These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.
NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******
Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6
Friday, December 16, 2011
Maid to Order (Tagalog) - Final Episode 10: Teddy Bears
Episode 10: Teddy Bears
Scene: Iloilo City
Kanina pa nagtatanong-tanong si Pio hawak ang kapirasong papel na may address.
Pio: Sigurado kayong walang Inday dito? Ito ang address na ibinigay niya sa akin?
Ale 1: Nasa Visayas ka, ang daming Inday dito, ako Inday din pangalan ko. Pero ang Inday na hinahanap mo ay wala rito.
Pio: Hindi ba ito ang tamang address?
Pinakita ni Pio sa ale ang papel na may address.
Ale 2: Ito nga ang address. Pero tindahan ito ng pasalubong ng Iloilo delicacies at hindi bahay. Walang nakatira dito.
Pio: (sa malalim ng buntong hininga) Hindi ako makapaniwalang gagawin mo sa akin ito... lalo mo talaga akong ginagalit humanda ka....
Ale 1: Sir, baka naman gusto ninyong bumili lalo at narito na rin kayo?
Pio: Okay, fine. Bigyan mo ako ng tig-isa ng lahat!
Ale 1 at 2 : (gulat) Lahat po?
Pio : Lahat at dalian mo dahil mainit ang ulo ko.
Habang nagmamadaling kinahon ng dalawang ale ang mga pinamili ni Pio, sinubukan nitong tawagan si Inday at Ruffa Mae pero walang sumasagot.
Pio: (sa isip) Ngayon dalawa na silang umiiwas sa akin! Bwisit!
-----------------------------
Scene: Airport.
Habang hinihintay ni Pio ang flight. Tumunog ang kanyang cellphone.
Pio: Hello
Narinig niya ang tinig ni Tsina na umiiyak.
Tsina: D-Daddy? (umiiyak) Wah!Wah!Wah!
Pio: Tsina? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?
Tsina: Waaah! Daddy! Waaaaah!
Pio: (na-aalarma) Tsina, baby, what's wrong? Andyan ba si Grandma?
Vilma: Hello iho? Kanina pa kita sinusubukang tawagan...
Pio: Wala akong signal kanina tapos naglowbat pa. Ano ang nangyari? Bakit iyak ng iyak si Tsina, Ma?
Vilma: Kailangan mong umuwi agad! Pano ko ba sisimulan ito!... aksidenteng nakita at nabasa ni Tsina ang sulat na ginawa ni Inday para sa kanya.
Pio: Ano! Pano niya nakuha. Tinago kong mabuti yon!
Vilma: Nakita niya ang mga envelopes na may pangalan nila sa drawer. Hindi ko alam ano ang mga iyon kaya I told them anatayin ka makauwi bago buksan pero dahil bata excited ayun binuksan at nag-iiyak ng mabasa ang laman.
Pio: (buntong hininga) Pauwi na ako.
Naririnig niya ang pag-ngawa ni Tsina.
Vilma: Hindi ko pa nakitang magkaganito ang anak mo, Pio.
Pio: Kausapin ko uli si Tsina.
Vilma: Teka tawagin ko. Nakausap mo ba si Inday?
Pio: No. Wala siya dito.
---------------------------
Scene: Condo
Matapos ng ilang oras na-alarma si Pio ng makita ang ina nito sa sala na may kausap na pulis. Nagmamadali niyang nilapitan ito.
Pio: Ma, anong nangyayari? Nasaan si Tsina?
Vilma: (umiiyak) Hindi namin siya mahanap! Nawawala ang apo ko!
Pio: Ma! Ikaw dapat ang nag-aalaga sa kanya! Panong nangyari na nawala!
Vilma: (umiiyak) I'm sorry! Umidlip lang ako paggising ko wala na siya...
Pulis: Mukhang naglayas ang anak ninyo.
Pio: Naglayas. Hindi gagawin ng anak ko yon
Vilma: Dala-dala niya ang backpack may ilang damit at pera. Nakita kong basag ang alkansiya niya.
Pio: Gaano katagal na siyang nawawala?
Vilma: Mga tatlong oras na. I'm so sorry. Dapat mas binantayan ko ng mabuti. Akala ko okay na ng makausap mo siya sa phone.
Pio: Tatawagan ko isa-isa ang mga kaibigan niya. Baka sa isa sa kanila nagpunta.
Pulis: Susuyurin po namin ang paligid baka hindi pa nakakalayo ang bata.
--------------------------------
Scene: Si Pio sa kalsada pinagtatanong-tanong si Tsina hawak ang larawan nito.
---------------------------------
Scene: Condo.Makalipas ng ilang oras.
Papasok si Pio ng bahay ng salubungin ito ng kanyang ina na may hawak na telepono.
Vilma: Tatawagan sa sana kita. Andito na si Tsina! Salamat sa Diyos!
Pio: Thank God! Nasaan ang anak ko!?
Lumabas si Tsina mula sa likuran ni Vilma. Niyakap agad ito ni Pio ng mahigpit.
Pio: Bata ka bakit ka naglayas ha? Pinag-alala mo si Daddy!
Tsina: (pumalahaw ng iyak) Kausap ko si Tisay sa phone. Sabi ng mommy niya (hikbi) hindi daw (hikbi) hindi mo daw (hikbi) ako tunay na anak (hikbi!) Daddy (hikbi) totoo ba yon?
Pio: Tsina, of course anak kita!
Tsina: (hikbi) Talaga, Daddy?
Pio: Tsina...
Naputol ang sasabihin ni Pio dahil dumating si Vilma may bitbit na sandwich.
Vilma: Eto na sandwich mo sweetheart. Sabi mo gutom na gutom ka na. Kain na muna.
Vilma: Iho, halika dito at pasalamatan mo ang taong naghatid kay Tsina.
Lumakad si Pio papasok ng dining room at nakita si Inday na nakaupo sa isa sa dining chairs.
Pio: Inday !... (natigilan)
Pio hinila ang isang upuan na tapat ni Inday at naupo.
Si Tsina ay nagmamadaling kinain ang sandwich.
Tinitigan ni Pio si Inday na noon ay nakatungo at di makatingin sa kanya ng diretso.
Tsina: Thanks sa sandwich, Grandma. Smelly na ko, gusto ko maligo.
Vilma: Lika na take a bath ka na.
Pio: Tsina, mag-uusap tayo mamaya anak ha. Okay?
Tsina: Yes, Daddy. Magiging maayos na ang lahat diba?
Niyakap muna ni Tsina si Pio at Inday bago ito tuluyang sumama sa lola papuntang banyo.
Pio: Salamat sa paghatid kay Tsina. Saan mo siya nakita?
Inday: Nakita namin sa salon nagtatago. I..I guess hinahanap niya ako.
Pio: Sinabi ba sayo bakit siya naglayas?
Inday: (tumatango) Upset siya sa maraming bagay. Lalo na ng sabihin ng nanay ni Tisay na hindi mo siya tunay na anak at niloko ka lang ng nanay nito. Hindi daw ikaw ang tunay niyang ama. Totoo ba yon? Hindi mo nga ba tunay na anak si Tsina?
Pio: (buntong hininga) The truth hindi ko alam at wala akong pakialam. Mahal ko Tsina mula ng araw na ipanganak siya at yun ang mahalaga sa akin. Anak ko siya at mananatiling anak. Period.
Inday: Hinahangaan kita sa bagay na yan.
Pio: salamat (kibit balikat) Pero it's not like parang nakahanap ako ng cure sa Aids or something. (pause) Ayoko na uli magpakasal dahil ang una kong marriage ay disaster. Siya ang first love ko. Sa kanya umikot ang mundo ko pero niloko lang niya ako. Parang akong nasa impyerno pagtapos. Honestly, masama mang pakinggan, nakahinga ako ng maluwag ng mawala na siya.
Inday: Nalaman ko na rin ang rason.
Pio: I wish tinanong mo. Sasabihin ko naman sayo.
Inday: … sorry...
Pio: Si Britney naman ay isang walang kwentang hangal! Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon kay Tsina! Kung wala lang akong kailangan sa kanya ngayon at hindi ako nakikipagpambuno para sa full custody ni Tisay hindi ko alam kung ano na ang nagawa ko sa babaeng yun.
Inday: Hindi mo pa sinusuko si Tisay pero bakit ka pumayag kunin siya …
Pio: (buntong hininga) Kunwari lang yon.
Inday: Kunwari lang? Sorry nasira ko pala kung ganun ang plano mo. Idagdag mo yun sa listahan ng mga kasalanan ko sayo. I'm sorry sa patung-patong kong kasinungalingan sayo.
Pio: Speaking of kasinungalingan ano ba exactly ang ipinagsinungaling mo sa akin?
Inday: Nagpanggap ako na kaya ko ang mga bagay bagay at gusto ko kahit hindi naman talaga para lamang matuwa ka sa akin. Hate ko ang roller coasters, hindi ako naglalaro ng tennis.
Pio: Hindi ka naglalaro ng tennis?
Inday: Hindi pero nagustuhan ko na rin ang tennis. Never pa akong naging yaya o maid ever.
Pio: Pero napaniwala mo ako na magaling kang yaya at maid. Bakit mo ginawa ang lahat ng ito ...
Inday: Da.. dahil gusto kita una pa lang kitang makitang magpagupit sa Sassy Shears.
Pio: (sa nalilitong tinig) Meaning nag-apply kang yaya ng dahil sakin? At dumadaan ka sa kung anu-ano para lamang manatili sa tabi ko?
Inday: Alam ko isang kahangalan ang ginawa ko... pero ang pinakamalaking kasinungalingan ko ay nung sabihin mong wala kang maibibigay na pag-ibig at hindi mo na gustong mag-asawa uli at magka-anak at sinabi kong ako rin.
Tahimik si Pio ng ilang segundo. Hindi na alam ni Inday ano pa ang sasabihin. Nang akmang aalis si Inday nagsalita uli si Pio.
Pio: Inday, pinag-isipan ko na ito. This can still work. Mahal mo ako. That's fine. Hindi iyon sapat na rason para hindi ko gustuhing pakasalan pa rin kita.
Inday: May isa pang rason.
Tumayo si Inday at nakita ni Pio ay may kalakihan na niyang tiyan na kanina ay natatakpan ng mesa. Hindi maitatangging buntis ito. Speechless si Pio ng ilang segundo.
Pio: Akala ko ba sabi mo hindi ka na maari pang magkaanak?
Inday: (umiiyak) Yun din ang akala ko! It's a miracle! At masaya ako.
Lumakad si Pio sa tabi ni Inday at hinila siya uli upang umupo. Umupo ito sa tabi niya.
Pio: Lalo ng may rason ngayon para ituloy natin ang kasal.
Inday umiling habang umiiyak.
Inday: (nasa isip) be strong, be strong Inday.
Pio: Bakit hindi?
Inday: (umiiyak) Ayaw mo ng isa pang anak di ba?
Pio: Yun ang sabi ko noon pero iba na ngayon. Andyan na yan. Tulad ng sabi mo, it's a miracle. Gusto kong suportahan ka at ang bata.
Inday: (umiling) Kaya kong suportahan ang bata. Sa laki ng pa-suweldo mo sa akin, malaki-laki rin ang naipon ko habang nakatira ako dito. May maliit na akong business ngayon na nagsusupply ng baked goods sa coffee shops at restaurants. So far okay naman. Maaari din akong bumalik at maging hair stylist uli anytime in case kailangan ko ng additional income.
Pio: Let me get this straight. Magkakaanak ka na at mahal mo ako pero ayaw mo pa rin na magpakasal tayo.
Inday: Hindi ganoon kasimple. (umiiyak) Ilang buwan na akong nakatira dito (hikbi), na mahal na mahal ka,(hikbi) na alam kong hindi mo kayang ibalik ang pagmamahal na iyon (hikbi) at alam kong wala akong halaga sa iyo (hikbi) hindi ko na kaya...hindi ko na kaya magpanggap pa…
Pio: Pano kung sabihin ko sa iyong mahal din kita.
Hindi makapagsalita si Inday ng ilang segundo.
Inday: Hindi ako naniniwala.
Pio: Maniwala ka. Nagkapag-isip-isip na ako sa ating sitwasyon mula ng umalis ka. Na-realize ko na kailangan kita at hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Siguro dahil mahal na kita.
Inday: Tama na! (umiiyak) Hindi nakakatawa. Inuulit mo lang ang ginawa ko noon. Ang sabihin ang mga bagay dahil yun ang gusto kong marinig.
Pio: Siguro ngayon ko lang na-realize pero yun ang totoo. Mahal kita Inday. Mahal mo ako. Totohanin na natin ito.
