These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Wednesday, April 4, 2012

You Complete Me - Episode 4 Hindi Inaasahang Unang Pagkikita


Nangyari na nga ang planong pagbabago na ipinatupad ni Mark sa Fernandez Corporation. Isa isang pinag merged ang mga departamentong pwede pag-isahin.

Scenario - Sa opisina nila Regine at Cecile. Nagliligpit ng mga gamit ang mga empleyado upang makalipat sa bago nilang assignment.

Magkahalong takot at pag-alinlangan ang nadama ni Regine sa pagkakalipat sa kanya sa opisina ng may-ari ng kumpanya.

Habang nag-iisip ng malalim, lumapit ang kaibigang si Cecile.

Cecile: Hoy! anong iniisip mo? 

Regine: (nagulat) Ha? wala.

Cecile: Paano yan bestfriend, nasa ibang opisina ka na. Baka bihira na tayo magkita niyan.

Regine: Kinakabahan ako. Ako lang ang ililipat sa opisina ng may-ari ng kumpanya natin. 


Cecile: OO nga, pero pinagbasehan daw kasi ang performance mo. Pinili daw ni Sir Mark lahat ng may magandang record para ilipat sa opsina niya.

Regine: Nirequest ko nga kay Sir Cyrus kung pwede magkasama pa rin tayo. Pero yun nga daw isa ako sa napili.

Cecile: Ang swerte mo nga eh kasi maraming empleyado ang interesadong magtrabaho sa opisina ni Sir Mark. At least araw araw mo na siya makikita.

Regine: Kaya nga natatakot ako baka hindi ko magampanan ng mabuti ang trabaho ko. Baka hindi ko kaya. Syempre siya ang may-ari kaya baka pag sinabi niyang tanggal na ako, tanggal agad.

Cecile: Ang dami mo namang baka. Ah! basta wag mo isipin na papalpak ka. Pagbutihan mo nalang ang trabaho mo.

Regine: (bugtong hininga) Yan na nga ang gagawin ko.

Cecile: So simula bukas di na tayo magkasama.

Regine: Ganon na nga.


Scenario - Nasa pinaka tuktok ng gusali ang opisina ng Presidente ng Fernandez Corporation. 

Maagang nagreport si Regine sa bago niyang opisina. Pagpasok napansin agad ni Regine ang isang saradong kwarto sa kanan. Malaki ang pintuan kaya nacurious siya kung ano ang itsura sa loob nito. Sa bandang kaliwa may isa pang saradong pintuan na mas malaki. May nakalagay na conference room sa labas. Maraming cubicles sa paligid at may kanya kanyang mesa ang bawat isa. Nakita niya sa di kalayuan ang isang mesang malapit sa kanang kwarto. Maraming papeles ang nakalagay sa ibabaw ng mesa.

Hindi pa alam ni Regine kung saan ang pwesto niya kaya umupo at naghintay muna siya sa receiving area ng opisina.

May isang di katandaang matabang babae ang unang pumasok.

Ate Linda: Anong ginagawa mo dito?

Regine: Good morning po ma'am. Ako po si Regine.

May kinuha si Ate Linda, isang papel sa dala niyang folder. Tiningnan ang papel at ganun rin si Regine.

Ate Linda: Ikaw si Regine Velasquez? 

Regine: Opo ako nga po.

Ate Linda: Halika, ituturo ko ang mesa mo.

Sumunod si Regine kay Ate Linda naglakad papunta sa isang mesa malapit sa kanya.

Ate Linda: Dito ang mesa mo. Ikaw ang magiging assistant ko. 

Regine: Salamat po ma'am.

Ate Linda: Tawagin mo nalang akong Ate Linda. Iyan kasi ang tawag sa akin ng ibang kasama natin dito. Ako nga pala ang secretary ni Sir Mark.

Regine: Sige po Ate Linda.

Ate Linda: Kung meron kang kailangan sabihin mo lang sa akin.

Regine: Opo sige po.


Ilang sandali, nagsidatingan na ang ibang empleyado na makakasama ni Regine sa opisina. Sa pagpasok pa lang napansin ni Regine ang closeness nila. 

Tiffany: Good morning po Ate Linda. Ang aga nyo ata pumasok. Magrereport ba ang boss natin ngayon?

Jessica: Hay naku! di nanaman makakauwi ng maaga si Ate Linda kapag pumasok si Sir Mark ngayon. Abot hanggang leeg ang trabaho. Alam nyo naman si Sir Mark laging utos ng utos. 

Tiffany: Hindi lang yan, katiting na mali sa ginawa mo papaulit lahat.

Richard: Dapat talaga kay Sir Mark makahanap ng babaeng magpapalambot ng puso niya.

Sandra: Eh grabe kaya kasunggit non. Ang gwapo pa naman kaya lang parang nung nagsaboy ng kasungitan si Lord, parang sinalo yata niya lahat. 

Nagtawanan ang ibang empleyado sa sinabi ni Sandra.

Lalong kinabahan si Regine sa narinig na usapan ng mga kasamahan.

Ate Linda: Hoy! hoy! hoy! kayo ha? pinag-uusapan nyo nanaman si Sir Mark. Siyanga pala iwelcome natin si Regine, galing siya sa finance department, eto si Mona, galing sa purchasing department, si Jacob, naman sa management. Makakasama na natin sila simula ngayon. 

Kinawayan ng ibang staff ang mga bagong kasama.


Samantala, nagkita sina Mark at Sam sa isang mamahaling restaurant.


Scenario - Papasok si Sam sa restaurant nakita at nilapitan si Mark nakaupo sa isang mesa kausap ang waiter.

Pagkakita ni Mark kay Sam, tumayo at kinamayan niya ito.

Mark: Sam! pare!

Sam: Pare.

Naghihintay ang waiter sa order nila.

Mark: Oh anong gusto mo? It's on me.

Sam: Aba milagro manglilibre ka.

Mark: Celebration ito pare sa pagpayag mo magtrabaho sa akin.

Sam: Makakatanggi ba ako sa iyo.

Mark: Hindi. Kasi kapag di ka pumayag ipapakidnap kita at ipabubogbog hanggang mapa oo sa gusto ko. 

Sam: Wait, you're not serious, are you?

Tiningnan ni Mark si Sam sa mata.

Mark: Mukha ba akong nagbibiro?

Sam: Tingnan mo to ang sama pala ng balak mo sa akin.

Mark: Ganon ako kadesperado para pumayag kang magtrabaho sa akin.

Sam: O sya may magagawa pa ba ako. Basta bigyan mo ako ng malaking sweldo.

Mark: Sure, no problem.

Sam: I should have an office.

Mark: Ready na.

Sam: Ready na ang ofiice ko?

Mark: Yah!

Sam: How sure are you tatanggapin ko ang offer mo? Ah! Oo nga pala ipapakidnap at ipabubogbog ako.

Mark: I won't take no for an answer, pare.

Sam: Wala na akong sinabi. You got yourself a deal. So, itinuloy mo ba ang balak mo?

Mark: Yah!

Sam: Paano ang mga dating empleyado ng papa mo?

Mark: Retirement. Kung sino ang gusto ng early retirement bibigyan ko sila ng magandang package. 

Sam: Yung ayaw ng retirement?

Mark: Well, no choice but to accept my offer. Kumpanya ko na ito. I have the option to work with the people na gusto ko makatrabaho. 

Sam: And sila walang option?

Mark: Take it or leave it.

Sam: I don't know about it, pare. Pero sabi mo nga you own it gawin mo kung ano ang gusto mong gawin.

Mark: Pare, welcome to my company. Let's drink to that!

Sam: Cheers!

Nagtoast ang magkaibigan at uminon.

Mark: Tamang tama, pare. Bukas magpapatawag ako ng meeting. Ipapakilala kita bilang vice-president ng kumpanya.


Scenario - Bagong opisina ni Regine.

Pangalawang araw ni Regine sa bago niyang assigment. Bising bisi si Ate Linda sa pagaasikaso ng pinatawag na meeting ni Mark.

Ate Linda: Regine, paki handa ng mga reports ng managers. Kailangan ang mga yan sa meeting nila kay Sir Mark.

Regine: Opo Ate Linda.

Samantala, may binabalik ang mga kasamahan ni Regine sa kanya.

Tiffany: Jessica sabihan mo na si Regine.

Jessica: Mamaya na nandidyan pa si Ate Linda. Baka pagalitan tayo.

Giselle: Akong bahala kay Ate Linda.

Tiffany: O sige wag ka magpahalata sa balak natin.


Inihanda ni Ate Linda ang mga kakailanganin ng mga managers para sa meeting kay Mark. 

Nagsimula nang dumating ang mga managers na kasali sa meeting at isa isang pumasok sa conference room. Kasunod nito ay pumasok rin si Ate Linda dala ang mga papeles. Pagkabigay kay Mark lumabas rin siya at bumalik sa kanyang mesa.

Kinindatan ni Giselle ang mga kasamahan, tamayo at lumapit kay Ate Linda.

Giselle: Ate Linda, may naghahanap po sa inyo kanina. Sabi ko nasa conference room pa po kayo. 

Ate Linda: Sino daw siya?

Giselle: Hindi sinabi ang pangalan. Pero ang sabi ko sa canteen nalang maghintay.

Ate Linda: Ganon ba? Sige sandali titingnan ko muna sa canteen. Baka importante ang pinunta niya dito.

Giselle: Oo nga po Ate Linda.

Lumabas si Ate Linda upang tumungo sa canteen.

Maya maya'y isinagawa na ni Tiffany ang balak nila kay Regine.

Nilapitan ni Tiffany si Regine at sinabing ipinatatawag siya sa conference room ni Mark.

Tiffany: Regine, wala si Ate Linda ikaw nalang ang pumunta sa conference room. May kailangan daw sila.

Nagaalinlangan si Regine sundin ang sinabi ni Tiffany.

Tiffany: Hoy! pumunta ka na sa conference room.

Regine: Ha? hintayin muna natin si Ate Linda. Baka dumating na yon.

Tiffany: Kailangan na nga daw ng assistance ni Sir Mark. Sige na pumunta ka na.

Sinunod ni Regine ang sabi ni Tiffany at pumunta sa conference room.

Pagbukas ni Regine ng pinto, napatigil at napatingin sa kanya ang lahat.

Galit na galit si Mark pagkakita kay Regine.

Mark: Who are you?

Hindi nakaimik si Regine sa tanong ni Mark.

Mark: I said who are you?

Natulala si Regine at hindi nakapagsalita.

Mark: What are you doing here? Get out! I said get the hell out of here!

Hindi alam ni Regine kung ano ang gagawin. Kaya tumayo si Sam para alalayan si Regine palabas.


Itutuloy ....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...