Part 1 of an adaptation of the movie "Only You" with Robert Downey Jr and Marisa Tomei by jabbaandkabafan. Originally posted by on Nov 8, 2010 at MAF's PEX thread. We hope she will post a part 2 one day :)
Noong bata pa si Sabel mga 15 taong gulang siya noon.
Niyakag siya ng kanyang Ate Lucia na maglamyerda sa perya.
Napagkatuwaan nilang magkapatid na magpahula. Pumasok sila sa
isang tent, at mayroon
ngang ale na may malaking bolang kristal at mga baraha ng tarot.
Alam ni Sabel kung ano ang kanyang itatanong dahil ang kayang ate ay puro pag aasawa ang nasa isip.
Ito ang kanyang tanong: “Puwede po bang malaman kung
matatagpuan ko ang aking soulmate?”
Natawa ang kanyang ate, dahil napakabata pa ni Sabel para malaman ang salitang 'soulmate' at ang ibig sabihin nito.
Ngunit nabigla siya sa sinabi ng manghuhula.
Manghuhula: Sabel, maswerte ka ngayong araw na ito dahil gustong
sabihin ng bolang kristal sayo ang pangalan ng iyong makaka isang
dibdib. Siya ang iyong soulmate.
At nalaman nga nila na ang pangalan ng soulmate ni Sabel ay ----------------
Renato Calubaquib.
Mabilis na nagpalit ang mga taon,. dalaga na si Sabel, isa na
siyang guro. pero hindi pa rin niya malimutan ang sinabi ng
manghuhula. "Kailangan kong mahanap si Renato Calubaquib" kahit
saan man siya, hahanapin ko siya!” pangako ni Sabel sa kanyang
sarili.
Ilang araw ang nakalipas sa isang piyesta nanonood sila ng
Binibining Gay ng Barrio Batute.
May ina announce ang host:
"Marami pong salamat sa ating generous sponsor na si Mr. Renato
Calubaquib. Kung hindi dahil sa Iyong malaking donasyon ay hindi
matutuloy ang proyektong ito. Napabalikwas sa kinauupuan si
Sabel sa pagkadinig niya ng pangalang “Renato Calubaquib”
Dali daling tumakbo at halos tumalon sa stage ang dalaga, para
itanong sa host kung nasaan si Mr. Renato Calubaquib.
"Asan siya, saan siya nakatira? Guapo ba siya? Anong trabaho
niya? Saan ko siya makikita? May facebook ba siya? May asawa
na ba siya?
Anoo"? Ang mala armalite na pag usisa ni Sabel sa host. Ngunit
ang nasabi lang ng host ay isang nakatutulig na
"Hindi ko alam!"
Pero may alam ang host na maaring maging clue kung nasaan ang
mahiwagang sponsor na ito. Ang tseke ay nanggaling sa isang
negosyante na nagtratrabaho sa Cebu.
Dali daling, nag balot balot si Sabel papuntang Cebu. " Eto na ang
matagal ko nang hinihintay, ang makilala ang aking soulmate",
hinihingal niyang sabi habang nagbabalot ng damit! "Renato
Calubaquib hahanapin kita kahit saang lupalop ng mundo"!
Isinilid
ni Sabel ang kanyang damit pangkasal sa maleta. Damit
Pangkasal! Nagulantang si Sabel, ng makita niya ang kanyang
damit pangkasal. Nakalimutan niya na ikakasal na siya sa isang buwan, sa isang anak
ng hacindero. Kay Rocky, mula sa mayamang angkan ng Barrio
Batute.
"Oh nooo, time out muna sa pang guilt trip, aking kunsensiya"
saway ni Sabel sa bahagi ng kanyang utak na pumipigil sa kanyang
kahibangan.
"Its now or never", "Baka magsisi ako kung kasal na ako kay Rocky
at bigla kong makilala si Renato Calubaquib." kumbinsi pa niya sa
kanyang sarili.
Di nagtagal karay karay niya ang kanyang Ate Lucia na litong lito sa
mga nangyayari. Sasakay sila ng bus na magdadala sa kanila sa
Pier. Pupunta sila sa Cebu.
SA CEBU
Nahihilo na si Sabel at ang kanyang Ate Lucia sa init ng sikat ng araw. Hindi pa sila kumakain
Kalahating lata lang ng ‘Skyflakes” ang kanilang baon sa kanilang pakikipagsapalaran sa Cebu.
“Ate, gamitin na kasi natin ang credit card mo” pilit ni Sabel “Sa magagarang resort siguro tumatambay
ang mga mayamang negosyante gaya ni Renato…..
“Timang! Tumigil ka na sa kahibangan mo” saway
ng kanyang ate Lucia.
“Sumama lang ako dito, para siguraduhing di kita mababalitaang nakidnap ng
ativan gang at ginawang chop chop lady!”
“Ate, narinig mo naman ang manghuhula” pagkalma sa
kanya ni Sabel “ at saka ang laking coincidence naman noon na yun ang pangalan ni Mr. Soulmate ko
at yung pangalan noong sponsor sa Binibing Gay sa piesta ay parehong pareho.
“Luka luka ka
lang talaga” pasigaw na angil ng kanyang ate Lucia “Pag hindi natin nakita dito ang pesteng
Renato Calubaquib nay an, pangako mo kakalimutan mo na ang sinabi sayo ng manghuhula”
“Ate naman” ani Sabel punta na lang tayo doon sa resort magtanong tanong tayo doon”
Gabi na ng napagpasyahan ng mag ate na itigil muna ang paghahanap dahil patang pata na ang
kanilang katawan. Naiiyak na rin sa pagod si Sabel. Napansin ito ng kanyang kapatid “ O ano suko ka
na? Tawagan na natin si Rocky, sunduin tayo dito? "
“Ate!” , naiiyak na sabi ni Sabel “ eh kung
manawagan kaya tayo, sa mga radio station, o kaya gawa na tayong website sabihin natin andito ako”
“Isa kang baliw, baliw!” pinutol siya ng kanyang ate “imahinasyon mo lang ang Renato Calubaquib na yan, wala nga siyang facebook, imbento lang yan ng manghuhula na iyan! At aaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyy
ang kapatid ko!!!”
Nahimatay na sa gutom, pagaalala at pagod si Sabel. Natumba siya una ang mukha, sa isang salansan
ng mga paninda ng prutas sa sidewalk. “Tulong!” Tuuu—“
Di pa natapos ang pagsigaw ni Ate Lucia
ay may isang makisig na lalaki ang tumakbo at tinulungan si Sabel. Dali daling kinarga ng lalaki ang nahimatay na si Sabel.
Pinagmasdan ng lalaki ang mukha ni Sabel. Maputla at mukhang pagod ang dalaga, ngunit hindi
nakaligtas sa lalake ang kagandahan nito. “Ay salamat po, mamang guapo!” “Paki upo na lang po
dito ang kapatid ko” natatarantang tinuro ni Ate Lucia ang isang bakanteng bangko.
Hinaplos ng lalake
ang mukha ni Sabel “Wala naman po siyang sakit?” tanong ng lalaki.
“Wala naman mamang ubod ng
guapo, napagod lang ang kapatid ko kakahanap ng isang taong di pa namin nakikita sa tanang buhay
namin, Sabi kasi ng manghuhula siya ang soulmate ng kapatid ko” tuloy tuloy na kwento ni Ate Lucia
Unti unting nagkamalay si Sabel, “ayan nagigising na ang lukaret kong kapatid” ani Ate Lucia. “Magpasalamat ka sa mama Sabel, tinulungan ka niya nang nahimatay ka sa gilid ng kalsada."
Natigilan ang lalaki ng makita ang mga mata ni Sabel, Hindi niya maintindihan ang kanyang
nararamdaman. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Gusto niyang makilala kung sino ang dalagang
ito, kung bakit niya hinahanap ang isang lalaking di naman niya kilala.
“Mama salamat po, may
hahanapin pa kami ng ate ko” turan ni Sabel, na nooy nagtataka dahil hindi mapuknat ang tingin ng
lalaki sa kanya.
"Hahanapin? Sino? Ang pesteng RENATO CALUBAQUIB nanaman! Ang multo ng imahinasyon mo?
Di ka ba nagsasawa sa kakahanap sa RENATO CALUBAQUIB na yan.” Malakas na sermon ng
Kanyang Ate Lucia. “ Ako nga pala si Sabel, Mr. Salamat ulit”.
Nagumpisa ng naglakad papalayo si
Sabel. Ang lalaki ay mabilis na nag isip, ayaw niyang mapahamak ang dalaga sa lansangan. Baka kung ano ang mangyari sa magandang dalagang ito na nagpakaba sa kanyang dibdib at nagpalakas ng tibok
ng kanyang puso.
“Sandali” tawag ng lalaki “Sino ulit ang hinahanap nyo?”
Lumingon si Sabel, pagod niyang sinagot ang tanong ng lalaki.
“Si Mr. Renato Calubaquib po”
Lumapit ang lalaki sa magkapatid, alam niyang malaking kahangalan ang kanyang gagawin, pero yun
lang ang paraan na alam niya, para di mawala sa kanyang paningin ang babaing ito.
“Ako si Renato….. Calubaquib”
Tumigil ang mundo ni Sabel, napahawak siya sa kapatid niya habang nakatitig siya sa maamong mukha
ng lalaki. Nangungusap ang mga mata nito na nagpahina sa kanyang mga tuhod.
Ang mahahaba nitong pilikmata ang huli niyang nakita ng tuluyan nanaman siyang mahimatay, at sa
pagkakataong ito, nasalo na siya ng lalaki sa kanyang matitipunong mga bisig.
Itutuloy....
These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Sunday, January 9, 2011
Jabbaandkabafan's Adaptation of movie "Only You"
Labels:
Mark Anthony Fernandez,
Only You,
short stories,
tagalog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment