These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Monday, January 10, 2011
Happy Together - Episode 2 Envy and Jealousy
Happy Together - Episode 2 Envy and Jealousy
Ang nakaraan ...
Scenario (Location taping ng teleserye ni Marian)
(Marian nakikinig sa instructions ng director)
Director : Marian ganito ang gagawin mo. Dito ang position at blocking para mahagip ng camera ang magandang angle mo. Okey na ba ang dialogues mo? Kabisado mo na?
Marian : Opo Direk nakapag rehearse na po kami kanina ng ka eksena ko.
Director : Good! ayan ang gusto ko sa iyo lagi kang handa sa mga eksena mo. O sige rolling na tayo!
(Marian at leading man inaarte ang mga eksenang kinukunan ng Director)
(Mamsie dumating sa location ng taping, pinapanood ang mga eksena ni Marian)
Director : (Sumigaw) Cut! Good take! Break muna tayo!
(Marian nakita ang manager lumapit)
Marian : Mamsie, kanina pa po kayo dyan?
Mamsie : Mga five minutes pa. Kagagaling ko lang sa office ni Madam.
Marian : Bakit po kayo nagpunta run?
Mamsie : Pinapunta nya ako kanina dahil gusto nya ibalita sa akin tapos na ang brainstorming ng next project mo. Isang malaking project daw ang gagawin mo pagkatapos ng teleseryeng ito.
Marian : Eh kailan po magsisimula ang taping?
Mamsie : Wag ka mag alala humingi ako ng tatlong buwang bakasyon para sa iyo. Sabi ni Madam, kakausapin daw nya ang top management tungkol sa hiling mong bakasyon.
Marian : Sana naman Mamsie pumayag sila para makapag bakasyon naman ako.
Mamsie : At alam mo ba kung ano ang sinabi nya sa akin?
Marian : Ano po?
Mamsie : May mga taong gustong sulutin ang project mo. Pero ipinaglaban lang daw nya kaya sa iyo pa rin napunta ang project.
Marian : Talaga po?
Mamsie : Hay naku! grabe talaga ang inggit ng mga yan sa iyo. Kaya ngayon pa lang maghanda ka na at mag ingat sa bawat kilos mo dahil konting mali mo lang palalakihin nila. Gagawan nila ng issue para masira ka. Kaya mag ingat ka ha?
Marian : Opo Mamsie.
(Mamsie kinuha ang isang tabloid sa kotse pinabasa kay Marian)
Mamsie : Ayan, tingnan mo itong blind item patungkol sa iyo. Naglipana nanaman sa tabloids.
Marian : Hindi naman talaga totoo ang mga yan eh.
Mamsie : Alam mo naman yung iba kahit alam nilang hindi totoo kapag kasiraan mo eh naniniwala pa rin. Sandali nga pala, dumating na ba ang bagong bodyguard mo?
Marian : Opo. Kasama ko na nga po dito ngayon. Ayun po sya.
Mamsie : Mabuti naman at mapapanatag na ang isip ko. Lagi kasi akong nag alala sa kapakanan mo. Mabuti na yung may proteksyon ka.
(PA ni Marian lumapit sa kanilang dalawa)
PA : Ate, tinatawag na kayo ni Direk.
Marian : Sabihin mo susunod na ako.
Mamsie : O anak, iiwan muna kita kasi pupuntahan ko pa yung nakipag appointment tungkol sa bagong commercial mo.
Marian : Sige po Mamsie. Ingat kayo.
(Mamsie naglakad papunta ng kotse pumasok nagmaneho paalis)
Itutuloy ...
Episode 2 - Envy and Jealousy
Scenario (Location Tent)
(Marian nasa loob ng tent nagpapahinga habang wala pang take, co-star biglang pumasok)
Marian : O bakit nakasimangot yang mukha mo?
Co-star : Nakakainis na talaga yang Vivian na yan. Hmp! akala mo naman ang galing galing umarte. Nagpapa papel kay direk.
Marian : Ano naman ba ang ginawa?
Co-star : Ah ewan nag rerequest ng kung pwede daw marami syang close up. Eh akala mo naman kagandahan.
Marian : Hahaha! hayaan mo na.
Co-star : Sobra pa ang inggit sa katawan at sinungaling. Ipinagkakalat ba naman na tinarayan mo daw sya? Eh sya nga itong akala mo kung sinong magaling eh.
