These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Monday, January 10, 2011
Happy Together - Episode 1: The Price of Fame
PROLOGUE
Isang mala palasyong bahay na may magarang garden sa isang exclusive subdivision. Higit sa apat na mamahaling sasakyan naka park sa garahe. Pagpasok, makikita ang malawak na sala at hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Sa bawat sulok mga mamahaling kasangkapan ang naka display tila hindi pa nagagamit dahil mukhang bagong bago pa rin.
Episode 1 - The Price of Fame
Scenario (Kwarto ng bahay)
(Alarm clock tumunog babaing nakadapa biglang bumangon, ang babae si Marian)
(Marian inabot ang alarm clock kinuha at inihagis sa sahid nabasag)
(Marian naka pikit ang mga mata inis na inis)
Marian : Ano ba? Sino ba nag set ng alarm clock dito sa kwarto ko?
(Pinto biglang bumukas manager ni Marian pumasok)
Mamsie : Anak, binasag mo naman itong alarm clock. Tumayo ka na dyan!
Marian : Mamsie? Ikaw ba ang nag set ng alarm dito sa kwarto ko? Anong ginagawa mo dito?
Mamsie : Hindi ako ang nag set ng alarm clock na yan. Pero inutusan ko ang yaya mo na gawin yun.
Marian : (Nagdadabog) Mamsie, alam nyo ba? kaka tulog ko lang? Bakit nyo naman pina set ang alarm ng ganitong oras?
Mamsie : Dahil kailangan gumising ka ng ganitong oras, anak!
Marian : Isang oras pa lang ako nakatulog eh. Umaga na nag pack up ang taping ko kanina.
Mamsie : Alam ko, pero pasensya ka na, anak. May guesting ka kasi ngayon. Ikaw ang special guest sa anniversary presentation ng Party Pilipinas.
Marian : Hindi ba pwede cancel mo na lang muna, Mamsie?
Mamsie : Matagal ka na nila gusto maging guest sa show na yun kaya hindi pwede icancel ang guesting mo. Sige na tumayo ka na dyan at mag shower. Baka ma late pa tayo sa show.
Marian : (Itinaas ang kamay) Mamsie! 5 minutes! 5 minutes lang, pleaseee?
Mamsie : Mahuhuli na tayo eh. Magshower ka na tapos on the way ka na matulog ulit sa van habang mini make up ka ng make up artist mo.
Marian : Mamsie, pagod na pagod na ako.
Mamsie : Promise ko sa iyo, anak, after ng teleserye mo. Di muna tayo tatanggap ng anumang project para sa iyo. Magpapahinga ka ng matagal.
Marian : Talaga Mamsie? Promise mo yan ha?
Mamsie : Oo promise. Magbabakasyon ka kahit saan mo gusto.
(Marian tuwang tuwa sa sinabi ng manager dali daling nagshower)
Samantala ...
Isang condominium unit sa 7th floor. Katamtaman lang ang laki para sa isang bachelor's pad. Simple, malinis at well arranged ang furnitures. Halatang masinop at maayos ang nakatira.
Scenario (Taong naliligo sa shower room, si Mark)
(Habang nakatapat bumabagsak ang tubig ng shower sa mukha ni Mark)
Flashback
Scenario (Habulan ng mga sasakyan sa flyover)
(Mark at Coco sakay ng kotse tinutugis ang mga hinihinalang carnappers)
Mark : Pare, asintahin mo ang gulong ng kotse nila.
Coco : Bilisan mo ilapit mo ng konti.
Mark : O ayan ! barilin mo na!
(Coco binaril tinamaan ang gulong ng mga hinihinalang carnappers pumutok)
(Kotse na kinarnap bumangga sa bangketa)
(Nagkaputukan sa pagitan nina Mark, Coco at mga carnappers)
(Dumating ang mga kasamang Police nina Mark at Coco muling nagka barilan)
(Biglang tumigil ang makabilang kampo)
Mark : (Sumisigaw) Hold your fire! Hold your fire!
(Mark dahan dahan nilapitan ang sasakyan ng mga hinihinalang carnappers tumambag sa harapan ang mga taong tadtad ng bala patay nasa loob ng sasakyan)
(Mga kasamahan ni Mark lumapit para lagyan ng yellow line ang paligid ng lugar)
Scenario (Police Station)
(Mark at Coco naglalakad papunta sa opisina ng kanilang Hepe)
Coco : Pare, bakit ka pinapatawag?
Mark : Hindi ko rin alam, pare.
(Mark at Coco pumasok sa kwarto ng Hepe)
Mark : Good morning, sir! Pinapatawag nyo raw po ako.
Hepe : Mark! umupo ka. Ah Martin lumabas ka muna.
Coco: Opo sir.
(Coco sumenyas kay Mark umalis)
Hepe : Mark, may grupo ng human rights nagrereklamo sa paraan ng pagtimbog ninyo kahapon sa mga hinihinalang carnappers. Magsasampa daw sila ng kaso laban sa iyo.
Mark : Bakit sir? Ano ba ang mali sa ginawa namin? Sila ang unang nagpaputok kaya gumanti lang kami.
Hepe : I'm sorry Mark. May recommendation galing sa itaas.
Mark : Ano po ang ibig nyong sabihin? Anong recommendation?
Hepe : Pangatlong beses na itong reklamo sa iyo, Mark.
Mark : Huwag nyo nang ituloy, sir. Alam ko naman noon pa may taong gusto akong matanggal sa serbisyo. Pagbibigyan ko kung sino man sila. Mag reresign na ako.
Hepe : Mark!
Mark : Naiintidihan ko kayo, sir.
(Mark lumabas ng kwarto, Coco lumapit)
Coco : Pare, ano daw bakit ka ipinatawag ni Hepe.
Mark : Pareho pa rin ng dati. Mali daw ang ginawa nating operation.
Coco : Ano? mali nanaman? Ano ba ang dapat nating gawin sila ang unang nagpaputok.
Mark : Wala na akong pakialam sa kanila. Basta nag resign na ako.
Coco : Ha! nag resign ka?
(Mark hindi kumibo inis na naglakad palabas ng Police Station)
Coco : Mark! sandali.
Scenario (Isang Bar)
(Mark mag isang naka upo sa may bar, Coco lumapit)
Coco : Pare, seryoso ka ba? Mag reresign ka na?
Mark : Oo pare. Matagal ko na nga dapat ginawa yun. Kaya lang akala ko pwede ko pa mapatino ang departamento natin. Pero hindi eh. Palala pa ng palala ang nangyayari.
Coco : Pag isipan mo muna bago mo gawin, pare. Sayang naman ang ilang taon nating pinaghirapan. Tapos mag gigive up ka lang. Diba sabi mo noon, to die for ang tungkulin mo?
Mark : Noon yun pare. Pero hindi na ngayon.
Coco : Kasi naman eh paano hindi ka pag iinitan ng mga superiors natin, lagi ka may award. Inggit lang sila sa iyo dahil sikat ka.
Mark : Kaya nga para walang gulo. Aalis na lang ako.
Coco : Kung talagang mag reresign ka na. Sasama ako sa iyo. Mag reresign na rin ako.
Mark : Wag mo gawin yan, Pare. Ako lang naman ang puntirya ng mga taong nasa itaas.
Coco : Ikaw ang best buddy ko. Kaya kung saan ka, doon rin ako. So, anong balak mo?
Mark : Naiisip ko magtayo ng Bodyguard Company.
Flash Forward
(Mark palabas ng shower room naka tapis ng tuwalya)
(Mark nagbihis nagmamadaling lumabas ng condo pumasok ng elevator lumabas ng building sumakay ng kotse papuntang opisina)
GAP 1
Scenario (Sa loob ng sasakyan ni Marian)
Mamsie : Anak, eto nga pala yung lyrics ng kakantahin mo sa show.
Marian : Mamsie, hindi ko na kailangan yan. Diyos ko bawat guesting ko yan lagi ang kinakanta ko.
Mamsie : O manang, okey na ba ang make-up ni Marian.
Make-up artist : Opo.
(Sasakyan nina Marian papasok ng tv network mga fans nag aabangan nagtitilian)
Mamsie : Anak, tingnan mo ang daming fans ang naghihitay sa iyo.
Marian : Oo nga Mamsie.
Mamsie : Masayang masaya ako natupad na ang pangarap natin na maging successful ang career mo. Ang tagal ng hinintay natin para maabot itong estado mo ngayon.
Marian : O ayan, naiiyak ka nanaman. Pati ako naiiyak na rin.
Mamsie : (Naiiyak) Hindi ko talaga mapigilan maluha kapag nakikita kung gaano ka kamahal ng mga fans mo.
Marian : Ako man Mamsie, kahit sa panaginip hindi ko akalain maabot natin ang tagumpay na ito. Hinding hindi ko makakalimutan ang paghihirap natin bago maabot ang tagumpay.
Mamsie : Kaya anak, wag kang susuko kahit anong intriga ang gawin ng mga kalaban mo. Huwag mo na lang sila pansinin. Ang Diyos na ang bahala sa kanila.
Marian : Yun na nga ang ginagawa ko, Mamsie.
(Marian yumakap ng mahigpit sa kanyang manager)
(Fans ni Marian nagpupumiglas sa mga security para makalapit)
Mamsie : Tama na nga yan! Magkaka iyakan nanaman tayo, masisira ang make-up mo. Naku! paano ito mahihirapan tayong bumaba. Sana hindi muna natin sinesante ang huling bodyguard mo. Ikaw naman kasi dine deadma mo nalang kasi ang mga bodyguards na nangliligaw sa iyo. Ngayon tingnan mo hirap tayo mag control ng crowd.
Marian : Mamsie, alam nyo naman pinaka ayoko sa bodyguard ang nanliligaw.
Mamsie : Mabuti sana kung madali lang humanap ng kapalit. Sandali nga bababa muna ako para humingi ng additional security.
(Mamsie bumababa ng sasakyan nagtilian ang mga fans)
(Mamsie pumasok sa studio nag request ng dagdag na security para kay Marian)
Production 1 : Mamsie! nandyan na po ba si Marian?
Mamsie : Oo pero ang daming fans sa labas. Pwede ba kami humingi ng dagdag security guards para mag control ng mga fans?
Production 2 : Bakit po Mansie? Wala po bang bodyguard si Marian?
Mamsie : Meron pero sinesante nya kahapon.
Production 2 : Ah ganun po ba? O sige tatawag ako ng additional security guards.
(Mamsie at limang security guards inalalayan si Marian habang pababa ng sasakyan)
(Mga tagahanga ni Marian di magkamayaw nagtitilian pagkakita sa kanya)
(Marian at mga security patakbong pumasok sa studio ng tv network)
Scenario (Sa loob ng Studio)
(Production staff tarantang taranta sa pagdating ni Marian)
Production staff 1 : Nandyan na si Marian! Dali! isalang na kaagad sya.
(Marian nirere touch ang make up)
Production staff 2 : Ready na!
Scenario (Party Pilipinas)
Host 1 : Ladies and Gentlemen! narito na ang pinaka hihintay nating special guest!
(Mga fans nagsisigawan, humahaba ang mga leeg nakatingin sa kinaroroonan ng stage naghihintay lumabas si Marian)
Host 2 : Matagal na natin sya gustong makasama dito sa Party Pilipinas!
Host 1 : Ready na ba kayo?!
(Sumagot ng sabay sabay ang mga audience ng READY!!)
Host 2 : Kung ready na kayo! narito na sya! Ang pinaka maganda, pinaka sikat, pinaka seksi, walang iba kundi si Marian Rivera!!
(Hindi magkarinigan sa lakas ng tili at palakpakan ang mga fans paglabas ni Marian)
(Mga fans lumuluha nakatingin habang kumakanta si Marian)
(Marian natapos ang pagkanta bumalik sa backstage)
Production 1 : Marian, salamat sa pagpayag mo mag guest sa Party Pilipinas. Kahit alam namin mahirap para sa iyo gumising ng maaga. Alam mo ba? ngayon lang nagkaroon ng maraming audience dito sa studio. Marami pa ang hindi nakapasok.
Marian : Maraming salamat rin.
Mamsie : Naku! paano tayo makakalabas nyan. Kailangan na namin umalis kasi may pictorial pa sya para sa magazine cover.
Production 1 : Wala po bang bodyguard si Marian?
Mamsie : Meron pero sinesante nga nya kahapon eh. Naghahanap nga kami ng kapalit ngayon.
Production 1 : Meron po akong alam na Bodyguard Company. Eto ang calling card. Sila po ang nagbibigay ng bodyguards sa mga boss namin dito. Magagaling po ang mga bodyguards nila.
Mamsie : Maraming salamat. Pero ang problema namin ngayon kung paano kami lalabas.
Production 1 : Ganito na lang po. Para makaiwas kayo sa mga fans, doon kayo dumaan sa basement. Pasasabihan ko ang driver nyo na pumunta ng basement at doon kayo maghihintay.
Mamsie : Maraming salamat talaga.
Marian : Thank you po.
Production 2 : Kami nga dapat ang magpasalamat sa iyo sa pagpayag mag guest sa anniversary show namin. Sige doon na kayo dumaan.
(Marian at Mamsie kasama ang utility ng production naglakad papuntang basement)
GAP 2
Scenario (Photo shoot para sa magazine)
(Marian nakaupo sa harap ng dressing table inaayusan ng buhok at nilalagyan ng make up ang mukha para sa photo shoot)
Marian : Mamsie, pagkatapos nito may gagawin pa ba ako?
Mamsie : Isang photo shoot pa para sa isang glossy magazine. Bakit?
Marian : Gusto ko sana manood tayo ng movie. Kahit mamayang last full show na.
Mamsie : Naku! anak baka matatagalan tayo dito at doon sa isa pang photo shoot. Alam mo naman para sa cover ng glossy magazine ito. Mabusisi yung photographer kaya hindi na natin maabutan ang last full show sa sinehan.
Marian : Ang tagal ko na hindi nakaka pasok ng sinehan at manood ng pelikula.
Mamsie : Ano ba ang gusto mong panoorin, ibibili na lang kita ng DVD.
Marian : Ayoko ng DVD. Gusto sa sinehan manood.
Mamsie : Bakit ba gusto mo sa sinehan eh mas maganda pa ang home theater mo sa bahay.
Marian : Mamsie, iba talaga kung sa sinehan ka manonood ng sine. Ang dami ko na ngang hindi nagagawa na dati kong ginagawa.
Mamsie : Anak, alam mo naman sikat na sikat ka na. Hindi ka lang basta pwede pumunta ng mall o kahit saang lugar na hindi ka dudumugin ng tao. Siguradong kapag nakita ka nila, naku! mahihirapan tayo sa crowd control.
Marian : Pwede naman ako mag disguise di ba?
Mamsie : Ay naku anak, don't insist on it dahil hindi talaga pupwede. Sa bahay ka na lang manood.
Make-up artist : Tapos na po ma'am.
Mamsie : O ayan, sige na.
(Photographer nagsimula na ng photo shoot ni Marian)
(Mamsie pinapanood ang photo shoot ni Marian, nag ring ang celfone)
Mamsie : Hello?
Agency : Hello, si Sir Popoy po ba ito?
Mamsie : Yes speaking.
Agency : Sa Galvante Ad Agency po ito. Pwede po ba mag appointment meeting kami sa inyo? May beverage company po kasi gustong kunin si Marian para sa tv commercial. Pwede po ba kayo tomorrow afternoon?
Mamsie : Fully booked ang schedule ni Marian this week eh. I'll call you next week baka may available time sya para sa meeting na hinihingi nyo.
Agency : Ah ganun po ba? O sige mahihintay kami sa call nyo next week.
Mamsie : Sige.
Agency : Thank you po. Bye!
Mamsie : Bye!
(Marian nag break muna sa photo shoot lumapit kay Mamsie)
Marian : Mamsie, sino yung kausap mo?
Mamsie : Ah isang Ad Agency. Nakikipag appoinment sa atin kasi gusto ka nila kunin para sa tv commercial ng isang beverage drink. Sabi ko baka next week nalang tayo magbigay ng schedule kasi fully booked ka na ngayong week.
Marian : Mamsie, wag mo kalilimutan ang promise mo ha?
Mamsie : Oo hindi ko kakalimutan ang promise ko sa iyong bakasyon.
Marian : Yehhey! thank you Mamsie!
(Marian bumalik sa photo shoot, Mamsie pinagmamasadan ang alaga nagbibigay ng suggestion paano mag post)
Scenario (Mark bumaba ng kotse naglakad papasok ng opisina)
Secretary : Good afternoon sir.
Mark : Good afternoon.
Secretary : Coffee, sir?
Mark : Yes, please.
(Mark pumasok sa kanyang opisina nakita si Coco)
Mark : Pare, nagpadala ka na ng bodyguard kay Mr. Dennis Trillo?
Coco : Oo pare. Okey na.
Mark : Good!
Coco : Siyanga pala pare, medyo kulang na tayo ng tauhan. Kailangan na natin mag conduct ng training.
Mark : O sige ikaw na ang bahala mag train ng mga baguhan.
Coco : Okey! Lalabas muna ako aasikasuhin ko ang pinapagawa mo sa akin.
Mark : Magkita tayo mamaya after five.
(Coco tumango sa sinabi ni Mark umalis)
(Telephone nag ring sinagot ng secretary ni Mark)
Secretary : Fernandez Bodyguard Company, good afternoon.
(Manager ni Marian sa kabilang linya)
Mamsie : Good afternoon, dito ba ang Fernandez Bodyguard Company?
Secretary : Dito nga po. Sino po sila?
Mamsie : Pwede ba makausap ang manager nyo?
Secretary : Opo sandali lang po connect ko kayo sa kanya.
Mamsie : Salamat.
Secretary : You're welcome po.
(Secretary tumawag sa intercom)
Secretary : Sir, may tawag kayo sa telephone line.
Mark : Sige, salamat.
(Mark sinagot ang tawag sa telepono)
Mark : Hello, good afternoon.
Mamsie : Hello? Ikaw ba ang manager?
Mark : Ako nga po. Ano po ang maipag lilingkod ko sa inyo?
Mamsie : Kailangan ko ng isang bodyguard. Kung pwede ngayon din.
Mark : Opo sir, magpapadala po agad ako ng tauhan. Saan po ba kayo, sir.
Mamsie : Magkita na lang tayo mamaya sa isang restaurant kasi busy pa ang alaga ko. Tatawag ako uli.
Mark : Okey po sir! Maghihintay ako ng tawag nyo.
Gap 3
Scenario (Isang Restaurant)
(Kotse pumarada sa parking ng Restaurant Coco bumaba ng sasakyan)
(Coco pumasok sa loob tila may hinahanap nagtanong sa waiter)
Coco : Waiter, nasaan ang table ni Mr. Popoy?
Waiter : Ayun po sir sa pangalawang table.
Coco : Salamat.
(Coco lumapit sa itinurong table ng waiter)
Coco : Good evening po. Ako po yung sa Fernandez Bodyguard Company.
(Manager ni Marian napatingin kay Coco)
(Coco natulala ng makita sa harapan nya si Marian)
Mamsie : Ah, ikaw ba yung kausap ko kanina?
(Mamsie napansin nakatitig si Coco kay Marian)
Mamsie : (Pasigaw) Mister!
Coco : (Nagulat) Ah, opo ano po yun?
Mamsie : Sabi ko ikaw ba yung kausap ko sa telepono kanina.
(Marian patuloy na kumakain habang kausap ng manager nya si Coco)
Coco : Hindi po ako. Ang Boss ko po ang nakausap nyo. Ako ang assistant nya.
Mamsie : Ah ganun ba? O sige kailangan namin ng isang bodyguard para dito sa alaga ko. May conditions akong sinabi sa Boss mo. Gusto ko masunod yun.
(Coco napapatitig pa rin kay Marian)
Coco : Wala pong problema. Eto nga po pala ang kontrata para sa bodyguard namin. Nakasaad na po dyan lahat ng terms.
Mamsie : Okey na kung ano man ang terms nyo.
Coco : Bukas na bukas mag rereport na po ang bodyguard na ipapadala namin.
(Manager ni Marian pinirmahan ang kontrata para sa bodyguard ng alaga)
Scenario (Opisina nina Mark at Coco)
(Coco nagmamadaling pumasok sa opisina ni Mark)
Coco : Pare! Guess what?? Alam mo ba kung sino ang bagong kliyente natin?
Mark : Sino?
Coco : Pare! si Marian Rivera lang naman!
Mark : Marian Rivera?
Coco : Yes! Pare, Marian Rivera. Yung pinakasikat at pinaka seksing artista.
Mark : Wala ako sa mood makipag biruan sa iyo, Pare.
Coco : Totoo Pare! Sa wakas may isang kliyente na tayong super sikat at super ganda.
Mark : Talaga! Dapat ang pinaka magaling na bodyguard ang papadala natin sa kanya para hindi tayo mapahiya.
Coco : Tama ka , Pare! Come on let's celebrate!
(Mark at Coco tuwang tuwa sabay lumabas ng opisina)
Scenario (Sa labas ng Network)
(Manager ni Marian naglalakad papasok sa loob ng Network nakasalubong ang isa pang manager ng isang artista)
Manager : (Kumakaway) Mamsie!
Mamsie : Oy! kamusta. Kamusta na ang alaga mo?
Manager : Eto hindi pa rin nagrerenew ng contract sa amin ang network. Ikaw, kamusta na si Marian.
Mamsie : Ka rerenew lang namin last week.
Manager : Another 3 years?
Mamsie : Oo 3 years uli.
Manager : Buti ka pa sikat na sikat kasi ang alaga mo. Siguro ang daming naghahabol sa kanya.
Mamsie : Merong nagpaparamdam galing sa ibang istasyon. Pero loyal kami dito sa network dahil malaki ang utang na loob namin sa kanila.
Manager : Nabalitaan ko nga pala hindi na nag renew ang isang endorsement ni Marian. May bago na daw endorser.
Mamsie : Ah, Oo kasi naman gusto nilang tawaran ang talent fee ni Marian, eh hindi ako pumayag. Ang laki ng kinita nila nang si Marian ang naging endorser. Tapos ngayon ang rason nila dahil sa economic slump daw, gusto nila bawasan ang bayad sa amin. Hindi naman namin kasalanan nagkaroon ng economic slump di ba? Kaya dahil hindi kami pumayag, hayun kumuha sila ng bagong endorser na mas mura.
Manager : Ganun ba? Ang akala ko pinalitan si Marian dahil sa mga intriga. Yun kasi ang nababasa ko sa mga write ups.
Mamsie : Syempre di nila sasabihin na kami ang umayaw eh di nasira sila. Biruin mo ang laking kumpanya pero can't afford pala. hahaha!
Manager : Oo nga ano. hahaha!
Mamsie : Keysa sila ang masisira, kami ang sisirain. Pero hinahayaan na lang namin kung ano ang isipin ng ibang tao. Hindi naman nila alam ang tunay na dahilan.
Manager : Naku! naabala yata kita. Sige chika chika pa tayo later.
Mamsie : O sige.
(Mamsie at manager ng isang artista nag beso at hiwalay na umalis)
Scenario (Office ng executive ng Network)
Mamsie : Hi! may bisita si Madam?
Secretary : Wala po. Kayo po ang hinihintay ni Madam. Pasok na po kayo.
Mamsie : Thank you.
(Manager ni Marian pumasok sa office)
Network Executive : Mamsie! ikaw pala. Halika maupo ka.
Mamsie : Pinapatawag nyo raw po ako.
Network Executive : Ah! Yes! Gusto ko ibalita sa iyo, tapos na ang brainstorming ng bagong project ni Marian. Kinukumpleto nalang namin ang casting. Pagkatapos ng teleseryeng ginagawa ni Marian ngayon, magpapahinga at maghahanda lang sya ng mga isang buwan, sisimulan na agad natin itong bagong serye nya.
Mamsie : Madam, pwede po ba humingi kami ng tatlong buwan na pahinga kasi matagal na po nirerequest ni Marian sa akin kung pwede syang magbakasyon eh.
Network Executive : Kailangan kasi masimulan na agad ang project nyang ito kasi sya lang inaasahan ng Network na makapag maintain ng pagiging number 1 natin sa ratings. Pero sige kakausapin ko ang top management kung papayag sila sa hiling mo.
Mamsie : Sana po gawan nyo ng paraan Madam, kasi matagal na po gustong magbakasyon ang alaga ko.
Network Executive : Sige, don't worry kakausapin ko ang mga nasa itaas.
Mamsie : Salamat po talaga, Madam.
Network Executive : Syanga pala Mamsie, alam mo ba may gustong sumulot sa project na ito?
Mamsie : Talaga po Madam?
Network Executive : Ipinaglaban ko lang kaya hindi nila nakuha kay Marian ang project. Kaya sana pagbutihan ni Maian ang paghahanda sa project na ito para mapahiya ang mga nanunulot sa kanya.
Mamsie : Madam pwede ko po ba malaman kung sino ang gustong sumulot ng project na ito kay Marian?
Network Executive : Alam mo Mamsie, maraming naiinggit sa alaga mo kaya hindi lang isa o dalawa ang gustong makuha kay Marian ang napakalaking project na ito. Kaya kailangan, we shall prove them wrong. Sabihin mo kay Marian paghandaan ito ng mabuti, okey?
Mamsie : Opo Madam sasabihin ko po sa kanya.
Network Executive : O sya tatawagan kita kung kailan ang definite date ng bagong project nya.
Mamsie : Maraming salamat po sa laging pag suporta sa amin lalong lalo na po kay Marian.
Network Executive : Malaki ang tiwala ko sa alaga mo, kaya ko ginagawa ito. O sige, basta't bantayan mo lagi yan kasi maraming naiinggit dyan.
Mamsie : Opo Madam.
(Mamsie tumayo at lumabas ng office)
Scenario (Location taping ng teleserye ni Marian)
(Marian nakikinig sa instructions ng director)
Director : Marian ganito ang gagawin mo. Dito ang position at blocking para mahagip ng camera ang magandang angle mo. Okey na ba ang dialogues mo? Kabisado mo na?
Marian : Opo Direk nakapag rehearse na po kami kanina ng ka eksena ko.
Director : Good! ayan ang gusto ko sa iyo lagi kang handa sa mga eksena mo. O sige rolling na tayo!
(Marian at leading man inaarte ang mga eksenang kinukunan ng Director)
(Mamsie dumating sa location ng taping, pinapanood ang mga eksena ni Marian)
Director : (Sumigaw) Cut! Good take! Break muna tayo!
(Marian nakita ang manager lumapit)
Marian : Mamsie, kanina pa po kayo dyan?
Mamsie : Mga five minutes pa. Kagagaling ko lang sa office ni Madam.
Marian : Bakit po kayo nagpunta run?
Mamsie : Pinapunta nya ako kanina dahil gusto nya ibalita sa akin tapos na ang brainstorming ng next project mo. Isang malaking project daw ang gagawin mo pagkatapos ng teleseryeng ito.
Marian : Eh kailan po magsisimula ang taping?
Mamsie : Wag ka mag alala humingi ako ng tatlong buwang bakasyon para sa iyo. Sabi ni Madam, kakausapin daw nya ang top management tungkol sa hiling mong bakasyon.
Marian : Sana naman Mamsie pumayag sila para makapag bakasyon naman ako.
Mamsie : At alam mo ba kung ano ang sinabi nya sa akin?
Marian : Ano po?
Mamsie : May mga taong gustong sulutin ang project mo. Pero ipinaglaban lang daw nya kaya sa iyo pa rin napunta ang project.
Marian : Talaga po?
Mamsie : Hay naku! grabe talaga ang inggit ng mga yan sa iyo. Kaya ngayon pa lang maghanda ka na at mag ingat sa bawat kilos mo dahil konting mali mo lang palalakihin nila. Gagawan nila ng issue para masira ka. Kaya mag ingat ka ha?
Marian : Opo Mamsie.
(Mamsie kinuha ang isang tabloid sa kotse pinabasa kay Marian)
Mamsie : Ayan, tingnan mo itong blind item patungkol sa iyo. Naglipana nanaman sa tabloids.
Marian : Hindi naman talaga totoo ang mga yan eh.
Mamsie : Alam mo naman yung iba kahit alam nilang hindi totoo kapag kasiraan mo eh naniniwala pa rin. Sandali nga pala, dumating na ba ang bagong bodyguard mo?
Marian : Opo. Kasama ko na nga po dito ngayon. Ayun po sya.
Mamsie : Mabuti naman at mapapanatag na ang isip ko. Lagi kasi akong nag alala sa kapakanan mo. Mabuti na yung may proteksyon ka.
(PA ni Marian lumapit sa kanilang dalawa)
PA : Ate, tinatawag na kayo ni Direk.
Marian : Sabihin mo susunod na ako.
Mamsie : O anak, iiwan muna kita kasi pupuntahan ko pa yung nakipag appointment tungkol sa bagong commercial mo.
Marian : Sige po Mamsie. Ingat kayo.
(Mamsie naglakad papunta ng kotse pumasok nagmaneho paalis)
Labels:
fanfic,
Happy Together,
Marian Rivera,
Mark Anthony Fernandez,
tagalog
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment