These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, November 25, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 9: Migraine?


Episode 9: Migraine

Scene: Sassy Sheers Salon

Si Inday papasok ng salon bitbit ang dry cleaned na damit ni Pio. Kitang-kita ang excitement niya sa mukha.

Inday: Ruffa! Ruffa Mae!! Friend asan ka?

Kumaway si Ruffa Mae sa may pantry.

Ruffa Mae: I'm here friend! I'm here! Super excited ka ata?

Ang mga chismosong bading ay halos magkanda bali ang mga leeg marinig lamang ang scoop na dala ni Inday.

Inday: Hindi ka maniniwala sasabihin ko!

Ruffa Mae: Ano? Tell me!

Inday: Niyaya na akong magpakasal ni Dr. Pio!

Napanganga si Ruffa Mae sa narinig. Pagkatapos ng dalawang segundo...

Ruffa Mae at Inday: EEEEEEEEeeeeeeeeeee!!!! (nagtatalon sa excitement)

Ruffa Mae at mga bading: Congratulations!

Vodka: Wala akong kamalay-malay mag-jowa pala kayo ni Dok! Kaloka!

Ruffa Mae: Oh my goodness! I'm soooo happy for you friend!! Asan ang singsing? Ipakita mo sa amin dali!!





Polly: Naku can’t wait to see it! Sigurado akong bongga ang singsing!

Sarsi: Ilang karat at malaki ba ang bato? Ang swerte mo, Inday!

Inday: Uh.. actually, hindi niya ako binigyan ng singsing ...

Sarsi: Ano!? Nag-propose ng walang singsing? Dyusme!Anong klaseng proposal yon?

Coca: Ano ba kayo?! So what kung walang singsing noh! Baka naman dinaan sa isang very romantic proposal at very romantic setting. Tipong biglaan ang pagtatanong kaya walang singsing. Saan ba nag-propose?

Polly: Oo nga saan nag-propose? Lumuhod ba siya sa harap mo tapos tinitigan ka sa mga mata sabay sambit kung gaano ka niya kamahal. Na gusto ka niyang makasama habang buhay. Na hindi siya mabubuhay ng wala ka. At kapag hindi mo tinanggap ang proposal niya magpapakamatay siya! Ganoon ba?

Napakamot ng ulo si Inday.

Inday: Ah...eh...actually sa kusina siya nag-propose kaninang umaga....

Vodka: Ano ! Of all places sa kusina!? Anong klase naman yon …

Ruffa Mae: Hala magsibalik na kayo sa trabaho! Tapos na ang break. Naiinip na ang mga kliyente natin! Go! Go! Go!

Vodka: Hmmph! Para nakikibalita lang naman noh... sino ba itong nagtatakbo dito at excited mag-chika!

Ruffa Mae: Go! Go! Go!

Nagsibalik na sa kanya-kanyang station ang mga bading.

Ruffa Mae: Tara sa opisina at doon na tayo mag-usap.

Pagpasok sa opisina isinabit ni Inday ang dala-dalang niyang mga damit ni Pio. .

Ruffa Mae: Talagang sa kusina siya nag-propose kanina? At walang singsing?

Inday: Yes. And yes, hindi niya ako binigyan ng singsing pero wala akong pakialam. Magpapakasal na kami friend! Dream come true!

Ruffa Mae: Ibig sabihin na-realize na niya na mahal ka niya?

Inday: Hindi.

Ruffa Mae: Ano!? Anong klaseng proposal yun? Hindi ka man lang niya dinala sa espesyal na lugar. Hindi ka rin niya sinabihan ng I Love You. Hindi ka rin niya binigyan ng singsing. Baka naman sinabihan ka lang na kuhanin yang mga labada kanina at ilusyon mo lang ang proposal na sinasabi mo?

Inday: Maaring hindi ganito ang pangarap na proposal ng isang babae mula sa lalaking pinapangarap niya pero ang importante ay gusto niya pa rin magpakasal kami.

Ruffa Mae: Pero bakit? Bakit gusto ka pa niyang pakasalan eh nakukuha na naman niya ang lahat? Ano ang nagtulak sa kanya na mag-propose kung di ka naman niya pala mahal?

Inday: Sabi niya ginagawa niya ito para kay Tisay at Tsina. Sabi niya perfect kami together dahil hindi namin mahal ang isa’t isa at hindi namin gustong mahalin ang isa’t isa bukod pa sa hindi namin kailangang magpanggap.

Ruffa Mae: Diyos ko day! Walang kaalam-alam ang mokong na yon na nag-pretend ka sa kung ano ang gusto niya. Para kang maid to order. Ni wala ata siyang alam sa tunay na ikaw?

Inday: Kung malalaman niya kung gaano ko siya kamahal, hindi niya ako gugustuhing pakasalan.

Ruffa Mae: At okay sayo ang ganyang set-up? Kaloka ka friend.

Inday: Ano ba ang magagawa ko pa.(buntong hininga) A few weeks ago, iniisip ko ng mag-alsa balutan pero hindi kaya ng puso ko. Patuloy pa rin akong nangangarap na mamahalin ako ni Pio tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero alam ko naman na hindi lahat ng naisin natin sa buhay ay makukuha natin. Dapat maging masaya na akong kahit pano ay may nakukuha ako sa aming relasyon.

Ruffa Mae: Kilala siyang babaero.

Inday: Sabi niya hindi na siya nambababae mula ng maging kami.

Ruffa Mae: At naniwala ka naman?

------------------------------------
Scene: Sa sala ng Condo. Nakikipaglaro ng bingo si Vilma sa mga apo.

Tisay : Sa letrang O…dyan dyan dyaran 70! BINGO na ko yehey!

Dumating si Pio at Inday.

Pio: Ma, mga girls, may announcement kaming sasabihin.

Lumingon si Vilma at ang mga bata.

Pio: Si Inday at ako ay magpapakasal na! Girls, magiging mommy na ninyo si Ate Inday!

Natigilan si Tisay at Tsina ng ilang segundo pagkatapos ay tumayo at nagtatalon sa tuwa si Tsina na yumakap kay Inday. Niyakap niya ang bata.

Tsina: Yehey!!! Yehey!!! May mommy na ako!!! I love you Ate Inday!

Inday: I love you too, Tsina.

Si Tisay na tumayo rin ay di maipinta ang mukha. Mukhang malapit na itong umiyak.

Tisay: Pero may mommy na ako..

Nilapitan ito ni Inday at niyakap.

Inday: Of course may mommy ka at mananatili siyang mommy mo. Ako naman ang stepmommy mo pero hindi ako magiging salbahe tulad ng mga stepmothers na nababasa sa fairy tales na binabasa natin.

Tisay: Ah, okay. So magiging dalawa na ang mommy ko imbes na isa. Ha ha, Tsina, dalawa mommy ko ikaw isa lang! hahaha

Tsina: Unfair. Bakit siya dalawa ang mommy?

Inday: (natatawa) Palagay ko magiging isa kang mahusay na accountant balang araw. Ang galing mo magbilang eh.

Vilma: Congratulations! Masaya ako para sa inyo. Welcome to the family, Inday.

Inday: Thank you ma'am.

Vilma: Tawagin mo akong Mama. So kailangan ang big day? May date na ba? I can help with the preparations habang nandito ako.

Pio: Actually Ma, pupunta kami sa judge Friday para magpakasal. Ipapakisuyo ko sana sa iyo na bantayan muna ang mga bata this weekend para makapag honeymoon kami ni Inday. Babalik kami agad ng Monday ng sa ganun wala akong ma-cancel na mga appointments.

Vilma: Ano!!! Hindi kayo magpapakasal sa simbahan? Pio! This is your idea isn't it! Inday, huwag kang sunud-sunuran sa kanya!

Pio: Ma, hindi ko pinilit si Inday.

Vilma: Nasaan ang pamilya mo Inday? Ayaw ba nila makitang ikasal ka sa simbahan?

Inday: Hindi niya ako pinilit, (nagdadalawang-isip) Mama. Nasa Iloilo ang pamilya ko. Pareho kami ni Pio na kinasal na noon sa aming mga previous relationship. Sa ngayon okay na ang magpakasal lang kami sa huwes.

Vilma: Pio, kailangan mo pa ring makaranas ng engrandeng kasal para na rin sa mga anak mo para ma-experience nila at magkaron sila ng magandang memories. Girls, ayaw niyo bang maging flower girls? Ayaw niyo bang magsuot ng pretty gown at maglakad sa aisle?

Tisay: Ako gusto ko! Gusto ko maging flower girl!

Tsina: Okay lang sakin mag gown ulit.

Tisay: Nagseselos nga ako sa mga flower girls dun sa wedding to pinuntahan natin. Gusto ko rin maglakad suot ang magandang gown tapos naghahagis ng petals na parang ganito.

Si Tisay at Tsina ay nagpalakad-lakad na kunwari ay may mga bulaklak na hinahagis mula sa basket habang kumakanta ng wedding march.

Vilma: Tama ako di ba! Kaya pumili na kayo ng petsa na hindi naman magagahol para makapag-prepare ng isang maayos na wedding. Ako na ang bahala kay Tsina at Tisay habang nag-aayos kayo ng mga detalye pati na rin sa inyong honeymoon after.

Pio: Ma, hindi na kailangan.

Vilma: A wedding is one of the most memorable experiences sa buhay ng isang tao. Sagot ko na ang gastos at minsan lang ako humiling sayo Pio!

Si Inday at Pio ay nagkatinginan.

Pio: Okay, okay fine! Tingnan namin sa kalendaryo ano ang magandang petsa.

--------------------------------
Scene: Inoy’s Flower Shop



Si Inday kausap ang may-ari ng shop na si Miranda habang ang lakas ng buhos ng ulan sa labas. Panay ang lingon ni Inday sa parking lot.

Inday: Pasensiya na po, parating na po siya. Na-late lang.

Natanawan nila si Pio na paparada ang kotse at bumabang patakbo sa flower shop dahil sa lakas ng ulan. Sinalubong ito ni Inday sa entrance ng shop.

Inday: Basang-basa ka! Bakit hindi ka nagdala ng payong! Baka magkasakit ka nyan.

Pio: (galit) Malas na araw ito, malas !! Bilisan mo na para makabalik na agad ako sa office!

Inday: I'm sorry.. sandali lang ito.

Pio: Siguro naman hindi tayo tatagal dito ng buong araw parang sa printing press para sa invitations! Hindi ko maunawaan bakit kailangang napakatagal at napakadaming kung anu-ano pa samantalang itatapon din naman yun after!

Maya-maya ay natingin na sila sa catalogue ng mga litrato ng flower arrangements.

Inday: Alin ang mas maganda, ito o ito?

Pio: Bahala ka na. Pare-pareho naman ang itsura niyan.

Miranda: Eto more contemporary style...

Tiningnan ni Inday si Pio na noon ay halatang inip na inip na.

Miranda: ... pero kung gusto ninyo ng traditional look, ..

Pio: (galit) Sayang lang oras dito. Bakit ba kailangan nandito pa ako.

Miranda: Syempre naman dapat andito din kayo Sir para siguradong magugustuhan ninyo ang lahat! Hindi lang naman dapat ang bride ang mag-dedeide may participation din syempre ang groom...Oops wait lang sagutin ko lang.

Umalis si Miranda ng marinig ang ring ng phone mula sa opisina nito.

Pio: (pagalit) Inday, pwede ba huwag mo na ako isama sa preparation okay? Bahala ka na mag-decide sa lahat. You have the budget. Bahala ka na!! Sa ating wedding day, isusuot ko kung ano ang gusto mong ipasuot sa akin, pupunta ako saan mo ako gusto pumunta, ngingiti ako pag kailangan sa picture! Sasayaw ako kung kailangan basta huwag mo na akong istorbohin para sa kung anu-anong detalye. Wala kong pasesniya at pakialam diyan.

Inday: I'm sorry. Baka kasi may iba kang ideas o gusto kaya buti na rin na nandito ka..

Padabog na lumabas si Pio palabas ng shop habang si Miranda naman ay palabas na ng opisina nito.

Miranda: Teka! Saan pupunta yun? Hindi pa kayo nakakapili ng centerpieces para sa mga tables...

Inday: Kailangan n niyang bumalik ng trabaho. Ako na lang pipili. Anu-ano pa ba ang kulang?

---------------------------------
Scene: Sa Playground ng Isang Park



Si Tisay at Tsina ay masayang naglalaro ng habulan sa playground habang sina Inday at Ruffa Mae ay nakaupo sa bench sa may ilalim ng puno at nagmamasid sa mga ito habang kumakain ng binatog.

Ruffa Mae: Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na mauuna ka pang mag-asawa sa akin.

Inday: Believe me, kahit ako hindi rin makapaniwala na nag-propose si Pio. But speaking of Wendell, ano pa ba ang hinihintay ninyo. Engaged na kayo for about… 5 years na di ba?

Ruffa Mae: (buntong hininga) Hindi pa niya ako niyayaya magpakasal up to now. Minsan feeling ko wala naman talaga siyang balak mag-asawa. Kung alam ko lang na magiging ganito sana hindi ako pumayag na magsama kami ng ganito katagal na ganito ang set-up. (buntong hininga)

Inday: Bakit di mo siya iwan kung wala naman palang patutunguhan ang relasyon ninyo?

Ruffa Mae: Dahil kailangan ko ang kalahati ng binabayad niya sa upa sa bahay and I guess nasanay na akong kasama siya. Honestly, sa ngayon hindi ko alam kung gusto ko pang magpakasal. Wala naman akong planong mag-anak. Okay naman ang kinikita ko in fact mas malaki pa nga sa kita ni Wendell. Siguro hindi ako ang tipo na marrying type.

Inday: Baka naman hindi siya ang the one na para sayo kung ganyan ang pananaw mo sa kanya. Parang nagsasama lang kayo for convenience.

Ruffa Mae: Siguro

Inday: So hindi ka sigurado kung mahal mo si Wendell

Ruffa Mae: Mahal ko na naman yun kahit pano. Hindi namankami tatagal ng ganito.

Inday: Mahal na parang napipilitan lang.

Ruffa Mae: Teka bakit ba tungkol sa buhay ko ang pinag-uusapan natin. Akala ko ba may sasabihin kang importante sa akin.

Inday: Oo meron nga! (excited)

Ruffa Mae: Ay excited. Ano bang bang balita yan?

Inday: Buntis ako!

Ruffa Mae: ANO! Ikaw.. Pano...Sigurado ka?

Inday: Siguradong-sigurado! Lately hindi maganda lagi ang pakiramdam kaya nagpatingin na ako sa doctor at ayun nga. Kahit ako hindi makapaniwala!

Ruffa Mae: Congrats! Alam ko isa ito sa matagal mo ng pangarap.

Inday: Kaya super saya ko. Nawalan na ako ng pag-asa magkaron ng sariling anak kaya I feel so blessed. Eight weeks na ako at sabi ng doctor okay naman pati ang baby. Mabuti nga at wala akong morning sickness.

Ruffa Mae: Napansin ko rin na medyo tumaba ka uli lately...akala ko dahil lang sa stress sa wedding preparation lalo na ikaw ang gumagawa ng lahat mag-isa.

Inday: (pabiro) Really, tumaba na ako?

Sinagot siya ng di maipintang mukha ni Ruffa Mae.

Inday: Okay. Okay tama ka.. Stressed nga ako. Sinisiguro kong walang marinig si Pio na kahit ano about sa wedding pati ang mga bata na super excited na yun at yun ang gustong pag-usapan na ayaw na ayaw naman ng daddy nila. Tapos itong baby pa...

Ruffa Mae: Ano sabi ni Pio ng malaman niya?

Inday: Actually hindi pa niya alam. Hindi ko rin alam pano ko sasabihin. Malinaw pa sa sikat ng araw ang usapan namin na ayaw na niya magkaron pa uli ng anak. Palagay ko hindi siya magiging masaya sa ibabalita ko.

Begin Flashback:

Scene: Sa sinehan.

Kasalukuyang nanonood ng Megalink, ang latest movie offering ng PIXAR sina Pio, Tisay, Tsina at Inday. Katabi ni Pio ang isang mag-asawang na may kasamang anak na nagwawala at nagyayaya ng umuwi. Kanina pa naiimbyerna si Pio.

Pio: Excuse me, baka naman gusto na ninyo ilabas ang bata. Kanina pa nagwawala at hindi naman gusto ang movie. Nakakaistorbo na.

Mga iba pang katabi na nanonood din: Tama!

Umalis ang ama dala ang batang nagwawala pa rin.

Pio: (binulungan si Inday). Mahal ko ang mga bata pero wala talaga akong pasensiya sa mga babies. Nakakarindi.

--------------------------
Scene: Sa Kusina

Pio: Ano? Hindi ka na naman sasama mag-tennis sa amin? Bakit?

Si Tisay at Tsina ay nag-aantay sa may pintuan habang nilalaro ang raketa na parang gitara.

Inday: (nag-iisip) Sabihin mo na kasi! Sabihin mo na buntis ka now na!

Inday: Marami pa akong kailangang tapusin.

Pio: (iiling-iling) Marami ka pa ring gagawin na naman para sa wedding preparations, tama ba?

Inday: Ahh..eh…

Pio: Bakit ba kasi nakapayag-payag pa ako kay mama tungkol dito. Kung nasunod lang sana ang una nating plano di tapos na agad. Tingnan mo nga itsura mo (tinitigan si Inday na noon ay may lumalantak ng isang malaking cookie) nangangarag ka na at tumataba pa...

Ibinaba ni Inday ang cookie. Naiiyak siya sa sinabi ni Pio pero hindi nito napansin iyon dahil biglang nagbangayan ang mga bata at nag referee ito para awatin.

Pio: Stop it! Tara na.

End Flashback


Ruffa Mae: Kailangan mong sabihin. Kailangan mo ring bumili ng ibang wedding gown dahil sa kasal ninyo tiyak malaki na ang tiyan mo.

Inday; Nakalimutan ko ang wedding gown. Malaki na nga pala ang tiyan ko by that time. Kailangan ko ng sabihin sa kanya.


------------------------
Scene: Sa Balkonahe. Ang mga bata ay kasalukuyang tulog na

Pio: Sigurado ka ayaw mo ng wine. Makakatulong ito para makapag-relax ka.

Inday: Salamat na lang. Okay na ako dito sa warm milk.

Pio: Iba pa rin ang epekto ng wine. Unless yang gatas mo ay may halong kung ano na hindi mo sinasabi sa akin. haha

Inday: (ngumiti)No, walang kahit na ano ito.

Inday: (sa isip) Sabihin mo na kasi! Sabihin mo na!

Inakbayan siya ni Pio.

Pio: May sasabihin nga pala ako sa iyo.

May inabot sa kanya si Pio ang isang may katabaang envelop na may card.

Inday: Para sa akin? Talaga?

Inday: (nag-iisip) Ang bango naman... ito na kaya yun..

Excited na binuksan ni Inday ang envelop. Card na may mga naka-angat na designs dahil sa foam in between. Mula sa mga bata.

Inday: (medyo disappointed) Ah…okay..

Pio: Disappointed ka ata. Bakit? Ano ba akala mo ang laman? Card at love letter mula sa akin tulad ng binigay ni ano nung birthday mo? (pagbibiro nito)

Inday: No, of course not. Bakit naman ako mag-expect na mag-effort ka bumili ng card lalo na sulatan pa ako ng love letter.

Pio: Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Hindi mo lang alam kung ilang beses ako nasigawan na "insensitive" at hindi "thoughtful". I mean, bakit ko naman gagawin ang isang bagay na gagawin ko lang dahil kailangan pero wala namang ibig sabihin para sa akin.

Tumango si Inday. Nagsimulang magkwento si Pio pero hindi naman nakikinig si Inday. Tinititigan lamang niya ang mukha nito na hindi gaanong malinaw dahil sa lamlam ng ilaw na balkon.

Inday: (nag-iisip) Oh my God. Ito na yon. Ito na ang magiging buhay ko. Kaya ko ba ito? Kaya ba kitang mahalin Pio, pero walang makuhang pagmamahal in return? Kaya ko bang mabuhay for the rest of my life na itinatagong pilit ang tunay na nararamdaman ko? Paano kung malaman mo ang tunay kong nararamdaman para sa iyo? Iiwan mo ba ako? Magalit ka kaya kapag nalaman mong buntis ako sa kabila ng sinabi mong ayaw mo na ng anak.

Pio: … nakikinig ka ba?

Inday: Uh, sorry... (pag-iiba sa usapan) Naisip ko lang na masyado kang serious kanina sa kausap mo sa telepono.

Pio: Si Kuya Larry ang kausap ko kanina. I feel sorry sa kanya. Final na ang divorce niya. He's keeping it together for his kid pero he’s pretty lost. The worse part is, sa kabila ng ginawa ng ex-wife niya. Mahal niya pa rin ito. Imagine? Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Buti na lang walang magiging ganoong problema sa atin.

Hindi kumibo si Inday.

Pio: Tama di ba? Sumagot ka kung hindi iisipin kong na-iinlove ka na sa akin dahil kanina ka pa titig na titig. hahahaha

Inday: Ah oo.. T-tama...

Pinipigilan ni Inday ang sarili na bumulalas ng iyak.

Inday: Umm, medyo mina-migraine na naman ako. Kailangan ko ng matulog.

Tumayo na si Inday at bago siya tuluyang nakaalis hinila siya ni Pio sa braso.

Pio: Migraine? Na naman? Alam ko stress ka dahil sa wedding preparations pero sana kapag kasal na tayo hindi laging masakit ang ulo mo. Magkakaproblema tayo kung ganyan lagi. Remember, I want things to go back to the way they were.

Tumango si Inday at nagmamadaling umalis. Nakatalikod na siya ng pumatak ang kanyang mga luha kaya hindi napansin ni Pio.


---------------------------
Scene: Condo. Makalipas ang isang linggo.

Pabalik si Inday bitbit ang pagkadami-daming grocery ng ingay ng iyakan at sigawan ang sumalubong sa kanya pagpasok ng pintuan.

Super lakas ang ngawa ni Tisay habang ang isang braso ay hila ni Pio at ang isa naman ng isang tisay na babae.. Si Tsina ay nasa tabi at ngumangawa rin.



Pio: Tama na, Britney! Bitawan mo si Tisay! Alam natin pareho ang real reason bakit mo ginagawa ito!

Britney: Don't you dare assume you know me, because you don't!

Nang makita ni Tsina si Inday kumaripas ito ng takbo papunta dito. Hinawakan ni Inday ng mahigpit ang naiyak na si Tsina.

Inday: Anong nangyayari?

Tsina: Ate Indaaaayyy!!!

Tinitigan ng masama ni Britney si Inday mula ulo hanggang paa.

Britney: (irap! ) Ito ba?! Ito ba ang pakakasalan mo? I'm insulted!

Pio: Shut up!! What I do is none of your business!

Tisay: Mommy! Daddy! Huwag na kayo mag-away! Waaaaah!

Pio: Pwede ba kumalma muna tayong lahat! (ngunit ang tono ay hindi kalmado) Britney, kahit mahirap sa iyo, please pag-usapan natin ito!

Britney: Pag-usapan ang alin? Pakakasalan mo na nga ang babaeng yan! Kaya I will get my daughter. End of story.

Pio: Ano ba talaga ang gusto mo! Sabihin mo sa akin magkano para sa akin ang permanent custody ng anak ko.

Britney: Fine! Bigyan mo ako ng 50 million and then we have a deal.

Pio: Ano ako sira! Wala akong 50 million! I'll give you 50 thousand.

Britney: 50 thousand? Barya lang sayo yun! Ano ang akala mo sa akin?

Pio: Alam na alam ko anong klase ka, we're just negotiating the price!.

Britney: How dare you! How dare you! Tessa, kunin na natin ang mga gamit mo dahil aalis na tayo ngayon din!

Hinila ni Britney ang hihikbi-hikbing Tisay papuntang kwarto.

Pio: Fine! Go ahead! Kunin mo! Go!

Tumakbo si Inday na noon ay kasama si Tsina na nakaakap sa beywang para harangan si Britney na hila si Tisay.

Inday: No! No! Wait, please, huwag mo munang kunin si Tisay, pag-usapan natin ito. Pio, hindi mo pwedeng hayaang kunin niya si Tisay?

Pio: Huwag kang makialam dito, Inday!

Inday: (hindi pinansin si Pio) Ms Britney, please. Pag-usapan natin ito. Please.

Pio: Inday! (sa galit na tono) Sinabi ng huwag kang makialam pwede ba!! Hayaan mo ang walang kwentang babaeng yan!

Lalong nag-iyakan ang mga bata.

Inday: Pio, tama na! Ang sigawan siya at tawaging kung anu-ano ay lalo lang nagpapalala ng sitwasyon.

Pio: (sumigaw ng malakas) Sabi ko TUMAHIMIK KA INDAY! This is none of your business! If you want to make yourself useful, kunin mo ang mga gamit ni Tisay para makaalis na sila agad! Kung hindi huwag ka ng makigulo pa!!

Natigilan si Inday sa pagsigaw sa kanya ni Pio at mga sinabi niyo. Umupo na lang siya sa upuan kung saan tinabihan siya ni Tsina. Nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata ng pumasok na si Britney sa kwarto kasama si Tisay para kunin ang mga gamit ng bata. Blangko ang ekspresyon ni Pio at sa bintana nakatingin.

Matapos ng ilang minuto, lumabas na ng kwarto si Britney bitbit ang backpack sa isang kamay at si Tisay naman sa kabila. Palabas na sila ng pintuan ng pilit kumawala si Tisay at kumaripas ng takbo kay Inday at Tsina. Yumakap ito ng mahigpit sa kanilang dalawa.

Tisay: Ate Indaaaaaayyyy!!! Tsinaaaaaa!!!!! Waaaaaahhhh!!

Hinila ng pilit ni Britney si Tisay at pakaladkad na nilabas ng pinto.

Tsina: Dadddyyy! (hikbi) Bakit mo hinayaan kunin niya nag kapatid ko? (hikbi)

Pio: Alam ko ang ginagawa ko. Hindi ba dapat nasa dance class ka? Bihisan mo na siya , Inday. Pupunta na ako ng office.

Naglakad na patungong kwarto si Inday ng hindi tinitingnan si Pio bitbt si Tsina na humihikbi pa rin.

-------------------------
Scene: Kinagabihan.

Kadarating lang ni Pio at nadatnan si Aling Benita sa kusina katulong si Tsina.

Tsina: Hi Daddy.

Pio: Hi sweetie ! Tapos na homework mo?

Tsina: Opo. Daddy, asan po si Ate Inday? Hindi niya ako sinundo kanina sa school. Yung anak ni Aling Benita ang sumundo sakin.

Pio: Hmm, hindi siya nagpaalam na aalis siya ngayong gabi. Hayaan mo tatawagan ko magpapalit muna ng damit si Daddy, okay?

Pagpunta ni Pio sa kwarto nakita niya ang isang envelop na nakapatong sa may side table. Kinukutuban niyang binuksan ito at binasa.


My Dearest Pio,

Hindi ko alam kung paano ang tamang paraan ng pagpapaalam pero alam kong kailangan ko itong gawin. Ito ang isa sa pinakamahirap at pinakamasakit na gagawin ko… ang tuluyan ng lumayo sa iyo at mga bata.

Matagal na akong may tinatagong sekreto sa iyo Pio, yun ang mahal na mahal kita. Una pa lang tayong magkita sa maniwala ka o hindi mahal na kita. Alam ko isa akong malaking duwag para ipaniwala sa iyo na walang halaga sa akin ang kasal. Hindi ko dapat sinabi na hindi ako naniniwala sa pag-ibig kung mahal na kita umpisa pa lang. Nilinaw mo ang bagay na iyan umpisa pa lang pero sabi nga ni Tisay, the heart wants what the heart wants.

Para ko ng mga tunay na anak si Tsina at Tisay. Alam kong mahal ako ng mga bata kahit wala ka mang nararamdaman para sa akin. Ang pag-alis ko ay hindi magiging madali lalo na kay Tsina kaya gumawa ako ng sulat sa bawat isa sa kanila. Bahala ka na kung gusto mong ibigay ang mga ito o hindi. Tatanggapin ko kung sabihin mo na isa akong masamang tao para mas madali para sa kanila kalimutan ako.

Humihingi ako ng tawad Pio kung ginawa ko ito ng halos nalalapit na ang araw ng ating kasal. Hindi ko gustong iwan si Tsina lalo na ngayon pero alam ko namang andyan ka para sa kanya. Sana mahanap mo sa puso mo na patawarin ako. Pero kung hindi nauunawaan ko.

Inday

P.S. Tinawagan ko na ang mga wedding suppliers at nagrequest na ako ng cancellation at refunds. Iniwan ko sa folder sa kusina yung mga papeles. Humihingi rin ako ng pasensiya kay Mama. Nakausap ko na rin si Aling Benita. Siya at ang mga anak na nya ang magiging yaya ng mga bata at maid.


Napaupo si Pio sa kama. Hindi siya makapaniwala sa binasa niya.

Pio: (sa isip) No! No, hindi nangyayari ito... hindi magandang biro ito.

Tinawagan nito si Inday pero walang sumasagot.

Pio: (galit) Nasaan ka Inday! Anong kadramahan ito! Sabihin mong hindi ito totoo! Hindi mo ako maaaring pakasalan dahil mahal mo ako? Dammit! Anong nangyayari! Tawagan mo ako para pag-usapan natin ito!

Palakad-lakad si Pio habang umuusok ang ilong sa galit. Paulit-ulit niyang tinawagan si Inday pero walang sumasagot.



Pio: (lalong galit) Saang impyerno ka nagpunta? Bakit mo ako ginaganito! Mag-usap tayo!

-------------------------
Scene: Balkon. Madaling-araw.

Habang umiinom ng whiskey si Pio sa balkon ay binabasa uli nito ang sulat ni Inday.

Kinuha nito ang cellphone at tinawagan ito. Wala pa ring sumasagot. Nag-iwan siya ng isa pang voicemail.

Pio: (kinakalma ang sarili) Inday, please tawagan mo ako utang na loob. Pag-usapan natin ito ng mahinahon. We can work this out. (buntong hininga) It's fine. I mean.. okay lang kung in love ka sa akin. We can make this work. Mag-usap tayo.

-----------------------
Scene: Airport.

Natanawan ni Pio ang ina at agad itong kinawayan.

Pio: Ma, salamat uli sa mabilis na pagdating.

Vilma: Of course, iho. Nararamdaman ko sa boses sa telepono na kailangang-kailangan mo ako.Alam mo namang basta isang tawag mo lang andito agad ang mama mo para sayo.

-----------------------
Scene: Sa Condo

Kadarating lang ni Vilma at Pio.

Tsina: Grandma Vi is here! Yehey! Pasalubong ko??

Vilma: Sorry, umalis si Grandma ng madalian hindi ako nakabili pero ba ang gusto mo? Bukas lalabs tayo para mag-shopping?

Tsina: Yey! Pwede ba kami bumili ng bracelet na terno sa gown para sa kasal ni Daddy?

Tumingin ng nagtatanong si Vilma kay Pio.

Pio: Sure. Bibili kayo bukas ni Grandma. Aling Benita, pakisamahan na po si Tsina sa kwarto para matulog.

Dinala ni Aling Benita si Tsina sa kwarto.

-----------------------------
Scene : Sa Balkonahe

Pio: Hindi ko gustong ilayo kayo kay Kuya Larry pero kailangan ko talaga ang tulong ninyo.

Vilma: Nauunawaan ka ng kuya mo besides nakahanap na siya ng daycare saan pwede iwan ang pamangkin mo pansamantala habang wala ako.

Pio: Mabuti naman kung ganon. Okay naman si Aling Benita pero palagay ko mas magiging okay si Tsina kung nandito ka habang wala ako at habang inaayos ko ang mga bagay bagay.

Vilma: Sabi mo you will explain kapag nandito ako. Kinuha si Tisay ng nanay nito? Si Inday umurong sa kasal ninyo? Ano ang nagyayari iho!

Pio: Ang gulo ng mga nangyayari. Si Britney kung pano basta na lang sumulpot at basta iniwan si Tisay ay basta din lang bumalik at nanggulo para kunin ito.

Vilma: Ano naman ang gusto ng babaeng yon ngayon?

Pio: Nakausap ko siya at si Tisay today. Sino ang nakakaalam anong bagong laro ang gusto ng babaeng yon. Pero sisiguraduhin ko sa akin mapupunta ang full permanent custody ng anak ko.

Vilma: Noon ko pa sinabi sa yo baka magkaproblema sa custody pero ayaw mo makinig sa akin o ano di ano ang nangyari.

Pio: Alam ko Ma. Hindi mo na kailangan ulit-ulitin.

Vilma: (buntong hininga) So bakit naman umatras si Inday sa kasal ninyo? Akala ko ba perfect kayo sa isa’t isa.

Pio: Well, mukhang nagbago ang isip niya sa bagay na yan. Hindi ako sigurado Ma, kung alam ko ang buong kwento kaya gusto ko siyang makausap pero tinataguan niya ako.

Vilma: Wala kang idea kung nasaan si Inday?

Pio: Wala pero pipilitin ko ang best friend niyang sabihin kung nasaan ito. (pause) Ma, please careful sa sasabihin ninyo kay Tsina at Tisay. Ang alam lang ng mga bata may emergency sa pamilya ni Inday kaya umuwi ito ng probinsiya ng biglaan.

Vilma: Hindi mo pa sinasabi sa kanila na hindi na tuloy ang wedding?

Pio: Hindi ko kaya. Kailangan ko munang makausap si Inday para magkalinawagan kami tapos tuloy ang kasal tulad ng unang plano.

-----------------------
Scene: Sassy Shears

Nagmamadaling pumunta si Ruffa Mae sa opisina nito ng matanawan ang pagpasok ni Pio sa salon para pagtaguan sana ito pero huli na dahil natanaw na siya nito.

Pio: Ruffa Mae! Kailangan kita makausap!

Ruffa Mae: Ah.. eh busy ako ngayon. Madami pa akong gagawin. Pwede some other time na lang.

Pio: Sandali lang ito. May itatanong lang ako at kailangan ko malaman agad ang sagot.

Pinagtitinginan sila ng mga customer sa parlor.

Ruffa Mae: O-okay, tara sa opisina.

-----------------------
Scene: Ruffa Mae's office.

Pio: Alam mo naman siguro ang pinunta ko dito. Nasan si Inday?

Ruffa Mae: Ah..eh..hindi ko alam ...

Pio: Sinungaling!

Hindi umimik si Ruffa Mae.

Pio: Handa akong mag-antay kahit gano katagal kahit dito pa ako matulog hangga’t di mo sinasabi ang sagot.

Hindi pa rin umiimik si Ruffa Mae.

Pio: Hindi ako nagbibiro Ruffa Mae, sabihin mo na sa akin saan nagpunta si Inday. Ilang araw ko na siyang tinatawagan pero hindi niya ako sinasagot.

Ruffa Mae: O..okay. Umuwi ng Iloilo City. Sa pamilya niya.

Pio: Wala akong kilala ni isa sa pamilya niya. Sa wedding ko pa sila dapat makikilala. Ibigay mo sa akin ang exact address.

Sa una ay ayaw ni Ruffa Mae pero sa itsura ni Pio mukhang wala itong balak umalis hangga’t hindi nakukuha ang address kaya pilit man ay sinulat na niya ito sa maliit na papel at iniabot dito.

Pio: Salamat.

Nagmamadaling umalis si Pio. Sinusundan pa rin ito ng tingin ng mga customer sa salon.

Sa opisina, lumabas si Inday mula sa pagkakatago.

Inday: Wala na ba?

Ruffa Mae: Umalis na po. Hanggang kailan mo ba balak magtago?

Inday: Don't worry, makakahanap din ako ng malilipatan. Pansamantala lang naman ang pagtira ko sa iyo.

Ruffa Mae: Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin. Pwede kang tumuloy sa akin hanggang gusto mo. Iniisip ko lang kung dapat mo na siyang harapin ngayon lalo na at gumaganda ang home business mo ng baked goodies dito, hindi malayong magkasalubong kayo.

Inday: Natatakot akong kapag hinarap ko siya, hindi ako makakahindi sa gusto niya. Susunod na naman ako na tila uto-uto sa mga gusto niya tulad ng lagi kong ginagawa.



Ruffa Mae: Pero tiyak magwawala yun pagdating sa Iloilo at malaman na wala ka naman doon.

Inday: Don't worry. I doubt pupunta yun ng Iloilo. Tiyak tatawag muna yun ng tao para check kung andun talaga ako.

Ruffa Mae: Ewan ko lang pero sa itsura mukhang tatawid ng bundok at lalangoy ng dagat makausap ka lang.

Inday: Hindi yun mag-eeffort lalo na sa akin pa. Maniwala ka, kahit nag simpleng pagtawid sa kalsada para sa akin hindi niya gagawin.

Nagsimula ng umiyak si Inday.

Ruffa Mae: I'm sorry, I'm sorry! Huwag ka na umiyak. Makakasama ang pagiging emotional sa baby!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...