These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, November 4, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 8: Sexy Phone


Episode 8: Sexy Phone

Scene: School Auditorium.

Si Tisay at Tsina ay kasalukuyang nag-aantay para magpakitang gilas ng kanilang musical number. Si Inday at Vilma ay nasa di kalayuan sa backstage. Si Ruffa Mae ay nakaupo sa audience.

Tisay: Asan na si Daddy? Bakit wala pa din siya. (sa disappointed na tono)

Inday: Kaka-text lang. Papunta na. Naipit lang sa trapik.

Tisay: Haaaaay!

Tsina: Hindi na niya tayo mapapanood. Tayo na ang next (malungkot na sabi nito)

Vilma: Parating na yun. (hawak ang video cam at excited na makitang mag-perform ang kanyang mga apo).

Emcee: Now, please welcome, singing "Love Story" by Taylor Swift... Xhi Na and Tessa!

Palakpakan ang audience.

Tsina: Tara. Tayo na.

Biglang inatake ng nerbiyos si Tisay.




Tisay: Wag na lang kaya. Kinakabahan ako eh...

Vilma: Inaantay na kayo oh.. cge na….

Tisay: No! Ayoko na.. Ikaw na lang Tsina!

Emcee: (ahem) Please welcome, Xhi Na and Tessa!!

Nagsimula ng umiyak si Tisay at tumakbo palayo.

Hinabol ni Inday si Tisay. Pinagmamasdan ni Vilma si Inday habang buhat nito si Tisay na kinakalma at binobola. Itinuro nito ang audience at tamang-rtama naman na saktong kadarating ni Pio at kakaupo pa lang.

Tsina: Andito na si Daddy! Tara na Tisay! Hawak tayo kamay para di ka kabahan.

Inday: You can do it, sweetheart. Remember, basta tingnan mo kami sa audience.

Tisay: (huminga ng malalim) Kaya ko toh.

Pumunta na sa stage ang magkapatid. Sa umpisa kinakabahan pa si Tisay at nakatingin sa sahig pero matapos ng ilang linya ng kanta at nakita niyang nasisiyahan ang audience bumira na ito ng todo sa pagkanta.

--------------------------------
Scene: Sa labas ng school. Sina Pio, Vilma, Inday, Ruffa Mae at ang dalawang bata ay masayang nag-uusap pagkatapos ng talent show.

Ruffa Mae: Wow ang gagaling niyo naman! Great job!

Tisay at Tsina: Thank you po.

Ruffa Mae: Sino nagturo sa inyo kumanta, si Daddy ba?

Tsina : Ate Inday.

Ruffa Mae: Sabi ko na nga ba may tinatagong talent sa pagkanta ang friend kong ito.

Vilma: Inday, bakit hindi ka muna mag unwind? Bakit hindi kayo mamasyal ng kaibigan mo?

Ruffa Mae: Tamang-tama friend, may gimikan akong matagal ng gustong puntahan! Tapos out of town pa si Wendell kaya libre ako pwede tayo umagahin wala akong bantay!

Pio: Teka! Sino titingin sa mga bata?

Vilma: Anong ginagawa ko. Malapit na rin akong bumalik sa US at gusto ko rin namang makasama ng sarilinan ang mga apo ko ng mas madalas. (Tumingin kay Inday at Ruffa Mae) Cge tumuloy na kayo mga iha. Mag-enjoy kayo. You deserve a break, Inday.

Inday: Thanks ma'am. Magpaalam muna tayo sa mga bata.

Pinuntahan ni Inday at Ruffa Mae ang mga bata. Akmang susunod di Pio subalit pinigilan ito ng ina.

Pio: Delikado gumimik sa panahon ngayon lalo at wala naman silang sasakyan. Ang daming masasamang loob na nagkalat. Mabuti pa samahan ko na sila.

Vilma: Hayaan mo na sila iho! Hindi sila mag-eenjoy kung kasama ka. O baka naman may iba kang rason kaya gusto mong sumama?

Pio: Of course wala. Nag-aalala lang naman.

---------------------------------
Scene: Blue’s Resto Bar

Ruffa Mae: Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo. Talagang give up ka na ba?

Inday: Oo surrender na. Give up nako.

Ruffa Mae: (dismayado) Dapat pinigilan talaga kita. Sa isip ko dapat pilit na kitang kinumbinsing umalis sa pamilyang yan noon pa. Pero nagdadalawang-isip ako tuwing nakikita kitang super saya kasama sila lalo at nagkaron ka uli ng dahilan na maging excited sa buhay pagkatapos ng mahabang panahon.

Inday: As if naman makikinig ako sayo na umalis.

Ruffa Mae: Well, at least nag-try ako. (buntong hininga) So ano na ang gagawin mo na ngayon?

Inday: Eh di wala. Anong magagawa ko? (nagsimulang umiyak)

Ruffa Mae: Umalis ka! Ikaw na mismo ang umamin na katapusan na ng inyong relasyon! Paano ka na kung biglang makahanap siya ng iba? Kailangan mo ng lumayo.

Inday: (patuloy sa pag-iyak habang iniiling ang ulo) Hindi kokakayanin.. Huwag mong isiping never kong naisip na umalis… ilang beses ng sumagi sakin...(hikbi) pero tuwing naiisip kong hindi ko na makikita si Pio at ang mga bata (hikbi) nadudurog ang puso ko na pakiramdam ko mamamatay ako (iyak) Hindi ko kaya!!

Hindi alam ni Ruffa Mae ano ang sasabihin.

Inday: (umiiyak) Hindi ko kaya...

-----------------------------
Scene: Condo, isang linggo makalipas. Kadarating lang ni Pio habang ang mga bata ay naglalaro sa sala.

Agad na tumayo si Tisay pagkakita sa ama at nagpakarga. Hinalikan nito si Pio na parang ang tagal nilang hindi nagkita. Lumapit din si Tsina at niyakap ang ama sa tagiliran.

Pio: Hello sweethearts!

Tisay: Daddy! Daddy! Pwede mo ba ako buy ng sexy phone !

Pio: Hah? Anong sexy phone?

Tsina: (buntong hininga) Saxophone! Yun ang ibig niya sabihin Daddy.

Pio: Gusto mong matutong mag saxophone? At kelan ka pa nahilig sa musical instrument?

Tisay: Ay musical instrument ba yun! Wag na lang.

Tsina: Hay naku hihingi-hingi di naman pala alam kung ano. Minsan ang hirap talaga kausap ni Tisay Daddy.

Pio: Asan si Ate Inday?

Tsina: Inaayos niya ang buhok ni Grandma. Pupunta kasi sa party mamaya.

Pio: Hmmm, gabihin kaya siya ng uwi...

Pio ibinaba si Tisay at tumuloy na ng kwarto.

Pagkababang-pagkababa nag make face si Tisay kay Tsina tapos ay tumalikod sabay utot.

Tsina: Ang baho-baho ng utot mo ! Mag-cr ka na nga

Tisay: Ayoko nga uutot pa ako (at umutot nga ulit) hahaha

Tsina inis na niligpit ang nilalaro at pumunta ng kwarto pero sinundan pa rin ito ng Tisay.

-------------------------
Kasalukuyang nilalagyan ng finishing touches ni Inday ang buhok ni Vilma.

Pio: Hi. Ma, you look great.

Vilma: Thanks iho. (pinupuri ng tingin ang sarili sa salamin) Thank you Inday. Gusto ko ang kulay at style.

Inday: You're welcome, ma'am.

Vilma: I don't think I've ever liked my hair and make up this much. (pinagmamasdan si Pio sa salamin) Hindi ba sumagi sa isip mo mag-abroad Inday?

Inday: Abroad??

Vilma: Yes! Ang isa ko pang anak na si Candelario na nakatira sa States ay may isang anak na babae. She's 4 years old and very sweet and really well behaved. Tamang-tama ang isang yaya na katulad mo then libre pa ang ayos ko ng buhok at makeup araw-araw. hahahahaha

Tiningnan ni Inday si Pio na ang mga mata ay naniningkit.

Inday: Ah ... eh.. (gulat na gulat) honestly.. never pa na sumagi sa isip ko mag-abroad.

Pio: Ma! Hindi siya aalis. Dito lang si Inday.

Vilma: Wala sa iyo ang desisyon iho? Si Inday ang magpapasya kung tatangggapin niya.(binaling ang tingin kay Inday) Isipin mo Inday, single ang anak kong si Candelario. Kaka-divorce lang niya. Lahat ay sinasabing kamukha siya ni Richard Gere. Malay natin baka kayo ang tadhana.

Pio: MA!

Biglang tumunog ang door bell.

Inday: Uh.. excuse me, buksan ko lang ang pinto.

Lumabas si Inday ng kwarto.

Pio: Ma! Gusto mo talagang dalin si Inday sa States?!

Vilma: Why not?

Pio: I need her here. Sino na ang mag-aalaga sa mga bata?

Vilma: Mas madali para sayo ang makahanap ng yaya dito kesa sa Kuya mo na nasa States. Sigurado akong makakahanap ka agad ng ibang yaya.

Pio: I had a hard enough time finding Inday. Hindi mo siya pwede basta na lang kunin!

Vilma: Iho, you know what happened to your brother. Devastated yung tao sa divorce. He could really use a good woman like Inday. Feeling ko magkakasundo ang dalawa.

Pio: Are you serious? Gusto mo talagang ireto si Inday kay Kuya Larry? Ano na ang nangyari sa mga suspetsa mo?

Vilma: Noon iyon iba na ngayon. Nakilala ko na ng mabuti si Inday at sa palagay ko magiging isa siyang mabuting daughter-in-law!

Pio: Ano? May asawa si Inday noon at ayaw na niyang mag-asawa ulit tulad ko!

Vilma: Sinabi niya sa iyo na ayaw na niya mag-asawa ulit? I don't believe it!

Pio: You don't believe that she told me or you don't believe na may mga babae na ayaw na mag-asawa ? Ma, 21st century na. Iba na ang mga babae ngayon di tulad ng panahon ninyo!

Vilma: Siguro nga pero sinasabi ko sa iyo hindi isa sa kanila si Inday. Mark my words,siya ang tipo ng babae na gusto ng isang traditional family. Hindi siya makukuntento sa ganyang set-up.. o kung ano mang maitatawag sa kung ano man ang meron kayo ngayon ...

Pio: Anong ibig ninyong sabihin?!

Vilma: Hindi ako ipinanganak kahapon. Alam ko ang ginagawa ninyo! (taas ang kilay)

Pio: (gulat na gulat) Ano? Paanong...

Vilma: Tama ba ako o hindi?

Pio: Pareho kaming nasa hustong gulang. Oo, may relasyon kami. Kaya hindi mo pwedeng ilayo si Inday sa mga bata.

Vilma: Sa mga bata o sayo?

Hindi sumagot si Pio.

Vilma: Isipin mo mabuti ang ginagawa mo. Tama ang sinasabi ko tungkol kay Inday. Hindi siya tatagal sa ganyang set-up.

Pio: Ma, mahal kita, pero pagdating sa mga relasyon huwag na kayong makialam lalong-lalo na kay Inday.

Galit na umalis si Pio ng kwarto. Pagtungo niya sa sala ay napansin niya ang plorera na puno ng bulaklak at balloon na may nakalagay na "Happy Birthday"



Tumakbo si Tsina palapit kay Pio ng makita ito.

Tsina: Daddy! Alam mo ba birthday ni Ate Inday today?

Tiningnan ng nagtatanong ni Pio si Inday.

Pio: Today? (tumango si Inday) Hindi ko alam... Happy Birthday!

Tisay: Daddy pwede ba tayo mag-dinner sa labas ng birthday? Gusto ko ng Kitty’s cupcake at ice cream? Yung favorite kong chocolate flavor! Pleeeeezzz???

Inday: (ngumiti) Teka, ako ang may birthday di ba? Ampalaya ang favorite ko hindi chococlate. (nagbibiro) Gusto ko ng ampalaya ice cream!

Tsina at Tisay: Yuck!!!

Pio: Sino nagpadala ng mga bulaklak?

Inday: Someone na mahal ako! Di ba ang gaganda? Carnations ang paborito ko.

Pio kinuha ang card at binasa.

Pio: Happy Birthday... Love Ruffa Mae?

Inday: Oo, hahaha. Tradisyon na naming magbigayan ng flowers tuwing birthday.

Tumunog nanaman ang doorbell. Pagbukas ni Inday may delivery man na naman. Bitbit nito ang isang napakalaki at napakagandang bouquet ng samu’t saring klase ng carnations.



Delivery man: Delivery for Ms. Inday .....

Reaksyon ng lahat maliban kay Pio : WOW!!

Masayang tinanggap ni Inday ang mga bulaklak mula sa delivery man na masayang umalis dahil sa binigay na malaking tip.

Tisay: Sino nagpadala Ate?

Inday: Hindi ko rin alam!

Tsina: Tingnan mo ang card!

Binuksan ni Inday ang kalakip na card. May nakaipit na sulat sa magandang stationery.

Inday: (sa gulat na tinig) Oh galing kay Alvin! Excuse me, basahin ko muna at tatawagan ko siya para magpasalamat.

Pumunta si Inday sa balkonahe at nagsimulang tumawag sa cellphone. Pinanonood siya ni Pio at Vilma habang binabasa ang sulat na may masayang ngiti sa mga labi.

Vilma: Iho, babalik na ako sa States soon. Gusto kong makitang masaya ka ng settled down pati mga apo ko.

Pio: Ma, Masaya naman kami.

Vilma: Tumigil ka at matututo ka sanang makinig. Kung nakinig ka lang sana sa akin noon pa naiwasan mo ang mga pagkakamali at heartaches mo sa buhay.

Tahimik si Pio.

Vilma: Gusto kong mag-isip ka, iho. Mag-isip ka ng mabuti, mag-isip ka ng maigi tungkol sa napag-usapan natin kanina. (Iminuwestra nito si Inday na noon ay mukhang masayang-masaya na nakikipag-usap sa cellphone) And please, paganain mo yang utak mo na nasa ulo at hindi iyang ulo mo sa pantalon.

Bago nakasagot si Pio, tumalikod na si Vilma at hinalikan ang mga apo bago tuluyang umalis.

----------------------------
Scene: Kinagabihan. Sa kwarto ni Pio.

Nasa kama si Pio at Inday. Si Pio ay matamang nag-iisip habang tinititigan si Inday na himbing na himbing ng natutulog.

----------------------------
Scene: Sa Kusina

Kakauwi lang ni Inday pagkatapos ihatid ang mga bata sa school bus. Nagulat siya ng makita si Pio sa dining table na nagkakape.

Inday: Oh, hindi ka ba papasok ngayon?

Pio: Papasok. Maaga pa naman para sa next appointment ko. Gusto muna kitang makausap bago ako umalis. (sa seryosong tinig)

Inday: (sa isip) Oh no. May nahanap na ba siyang iba. Papalitan na ba niya ako...

Pio: Maupo ka..

Umupo si Inday sa tabi ni Pio na pilit na hinahanda ang sarili sa maaring marinig.

Inday: (sa isip) Kaya mo ito, Inday..

Pio: Palagay ko dapat na tayong magpakasal.

Inday: (gulat na gulat) .. ha...kasal?

Pio: Please pakinggan mo muna ako. Kung ako lang hindi na talaga ako magpapakasal pero para sa mga bata, oo. Mas magiging masaya sila kung may matatawag silang Mommy. Alam mo bang tinanong ako ni Tsina kung magkakaron na siya ng buhok sa pepe sa next birthday niya? Lumalaki na ang mga bata at kailangan ko ng katuwang sa pagpapalaki sa kanila. Hindi mo ako papayagang mag-isa kong gawin ang mga ito di ba?

Inday: Bakit ako? Kung gusto mo ng ina para sa mga anak mo bakit hindi yung iba mong mga naging girlfriend na kapareho halos ng status mo sa buhay?

Pio: Wala akong gusto ni isa sa kanila na maging ina ng mga anak ko. At for the record, wala na akong kinatagpo pa ni isa mula ng magsama tayo. Wala ng dahilan pa.

Inday: Huh?

Pio: Masama mang pakinggan pero palagay mo ba enjoy ako lumabas at mag-date sa mga babae upang makinig ng litanya nila ng kung anu-ano ang nangyari sa kanilang buhay maghapon? Ang gusto ko lang naman ay maikama sila bukod doon wala na hahaha .

Inday: Ang sama mo.

Pio: Hindi ako masama. Honest lang.

Inday: (sa isip) Honest...

Pio: ..hindi mo lang alam pero relief sa akin na hindi ko na kailangan pang gawin ang magpanggap. Isa rin iyon sa dahilan kaya I want to be married with you.

Inday: So sinasabi mo bang kapag kinasal tayo magiging faithful ka sa akin? Sinasabi ko sayo ngayon pa lang hindi ako papayag sa isang nangangaliwang asawa.

Pio: Ako rin ayoko ng nangangaliwa. Nang makita ko kayo ng ex mo sa Star City. Masasabi kong hindi ka pa completely naka-move on sa kanya...

Magsasalita sana si Inday pero naunahan siya ni Pio.

Pio: ...nauunawaan ko. It's fine, kung mahal mo pa rin siya..

Inday: For the record. Matagal na kaming tapos na kami ni Greg.

Pio: Si Alvin?

Inday: Ganon din. Sinabi ko na sa kanya na hanggang friends na lang kami.

Pio: Good kung ganun.

Inday: Nagkakaunawaan tayo sa bagay na iyan.

Pio: Napag-usapan na natin ano ang pananaw natin about love and marriage. Pareho tayo ng opinion sa bagay na iyan kaya sa palagay ko ay compatible tayo.

Inday: Sigurado ka ba? Paano kung may makita ka in the future at ma-inlove ka?

Pio: Imposible. Ang love na maibibigay ko ngayon ay para lamang sa aking mga anak. Sakto ka para sa akin dahil nauunawaan natin ang isa’t isa. Hindi ka aasa ng love mula sakin. Hindi ko kailangan magpanggap na may nararamdaman ako para sa iyo.

Inday: So ano ang exactly ine-expect mo?

Pio: Isa akong simpleng lalaki na may simpleng pangangailangan. Gusto ko ng katuwang sa pag-aalaga sa aking mga anak, mamamahala ng aking tahanan at someone to have sex with often. hahaha , alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin sa bagay na iyan. Mas mabuti na yung legal para hindi na kailangang magtago na parang kriminal sa mismong bahay ko hahaha

Tahimik si Inday at iniisip ni Pio na nagdadalawang isip ito.

Pio: Iniwan ka ng ex mo dahil hindi ka na magkakaanak. At ako ayaw ko namang magkaroon pa ng isa pang anak. See how perfect we are for each other? Marry me, Inday. In exchange, hindi ako mag-dedemand sa yo maliban sa kung ano ang ibinibigay mo ngayon. Magiging asawa kita at aalagaan. Marry me, Inday.... Say yes.

Inday: Yes.

Pio: Good! So okay na tayo. Papasok na muna ako at mamayang gabi ipaalam na natin sa mga bata at kay Mama. Pakikuha nga pala yung pina dry clean kong damit the other day sa Chasty’s Laundrymat. Eto ang resibo.

Tumayo na si Pio at ginawaran siya ng isang halik sa pisngi bago tuluyang lumabas ng pinto.

Inday: (sa mahinang boses) Okay. Bye.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...