RIVALRY - Episode 1
Scenario - Engrandeng Trade Launch ng ME TV8
Dumating si Angel kasama ang asawang si Jericho. Sinalubong sila ng matataas na opisyal sa pangunguna ng Chairman ng ME TV8.
Naging matagumpay ang engrandeng trade launch para sa mga bagong shows ng ME TV8 ngunit ang nagpakulay ng gabing iyon ay ang pagdalo ng mag asawang Angel at Jericho. Matagal ng naging bulong bulungan ang diumano'y bago pa man nagbitiw sa SBS network si Angel, may alok na ang ME TV8 sa kanya upang pamunuan ang kanilang entertaiment department.
Sa hulihan ng naturang trade launch, ipinaalam mismo ni Mr. Monteclaro, Chairman ng ME TV8, ang pagtatalaga kay Angel bilang bagong head ng entertainment department ng istasyon.
Emcee: Ladies and Gentlemen, the Chairman of ME TV8, Mr. Monteclaro.
Nagpalakpakan ang audience habang naglalakad paakyat ng stage si Mr. Monteclaro.
Sa gitna ng stage kaharap ang audience nagbigay sya ng maikling pasasalamat sa lahat ng dumalo.
Mr. Monteclaro: Maraming salamat sa inyong pagdalo ngayong gabi para sa trade launch ng aming mga bagong programa. Maraming salamat sa suportang binibigay at ibibigay ninyong lahat. But before we end this party, i would like to take this opportunity to announce ang bagong head ng aming entertainment department, si Ms. Angel Locsin-Rosales.
Itinuon ang spotlight kung saan nakaupo si Angel.
Mr. Monteclaro: Ms. Angel, welcome to our network.
Sabay sa pagtayo ni Angel nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng ballroom.
Mr. Monteclaro: Again, thank you all very much for attending this occasion and goodnight.
Sa labas ng hotel habang naghihintay ng kanilang sasakyan ang mga bisita, may isang umpukan ng mga reporters sa gilid pinaguusapan ang paglipat ni Angel sa ME TV8.
Pia (reporter 1): Sabi ko na nga ba si Ms. Angel ang magiging head ng entertainment department. Pagkakita ko pa lang sa kanya kanina malakas na ang kutob ko.
Jenny (reporter 2): Dati pa naman kahit nasa SBS network pa sya inalok na sa kanya ang posisyon na yan.
Sonia (reporter 3): Malaki siguro ang bayad kay Ms. Angel kaya tinanggap ang offer.
Jenny (reporter 2): Sigurado yun! si Mr. Monteclaro pa ba, eh ang daming datung nun no?
Pia (reporter 1): Infairness naman malaki ang naging papel ni Ms. Angel sa pagiging number one ng SBS network.
Jenny (reporter 2): Ang tanong, magagawa rin kaya ni Ms. Angel gawing number one ang ME TV8.
Pia (reporter 1): Iyan ang isang malaking tanong!
Sonia (reporter 3): Balita ko bitbit ni Ms. Angel ang mga tauhan nya sa SBS network.
Jenny (reporter 2): Hindi lang mga tauhan. Ang sabi pati nga daw mga artistang natulungan ni Ms. Angel sa SBS isasama nya.
Sonia (reporter 3): Kaya siguro maraming naglalabasan chika tungkol sa lipatan issue ng mga artista ng SBS network.
Pia (reporter 1): Ano na nga pala ang mangyayari kay Mr. Santos kung si Ms. Angel na ang bagong head ng entertaiment department ng ME TV8?
Sonia (reporter 3): Ang alam ko nag resign na sya.
Pia (reporter 1): Ganun ba? Sabagay hindi naman nagawa ni Mr. Santos paunlarin ang ME TV8.
Jenny (reporter 2): Uy anong oras na? nasaan ang driver. Kailangan ko pa gawin itong write ups ng trade launch para maihabol sa paglabas ng newspaper bukas.
Sonia (reporter 3): Ayan na pala sasakyan natin. Let's go.