Scenario (Passionate lovemaking nina Pogiboy at Chinagirl)
(Pogiboy at Chinagirl masaya habang kumakain ng dinner)
Scenario (sa may deck ng yate pinagmamasdan nina Pogiboy at Chinagirl ang kagandahan ng mga bituin sa langit)
Chinagirl : (habang nakatingala sa langit) Ang ganda ng langit at mga bituin.
(Chinagirl napatingin kay Pogiboy)
Pogiboy : I love you, I really do.
Chinagirl : I love you too.
(Pogiboy hinalikan si Chinagirl sa labi)
Scenario (Opisina ng ama ni Chinagirl)
Papa : What's going on? Anong nangyayari sa mga kliyente natin? Bakit isa isa ng nawawala?
Alfred : Sir, successful ang ginagawang strategy para makuha ang mga kliyente natin ng kalaban.
Manage 1 : OO nga po sir. Magaling daw makipag deal ang Presidente ng Chan Corporations.
Manager 2 : Infact sir, may nakapagsabi sa akin, yung isang malaking kilyente natin makikipag deal daw mamayang gabi ang Presidente ng Chan Corporations.
Papa : Mamayang gabi?
Manager 2 : Opo sir. May nakapagsabi sa akin. Magkakaroon daw ng dinner meeting ang Presidente ng Chan Corporations at yung isang malaking kiliyente natin. Sa isang malaking hotel daw gaganapin ang business meeting nila.
Papa : Gusto ko alamin mo kung saan ang meeting nila.
Manager 2 : Opo sir.
Papa : Alfred samahan mo ako mamaya. Pupunta tayo kung saan mag memeeting ang kliyente natin at ang Presidente ng Chan Corporations.
Alfred : Opo sir.
Scenario (Dinner meeting ni Pogiboy at isang kliyente sa isang hotel)
(Pumasok ang Papa ni Chinagirl at nakita ang mesa kung saan kausap ni Pogiboy ang isa sa malaki nilang kliyente)
(Papa ni Chinagirl lumapit sa mesa nina Pogiboy)
Client 1 : (nagulat) Mr. Evangelista. What a surprise nadito rin pala kayo.
Papa : We are just having dinner. So kumusta na kayo. How's your business doing?
Client 1 : Very good, Mr. Evangelista. Siyanga pala this is Mr. Fernandez. (ipinakilala si Pogiboy kay Mr. Evangelista) Mr. Fernandez this is Mr. Evangelista.
Pogiboy : (kinamayan si Mr. Evangelista) Kumusta po kayo Mr. Evangelista.
Papa : I know you. Ikaw yung naghatid ng anak sa bahay, hindi ba?
Pogiboy : Ako nga po.
Client 1 : Magkakilala na pala kayo.
Papa : Mr. Fernandez. May mga kakilala akong Fernandez.
Pogiboy : Ganun po ba? Marami po kasi akong ka apelyido. Common po ang apelyidong Fernandez dito sa Pilipinas.
Papa : Tama nga. Mukhang may mahalaga kayong pinag uusapan baka nakaka abala ako sa inyo. I have to go to my table now. Nice meeting you again Mr. Fernandez.
Pogiboy : Mark na lang po. I'm glad that we've now been formally introduced.
(Umalis at pumunta na si Mr. Evangelista sa mesa nila)
GAP 4
Scenario (Bahay ni Chinagirl)
(Dining room)
Chinagirl : Good morning, pa.
Papa : Saan mo nakilala si Mark Fernandez?
Chinagirl : Paano nyo nalaman ang tungkol sa kanya?
Papa : Gusto kong alamin mo ang lahat ng tungkol sa kanya.
Chinagirl : Sandali lang papa, so why the sudden interest on him? Bakit bigla kayong interesado sa isang kaibigan ko?
Papa : Gusto ko lang kilalanin mo sya ng mabuti.
Yaya : Nandyan na po ang driver sir.
Papa : I have to go.
Chinagirl : Ingat kayo papa.
Scenario (Pogiboy at Chinagirl naglalakad sa isang mall)
Chinagirl : Magkakilala ba kayo ng papa ko?
Pogiboy : Bakit mo naitanong?
Chinagirl : Kasi kanina tinanong niya ako kung saan kita nakilala.
Pogiboy : Nagkita na kami nung inihatid kita sa bahay nyo nung malasing ka.
Chinagirl : Ah talaga? Kaya pala nakilala ka ni papa.
Pogiboy : O anong gusto mo? Gusto mo ba ng ice cream?
Chinagirl : Kahit ano okey lang sa akin. Basta kasama lang kita masaya na ako.
Pogiboy : Masarap ang ice cream dito.
(Pogiboy at Chinagirl pumasok sa isang ice cream house)
(Pogiboy at Chinagirl nagkukulitan habang kumakain ng ice cream)
Pogiboy : Aside from beverage business, ano pa ang negosyo ng papa mo?
Chinagirl : Si papa may mga real estate business rin siya. May plantation ng mga fruits and flowers na ini export sa ibang bansa. Kung may free time ka puntahan natin minsan ang plantation namin.
Pogiboy : Sige. Gusto ko rin makita ang sinasabi mong plantation nyo.
Chinagirl : Magugustuhan mo ang plantation ng fruits and flowers namin dahil sa ganda ng place.
(Pogiboy and Chinagirl binabaybay ang mahabang daan papuntang Plantation)
(Papasok ng Plantation)
Katiwala 1 : Magandang araw po ma'am.
Chinagirl : Magandang araw din sa inyo.
Katiwala 1 : Naghihintay na po si Mang Jose sa inyong pagdating.
Chinagirl : Maraming salamat po.
(Pumasok sa Plantation ang sasakyan nina Pogiboy at Chinagirl)
(Isang magandang tanawin ang makikita habang papalapit na sila sa isang rest house ng pamilya Evangelista)
Scenario (Rest House ng mga Evangelista)
Katiwala 2 : Magandang araw po ma'am.
Chinagirl : (nakita si Mang Jose) Mang Jose! kumusta na po kayo. Ang tagal na natin hindi nagkita.
Mang Jose : Iha, hindi ka ba nahirapan bumiyahe dito?
Chinagirl : Hindi naman po. Siyanga pala ito si Mark. Mark ito si Mang Jose. Siya ang katiwala ng papa. Siya ang kaibigan ng papa simula noong bata pa sila. Hindi na iba ang tingin namin sa kanya. Para na rin miyembro ng pamilya namin si Mang Jose.
Pogiboy : Ikinagagalak ko po kayong makilala.
Mang Jose : Ako rin iho. Halina Kayo. May inihanda akong pagkain para sa inyo.
Chinagirl : Mang Jose, kumusta naman po ang taniman ng mga bulaklak. Yun kasi ang lagi kong pinupuntahan kapag nandito ako.
Mang Jose : Maganda ang harvest ngayong taon.
Chinagirl : Pwede po ba mamasyal mamaya sa plantation ng mga bulaklak?
Mang Jose : OO pwede. Maupo na kayo. Ipinaghanda ko kayo ng mga paborito mong pagkain.
Chinagirl : Wow! Ito talaga ang namimiss ko. Ang mga ganitong pagkain.
Mang Jose : O sige maiwan ko na muna kayo at nang makakain na kayo.
Chinagirl : Maraming salamt po Mang Jose.
Pogiboy : Salamat din po.
Mang Jose : Sige na kumain na kayo.
(Mang Jose umalis at naiwan sina Pogiboy at Chinagirl kumakain sa mesa)
Scenario (Plantation ng mga bulaklak)
(Pogiboy at Chinagirl tumutulong mag harvest ng mga bulaklak)
(Pogiboy at Chinagirl nilibot ang farm sakay ng kabayo)
Scenario (Kinagabihan sa terrace ng Rest House)
(Habang nakatanaw sa beranda si Pogiboy)
Mang Jose : Baka gusto mo uminom ng lambanog. Meron akong naitago.
Pogiboy : Hindi po ako umiinom ng labanog o kahit anong alak.
Manong Jose : Akala ko kagaya ka rin ng mga kaibigan ni Heart na pumupunta dito. Gustong gusto nila ang lambanog.
Pogiboy : Matagal nyo na po pala kilala ang papa ni Heart.
Manong Jose : Ah oo. Bata pa kami, magkasama na kami ng papa ni Heart. Halos sabay kami lumaki.
Pogiboy : Ganun po ba? Eh di kilalang kilala nyo po si Mr. Evangelista.
Mang Jose : OO naman.
Pogiboy : Ang laki pala ng farm na ito ni Mr. Evangelista.
Mang Jose : Pangarap lang ni Ramon ito noon.
Pogiboy : Pangarap lang po?
Mang Jose : oo isang pangarap lang na natupad.
Pogiboy : Akala ko minana ito ng ama ni Heart sa kanyang mga magulang.
Mang Jose : Hindi. Dating tauhan lang ang ama ni Ramon sa lupaing ito. Ngunit dahil sa likas na matalino ni Ramon, napasakanya ng lupaing ito.
Pogiboy : Ano po ang ibig nyong sabihin.
Mang Jose : Ang unang nagmamay-ari ng lupaing ito ang ang pamilya Fernandez. Si Adolfo ang isang mayamang kaibigan ni Ramon noon. Naging matalik silang mag kaibigan. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang umibig sila pareho sa iisang babae. Naging kasintahan ni Ramon si Marcela. Ngunit si Adolfo ang pinakasalan niya. Labis na nasaktan si Ramon kaya umalis siya at pumunta ng Maynila. Ngunit bago siya umalis dito, ipinangako ni Ramon sa sarili na lahat ng pag aari ni Adolfo ay aangkinin niya.
Pogiboy : (nanlumo dahil sa narinig na kwento ni Mang Jose) Kaya pati itong lupain inangkin rin niya.
Mang Jose : Pinagsikapan ni Ramon maangkin ang lupaing ito.
No comments:
Post a Comment