Sa lakas ng boses ni Mark dinig na dinig hanggang labas ng conference room ang pagpapalayas niya kay Regine. Ikinagulat ito nina Tiffany at Giselle dahil hindi nila inasahan ganito ang mangyayari.
Scenario - Conference room
Pagka bigla ang reaksyon ng mga managers sa inasal ni Mark. Ito ang kauna unahang pagkakataon nakita nila kung paano magalit ang bagong Presidente ng kanilang kumpanya.
Papalabas na ng conference room sina Sam at Regine nang biglang tumayo si Mark sa kanyang kinauupuan at pinigilan sila.
Mark: (pasigaw) I'm not done with you!
Galit na nilapitan ni Mark si Regine.
Tahimik ang mga managers. Nakatingin kay Mark habang naglalakad papunta kay Regine. Naghihintay sa susunod na mangyayari.
Hinarap ni Mark si Regine na galit na galit.
Mark: Who are you? Who sent you here? Are you spying on us?
Bahangyang bukas ang pinto ng conference room. Mula sa labas, nakita ni Giselle ang kaguluhan sa loob at tinawag si Tiffany.
Giselle: Tiffany! halika, bakit mukhang galit na galit si Sir Mark kay Regine?
Sumilip si Tiffany upang alamin ang sinasabi ni Giselle.
Tiffany: (kinabahan) Tawagin nyo si Ate Linda sa canteen, dali!!
Jessica: Ako na tatawag kay Ate Linda.
Tiffany: Magmadali ka bilis!
Kumaripas ng takbo si Jessica upang sunduin si Ate Linda sa canteen.
Samantala, dahil sa takot at di malaman kung ano ang isasagot sa mga tanong ni Mark, nangingilid na ang luha sa mga mata ni Regine at napayuko sa labis na kahihiyan.
Lalo itong iginagalit ni Mark.
Mark: Look at me when i'm talking to you.
Napansin ni Sam ang matinding takot sa mukha ni Regine kaya inawat niya si Mark.
Sam: Enough, Mark. I don't think she's anything like that, let her go.
Sa sandaling ito dumating si Ate Linda at inako ang pangyayari.
Ate Linda: Sir Mark, sorry po. Ako po ang may kasalanan. Bagong assign lang po si Regine dito at wala pa siya masyadong alam. I'm sorry po talaga, hindi na mauulit. Sir Mark, pasensya na po.
Mark: That is not a good reason.
Ate Linda: Ako po talaga ang may kasalanan. Humihingi po ako ng sorry sa inyo.
Humupa ng kaunti ang galit ni Mark dahil sa paliwanag ni Ate Linda.
Sam: Sige na samahan mo na siya sa labas.
Inalalayan ni Ate Linda si Regine palabas ng conference room.
Dahil sa insidente, itinigil ni Mark ang meeting.
Scenario - Sa cubicle ni Regine
Hindi makapaniwala si Regine sa nangyari. Isa itong masamang biro na ayaw na niya maulit muli.
Ate Linda: Okey ka lang, Regine?
Regine: Opo.
Ate Linda: Ano ba talaga ang nangyari? Anong ginagawa mo sa loob ng conference room.
Nakatungo sa kanyang mesa, ayaw sagutin ni Regine ang tanong ni Ate Linda.
Ate Linda: O sya sa susunod wag ka gumawa ng bagay na hindi ko nalalaman.
Regine: Opo Ate Linda. Maraming salamat po.
Ate Linda: Sige tapusin mo na ang report na pinagagawa ko sa iyo.
Habang kausap si Regine napansin ni Ate Linda tila nagbubulungan sina Tiffany at Giselle. Nilapitan niya ito.
Ate Linda: Kayo ba ang may gawa non kay Regine?
Tiffany: Ate Linda, hindi naman po namin akalain ganon ang mangyayari.
Giselle: Oo nga po Ate Linda.
Tiffany: Dati naman po natin ginagawa iyon sa mga baguhang kasama.
Ate Linda: Oo nga, pero bago na ang boss natin ngayon. Magkaiba ng ugali si Sir Mark at ang kanyang ama. Kaya tingnan nyo ang nangyari kay Regine, kawawa naman siya.
Giselle: Hindi ko talaga akalain magkakagulo. Natatandaan ko nung bago pa lang ako dito, ginawa rin sa kin yon. Wala akong kamalay malay pinapunta ako sa conference room habang ongoing ang meeting ng dating boss natin sa kanyang managers, buti nalang hindi ako napagalitan, natawa lang siya. Pero si Sir Mark, grabe nakakatakot kung magalit.
Tiffany: Ate Linda, sorry po talaga.
Ate Linda: Wag ka humingi ng sorry sa akin. Dapat kay Regine kayo mag sorry.
Scenario - Ipinakita ni Mark ang isang kwarto kay Sam. Nasa ibabang palapag lamang ito ng kanyang opisina at conference room.
Sam: Pare, dito ba ako mag-oopisina? Well, i like it! spacious at malinis. Pati design pinaghandaan mo ha? sinunod mo rin ang request kong magandang view habang nagtatrabaho.
Mark: Kabisado ko ang taste mo.
Sam: I'm impressed.
Di pa rin mawala sa isip ni Mark ang nangyari sa conference room.
Habang naglilibot si Sam sa kanyang bagong opisina, napansin niya parang may iniisip si Mark.
Sam: Are you still bothered by what had happened?
Mark: I just can't ignore it, pare. You know me, hindi ako basta naniniwala sa ano mang paliwanag.
Sam: But you heard what your secretary said, she takes full responsibilty for the mistake. Bagong assign lang pala yung babae sa staff mo, so forget about it.
Mark: That's what she said. But i don't buy into it too easily. Bakit hindi makapagsalita yung babaing yun. I think she's guilty of something.
Sam: Pare, forget about her, will you?
Mark: Sooner or later i'm going to find out the real reason kung bakit pumasok siya ng walang dahilan.
Scenario - Lampas oras na ng trabaho, iilang empleyado nalang ang natitira, naiwan pa rin si Regine upang tapusin ang report na pinapagawa sa kanya.
Samantala, naghihintay si Cecile sa ground floor ng building nila.
Cecile: (nasa isip) Nasaan na kaya ang bestfriend ko? Kanina pa niya hindi sinasagot ang tawag ko.
Tinawagan uli ni Cecile si Regine.
Cecile: (nasa isip) Regine, sagutin mo ang phone. Nag-aalala na ako sa iyo.
Sinagot ni Regine ang tawag ni Cecile.
Regine: Hello?
Cecile: Hay salamat! sinagot mo na rin ang phone. Nasaan ka na ba kanina pa ako naghihintay sa iyo.
Regine: Mauna ka na umuwi kasi may tatapusin pa akong report.
Cecile: Hindi ba pwede ipagpabukas mo na yan?
Regine: Kailangang kailangan matapos ko ito ngayon.
Cecile: Okey ka lang ba? Bakit parang matamlay ang boses mo?
Regine: Medyo pagod lang siguro.
Cecile: Baka naman magkasakit ka niyan.
Regine: Okey lang talaga ako. Mauna ka na umuwi.
Cecile: O sige. Basta wag ka masyadong magpa gabi ha?
Regine: Oo.
Pagkababa ng celfone, naalala ni Regine ang ginawa ni Mark sa kanya sa conference room. Kasabay, nanumbalik sa isip niya ang naging pangako sa ama bago namatay na tutulungan ang ina at kapatid. Sa puntong ito, naawa si Regine sa kanyang sarili. Tuluyang bumigay ang luha sa kanyang mga mata at naiyak.
Scenario - Malalim ang iniisip ni Mark habang nakaupo sa hapagkainan ng kanyang condominium. Hawak ang isang baso ng alak, pilit niyang inaalam ang motibo ng biglang pagpasok ni Regine sa conference room.
Mark: (nasa isip) sino ang babaing yon? kasabwat ba siya ng mga napatalsik ko sa kumpanya? nag eespiya ba siya sa meeting kanina?
Scenario - Apartment nila Regine at Cecile.
Nakatulog na sa paghihintay si Cecile sa sofa nang dumating si Regine sa bahay. Di na niya ginising ang kaibigan dahil alam ni Regine pagod rin ito. May nakahandang pagkain sa mesa pero walang siyang gana kumain.
Nagising si Cecile sa pag-akyat ni Regine patungo sa kanyang kwarto.
Cecile: Regine, dumating ka na pala, kumain ka na?
Regine: Di ako nagugutom. Inaantok na ako.
Cecile: Sige magpahinga ka na. Ilalagay ko lang sa ref ang pagkain, susunod na ako.
Di na nagawang magbihis ni Regine ng pangtulog dahil sa sobrang panlulumo.
Habang nakahiga sa kama, parang isang bangungot na bumabalik balik ang nangyari sa kanya sa conference room. Naisip ni Regine ang mag resign sa trabaho pero naalala niya ang ina at kapatid. Wala siyang nagawa kundi umiyak at humingi ng tulong sa namayapang ama.
Regine: (umiiyak) Papa, tulungan nyo po ako.
Magdamag na iniyakan ni Regine ang nangyari sa kanya.
Scenario - Kagigising lang ni Regine at naghahanda ng agahan si Celice para sa kanilang dalawa.
Cecile: Mukhang tinanghali ka ng gising. Teka, bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba kagabi?
Regine: Medyo, namimis ko kasi ang pamilya ko.
Cecile: Ganon rin ako nung bago pa ako dito sa Maynila. Pero masasanay ka rin.
Regine: Nahihiya na ako sa iyo dahil ikaw lagi ang naghahanda ng pagkain natin.
Cecile: Ano ka ba? Magbilangan ba ng gawain sa bahay? Sige na kumain na tayo, baka ma late pa tayo sa pagpasok sa trabaho.
Regine: Next time promise, ako naman ang magluluto.
Cecile: Hay naku, kumain na nga lang tayo.
Scenario - Nagmamadaling naglalakad si Regine papunta sa building ng kanilang opisina nang makita siya ni Mark habang nakasakay sa lukiran ng magarang kotse. Inutusan niya ang driver.
Mark: Mang Mario, paki bagalan ang takbo ng sasakyan.
Mang Mario: Opo Sir Mark.
Usad pagong ang sasakyan ni Mark habang sinusundan ang mabilis na paglalakad ni Regine.
Itutuloy .......
No comments:
Post a Comment