These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Monday, January 10, 2011

Happy Together -- Synopsis

Hailed as the most beautiful, pinakasikat, kinaiinggitan ng lahat at kinahuhumalingan ng mga lalaki.
She is MARIAN RIVERA, the epitome of a Movie Goddess. She can sing, she can dance. She has won several awards for her superb acting and it has been a year of movie blockbusters for her. But behind that little pretty face, is a naughty, spoiled brat attitude na magiging problema ng manager nya.

MARK FERNANDEZ is a former police detective turned bodyguard. Rank number one among the best. He is fierce, intense, violent, honest and virtuous, just and straightforward. Marami ang galit sa kanya dahil sa attitude nya. After being framed-up on a rub-out charges, he was dismissed from service.

COCO MARTIN is Mark's best buddy. Parang magkapatid ang turing nila sa isa't isa. Mark and Coco have been together mula pa noong nag training sila hanggang sa nadismiss si Mark sa service. Pinili ni Coco na sumama kay Mark keysa manatili sa pagka police.

Mark and Coco put up a Bodyguard Business.

Si JERICHO ROSALES ang matinding kaagaw ni Mark sa atensyon ni Marian. Misteryoso ang pagkatao ni Echo.


Labis ang pag-aalala ng manager ni Marian sa dami ng naiinggit sa kanyang alaga. Because of that, for her safety, he hired a bodyguard. Marami nang dumaang bodyguard kay Marian ngunit hindi nagtatagal ang mga ito dahil laging nagkaka gusto sa kanya. Once na nainlove na kay Marian ang bodyguard, she asks her manager to terminate him. Ayaw ni Marian may nanliligaw na bodyguard sa kanya.

Someone from the TV Network recommends the Bodyguard Company that Mark and Coco owned. Marian's manager made a call to Mark's Bodyguard Company and ask to send one bodyguard for Marian. But with a stern warning na dapat hindi maiinlove kay Marian ang bodyguard na ipapadala nila. Dahil kapag nangyari yan, hindi lang ang bodyguard nilang yun ang mawawalan ng trabaho. They will also lose their account sa kanila. Tuwang tuwa at hindi makapaniwala si Mark magkakaroon sila ng isang famous client. Nagpadala agad ni Mark ng pinakamagaling nilang bodyguard para kay Marian.

A month later nakatanggap si Mark ng isang termination paper saying, pinuputol na ni Marian ang services ng bodyguard na ibinigay as well as the contract ng Bodyguard Company ni Mark sa kanya kasi pinopormahan siya ng bodyguard nila.

Mark don't want to lose the account of Marian dahil sya ang pinaka priced client ng company nila ni Coco. Mark talk it out with Marian na sana bigyan pa sila ng another chance. Pumayag si Marian sa pakiusap ni Mark provided ipangako ni Mark na ang bagong bodyguard ay hindi magkaka interes sa kanya. Mark made a pact with her that he'll send someone who will never fall for her.

Naging problema nina Mark at Coco kung sino sa hanay nilang bodyguards ang ipapadala kay Marian. Nag aalala sya baka maulit ang nangyari. Kaya nagdesisyon si Mark na sya na mismo ang gagawa ng trabaho. Ngunit ayaw pumayag ni Coco sa balak ni Mark. Kabisado nya ang kaibigan na malabot rin ang puso pagdating sa mga babae. Alam ni Coco na madali rin ma inlove si Mark. Ngunit wala na silang oras maghanap ng pwedeng ipalit sa bodyguard na sinesante ni Marian.

Ano ang gagawin ni Mark para matupad ang pangako kay Marian?


Happy Together is a completely endearing romantic comedy that will move your heart while making you laugh out loud

Happy Together - Episode 1: The Price of Fame




PROLOGUE

Isang mala palasyong bahay na may magarang garden sa isang exclusive subdivision. Higit sa apat na mamahaling sasakyan naka park sa garahe. Pagpasok, makikita ang malawak na sala at hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Sa bawat sulok mga mamahaling kasangkapan ang naka display tila hindi pa nagagamit dahil mukhang bagong bago pa rin.



Episode 1 - The Price of Fame


Scenario (Kwarto ng bahay)

(Alarm clock tumunog babaing nakadapa biglang bumangon, ang babae si Marian)

(Marian inabot ang alarm clock kinuha at inihagis sa sahid nabasag)

(Marian naka pikit ang mga mata inis na inis)

Marian : Ano ba? Sino ba nag set ng alarm clock dito sa kwarto ko?

(Pinto biglang bumukas manager ni Marian pumasok)

Mamsie : Anak, binasag mo naman itong alarm clock. Tumayo ka na dyan!

Marian : Mamsie? Ikaw ba ang nag set ng alarm dito sa kwarto ko? Anong ginagawa mo dito?

Mamsie : Hindi ako ang nag set ng alarm clock na yan. Pero inutusan ko ang yaya mo na gawin yun.

Marian : (Nagdadabog) Mamsie, alam nyo ba? kaka tulog ko lang? Bakit nyo naman pina set ang alarm ng ganitong oras?

Mamsie : Dahil kailangan gumising ka ng ganitong oras, anak!

Marian : Isang oras pa lang ako nakatulog eh. Umaga na nag pack up ang taping ko kanina.

Mamsie : Alam ko, pero pasensya ka na, anak. May guesting ka kasi ngayon. Ikaw ang special guest sa anniversary presentation ng Party Pilipinas.

Marian : Hindi ba pwede cancel mo na lang muna, Mamsie?

Mamsie : Matagal ka na nila gusto maging guest sa show na yun kaya hindi pwede icancel ang guesting mo. Sige na tumayo ka na dyan at mag shower. Baka ma late pa tayo sa show.

Marian : (Itinaas ang kamay) Mamsie! 5 minutes! 5 minutes lang, pleaseee?

Mamsie : Mahuhuli na tayo eh. Magshower ka na tapos on the way ka na matulog ulit sa van habang mini make up ka ng make up artist mo.

Marian : Mamsie, pagod na pagod na ako.

Mamsie : Promise ko sa iyo, anak, after ng teleserye mo. Di muna tayo tatanggap ng anumang project para sa iyo. Magpapahinga ka ng matagal.

Marian : Talaga Mamsie? Promise mo yan ha?

Mamsie : Oo promise. Magbabakasyon ka kahit saan mo gusto.

(Marian tuwang tuwa sa sinabi ng manager dali daling nagshower)


Samantala ...

Happy Together - Episode 2 Envy and Jealousy



Happy Together - Episode 2 Envy and Jealousy



Ang nakaraan ...


Scenario (Location taping ng teleserye ni Marian)


(Marian nakikinig sa instructions ng director)


Director : Marian ganito ang gagawin mo. Dito ang position at blocking para mahagip ng camera ang magandang angle mo. Okey na ba ang dialogues mo? Kabisado mo na?

Marian : Opo Direk nakapag rehearse na po kami kanina ng ka eksena ko.

Director : Good! ayan ang gusto ko sa iyo lagi kang handa sa mga eksena mo. O sige rolling na tayo!


Sunday, January 9, 2011

Jabbaandkabafan's Adaptation of movie "Only You"

Part 1 of an adaptation of the movie "Only You" with Robert Downey Jr and Marisa Tomei by jabbaandkabafan. Originally posted by on Nov 8, 2010 at MAF's PEX thread. We hope she will post a part 2 one day :)

Noong bata pa si Sabel mga 15 taong gulang siya noon. Niyakag siya ng kanyang Ate Lucia na maglamyerda sa perya. Napagkatuwaan nilang magkapatid na magpahula. Pumasok sila sa isang tent, at mayroon
ngang ale na may malaking bolang kristal at mga baraha ng tarot.

Alam ni Sabel kung ano ang kanyang itatanong dahil ang kayang ate ay puro pag aasawa ang nasa isip.

Ito ang kanyang tanong: “Puwede po bang malaman kung matatagpuan ko ang aking soulmate?”

Natawa ang kanyang ate, dahil napakabata pa ni Sabel para malaman ang salitang 'soulmate' at ang ibig sabihin nito.  Ngunit nabigla siya sa sinabi ng manghuhula.

Manghuhula: Sabel, maswerte ka ngayong araw na ito dahil gustong sabihin ng bolang kristal sayo ang pangalan ng iyong makaka isang dibdib. Siya ang iyong soulmate.

At nalaman nga nila na ang pangalan ng soulmate ni Sabel ay ----------------
Renato Calubaquib.


Bluecolor's Screencaps Video of "Mangarap Ka"

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...