Scenario - Sa harap ng salamin nagaayos ng kurbata si Mark. Naghahanda pumasok sa opisina. May kumatok sa pinto ng kanyang condominium. Pagbukas ng pinto, nakatayo sa labas ang kanyang driver na si Mang Mario.
Mang Mario: Magandang umaga po sir Mark.
Mark: Magandang umaga rin po sa inyo.
Kinuha ni Mark ang gamit at sabay sila ni Mang Mario lumabas. Naglakad papuntang elevator.
Scenario - Sa loob ng sasakyan.
Tahimik at tila may malalim na iniisip si Mark habang pinagmamasdan ang kanilang dinadaanan.
Napatingin si Mang Mario sa salamin ng kotse.
Mang Mario: Malaki na po ang ipinagbago ng lugar na ito, Sir Mark.
Tumango ngunit hindi kumibo si Mark sa sinabi ni Mang Mario.
Samantala, nakapila si Regine sa may sakayan ng Jeep papuntang opisina.
Regine: (nasa isip) Naku! ang tagal naman ng jeep. Late na yata ako.
May dumating na jeep at nagmamadaling sumakay si Regine.
Pagdating sa opisina, napansin ni Regine ang mga kasamahan na may seryosong pinag uusapan.
Regine: Anong meron?
Andrea: May balita kaming ipasasara ng bagong boss natin ang ibang department ng kumpanya.
Regine: Anong ibig mong sabihin?
Pam: Sabi, magkakaroon daw ng malaking pagbabago sa kumpanya. Baka daw pag-isahin na ang Finance at Accounting Department. Mag babawas din daw ng mga tauhan. Nakakatakot naman nito baka maraming mawalan ng trabaho sa atin.
Andrea: Diyos ko, wag naman sana ako, dahil may pinag-aaral pa akong kapatid.
Kinabahan rin si Regine sa sinabi ng mga kasamahan sa trabaho dahil gaya nila, siya lang ang inaasahan ng ina at kapatid.
Regine : Huwag naman sana tayong masama sa mawawalan ng trabaho.
Andrea: Sana nga.
Scenario - Sa loob ng opisina ni Mark
Kausap ang mga managers, hiningi ni Mark ang status ng kani-kanilang nasasakupan.
Mark: I'm telling you all, hindi ako magdadalawang isip tanggalin ang mga non-performing managers. This is not a charitable institution. We need profits to operate our company. Sana nagkaintindihan tayo ba bagay na ito.
Mr. Cruz: Makaka-asa po kayo Sir Mark pagsisikapan namin.
Mark: No! wag mong pagsikapan. Gawin mo!
Hindi na nakapagsalita ang iba at tumahimik na lamang.
Pagkatapos ng meeting ng mga managers kay Mark, lumabas sila ng kwarto na alalang alala sa bagong patakaran ng kanilang bagong Presidente.
Scenario - Isang umpukan ng mga empleyado sa Canteen.
Pinag uusapan ng mga tao ang naging meeting ng mga managers kay Mark.
Employee 1: Sabi ng production manager namin istrikto daw ang bagong boss natin. Malayong malayo daw sa kanyang ama na ubod ng bait.
Employee 2: Yon din ang narinig ko sa ibang managers.
Employee 3: Hindi nga raw approachable eh.
Magkasamang kumakain sina Regine at Cecile sa isang mesa. Naririnig nila ang usapan ng ibang empleyado tungkol sa bagong Presidente ng kanilang kumpanya.
Regine: Puro ang bagong boss natin ang pinag uusapan ng mga tao dito.
Cecile: Oo nga. Balita kasi sobrang istrikto daw ni Sir Mark.
Regine: Ganon nga siguro ang mga anak ng mayayaman. Para silang Diyos kung umasta. Pera lang ang nasa isip. Palibhasa hindi nila naranasan ang maghirap sa buhay.
Cecile: Bakit nga ba may mahirap at may mayaman pa.
Regine: Maswerte lang ang mga yan dahil ipinanganak mayaman dati ang kanilang mga magulang.
Cecile: Korek ka dyan Mare!
Regine: Kaya ako kapag ako naman ang yumaman, gusto kong tulungan ang lahat ng tao lalong lalo na ang mahihirap. Hindi ako magdadamot.
Cecile: Ang bait mo talaga.
Regine: As if naman yayaman ako. Hay naku! libre naman ang mangarap di ba?
Scenario - Habang nakaupo sa mesa sa loob ng kanyang cubicle, hindi maiwasang mag alala si Regine sa napipintong pagbabago na ipapatupad ng kanilang bagong boss.
Regine: (nasa isip) Ano nga kaya kung mawalan ako ng trabaho? Paano na si mama at ang pag-aaral ni Lara.
Naipangako ni Regine sa ama bago ito binawian ng buhay na tutulungan ang kapatid at ina.
Flashback
Scenario - Kwarto ng Ospital
Nasa loob ng kwarto ang ina at kapatid ni Regine habang naghihingalo ang ama.
Umiiyak ang kanilang ina hawak hawak ang kamay ng kanilang ama.
Lara: (umiiyak) Papa, wag nyo kaming iwan.
Regine: (naiiyak) Lara, wag ka magsalita ng ganyan kay papa.
Lara: Ate, ayoko pa mawala si papa. Paano na tayo kung wala na siya?
Regine: Hindi pa mawawala si papa. Hindi niya tayo iiwan.
Gumising ng bahagya ang kanilang ama.
Ina: Mahal, anong nararamdaman mo?
Ama: Regine?
Regine: Papa, narito po ako.
Ama: Iha, ikaw na ang bahala sa mama at kapatid mo.
Regine: (naiiyak) Ano po ba ang sinasabi nyo dyan, papa?
Ama: (hirap sa paghinga) Pagod na pagod na ako. Gusto ko na magpahinga kaya ipangako mo sa akin iha, huwag mo pababayaan ang iyong ina at kapatid.
Regine: (umiiyak) Papa, ipinapangako ko po tutulungan ko si mama. Gagawin ko po ang lahat upang makatapos ng pag aaral si Lara.
Ama: Mabuti kung ganon. Mahal na mahal ko kayo.
Pagkatapos magsalita ng ama ni Regine, tuluyan ng namaalam.
Nag-iyakan ang mag-ina sa pagpanaw ng ama ng kanilang tahanan.
End of Flashback
Scenario - Naluha si Regine sa naalala.
Napansin ng katrabaho ang pag luha ni Regine at nagtaka.
Pam: Are you okey, Regine?
Regine: (nagulat) Ha? ah okey lang ako.
Pam: Parang napansin ko kasi umiiyak ka.
Regine: Wala ito sumakit lang ang mata ko sa kakabasa ng papers.
Pam: Ah okey sige, ito nga pala gawan mo raw ng progress report.
Ibinigay ni Pam ang mga papeles kay Regine at umalis.
Scenario - Isang exclusive Bar para sa mayayamang tao lamang.
Papasok ang sasakyan ni Mark sa entrance ng magarang gusali. Bago bumaba ng kotse, sinabihan ang kanyang driver na hintayin ang tawag niya bago bumalik sa lugar.
Naglakad si Mark patungo sa isang Bar. Nakita nakaupo sa isang sulok ang kaibigang si Sam.
Sam: Mark pare!
Lumapit si Mark sa kinaroroonan ni Sam.
Sam: Kumusta pare.
Mark: Okey lang. Anong iniinum mo?
Sam: Wine pare, ikaw anong gusto mo?
Mark: Beer lang.
Sam: Waiter! Beer nga dito.
Waiter: Yes sir.
Sam: O ano kumusta ang Corporation ng papa mo?
Lumapit ang waiter upang ibigay ang isang boteng beer kay Mark.
Mark: Gusto kong baguhin lahat, pare.
Sam: What do you mean baguhin mo?
Mark: I'd like to apply lahat ng napag aralan ko sa States.
Sam: You mean by the book? Pare, hindi pupwede yon. Meron ng existing system na tumatakbo sa kumpanya. It's been there simula pa sa papa mo.
Mark: Yun na nga pare eh. Ayoko ang pamamalakad ng ama ko.
Sam: Hey pare, wag mo idamay ang kumpanya sa galit mo sa papa mo. You're being unfair sa mga empleyado. Some of them dyan na tumanda. I'm sure they're all willing to work with you.
Mark: Wala na ang ama ko. Ako na ang bagong Presidente ng kumpanya kaya ako dapat ang masunod.
Sam: I don't know, pare. Ikaw ang bahala. Uminon na lang muna tayo.
Episode 4 - Hindi Inaasahang Unang Pagkikita
Itutuloy ....
No comments:
Post a Comment