RIVALRY - Episode 1
Scenario - Engrandeng Trade Launch ng ME TV8
Dumating si Angel kasama ang asawang si Jericho. Sinalubong sila ng matataas na opisyal sa pangunguna ng Chairman ng ME TV8.
Naging matagumpay ang engrandeng trade launch para sa mga bagong shows ng ME TV8 ngunit ang nagpakulay ng gabing iyon ay ang pagdalo ng mag asawang Angel at Jericho. Matagal ng naging bulong bulungan ang diumano'y bago pa man nagbitiw sa SBS network si Angel, may alok na ang ME TV8 sa kanya upang pamunuan ang kanilang entertaiment department.
Sa hulihan ng naturang trade launch, ipinaalam mismo ni Mr. Monteclaro, Chairman ng ME TV8, ang pagtatalaga kay Angel bilang bagong head ng entertainment department ng istasyon.
Emcee: Ladies and Gentlemen, the Chairman of ME TV8, Mr. Monteclaro.
Nagpalakpakan ang audience habang naglalakad paakyat ng stage si Mr. Monteclaro.
Sa gitna ng stage kaharap ang audience nagbigay sya ng maikling pasasalamat sa lahat ng dumalo.
Mr. Monteclaro: Maraming salamat sa inyong pagdalo ngayong gabi para sa trade launch ng aming mga bagong programa. Maraming salamat sa suportang binibigay at ibibigay ninyong lahat. But before we end this party, i would like to take this opportunity to announce ang bagong head ng aming entertainment department, si Ms. Angel Locsin-Rosales.
Itinuon ang spotlight kung saan nakaupo si Angel.
Mr. Monteclaro: Ms. Angel, welcome to our network.
Sabay sa pagtayo ni Angel nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng ballroom.
Mr. Monteclaro: Again, thank you all very much for attending this occasion and goodnight.
Sa labas ng hotel habang naghihintay ng kanilang sasakyan ang mga bisita, may isang umpukan ng mga reporters sa gilid pinaguusapan ang paglipat ni Angel sa ME TV8.
Pia (reporter 1): Sabi ko na nga ba si Ms. Angel ang magiging head ng entertainment department. Pagkakita ko pa lang sa kanya kanina malakas na ang kutob ko.
Jenny (reporter 2): Dati pa naman kahit nasa SBS network pa sya inalok na sa kanya ang posisyon na yan.
Sonia (reporter 3): Malaki siguro ang bayad kay Ms. Angel kaya tinanggap ang offer.
Jenny (reporter 2): Sigurado yun! si Mr. Monteclaro pa ba, eh ang daming datung nun no?
Pia (reporter 1): Infairness naman malaki ang naging papel ni Ms. Angel sa pagiging number one ng SBS network.
Jenny (reporter 2): Ang tanong, magagawa rin kaya ni Ms. Angel gawing number one ang ME TV8.
Pia (reporter 1): Iyan ang isang malaking tanong!
Sonia (reporter 3): Balita ko bitbit ni Ms. Angel ang mga tauhan nya sa SBS network.
Jenny (reporter 2): Hindi lang mga tauhan. Ang sabi pati nga daw mga artistang natulungan ni Ms. Angel sa SBS isasama nya.
Sonia (reporter 3): Kaya siguro maraming naglalabasan chika tungkol sa lipatan issue ng mga artista ng SBS network.
Pia (reporter 1): Ano na nga pala ang mangyayari kay Mr. Santos kung si Ms. Angel na ang bagong head ng entertaiment department ng ME TV8?
Sonia (reporter 3): Ang alam ko nag resign na sya.
Pia (reporter 1): Ganun ba? Sabagay hindi naman nagawa ni Mr. Santos paunlarin ang ME TV8.
Jenny (reporter 2): Uy anong oras na? nasaan ang driver. Kailangan ko pa gawin itong write ups ng trade launch para maihabol sa paglabas ng newspaper bukas.
Sonia (reporter 3): Ayan na pala sasakyan natin. Let's go.
Scenario - ME TV studio
Nagulat ng mabalitaan ng production units ang nangyari sa trade launch ng ME TV8.
Kate (prod 1): Alam nyo na ba ang balita?
Gail (prod 2): Oo si Ms. Angel na ang bagong head ng entertainment department.
Andy (prod 3): Si Chairman daw mismo ang nag announce kanina sa trade launch.
Gail (prod 2): Paano na si Mr. Santos? Wag nyong sabihin silang dalawa ni Ms. Angel ang magiging head?
Kate (prod 1): Ang alam ko hanggang next month nalang si Mr. Santos.
Andy (prod 3): You mean tinanggap na ang resignation nya?
Kate (prod 1): Malamang tinanggap kasi si Ms. Angel na ang bagong head ng entertainment department eh.
Gail (pro 2): Sana lang walang mangyayaring tanggalan ng tao kapag umupo na si Ms. Angel. Kawawa naman ang staff ni Mr. Santos.
Andy (prod 3): Naku! panibagong adjustments nanaman ito sa atin.
Scenario - Gabi ng Celebration nila Angel at Jericho
Pagkagaling sa trade launch, nag celebrate sa isang restaurant ang mag asawang Angel at Jericho.
Jericho: Cheers! I'm so proud of you, honey. It's another tough job but i know you can do it.
Angel: Kinakabahan nga ako kasi mataas ang expectations ng pamunuan ng ME TV8 sa akin at malakas ang competition ngayon. Imagine, the other networks have been in the business for many years. Samantalang sila kailan lang nagsimula.
Jericho: Don't worry honey, kaya mo yan.
Angel: I admit ibang iba na ang situasyon ngayon with the new technologies compared noong panahon ko sa SBS network. Today is alot harder. Mas maraming mapagpipilian ang mga tao like internet, cable and other forms of entertainment.
Jericho: Naniniwala ako, nothing can beat a good show that is honest and sincere makapagbigay ng aliw sa manonood.
Angel: Thank you, honey. Buti nandyan ka nagpapalakas ng loob ko. But wait, kailangan tulungan mo ako sa marketing ha?
Jericho: Syanga pala, napag isip isip ko, balak ko na mag resign. I want to put up my own talent agency.
Angel: What? Are you sure? Sayang naman ang position mo sa company. And besides i don't think they will allow you to resign.
Jericho: Pinagiisipan ko pa lang naman. I haven't decided yet.
Angel: Buti pa let's celebrate muna. Saka na natin pag usapan ang plano mo.
Jericho: Okey, your the boss.
Gap 1
Scenario - Opisina ng Production Staff ng ATC Network
Sa pagtatapos ng isa sa mga highly successful shows ng ATC network, nagkaroon ng pizza blowout sa loob ng opisina ng production staff upang ipagdiwang ang kanilang tagumpay.
Susan (staff 1): Hay salamat tapos na ang show. Makakapag bakasyon na rin kasama ng pamilya ko.
Narda (staff 2): Oo nga pati ako gusto ko rin mag break muna ng kahit ilang linggo lang.
Maya (staff 3): Sobrang nakaka stress talaga itong trabaho natin. Araw araw naghahabol ng deadlines, ang dami ko ng wrinkles i need a botox na.
Susan (staff 1): Sinabi mo pa! Tapos ang ibang artista sobrang pasaway kainis talaga.
Lucy (staff 4): Anong bakasyon ang pinagsasabi nyo dyan. Hindi nyo pa ba natatanggap ang memo?
Susan (staff 1): Ha? anong memo?
Maya (staff 3): Oo nga anong memo yun?
Lucy (staff 4): Ay naku hindi pa nga ninyo alam. Bukas may meeting tayo para simulan ang brainstorming ng bagong teleserye.
Narda (staff 2): Ano? bagong teleserye nanaman? Eh bakit sa atin?
Lucy (Staff 4): Eh kasi po unit lang naman po natin ang humawak ng katatapos na teleseryeng tinutukan ng buong sambayanan.
Susan (staff 1): Bakit sa atin nanaman nakatoka? Bakit hindi sa ibang unit. Nakakapagod na ha? wala tayong pahinga.
Lucy (staff 4): Ganun talaga kapag naging number one ang teleserye ng unit. Anong magagawa nyo magaling tayo eh. hahahahaha
Nagtawanan silang lahat sa sinabi ng kasama.
Scenario - Dinner Meeting sa Isang Malaking Hotel
Dinner meeting nina Mark Anthony, Katrina at dalawa pang executives ng ATC network.
Unang dumating ang dalawang executives na kasali sa meeting at ilang minuto kasunod na pumasok sa mamahaling restaurant si Katrina. Maya maya't parating na rin si Mark Anthony at lumapit sa table na kinaroroonan nila Katrina.
Mark Anthony: Late na ba ako?
Katrina: No, we're about to order our dinner. Ikaw anong gusto mo?
Mark Anthony: I'll just have a cup of coffee. I'm on a diet.
Katrina: Okey, ikaw ang bahala.
Pagka upo ni Mark Anthony kaharap ang dalawang executives..
Mark Anthony: Job well done on the last series. Maganda ang audience share natin sa mega manila at national ratings.
Richard (executive 1) : Thank you sir, pero lumalakas na rin ang mga shows ng SBS network. Yung bago nilang teleserye malakas ang impact sa audience.
Dean (executive 2) : They are using social media for promotion and because of that maraming curios kaya humahabol mga shows nila sa ratings natin.
Nakikinig lang si Katrina sa usapan nila Mark Anthony at ng kasamang executives.
Richard (executive 1): Sir Mark, we can do the same with our shows. Pwede ako mag organize ng tao upang tutukan ang twitter ipa trend gabi gabi. We can also require lahat ng ATC employees to tweet and comment on our show's facebook page.
Mark Anthony: Kailangan ba natin gawin yan?
Nakisabat si Katrina sa usapan.
Katrina: Do we still have the number of ads? Nagbago ba ang ad loads ng mga programs natin?
Dean (executive 2): Actually walang pagbabago full load pa rin ng ads ang lahat ng shows.
Katrina: Yun naman pala so why worry?
Nabaling ang tingin ni Mark Anthony kay Katrina.
Mark Anthony: Katrina, what can we do?
Katrina: Nothing! We don't have to do anything.
Mark Anthony: What do you mean?
Katrina: I mean, why and what for? Hindi naman tayo nalalagasan ng commercials and as Dean said, full load pa rin ng ads ang lahat ng shows.
Dean (executive 2): But ma'am Katrina, SBS network's programs are gaining momentum. Tumataas ang ratings at dumarami na rin ang ads nila. Especially now that nasa peak na ng story ang kanilang mga palabas.
Katrina: I know that Dean. Pero quota pa rin tayo sa commercials diba? so our shows are earning.
Mark Anthony: Katrina, we are all aware that ratings are important. Not only for us but for the companies who wants to advertise their products.
Katrina: Yes Mark, i'm pretty aware of it. Alam ko naman yan. Kung ang sinasabi ni Dean nasa peak na ng story ang mga shows nila, that means it's on the tail end, right? They are about to end.
Dean (executive 2): Opo ma'am.
Katrina: Well, mostly kapag malapit na mag end ang isang show expected na talaga tumataas ang ratings. Sige nga tatanungin ko kayo. How do you go about a surging hurricane? Babanggain mo ba? Of course not. Patay ka kung gagawin mo. Hintayin muna natin mag touch down and when the air is clear saka tayo kikilos.
Richard (executive 1): Ma'am Katrina, what if maungusan na talaga tayo sa ratings. Baka mahirap na ibalik ulit ang audience.
Katrina: Kasisimula pa lang ng bagong shows natin. Thank god, full load agad ang ads.
Mark Anthony: But Katrina, you have to have a contingency plan. Hindi pwede pabayaan ito.
Katrina: Mark, you don't have to tell me that. Just before we air all our new shows may contingency plan ng kasama yan. I would be too worried kapag pilot week ratings pa lang ng show nila were already high. That means inabangan talaga ng audience and wrestling with the ratings is really hard. Sabi ko nga patapos na rin naman sila kaya expected na tumaas ang ratings.
Mark Anthony: So what do you have in mind?
Katrina: Since starting pa lang naman tayo, slow pace our teleseryes. Huwag masyadong aggressive at madaliin. Hindi kailangan makipagsabayan. Let the story run on its course. Remember, mataas ang audience share natin for the past 2 years and i'm confident lalakas tayo kapag in place na ang lahat ng characters ng bagong shows.
Sa sandaling ito, nag ring ang phone ni Mark Anthony.
Mark Anthony: I have a call, excuse me.
Tumayo at lumayo si Mark Anthony upang kausapin ang tumawag.
Richard (executive 1): Ma'am Katrina, may malaking impact sa audience ang bagong concept ng SBS network. People are talking about it.
Dean (executive 2): That's true, ma'am Katrina. Tama ang sinasabi ni Richard.
Katrina: If you think so, then pag aralan nyo ang concept na yan.
Richard (executive 1): Sige ma'am Katrina.
Bumalik si Mark Anthony sa table nina Katrina.
Mark Anthony: I have to go. Ngayon ang alis ni daddy papuntang Paris. Kailangan ko syang ihatid sa airport. Enjoy your dinner.
Katrina: Pakisabi sa dad mo mag enjoy sa retirement at iwan na nya ang pagpapatakbo ng company sa iyo. Alam mo naman yung dad mo.
Mark Anthony: Yeah i know. Makakarating ang bilin mo sa kanya. I'll go ahead. Bye.
Umalis at naglakad palabas si Mark Anthony upang tumungo sa airport.
Gap 2
Scenario - Emergency Meeting sa Conference Room ng SBS Network
Umaga pa lang nagpatawag na agad ng emergency meeting para sa gabing ito ang Chairman ng SBS Network.
Kasamang ipinatawag sa emegrgency meeting si Marian dahil maliban sa sya ang head ng entertainment and television department ng network, sya rin ang namumuno ng SBS Films.
Kabado ang ibang executives sa naturang emergency meeting dahil hindi nila alam kung ano ang tatalakayin ng Chairman.
Isa isang pumasok sa conference room ang mga ipinatawag na executives.
Habang hinihintay ang pagdating ng kanilang Chairman, President at ni Marian, pinaguusapan ng mga ito kung para saan ang gagawing meeting.
Heidi (executive 1): Sigurado tungkol sa pelikulang kalalabas lamang ang pag uusapan natin.
Liza (executive 2): Kung tungkol sa movie, eh bakit kasama tayo? Anong kinalaman ng television group?
Jay (executive 3): Nagtaka nga ang mga staff ko kung bakit may urgent meeting kay Chairman. Pumipik up na ang ratings ng mga shows sa primetime.
Liza (executive 2): Kami rin nga ng staff ko nagulat kasi kaka meeting lang namin Kay Chairman the other day to congratulate us dahil sa gumagandang ratings.
Heidi (executive 1): Kung ganun eh para saan kaya ang emergency meeting na ito.
Maya maya'y unang pumasok sa conference room si Marian, kasunod ang Presidente ng Network na si Mr. Garcia at ang huli ay si Chairman Rivera.
Mukhang mainit ang ulo ng Chairman dahil seryoso at naka kunot ang noo ng humarap sa meeting.
Chairman Rivera: What happened? Anong nangyari sa movie natin?
Marian: We attribute it to not having enough cinemas. Kulang rin tayo sa promotions at kasabay pa ito ng mga malalaking foreign films.
Chairman Rivera: Don't you have anything better to say?
Marian: Yun po kasi ang nakikita naming dahilan. Isa pa we only have limited air time to promote the movie on tv.
Dahil sa sinabi ni Marian, sumabog sa galit ang kanyang ama.
Chairman Rivera: For God's sake! What sort of promotions are you talking about? Ano sila mga baguhang artista na kailangan ng malaking event para sa promotions. Aren't they our biggest stars with millions of followers? Kaya nga sila ang pinagbida natin because they are already superstars. Sa status nilang yan minimal na lang dapat ang promotions ng movie.
Marian: Sir, promotion is crucial to the success of any film. Kahit big stars kailangan pa rin ng effective marketing. It's vital that we keep the audience up to date with any developments ng movie nila. Other film outfits, they do that.
Chairman Rivera: Kung ganun rin lang ang reasoning mo eh di kumuha na lang tayo ng mga baguhang artista na mas mura ang talent fees. Then we can put more budget sa sinasabi mong promotions.
Mr. Garcia (president): This could adversely affect our business and our credibility in the stock market. It will create a bad impression on our avid viewers. Ano nalang ang sasabihin at iisipin ng mga investors ng network, two of our top raters didn't deliver at the box office.
Tinanong ni Mr. Garcia ang mga executives sa status ng kanilang mga shows.
Mr. Garcia (president): How's our tv shows doing?
Heidi (executive 1): All of our tv shows are doing very well. In fact we're able to make them number one mula umaga hanggang gabi.
Jay (executive 3): So far Sir, the ratings are steadily going up.
Mr. Garcia (president): I am more concerned with the ad loads. Are they coming in?
Liza (executive 2): Yes sir. dumarami na rin ang commercials ng shows natin.
Mr. Garcia (president): Good! we really need that now to mitigate the effects of this embarassments.
Tumingin kay Marian ang ama na galit na galit.
Chairman Rivera: Do whatever you need to do and fix this mess or step down from your post.
Marian: Yes sir. I'll do everything to mend this.
Pinagsabihan rin ni Chairman Rivera ang mga executives na naroroon sa meeting.
Chairman Rivera: Focus on our tv shows. Make sure we keep the ratings high.
Heidi (executive 1): Yes sir.
Biglang tumayo at lumabas ng conference room si Chairman Rivera.
Sumunod na umalis si Mr. Garcia at Marian.
Naiwan ang mga executives tahimk lang at napa isip ng malalim.
Liza (executive 2): Grabe si Chairman sinabunan at tinalakan ang anak niya sa harap natin. Sinabihan pang mag step down.
Heidi (executive 1): Naawa nga ako kay Ms. Marian. Kasi tama rin naman sya kulang talaga tayo ng effective promotions and marketing plan. Malayong malayo sa galing ng movie oufit ng ATC networks.
Liza (executive 2): Pero tama rin ang sinabi ni Chairman mga superstars na nga naman sila. At marami naman silang fans pero bakit nagka ganun. Ano ba naging problema?
Jay (executive 3): Naku, sobrang pressured nanaman tayong panatilihing number one ang mga teleserye sa ratings.
Heidi (executive 1): Dahil sa nangyari, production teams pa rin ang magdadala ng mabigat na responsibilidad para gawin mabango ang image at maganda ang reputasyon ng network.
Liza (executive 2): Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit tayo isinama sa emergency meeting na ito. Saving grace pala ng network ang mga shows natin.
Heidi (executive 1): I'm so stressed. Nagugutom na ako. Halikayo, samahan nyo ako kumain.
Sabay sabay silang umalis para kumain.
to be continued
No comments:
Post a Comment