These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, August 31, 2012

You Complete Me - Episode 6 - Mga Pangako

Episode 6 - Mga Pangako


Walang malay si Regine sa pagsunod ni Mark lulan ng Mercedez Benz na hindi maaninag ang loob ng kotse dahil sa kapal ng itim na tint.

Napatingin sa rear view mirror si Mang Mario at nagtaka kung sino ang babaing tinitignan ni Mark.

Mang Mario: Sir, sino po ba ang sinusundan natin?

Biglang umayos sa pagkaka upo si Mark at sinabihan si Mang Mario na bilisan ang pagmamaneho ng sasakyan.

Mark: Sige na Mang Mario baka mahuli na ako sa meeting ko.

Binilisan ni Mang Mario ang pagpapatakbo ng kotse at napangiti.



Scenario - Pribadong daan para lamang sa Presidente ng kumpanya.

Pagkahinto ng sasakyan, bumababa agad si Mark at nagtungo sa elevator ng gusali at sumakay paitaas papunta sa kanyang opisina.

Inihahanda ni Ate Linda ang iterinary ni Mark ng tumunog ang intercom at agad itong sinagot.

Ate Linda: Good morning po sir Mark.

Mark: Pumasok ka.

Ate Linda: Opo nandyan na po.

Kumatok ng mahina si Ate Linda sa pintuan ng opisina ni Mark bago binuksan upang pumasok.

Ate Linda: Sir, ito po ang iterinary nyo ngayong araw.

Hindi pa nakapgsimulang sabihin ni Ate Linda kung ano ano ang gagawin ni Mark sa araw na iyon, tumayo siya at sinabing iwan na lang sa mesa at saka na niya babasahin.

Mark: Iwan mo nalang yan. Pwede ka na umalis. Paki dala nga pala lahat ng resume ng staff ko.

Ate Linda: (nagulat) Sir? resume?

Mark: Did you hear what I just said?

Ate Linda: Ah opo Sir Mark.

Lumabas ng kuwarto ng opisina ni Mark si Ate Linda ng nagtataka kung bakit kailangan ni Mark ang resume ng kanyang staff.

Ate Linda: (nasa isip) Bakit kaya pinapakuha ni Sir Mark ang mga resume namin? Baka magtatanggal nanaman siya ng empleyado.

Malalim ang isip ni Ate Linda habang naglakad patungong HR, nakasalubong siya ni Regine.

Regine: Magandang umaga po ate Linda.

Sa pagmamadali, di na pinansin ni ate Linda si Regine. Napatingin nalang si Regine kay ate Linda na nagmamadaling naglalakad palabas.


Scenario - Sa loob ng opisina ni Mark


Naalala ni Mark ang ginawa niyang pagtaboy kay Regine sa Conference Room.

Mark: Ahhh! bakit ko ba iniisip ang babaing yon.

Bumukas ang pintuan ng opisina ni Mark at pumasok si Sam.

Sam: Something's wrong?

Mark: No wala.

Sam: Are you sure?

Mark: Yah! o ano kumusta ang lakad mo.

Sam: We might get a good deal.

Mark: Might get? What do you mean?

Sam: He wants to see you. Inimbitahan ka ni Mr. Montecarlo mag dinner sa sabado pagkabalik niya galing ng business trip sa Macao.

Mark: Sabihin mo pupunta ako.

Sam: Okey i'll tell him.

Sa sandaling ito kumatok ng pinto si ate Linda dala ang mga hinihinging resumes ng kanyang staff.

Ate Linda: Sir Mark, eto na ko ang resume ng mga empleyado.

Mark: Sige, salamat.

Ate Linda: Sir, baka gusto nyo po ng coffee. Igagawa ko po kayo.

Mark: No wag na. Lalabas na rin kami.

Ate Linda: Aalis na po ako Sir. Kung may kailangan kayo tawagan nyo lang po ako.

Mark: Sige.

Pagkalabas ng kwarto ni ate Linda, kinuha ni Sam ang folders ng resume ng mga empleyado.

Sam: And, what are you going to do with this.

Mark: Wala. Ibigay mo sa akin yan.

Sam: Not until you tell me.

Mark: Gusto ko lang makita ang credentials ng mga empleyado ko. That's all.

Sam: (kibit balikat) Okey sinabi mo eh.

Kahit duda si Sam sa intensyon ng gagawin ni Mark sa mga resumes, sinangayunan na rin niya.


Scenario - Regine habang naka upo sa kanyang mesa.

Napansin ni Regine tila may malalim na iniisip si ate Linda.

Regine: Ate Linda, may problema po ba kayo?

Lumingon si ate Linda kay Regine pero hindi alam ang isasagot sa kanyang tanong.

Ate Linda: Wala, pero.

Regine: Ano po yon? baka may maitulong po ako sa inyo.

Para mabawasan ang pag aalala sinabi na rin ni ate Linda kay Regine ang bumabagabag sa kanyang isipan.

Ate Linda: Regine, wag mo babanggitin sa iba ang sasabihin ko sa iyo ha? Atin atin lang muna ito.

Regine: Opo ate Linda, asahan nyo po hindi ko sasabihin sa iba. Bakit po ba? may problema po ba?

Ate Linda: Kanina, pinakuha ni Sir Mark ang lahat ng resumes ng empleyado ng staff niya.

Regine: Ano po ang ibig nyo sabihin?

Ate Linda: Natatakot ako baka magkakaroon nanaman ng tanggalan. Baka titingnan ni Sir Mark kung sino ang tatanggalin sa atin.

Regine: Ho? hindi naman po siguro. Katatapos lang niya nagpatupad ng pagbabago sa kumpanya, mag iisip nanaman siyang magtanggal ng tao?

Ate Linda: Eh, anong gagawin ni Sir Mark sa mga resumes natin.

Kinabahan si Regine sa sinabi ni ate Linda kaya pati siya napaisip ng malalim sapagkat minsan na siyang pumalpak sa Conference Room.

Regine: (nasa isip) Dios ko, sana naman wag nyo po pahintulutang matanggal ako sa trabaho. Paano na po ang pangako ko kay papa na tutulungan ko makatapos ng pag-aaral si Lara.


Scenario - Isang magara at mamahaling Restaurant.

Nakaupo sa isang mesa sina Mark at Sam kumakain ng pananghalian.

Sam: Pare, bakit ba gusto mo bumili ng stocks sa Montecarlo Corporation? Marami naman ibang mas profitable companies keysa kanila.

Mark: Personal reason Pare, kaya gusto ko bumili ng stocks sa kumpanya nila.

Sam: Personal?

Mark: Montecarlo ang nag buy out ng kumpanyang pagmamay-ari ng mama ko. Nung maghiwalay ang mama at papa, ibinenta ng papa ko ang malaking shares ng mama sa kanila. Nangako ako sa mama bago siya namatay, babawiin ko lahat ng ninakaw sa kanya.

Sam: Tamang tama ang pasok mo, Pare. They are in dire need of cash. The company has tried to fight off insolvency by cutting their expenses and reducing debt.

Mark: I know.


Scenario - Lunch break sa canteen ng opisina.

Magkasamang kumakain ng lunch sina Regine at Cecile. Pinagmamasdan ni Regine ang mga kapwa empleyado. Labis ang pag alala niya sa sinabi ni ate Linda.

Cecile: Hoy Regine! ano bang ginagawa mo.

Regine: (Nagulat) Ha?

Cecile: Bakit naka tunganga ka dyan. Lalamig ang pagkain mo.

Regine: Parang wala kasi akong ganang kumain.

Cecile: Bakit naman? hindi ka na nga nag almusal ng mabuti kanina dahil nagmamadali kang pumasok sa opisina. Tapos ngayon sasabihin mo wala kang gana kumain.

Regine: Talagang wala akong gana kumain ngayon.

Cecile: Anong walang gana. Gusto mo ba magkasakit?

Regine: Syempre hindi no.

Cecile: Yun naman pala eh. Kumain ka na dyan.

Pinilit ni Regine kumain upang mapagbigyan ang kaibigan.


Scenario - Opisina ni Mark

Inisa isa ni Mark ang lahat ng resumes ng kanyang staff. Nakita niya ang folder ng resume ni Regine. Binuksan at binasa ang laman nito.


Itutuloy .....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...