Marian : Wag mo na kasi pansinin.
Co-star : Nakakabanas na talaga nauubos na ang pasensya ko. At eto ha? Pansin ko lang sinasadya nyang inisin ka para patulan mo sya. Kasi nga naman kapag pinatulan mo, magpapa awa epek ang babaing yun. Kaya lalabas na ikaw nanaman ang masama. Mare, mag iingat ka dyan tuso ang babaing yan.
Marian : Opo alam ko na po kahit hindi mo sabihin. O eto uminom ka ng malamig na juice at ng lumamig din ang ulo mo.
Co-star : Hay! mabuti pa nga at stressed na ang lola mo.
(Marian binigyan ng isang basong juice na puno ng yelo ang co-star)
Scenario (Bahay ni Marian)
(Marian sa Dining Room nagbabasa ng newspaper habang naghihintay ng breakfast)
(Mamsie papasok sa Dining Room galit na galit)
Mamsie : Anak! nabasa mo na ba ang mga tabloids ngayon?
Marian : Opo Mamsie.
Mamsie : Sobra na ang mga writers na yan! Kailan ka ba nila titigilan. Puro nalang negative ang sinusulat nila sa iyo.
Marian : Mamsie, ang puso nyo. Ang aga aga high blood nanaman kayo.
Mamsie : Sino naman ang hindi maha high blood sa pinagsususulat ng mga bayarang kolumnista na yan.
Marian : Hayaan nyo na sila Mamsie. Magsasawa rin ang mga yan.
Mamsie : Nakakainis na eh. Gumagawa sila ng kwentong barbero at idinadaan sa Blind Item kuno! Sobra na ito!
Marian : Sabi ko naman sa inyo wag na kayong magbasa ng diyaryo.
Buti ganito na lang ang gawin natin ngayon. Tutal day off ko wala akong taping o pictorial. Mag shopping nalang tayo mamaya sa Rockwell. Kailangan ko na rin bumili ng mga gamit.
Mamsie : May pictorial ka pa mamaya. Pero sige sasabihin ko reschedule na lang next week.
Marian : May pictorial ako? Kung ganun gawin muna natin ang pictorial saka tayo mag shopping.
Mamsie : Okey lang mag reschedule. Actually naghahanap pa sila ng good location. Mas matutuwa yun kapag sinabi ko reschedule muna ang pictorial.
Marian : Baka masusulat naman at sasabihin nila unprofessional tayo. Ituloy na natin ang pictorial, Mamsie.
Mamsie : Sandali tatawagan ko kung ready na sila.
(Mamsie tinawagan ang publication ng magazine)
Mamsie : Hello, si Mamsie ito, verify ko lang kung ready na ang pictorial ni Marian para sa cover ng magazine nyo.
Publication : Mamsie, pwede po ba kami humingi ng isang araw kasi sineset up pa ang location ng pictorial ni Ms. Marian.
Mamsie : So hindi pa kayo makakapag pictorial ngayon?
Publication : Bukas na po talaga. Hindi po kinaya ng designer namin ang pag gawa ng set.
Mamsie : Okey lang. Pero hanggang bukas lang available si Marian, kasi alam nyo naman busy ang alaga ko sa taping ng teleserye nya.
Publication : Opo Mamsie, alam po namin yun. Kaya nga po minamadali na namin ang set para bukas ready na.
Mamsie : Okey maghihintay ako sa tawag mo tomorrow.
Publication : Maraming salamat po talaga for understanding. Tatawagan ko po kayo bukas.
(Mamsie binaba ang telepono)
Mamsie : O ayan bukas na daw ang pictorial mo para sa cover ng magazine nila.
Marian :Kung ganun eh di shopping galore tayo mamaya!
Scenario (Rockwell Center)
(Marian at Mamsie nagsa shopping nililibot ang mga store outlets sa loob kasama ang bodyguard)
(Marian napansin ang pasulyap sulyap na tingin ng kanyang bodyguard)
Mamsie : Anong tinignan mo dyan?
Marian : Wala naman Mamsie. Napansin ko lang yung bodyguard ko iba ang tingin sa akin.
Mamsie : Anong iba ang tingin sa iyo?
Marian : Mukhang may gusto sa akin eh.
Mamsie : Nanaman? Naku anak, wag mo nalang pansinin humahanga lang siguro sa iyo.
Marian : Hindi talaga Mamsie. Kahapon ko pa napapansin ang mga titig nya sa akin. At alam mo ba Mamsie? May nag iwan ng bulaklak sa dressing room ko kahapon.
Mamsie : Anong bulaklak?
Marian : Basta isang bouquet ng roses. Tapos ang nakalagay sa card from your secret admirer. May duda akong sa kanya galing yun.
Mamsie : Naku anak! wag mo sabihin candidate for sesante nanaman ang bagong bodyguard mo.
Marian : Eh paano Mamsie kung manligaw sa akin ang mokong na yan?
Mamsie : Wag ka mag alala kakausapin ko. Sasabihin ko bawal sya manligaw sa iyo.
Marian : Eh paano nga kung manligaw?
Mamsie : Anak, ang hirap maghanap ng bodyguard. Manong pabayaan mo manligaw sa iyo. Basta wag mo nalang pansinin.
Marian : Ayoko nga ng ganun eh. Ah basta kapag nagkamali syang manligaw sisesantehin ko sya kaagad.
GAP 1
Scenario (Training site ng mga Bodyguards)
Isang malawak na lugar na may bulubundukin at kakahuyan. A perfect place for intensive training para sa mga gustong maging bodyguard. May shooting range, may tactical simulation ng rescue para sa isang hostage taking scenario. A facility fit to train an A-list bodyguards.
(Sasakyan papalapit huminto sa harap ng camp site, Mark bumaba nakita ni Coco)
Coco : Mark! napadaan ka!
Mark : Nanggaling ako sa Crame kinuha ko ang mga lisensya ng bagong firearms natin. O kumusta naman ang training ng mga bagong recruit natin.
Coco : Going smooth ang training, Pare.
Mark : Good! May mga bagong kliyente tayo na nangangailangan sa kanila.
Coco : Siyanga pala Pare, nabalitaan mo na ba? si Pascual under investigation daw?
Mark : Pascual? Si Piolo?
Coco : Oo Pare si Piolo. Suspended daw ngayon.
Mark : Bakit? Hindi ba malakas yun sa taas? Anak sya ng General diba?
Coco : Pare, protector pala ng carnapping sindicate at sangkot din sa smuggling tantadong yun.
Mark : Alangya, kaya pala mainit ang dugo nun sa akin.
Coco : Mismo! At alam mo ba kung anong basehan nila sa imbestigasyon?
Mark : Ano?
Coco : Yung ginawa mong carnapping intelligence report. Pare, kung noon mainit lang ang dugo nun sa iyo, ngayon kukulo ang dugo ng taong yun sa iyo kaya ingat ka.
Mark : Salot sya! dapat sa kanya makulong!
Coco : Pero ang balita nilalakad daw ng tatay ang imbestigasyon.
Mark : Hindi na ako magtataka kung wala rin mangyari sa imbestigasyong yan. Wala na akong pakialam sa kanila.
Coco : O ano Pare, subukan natin ang mga bagong firearms na dala mo. Kapag tinalo mo ako, lilibre kita sa inuman.
Mark : Oo ba.
(Mark at Coco nagpakitang gilas sa isa't isa sa pag asinta ng bulls eye sa shooting range)
Scenario (Taping location ng teleserye ni Marian)
(Marian naghahanda para sa kanyang eksena, co-star lumapit)
Co-star : Mare, alam mo ba kung anong latest sa mahaderang kontrabida mo?
Marian : Ano?
Co-star : Nag rerequest ng sariling tent. Gusto rin daw nya may sariling tent dahil di makapag concentrate maiingay daw kasi ang mga kasama nya.
(Habang nag uusap sina Marian at ang kanyang co-star, ilang reporters ang lumapit sa kanila)
Reporter 1 : Hi Marian! kumusta ka na? Totoo ba ang nababalitaan namin na may namumuong tension sa pagitan mo at ni Vivian?
Reporter 2 : Nung una hindi kami naniniwala sa mga balibalita pero kinumpirma mismo ng manager ni Vivian na meron nga daw.
Marian : Ha? anong tension?
Co-star : Sinasabi ko na nga ba. Noon pa feeling ko may binabalak na di maganda sa iyo ang babaing yun.
Reporter 1 : Tinaray tarayan mo daw sya.
Marian : Tinaray tarayan ko? Ako? Sa sobrang busy namin sa taping wala akong oras para makipag tarayan.
Co-star : Oo nga at bakit naman sya tatarayan ng best friend ko?
Reporter 2 : Baka gumagawa lang ng gimik para mapag usapan.
Co-star : Korek! tama ka dyan!
Marian : Basta wala po akong alam sa sinasabi nyo. Wala akong ginagawang masama sa kahit kanino.
(Production staff tinawag si Marian upang simulan ang taping)
Production staff : Marian, ikaw na po ang kukunan ni Direk.
Marian : Maiwan ko muna kayo tinatawag na ako ni Direk.
(Marian at co-star umalis iniwan ang mga Reporters)
Scenario (Isang Bar)
(Mark at Coco nakaupo sa isang mesa nag iinuman)
Coco : Pare, bilib talaga ako sa husay mo humawak ng baril. Wala ka pa rin kupas umasinta ng bulls-eye. Kailan kaya ako mananalo sa iyo. Lagi na lang ako taya sa inuman natin.
Mark : Tsamba lang yun, Pare.
Coco : Kung lagi ka tumatsamba eh lagi rin ako talo sa iyo.
Mark : Hahaha! practice makes perfect, Pare.
(Habang nag uusap sila Mark at Coco nabaling ang atensyon nila sa palabas sa tv)
Coco : Pare, tingnan mo sa news, totohanan na yata ang imbestigasyon kay Pascual.
(Mark napalingon sa likuran nakinig ng news sa tv)
Mark : Dapat matagal na nila ginawa yan.
Coco : Oo nga, Pare. Daming madadamay sa ginawa mong report noon.
Mark : Pasensyahan, trabaho lang walang personalan.
Coco : Dyan ako bilib sa prinsipyo mo, Pare. Kahanga hanga ka! Pero dahil riyan kaliwa't kanan ang kalaban mo.
(Mark seryosong nanonood ng news sa tv)
GAP 2
Scenario (Bahay ni Marian)
(Kotse papasok sa gate ng bahay ni Marian, nagpark sa harap ng bahay, Mamsie bumaba ng kotse)
(Mamsie nasa pintuan pa lang already raising his voice waving what appears to be a tabloid in his right hand)
Mamsie : Nasaan si Marian?
Katulong : Nasa kwarto pa po nya natutulog.
(Mamsie dali daling pintuntahan si Marian sa kwarto hindi na kumatok biglang pumasok)
Mamsie : Anak! gumising ka! dali!
Marian : Mamsie? anong ginagawa nyo rito?
Mamsie : Tumayo ka muna dyan. Dali buksan mo ang tv.
Marian : Bakit po ba? anong meron?
Mamsie : Basta buksan mo ang tv madali ka!
Marian : O ayan bukas na.
Mamsie : Ilipat mo sa channel 5.
Marian : Bakit po ba ano ba ang meron dun?
Mamsie : Ayan panoorin mo ang interview sa bruhildang Vivian!
(Marian at Mamsie pinanood ang interview ni Vivian sa isang tv station)
(Marian napapailing habang pinapanood ang interview kay Vivian)
Mamsie : Nakaka high blood talaga ang mga taong naiinggit sa iyo! Sobra na talaga sila!
Marian : Mamsie, hayaan nyo na sila magsalita ng magsalita. Gusto lang gumanti dahil hindi napagbigyan ang request nya magkaroon ng sariling tent sa set. Kaya binubuntong ang galit sa akin.
Mamsie : Pero bakit sa iyo ibinubuntong ang galit? Wala ka naman kinalaman kung nagbibigay ng special treatment ang Production sa iyo. Hindi mo naman kasalan kung hindi sila napagbibigay sa mga request nila.
Marian : Wag nyo na kasi pansinin ang mga intriga, Mamsie. At saka hindi ka pa ba nasasanay sa lahat ng nega write up sa akin?
Mamsie : Hay naku, mabuti nalang malapit na matapos ang teleserye nyo. Sa susunod hinding hindi tayo tatanggap ng project na kasama ang bruhildang yan.
Marian : Patayin nyo na nga yang tv. Gusto ko pa matulog.
(Marian bumalik sa kama at natulog uli)
Scenario (Location shoot ng magazine pictorial ni Marian)
(Marian at Mamsie dumating sa location ng photo shoot para sa cover ng magazine)
(Marian naunang pumasok sa make-up room, Mamsie nakikipag usap sa magazine editor)
(Marian umupo kaharap ang malaking salamin sinimulan ng ayusan ng make-up artist)
(Ilang minuto isang babae dumating biglang naupo sa tabi ni Marian inutusan ang make-up artists na unahin sya)
Babae : Paki una nga sa akin kasi nagmamadali ako may shooting pa ako.
Make-up Artist : Hindi po ako ang make-up artist nyo.
Babae : Anong hindi? Photo shoot ito para sa magazine hindi ba?
Make-up Artist : Opo pero kinuha po akong make-up artist para lang po kay Ms. Marian.
Babae : Ano? Nasaan na ba ang in-charge ng photo shoot na ito?
(Marian nagulat sa babaing bigla na lang pumasok sa make-up room)
Marian : Ate, sino po ba yun?
Make-up Artist : Ang alam ko isang starlet sa kalaban nyong istasyon.
Marian : Bakit ganun sya kung maka asta?
Make-up Artist : Ganun talaga ang ugali ng iba. Hindi pa man sumisikat sobrang bigat na ng ulo sa laki.
(Marian natawa sa narinig na sinabi ng make-up artist)
(Mamsie pumasok sa kinaroroonan ni Marian)
Mamsie : Anak, eto ang mga wardrobe na gagamitin mo sa photo shoot. Mga designer clothes ang mga yan. Pinagawa talaga nila para sa shoot lang na ito. At take note, ibibigay nila sa iyo pagkatapos ng shoot.
Marian : Mamsie, may isang babae pumasok dito may photo shoot din daw sya. May kasama ba ako sa cover ng magazine?
Mamsie : Babae? sinong babae? Ah siguro yung bagong discovery ng channel 2. Siya ang back cover ng magazine at dalawang shots lang ang kukunan sa kanya. Pero ikaw pwera sa cover may ginawa silang articles at may kasamang picture album pa. Kaya nga ang dami mong wardrobe changes. Sige na maghanda ka na.
Marian : Opo Mamsie.
(Marian at ang make-up artist nagkatinginan at nagkatawanan)
Scenario (Office ng Bodyguard Company nina Mark at Coco)
(Mark at Coco naglalakad sa hallway papunta sa kanilang opisina nakasalubong dating kaibigang Police)
Mark : Gutierrez?
Gutierrez : Pare, long time no see!
Coco : Naligaw ka yata dito.
Gutierrez : Pwede ba tayo mag usap?
(Mark at Coco pumasok sa opisina sumunod ang kaibigang Police)
Mark : Anong kailangan mo?
Gutierrez : Pare, nabalitaan nyo na ba?
Coco : Tungkol kay Pascual?
Gutierrez : Kailangan namin ang tulong mo, Mark. We want to pin him down this time.
Mark : Nabigay ko na ang lahat ng nalalaman ko tungkol sa operation ng sindikato. Wala na akong maidadagdag pa sa na submit ko na naunang report.
Gutierrez : Yun na nga, Mark. Kaya kailangan ka namin para tumestigo sa kaso.
Coco : Malakas ang kalaban, Mark. Wag ka pumayag.
Mark : Tulad ng dati Pare, walang patutunguhan ang imbestigasyon kay Pascual hangga't naka upo sa itaas ang tatay nun.
Gutierrez : Not this time, Mark. Mas malakas ang ebidensyang hawak namin. Kailangan ka namin Mark para patunayan ang lahat ng akusasyon kay Pascual.
Mark : Tahimik na ang buhay ko, Pare. Ayoko na makisawsaw pa sa gulo nyo.
Coco : Bakit ngayon gusto nyo maging witness si Mark? Dati wala namang naniniwala sa amin eh.
Gutierrez : Hindi kita pipilitin, Mark. But incase you change your mind you know where to contact us.
Mark : Oo Pare.
Gutierrez : Okey i have to go.
(Gutierrez kinamayan si Mark bago umalis)
GAP 3
Scenario (Network Execuive Office)
(Mamsie papasok sa opisina ng Network Executive)
Executive : Mamsie! halika maupo ka. I want to discuss with you ang bagong project ni Marian.
Mamsie : Madam, may 2 weeks taping day pa po si Marian sa kanyang kasalukuyang teleserye.
Executive : Its okey. Hindi naman mabigat ang schedule ng taping nitong bagong project nya eh.
Mamsie : Pero Madam nag request po si Marian ng tatlong buwang bakasyon.
Executive : Ipinaalam ko na sa Management ang request ni Marian. Kaya lang masyadong matagal ang tatlong buwan hindi pumayag ang Management sa request nyo. Ang pwede lang daw nilang maibigay ay maximum na one month vacation. The Network cannot afford to let her away that long kasi kailangan natin imaintain ang pagiging number one ng ating Network sa ratings.
Mamsie : Madam, talagang hindi na nakapagapahinga ang alaga ko dahil sa sunod sunod na trabaho.
Madam : I'm so sorry Mamsie. Hindi ako ang nagdesisyon nito. Management decision ito kaya wala tayong magagawa kundi sumunod.
Mamsie : Nakapangako po kasi kay Marian na pagkatapos ng ginagawa nyang teleserye ngayon, hindi muna kami tatanggap ng project.
Madam : Hindi natin maari suwayin ang utos ng Management.
Mamsie : Alam ko po yun. Sige po sasabihin ko kay Marian ang napag usapan natin ngayon. Tutuloy na po ako Madam.
Madam : Okey sige. Bukas may meeting tayo tungkol sa bagong show kaya kailangan nandito si Marian kasama mo.
Mamsie : Opo Madam.
(Mamsie tumayo naglakad palabas ng opisina ng Network Executive)
Scenario (Bahay ni Marian)
(Sa labas pa lang ng bahay naririnig na ang pagtatalo nina Marian at ng kanyang manager)
Marian : Mamsie, nangako ka sa akin na hindi ka muna tatanggap ng bagong project.
Mamsie : Alam ko anak ipina alam ko naman kay Madam ang request mo eh. Kaya lang hindi daw pumayag ang Management ng tatlong buwan na bakasyon. Isang buwan lang talaga ang maibibigay nila sa iyo.
Marian : Marami namang artista dyan eh. Pag iinitan nanaman ako ng iba kasi malakas daw ako sa Management. Hindi pa nga natatapos ang ginagawa kong teleserye may bago nanaman akong project.
Mamsie : Ano ba naman ang magagawa natin eh sabi ni Madam ikaw nga lang daw ang inaasahan nilang mag maintain ng pagiging number one ng Network sa ratings.
Marian : Nakakainis nga Mamsie kasi lagi akong pinaparinggan, kung hindi lang daw ako malakas sa Network hindi daw mapupunta sa akin ang mga malalaking projects.
Mamsie : Hay naku anak, kapag pinakinggan mo lahat ng intriga sa iyo, maloloka tayong dalawa. Kasama na sa pagsikat mo ang inggit at selos.
Marian : Marami akong naririnig na kesyo malakas nga daw ako sa Management kaya lagi akong may project.
Mamsie : Kasalanan mo ba yun kung malaki ang tiwala ng Network sa iyo. Wag na nga lang natin isipin ang mga naiinggit sa iyo. Dapat ang gawin nila magsumikap rin sila para maabot nila ang inabot mo. Hindi yung pumapapel para pabagsakin ka.
Marian : Gustong gusto ko pa naman magbakasyon. May mga plano na nga ako eh. Gusto ko pumunta ng Enchanted Kingdom, gusto ko manood ng sine, gusto pumunta ng mall. Gusto ko nga rin pumunta ng ibang bansa. Paano ko naman gagawin lahat ng yan sa isang buwang bakasyon?
Mamsie : Alam mo naman kung pwede ko lang ibibigay sa iyo ang lahat ng yan, ibibigay ko diba? Anak, wala talaga tayong magagawa. Management decision at saka wag mo nga problemahin kung ano ang iisipin ng ibang tao, inggit lang sila sa iyo
(Mamsie niyakap ng mahigpit si Marian)
Scenario (Network Building)
(Marian at Mamsie naglalakad papasok sa lobby ng Network)
(Mark naglalakad palabas ng building ng Network)
(Reporters nakita nilapitan si Marian)
(Mark dumaan sa likuran ni Marian habang kausap ng mga reporters)
(Mark napalingon kaya Marian)
To be continued ...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment