These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Sunday, October 10, 2010

Lagrimas (Episode 7: War)



Scenario (sa sasakyan pauwi ng Maynila)

Chinagirl : Kanina ka pa tahimik.

Pogiboy : Medyo pagod lang ako.

Chinagirl : Enjoy ka ba?

Pogiboy : OO nag enjoy ako.


(Chinagirl hinalikan si Pogiboy)



Scenario (bahay ni Pogiboy)


Pogiboy : (naiiyak sa galit) Kung naangkin man niya ang lahat ng pag aari ni papa, babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa papa ko.

Kaibigan : Pare, may problema ba?

Pogiboy : Wala.

Kaibigan : Bakit parang may malalim kang iniisip?

Pogiboy : Marami lang trabaho sa opisina.

Kaibigan : Siguro dapat magbakasyon ka naman kahit ilang araw lang.

Pogiboy : Okey lang. Sige magpapahinga na ako.

Scenario (Sa kuwarto ni Pogiboy)



Pogiboy : (nakatingin sa larawan ng kanyang ama't ina) Nagkaroon ng kaugnayan ang mama kay Ramon Evangelista?


(Flashback sa nagpag usapan nila ni Mang Jose)


Mang Jose : Pangarap lang ni Ramon ito noon.

Pogiboy : Pangarap lang po?

Mang Jose : oo isang pangarap lang na natupad.

Pogiboy : Akala ko minana ito ng ama ni Heart sa kanyang mga magulang.

Mang Jose : Hindi. Dating tauhan lang ang ama ni Ramon sa lupaing ito. Ngunit dahil sa likas na matalino ni Ramon, napasakanya ng lupaing ito.

Pogiboy : Ano po ang ibig nyong sabihin.

Mang Jose : Ang unang nagmamay-ari ng lupaing ito ang ang pamilya Fernandez. Si Adolfo ang isang mayamang kaibigan ni Ramon noon. Naging matalik silang mag kaibigan. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila nang umibig sila pareho sa iisang babae. Naging kasintahan ni Ramon si Marcela. Ngunit si Adolfo ang pinakasalan niya. Labis na nasaktan si Ramon kaya umalis siya at pumunta ng Maynila. Ngunit bago siya umalis dito, ipinangako ni Ramon sa sarili na lahat ng pag aari ni Adolfo ay aangkinin niya.

Pogiboy : (nasa isip) Babawiin ko ang lahat ng kinuha niya sa aking ama.



Scenario (Opisina ng ama ni Chinagirl)



Manager 1 : Eto na po ang ipinagawa nyo tungkol kay Mark Fernandez.

Papa : (habang binabasa biglang kinabahan) Siya ang anak ni Adolfo Fernandez? Hindi, hindi maari ito. Siya ang anak ni Adolfo.



Samantala..


(Pinuntahan ni Pogiboy si Chinagirl sa bahay)

Pogiboy : Magandang araw po. Nandyan po ba si Heart?

Yaya : Ay naku Mark, kaaalis lang ni Heart. Pupunta siya sa Plantation. Nagkaroon yata ng problema doon.

Pogiboy : Ganun po ba? Sige po pupuntahan ko siya sa Plantation.

Yaya : O sige.

Pogiboy : Tutuloy na po ako.

Yaya : Sige Mark mag iingat ka.

Pogiboy : Salamat po.


(Pogiboy sumakay ng kotse at umalis)



GAP 2



Scenario (Sa Plantation nina Chinagirl)

(Kausap ni Chinagirl si Mang Jose sa may pataniman ng mga bulaklak)


Mang Jose : Nagrereklamo ang mga trabahante dahil sa delayed daw ng tatlong buwan ang sweldo nila. Ang iba gusto ng umalis, wala ng makain ang kanilang mga pamilya.

Chinagirl : Alam na ni Papa ang tungkol dito. Sinabihan ko na siya. Mahina ang orders natin. Nagbawas ng quota ang taga ibang bansa dahil sa crisis. Sana maintidihan nila ang hirap ng negosyo ngayon.

Mang Jose : Hindi nila maiintindihan kapag kumakalam na ang mga sikmura ng mga pamilya nila.

Chinagirl : Naiintindihan naman po namin sila. Sige po Mang Jose, tutulong muna ako sa pag aayos ng mga bulaklak dito.

Mang Jose : Opo ma'am.



(Dumating sa Plantation si Pogiboy)


Close up sa mata ni Pogiboy na nagniningning sa saya…(camera zoom out sakto sa face na nakangiti) Pinagmamasdan si Chinagirl ng di niya alam.


Close up sa mata ni Chinagirl na ubod ng saya (camera zoom out sakto sa face na nakangiti)


(Pogiboy nasa likod ni Chinagirl)



Pogiboy : Charaaan!

Chinagirl : (napalingon sa likod) Ginulat mo naman ako. Para sa akin yan?

Pogiboy : Sino pa ba sa tingin mo ang bibigyan ko ng bulaklak? Ikaw lang naman ang taong gusto kong bigyan ng bulaklak.

Chinagirl : Huhumm! nambola ka nanaman.

Pogiboy : Hindi pambobola ang sinasabi ko. Ikaw lang talaga ang nais kong bigyan ng bulaklak.

Chinagirl : Anong ginagawa mo dito. Akala ko ba may business trip ka.

Pogiboy : Pinakansel ko ang trip. Mamimiss kasi kita kapag umalis ako.

Chinagirl : Ikaw talaga araw araw na tayo magkasama, di ka pa ba nagsasawa sa akin?

Pogiboy : Hinding hindi ako magsasawa sa iyo kahit kaylan man. Isang minuto lang di kita makita miss na agad kita.

Chinagirl : Nambola ka pa. If i know kapag wala ako, malay ko ba may ibang babae kang kasama.

Pogiboy : Sumpa man ikaw lang talaga.

Chinagirl : OO na naniniwala na ako sa iyo. Nabola mo nanaman ako. hahahaha!

Mang Jose : Ma'am nandito po ang papa nyo. Hinahanap po kayo.

Chinagirl : Nandito si papa? Anong ginagawa nya dito? Halika Mark puntahan natin si papa.

(Sumunod sina Chinagirl at Pogiboy kay Mang Jose papuntang rest house)



GAP 3



Scenario (Sa rest house)


Chinagirl : Papa! anong ginagawa nyo dito?

Pogiboy : Magandang araw po.

Papa : Anong ginagawa mo dito?

Chinagirl : Pa, dinadalaw lang po ako ni Mark.

Papa : Paano mo nalaman ang lugar na ito.

Chinagirl : Papa, dinala ko na po dito si Mark noong isang araw. Kaya alam na po niya ang Plantation natin.

Papa : Pwede ka na umalis. Iwan mo na kami dito.

Chinagirl : Papa! bisita ko po si Mark. Bakit nyo siya pinapaalis?

Pogiboy : It's okey Heart. Aalis na ako. I'll see. (umalis)

Chinagirl : Sandali lang Mark, Papa, what's wrong with you? Bisita ko siya bakit mo siya pinapaalis? Ano bang problema?

Papa: Hindi mo na dapat pang malaman.

Chinagirl : Anong hindi ko dapat malaman, papa.

Papa : Iwasan mo ang lalaking yun, Heart.

Chinagirl : Hindi ko siya pwedeng iwasan papa, dahil boyfriend ko na siya. Mahal na mahal ko si Mark, papa!

Papa : Anong sinabi mo? Boyfriend mo na yung Mark na yun?

Chinagirl : Opo papa. Mahal na mahal ko siya at mahal na mahal rin niya ako.

Papa : Hindi pwede. Hindi mo siya pwedeng mahalin!

Chinagirl : Bakit hindi pwede papa? Bakit hindi ko siya pwedeng mahalin?

Papa : (galit) Sundin mo ako Heart. Hindi mo siya pwedeng mahalin. Naiinditindihan mo ba?

Chinagirl : Hindi papa. Hindi kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko pwedeng mahalin si Mark.

Papa : (galit) Wag mo akong suwayin sa pagkakataong ito. Sinasabi ko na sa iyo. Iwasan mo yang Mark na yan.

Chinagirl : (umiiyak) Hindi papa. Hindi ko magagawa yan. Mahal na mahal ko si Mark. (umalis)

Papa : Heart bumalik ka dito. Heart!

Mang Jose : Pabayaan mo muna siya.

Papa : Hindi nya pwedeng mahalin ang anak ng taong napatay ko.

Mang Jose : Anong ibig mong sabihin, Ramon?

Papa : Siya ang anak ni Adolfo. Ang lalaking napatay ko.

Mang Jose : Si Mark ang anak ni Marcela?

Papa : OO Jose. Siya ang anak ni Adolfo at Marcela.

Mang Jose (nasa isip) : Kung si Mark ang anak ni Marcela, ang ibig sabihin, siya ang anak mo kay Marcela. Ikaw ang ama ni Mark.

Mang Jose : Ramon, may dapat kang malaman.

Papa : ano yun?


(Bago nakapag salita si Mang Jose dumating ang isang trabahante)


Trabahante 1 : Sir, nakahanda na po ang mga tao sa bulwagan para makipag usap sa inyo.

Papa : Sige pupunta na ako. (umalis)

Mang Jose : (nasa isip) kailangang malaman ni Ramon ang katotohanang siya ang tunay na ama ni Mark at hindi si Adolfo. Si Mark ang anak nila ni Marcela.



GAP 4



Scenario (Chinagirl habang nagmamaneho ng kotse)

Chinagirl : (tinatawagan ang cellfone ni Pogiboy) Come on, Mark, answer the phone.


(Pogiboy nagmamaneho, naririnig ang ring ng cellfone pero di sinasagot)



Scenario (Opisina ni Pogiboy)


Secretary : Sir, may naghahanap po sa inyo.

Pogiboy : Papasukin mo.

Inspector : Good morning po sir.

Pogiboy : Ikaw pala inspector. Kumusta na ang pina iimbistigahan ko sa inyo?

Inspector: May bago po kaming natuklasan sa kaso ng papa nyo sir.

Pogiboy : Anong bagong natukalsan nyo, inspector.

Inspector : Ayon sa pasisiyasat ng mga tauhan ko, si Ramon Evangelista po ang pumatay sa inyong ama.

Pogiboy : (nabigla) Si Mr. Evangelista ang pumatay sa aking ama?

Inspector : Opo sir. May testigo po kaming nakuha na willing mag testify na si Ramon Evangelista ang pumatay sa inyong ama.

Pogiboy : Gusto kong pabuksan uli ang kaso ng aking ama sa lalong madaling panahon.

Inspector : Opo sir.



(Chinagirl tinawagan si Pogiboy)


Chinagirl : Hello Mark pwede ba tayo magkita?

Pogiboy : Yeah sige.

Chinagirl : Doon sa dati.

Pogiboy : Okey i'll be there.



Scenario (Sa Bar)


(Dumating sasakyan ni Pogiboy)

(Pogiboy bumaba at pumasok sa bar)


Chinagirl : Mark!

(Pogiboy lumapit kay Chinagirl)

Chinagirl : I'm sorry about yesterday. Hindi ko alam kung bakit ginawa ng papa ko yun sa iyo.

Pogiboy : Okey lang.

Chinagirl : Hindi okey sa akin yun.

Pogiboy : No, really it's okey. Wag na natin pag usapan ang nangyari. Let's go.

Chinagirl : Saan tayo pupunta?

Pogiboy : Basta somewhere.

Chinagirl: Okey



(Pogiboy at Chinagirl umalis sa bar)

Chinagirl : Saan ba talaga tayo pupunta?

Pogiboy : Dito lang.

Chinagirl : Simbahan?

Pogiboy : Yup!


(Papasok ng simbahan sina Pogiboy at Chinagirl may batang lumapit sa kanila)

Batang babae : Sir, bumili na kayo ng bulaklak. Ay kayo pala sir.

Chinagirl : Teka natatandaan kita. Hindi ba ikaw yung nagbigay ng bulaklak sa akin. At sabi mo inutusan ka lang na ipinabibigay ang mga bulaklak na yun sa akin?

Batang babae : Opo ako nga po. Siya po ang nagpapabigay ng bulaklak sa inyo (sabay turo kay Pogiboy ng batang babae)

Pogiboy : (habang sumisenyas sa batang babae na wag sabihin) Uy bata magkano yang bulaklak mo? Bibilhin ko na lahat.

Chinagirl : Sandali lang ang ibig mo sabihin siya ang nagpapabigay ng bulaklak? (tinuturo ni Chinagirl si Pogiboy)

Batang babae : Opo siya po. Siya rin po ang nagsabi na sabihin ko sa inyo na ang nagpapabigay ay isang ubod ng pangit na lalaki at nakakatakot ang mukha.

Pogiboy : Sige na bata bibilhin ko na lahat ng bulaklak mo.

Chinagirl : Ibig mo sabahin nakita mo na ako dito sa simbahan?

Pogiboy : Binibiro ko lang yung bata. Sige na pumasok na tayo.

(Pumasok sina Pogiboy at Chinagirl sa loob ng simbahan, lumuhod at nagdasal)

Pogiboy : (nasa isip, nakatingin kay Chinagirl na nakapikit habang nagdarasal) I'm sorry Heart. Alam ng diyos kung gaano kita kamahal. Pero kailangan kong gawin ito para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aking ama at pati na rin ang akin ina.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...