Patuloy si Inday sa pag-iling at pag-iyak.
Pio: Please huwag ka ng umiyak. Hindi ka pa rin ba naniniwala na mahal kita...
Inday: Paano ako maniniwala? Dapat nasusuklam ka sakin sa ginawa ko..
Pio: The heart wants what the heart wants..
Inday: Hindi ako naniniwala sayo.(hikbi) Tama na, Pio. (hikbi)
Tumayo si Inday paalis pero pinigilan siya ni Pio sa braso.
Pio: Inday, bakit ayaw mo maniwala sa akin? Dahil nagsinungaling ka akala mo nagsisinungaling na din ako?! Brutally honest akong tao, remember!?
Inday: Naguguluhan ako...
Pio: Ano ba ang gusto mo Inday? (sabay tingin sa tiyan niya) O baka dahil nakuha mo na ang gusto mo at hindi mo na ako kailangan pa? (saglit na tinig)
Inday: (dahan-dahang nag-sink in sa kanya ang ibig nitong sabihin) Ano?!
Pio: Katulad ka rin ng nanay ni Tsina!? Na wala na akong halaga pagkatapos.
Inday: (umiiyak) No! Hindi totoo yan!
Pio: (galit) Hindi totoo? Isipin mo una kumita ka ng malaki sa laki ng sahod mo. Ikalawa magkakaron ka pa ng anak na pangarap mo di ba? So ano pa ang silbi ko? Wala di ba? Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo habang kami ng mga anak ko ay iiwan mo sa ere.
Inday: (umiiyak) No! Hindi totoo yan, hindi ko sinadya ang lahat... Mahal kita...
Pio: Mahal mo ako? Pinagsinungaling mo rin siguro ang bagay na yan!
Inday: (umiiyak at galit) Kung yan ang gusto mong isipin wala akong magagawa! (hikbi) Wala ng dahilan para manatili pa ako dito.
Hinila ang braso na kanina pa hawak ni Pio at umalis ng tuluyan. Ngayon lamang nagalit si Pio ng ganito sa buong buhay niya at natatakot siya sa maari niyang gawin…
This part didn't get translated to tagalog, sorry
Scene: Fountain in the park. A few weeks later
Inday is sitting at one of the benches, watching the fountain, mindlessly eating a snack, her expression serious. Pio approaches and sits next to her. He's carrying a bouquet of flowers.
He hands her the flowers, Inday looks at it somewhat confused.
Pio: I thought I'd find you here. Here, take it. I Hope you like it.
Inday accepts the flowers eyeing it suspiciously.
Pio: You know, I realized this is the first time I ever bought flowers for a woman other than my mom.
Inday: What is this for ?
Pio: Isn't a man supposed to give the woman he loves flowers?
Inday: Please Pio, I don't want to argue with you anymore...
Pio: (interrupting) Inday, can you listen to me first? Can you please hear me out?
Inday stops talking but looks down.
Pio: Inday, I didn't like the way we left things the last time we talked the other night..
Inday: Me neither.
Pio: (sounding frustrated) We never used to argue but that's all we do now and it's just about the same thing. .
Inday: You're the one that keeps calling me.
Pio: Because I want to make things right between us. I- I'm sorry about what I said. I realize how harsh it sounded... I know you didn't plan any of this like I was accusing you of. You couldn't have known you were going to get pregnant. Please say you forgive me..
Inday: (after a pause) I forgive you. Maybe I overreacted a bit too.
Pio: (smiling) One of the many things I love about you is how reasonable you are. So you truly forgive me?
Inday: Yes.
Pio: So we're good?
Inday: Yes, we're good. I'm glad we can be friends.
Pio froze in the middle of reaching over and putting his arm around Inday. He puts his arms down and shakes his head.
Pio: Inday, that's not what I meant. I want us to get back together. I want us to get married like we planned.
Inday: (looking miserable) We've already been through this. It's a bad idea. People should only get married out of love not out of convenience.
Pio: Believe me, this isn't convenient to me! Look, I thought you said you loved me, huh? Do you mean it?
Inday: (tearing up) I told you! Yes, I do!
Pio: (interrupting) .. then what's the problem? I love you too
Inday: Stop it! We both know why you are just saying that.
Pio: Okay, let's clear the air, Inday. Tell me why you think I am saying it?
. .
Inday: You just suddenly said it out of the blue! How can it happen that fast?! You're just saying it because you want us to get married so things would go back to the way they were.
Pio: Well, I can't deny that's what I want. But I mean it. I.. love.. you. (emphasizing every word) So what if it happened fast? You said you 'fell in love' with me the first time you saw me. Wasn't that fast? huh?
Inday shakes her head, still disbelieving..
Pio: Inday, have a little compassion. This isn't easy for me either. My past relationships have left nothing but a bad taste in my mouth. I never thought I would love anyone until you came along. Why won't you believe me?
Inday: (crying) I don't believe you because it's not possible. How can you? I mean look at everything I've done to you and… look at me now?
Inday points at herself, looking very pregnant and quite chubby. She cries hard.
Pio puts his arms around her.
Pio: Inday, my Inday, that's all forgiven. You know me, I'm a straightforward simple guy. I don't play games. I try not to harbor resentment. It's your guilty conscience that's stopping you from believing me. And... you're very beautiful to me.
Inday: (sob) Now I know you're really lying... I'm not beautiful, I'm fat.. (crying)
Pio: After the baby, I will help you lose the weight. I know lots of ways to burn calories (wiggling his eyebrows)
Inday: (sob) I'm not joking with you..
Ruffa Mae happened to be walking by and approaches them.
Inday starts to stand up and leave but Pio holds her arm to stop her.
Pio: Why won't you believe me? How am I going to convince you that I love you?
Inday is crying hard.
Ruffa Mae: What's going on here?? Pio! will you please stop? Every time you two talk, you just make her more upset. It's bad for the baby!
Pio lets go of Inday's arm, dejected. Inday leaves with Ruffa Mae crying.
-------------------------
Scene: Balkonahe kinagabihan.
Lasing si Pio at binato ang walang lamang bote sa sahig. Tinabihan siya ni Vilma na noon ay saktong may binato na naman itong isa pang bote.
Vilma : Iho tama na!
Pio: Aaaaah!! Ang walang kwentang babaeng yun!
Vilma: Sino? Si Britney o Inday?
Pio: Pareho!
Vilma: Huwag mong hayaang kainin ka ng emosyon mo lalo ng galit.
Pio: Alam ko. (buntong hininga) Nakausap ko si Britney kanina. At tulad ng inisip ko pera lang ang katapat sa paglayo at pagbigay niya ang custody ni Tisay sa akin.
Vilma: Good.
Pio: Huwag kayong matuwa dahil malamang iuutang ko sa inyo ang iba doon.
Vilma: Walang problema! Regalo ko na sa iyo yun. Magkano ba ang gusto niya?
Pio: Malaking halaga. Pero sa tono niya mukhang hirap na hirap na siya kay Tisay. Parang siya pa ang magbabayad sa akin para bilisan ang pagbawi sa bata hahaha
Vilma: Walang nakakatawa. Apo ko ang pinag-uusapan. Hindi isang laruan.
Pio: Dinadaan ko lang sa tawa pero alam ko namang hindi nakakatawa. Ang totoo, gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader ng paulit-ulit.
Vilma: Naku naman iho
Pio: Ma, paano ko mapapaniwala si Inday na mahal ko siya?
Vilma: Mahal mo? Pero akala ko ba...
Pio: Alam ko ang sinabi ko.. (lumagok ng beer)
Vilma: Hmmph, hindi makakatulong kung magpapakalunod ka kay San Miguel.
Pio: Anong sabi mo, Ma?
Vilma: Sabi ko bakit sa palagay mo hindi siya nainiwala sa yo?
Pio: Hindi ko alam... Dammit! Bakit ba hindi niya paniwalaan na lang ang sinabi ko!
Vilma: Iho, baka ang gusto niya ipakita mo at hindi sinasabi lang.
Pio: Ipakita? Hindi ko alam paano! Haharanahin ko ba siya habang binibigyan ng mamahaling jewelry sa isang kwarto na puno ng rosas? Ma, alam mo namang hindi ako romantikong tao.
Vilma: Iho, kung mahal mo si Inday tulad ng sinasabi mo panahon na para simulan mo.
Pio: Simulan ang ano? Mga kalokohang kung anu-ano Dammit! Hindi ko pa ginawa yon kahit kaninong babae!
Vilma: Kilalang-kilala mo na si Inday I guess mas madali ng mag-isip ng gagawin. Sa tingin ko sa kanya siya ang tipo ng babaeng hindi basta basta na-iimpress sa laki ng halaga. Ang kailangan niya - effort.
Pio: Effort...
-------------------------
Scene: Dapithapon. Ilang linggo makaraan.
Si Inday sa malaki niyang tiyan ay tulak-tulak ang isang cart na may lamang mga baked goodies. Si Tsina ay nasa tabi niya at tumulong sa deliveries.
Inday: Salamat uli for today Tsina.
Tsina: Oh, you're welcome, Ate Inday. Masaya akong tumulong sayo dahil nagkakasama tayo. (ngiti)
Inday: Sigurado ka okay lang sa Daddy mo?
Tsina: Siya nagsabi na tumulong daw ako sayo pero kahit hindi niya sinabi tutulong naman talaga ako. (ngumiti ito)
Inday: Parang may kahulugan ang ngiti mo?
Tsina: Dahil feeling ko ito ang magiging pinakamasaya kong araw ever! hihihihi
Inday: Ganun?... Tapos natin mag-deliver, kain tayo ng ice cream. Gusto mo ba yon?
Tsina: Yes! Pero dun tayo sa Tryst’s. Masarap dun!
Inday: Aaaah.. yun malapit sa may tennis courts, right?
Tsina: Yes. Ayaw mo pa rin ba dumaan Ate sa tennis court? Mas mabilis dun dahil shortcut …
Inday: (buntong hininga) Okay sige na dun na tayo dumaan.
Inday: (sa isip) Sana hindi ako bumulalas ng iyak habang lumalakad ako doon mamaya. (sa isip pa din) Huwag kang bubulas ng iyak ngayon.
-----------------------------
Scene: Sa Tryst Ice Cream House
Si Inday at Tsina ay nakaupo sa isang bench habang ine-enjoy ang pagkain ng ice cream. Si Tsina ay panay ang tingin sa taas pagkatapos ay kay Inday.
Inday: Hmmmm, ang sarap talaga ng ice cream dito.
Tsina: Ate Inday, wala ka bang napapansin?
Inday: Napapansin na ano? (sarap na sarap sa pagkain ng ice cream)
Tsina: Sa paligid natin?
Inday : Maganda ang kulay ng paligid dahil palubog na ang araw… maganda ang bagong kulay ng mga upuan dito… (malapit na nilang maubos ang ice cream)
Tsina: Haaay naku naman (naubusan na ng pasensiya) Ayun o tumingala ka! (sabay turo)
Tumingala si Inday at ilang segundo muna ang lumipas bago nag-sink in sa kanya ang nakasulat sa banner na tinuro ng bata "Pio loves Inday". Nasa loob ng isang malaking larawan ng puso ang katagang ito.
Hindi pa niya lubusang nauunawaan ang nangyayari ng lumapit ang isang delivery man at iabot ang isang bouquet ng carnations, ang paborito niyang bulaklak.
Delivery man: Delivery for Ms Inday.
Tsina: Ayaw mo ba Ate Inday?
Inday: Uh.. uh..
Speechless si Inday. Hindi siya makakilos. Ni hindi niya masambit ang salitang salamat sa delivery man. Si Tsina ay minamasdan siya ng may nakakalokong ngiti sa labi.
Tsina: Tara Ate. Dito tayo dalian mo! hihihihi
Pilit na hinila ni Tsina si Inday na tumayo. Hila hilang sumunod siya kay Tsina hanggang sa makarating sila sa pathway na papuntang fountain ng tennis court. Para pa rin siyang hilo sa nabasa niya.
Tsina: Hmmmm, tingnan mo dun sa may bench oh?
Tinuturo ni Tsina ang isang bench na may mga makukulay na lobo na nakatali sa isang cute stuffed bear na nakadamit baker. Nang lapitan nila ito ay may envelope na may nakasulat na Inday. Halos lumundag ang puso niya ng kunin ang envelop at buksan ito. Sa loob ay may isang card at note na "My Dearest Inday, You fill my days with endless joy and laughter …"
Nagsimula ng mamuo ang mga luha sa mga mata niya hanggang sa tulayan na itong pumatak.Nakatitig pa rin siya sa card ng hilahin siya ni Tsina na noon ay tulak ang cart.
Tsina: Tara na Ate, feeling ko madami pang surprise... hihihihi
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Si Tsina tulak tulak ang cart habang si Inday ay bitbit ang bulaklak,teddy bear at mga lobo. Sa kasunod na bench ay mga lobo na naman pero ito ay nakatali naman sa isang heart shaped box of chocolates. May envelop ulit na kinuha at binasa ni Inday. "... Life without you is a complete disaster..."
Inday: Nanaginip lang ba ako?
Humahagikgik na kinurot ni Tsina si Inday.
Inday: Aray!
Tsina : Hindi ka nananaginip Ate tara dun naman tayo!
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa ikatlong bench. May mga lobo na naman na nakatali sa isang regalo. Mas excited siyang basahin ang nilalaman ng card kaysa buksan ang regalo. "...You fill my nights with sweet kisses and passion..." Nagbalik tanaw kay Inday ang maiinit na gabi nila ni Pio. Huminga siya na malalim bago binuksan ang regalo. Laman nito ang isang mamahaling bracelet. Nabanggit sa kanya ni Pio noon na never pa itong nagregalo ng kahit na anong jewelry sa isang babae.
Sa ikaapat na bench ay natanaw ni Inday ang napakaraming teddy bear. Ang pinakamalaki ay nakabihis dentist, ang dalawang maliit ay naka-summer dress at ang huli na pinakamaliit ay naka-baby outfit. Katabi nito ay ang napakalaking card. Nag-uumapaw ang kaligayahan ni Inday. Parang ayaw ng humakbang ng kanyang mga paa. Hinila siya ni Tsina na kinikilig sa tuwa.
Kinuha ni Inday ang giant card at binuksan ito. Sa loob nito ay ang sari-saring larawan nilang apat ni Pio, Tisay at Tsina. Napapalibutan ito ng stickers, glitter at drawing ng mga bata. Mukha itong school project na pinagtulungan ng mag-aama. May mga notes pa mula sa mga bata na nagsasabi gano siya kamahal ng mga ito. Sa isang side naman ay sulat kamay ni Pio na "...Only to you, I give my complete devotion. Love, Pio"
Basang-basa na ng luha ang pisngi ni Inday habang binabasa at tinititigan ang card kaya hindi niya napuna ang paglapit ng isang tao sa kanyang likuran. Nagulat siya ng biglang may humawak sa kanyang mga balikat. Pag lingon niya ay nakita niya si Pio na gwapong-gwapong nakangiti sa suot nitong formal wear.
Pio: Just in case hindi ka pa rin naniniwala na mahal kita, siguro pwede ko namang ipakita at ipadama para maniwala ka...
Kinuha ni Pio ang kamay niya at sunud-sunuran siyang sumunod. Madilim na ang kalangitan ng oras na iyon. Kitang kita ang ganda ng buwan, liwanag ng mga bituin at lamlam ng ilaw ng mga poste lalong nagbigay ng romantic mood.
Inday: (sa kinakapang boses) Hindi ako makapaniwalang ginawa mo lahat ito…para sakin...
Nahuli ni Inday na nagpapalitan ng ngiti si Pio at Tsina.
Inday: Huwag mong sabihing meron pa, hindi ako siguradong kakayanin ko pa.
Nanginginig si Inday na masayang nakatunghay sa kung ano pa ang makikita niyang sorpresa sa may open area ng fountain.
Inday: Oh, parang may party dito.
Nakilala ni Inday ang mga bisita habang papalapit sila. Mga malalapit na kaibigan at pamilya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kanyang mga magulang na nakangiti at kumakaway sa kanya.
Inday: (nag-uumapaw sa kaligayahan) Nay... Tay..
Niyakap ni Inday ang mga magulang. Ilang minuto na silang nagkwekwentuhan ng biglang may yumakap sa kanyang tagiliran ng mahigpit na mahigpit.
Tisay: Ate Indaaaaay!!!! I missed youuu!!!
Inday: Tisay! Ikaw ba yan! Oh na-miss din kita!!!
Tiningnan na nagtatanong si Pio..
Pio: (tumango) Permanente na sa akin si Tisay.
Niyakap ni Inday si Tisay ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
Tisay: Ate Indaay! Ang laki-laki na ng tiyan mo!! Para kang nakalunok ng malaking bola di tulyo kiya mayakap mabuti! hihi Pero parang may sumipa sa akin! Hello andyan ka ba baby! Yoohoooo…
Tsina: Anong ginagawa mo?! Hindi ka naman maririnig ng baby noh!
Tisay: Naririnig niya kaya ko! Nakakakita siya dito sa pusod! (kinakapa ang pusod ni Inday) Ito ang window niya di mo ba alam yun!
Tsina: Nagmarunong ka na naman wala ka namang alam!
Tisay : Totoo ang sinasabi ko! Di ba Daddy?
Pio: Girls, girls.. please, tama na. May importante pa akong itatanong kay Inday.
Nagsimulang pumailanlang ang isang waltz music
Pio: Inday, may I have this waltz?
Inday: Huh? G-gusto mo akong isayaw ng waltz? Pio, hindi mo kailangan gawin ito.
Pio: Pero gusto ko at hindi ako tatanggap ng “No” for an answer.
Inday: Wala pala akong choice..
Inalalayan siya ni Pio sa may fountain. Hindi makapaniwala si Inday. Pati technique ng sayaw ay alam ni Pio. Nagsayaw sila gracefully kahit minsan medyo nakakasagabal ang may kalakihan na niyang tiyan.
Inday: Hindi ko alam kaya mo palang sumayaw ng ganito kahusay..
Begin Flashback:
Pio sa dance lessons. Inis na inis sa umpisa pero ng huli ay enjoy na.
End Flashback
Pio: Sisiw lang ito, kahit sino kayang-kaya.
Binigyan siya ni Inday ng tingin na di naniniwala.
Pio: Joke lang!! Okay, ang totoo kumuha ako ng ballroom dance lessons.
Inday: Ikaw!! Dance Lessons? Hindi ko ma-imagine.
Pio: Tama ka mahirap pala ang ballroom. Kaya mas appreciated ko na ang ballroom dancing ngayon.
Inday: Hmmm ... Parang na-enjoy mo ata mabuti sabagay parang ako sa tennis na sa simula mahirap pero ng lumaon nagustuhan ko na rin.
Umikot ang mga mata ni Pio at ngumiti.
Inday: Aminin!! Love mo na ang ballroom dancing!
Pio: Siguuro...
Inday: In fairness ang galing mo na. Nakalimutan ko na nga na ang laki na pala ng tiyan ko.
Pio: Kaya waltz ang pinili ko para di ka mahirapan.
Inday: So sinasabi mong marunong ka rin ng iba pang sayaw?
Pio: Oo naman ako pa. Di ba sabi ko sayo kumuha ako ng lessons. Foxtrot, samba, cha cha, tango...name it maning-mani sakin.(pagyayabang nito)Yung teacher ko na-in love na nga ata ng todo sa kita eh anong magagawa ko kung gwapo na ko magaling pa pala akong dancer haha
Inday: Kailangan kong makausap yang instructor mo na yan. (sa tonong nagseselos)
Pio: Si Ruffa Mae ang nag-refer sa kanya. In fairness kahit sitenta na magaling pa din siyang teacher lalo na gumiling hahaha
Inday: Pero seryoso, nananaba ang puso ko sa lahat ng ginawa mong ito para sa kin. Ang banner, cards, balloons, mga regalo, kaibigan, magulang, ang sayaw na ito ....
Pio: (seryoso) At willing pa ako gumawa ng kung anu-ano basta para sa iyo dahil mahal kita. Siguro naman naniniwala ka na sa akin ngayon?
Inday: Oo naniniwala na ako.
Inalalayan siya ni Pio sa may tabi.
Pio: Good so pwede na akong magtanong.
Lumuhod ito at inilabas ang isang maliit na kahon na naglalaman ng isang napakagandang singsing.
Kita ni Inday ang seryosong intension sa mukha ni Pio. Feeling niya ay hihimatayin ata siya.
Si Tisay at Tsina ay nakatayo sa di kalayuan na magka-akbay. Kitang kita ang excitement at kilig sa mukha ng mga ito.
Pio: Genevieve Diane Rosal will you marry me?
Inday: Yes, Procopio Herkulas Tabayoyong. I will marry you.
WAKAS
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment