi tumawag ako.
Secretary : Opo ma'am.
GAP 3
Scenario (Coffee Shop ni Claudine)
(Mark at Claudine pumasok sa Coffee shop)
Mark : Wala yatang tao.
Claudine : Sandali.
(Claudine lumayo kay Mark tinawagan ang kaibigan)
Claudine : (Kausap sa fone) Anong oras? O sige maghihintay ako dito.
(Mark tumitingin tingin sa naka display sa coffee shop)
(Claudine lumapit kay Mark)
Claudine : May pinuntahan ang kaibigan ko pero babalik rin daw sila kaagad. Baka may gagawin ka pa sa ospital pwede mo na ako iwan dito.
(Mark hinawakan ang mga kamay ni Claudine)
(Claudine umiiwas sa mga tingin ni Mark)
(Mark hahalikan si Claudine sa labi Claudine ipinikit ang mga mata)
(Mark at Claudine naghalikan niyakap ni Mark si Claudine ng mahigpit)
Mark : I love you, Dine.
Claudine : Mali ito Mark.
Mark : Alin ang mali?
Claudine : Ito!
Mark : Mahal na mahal kita. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo.
Claudine : Paano si Heart?
Mark : Paano ang pagmamahal ko sa iyo. Ang tagal kitang hinanap. Ngayong nandito ka na, ayoko magkahiwalay pa tayo uli.
Claudine : Hindi tama ito Mark. Paano na si Heart.
Mark : I don't want to lose you again. Not again, Dine.
(Mark niyakap ng mahigpit si Claudine)
Scenario (Bahay nina Mark at Heart)
(Mark dumating hinalikan si Heart)
Heart : Akala ko ba hindi ka makakalabas kanina kaya hindi tayo pwede mag lunch together.
Mark : Oo nga.
Heart : Did you have lunch with Claudine again?
Mark : Ano namang klaseng tanong yan, Heart.
Heart : Just answer my question. Did you have lunch with her again?
Mark : Stop being unreasonable, Heart.
Heart : Bakit hindi mo masagot ang tanong ko sa iyo?
Mark : Stop it, Heart.
Heart : (Sumigaw) Sagutin mo ang tanong ko. Magkasama nanaman ba kayo ni Claudine kanina?
Mark : (Sumigaw) OO! magkasama kami ni Claudine kanina! Satisfied?
(Mark umalis ng bahay iniwan si Heart umiiyak)

No comments:
Post a Comment