These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Friday, October 14, 2011

Maid to Order (Tagalog) - Episode 7: Grandma Vi



Episode 7: Grandma Vi

Scene: Inday kausap si Ruffa Mae sa telepono habang nasa harap ng kalan at nagluluto ng hapunan. 

Inday: (higab) Excuse me..

Ruffa Mae: Inday, ika anim mo ng higab yan habang nag-uusap tayo. Umamin ka pinuyat ka naman ni Dr.Pio ano! 

Inday: Hahaha(patamad na halakhak) parang ganun na nga. (higab) 

Ruffa Mae: Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Worried na ako sayo. Hindi ka lang yaya at all around maid ngayon pati pagpapainit ng mga gabi niya pinasok mo na rin. Alam ko hindi ikaw ang tipo ng tao na masaya na sa isang relasyon na walang commitment. Alam kong pangarap mong maging asawa niya at ina ng kanyang mga anak. Andyan ka to win him over para mainlove siya sayo tulad ng pagmamahal mo sa kanya. Sa pagpayag mo sa ganyang set-up bakit pa niya isipin pang pakasalan ka eh ngayon pa lang kuha na niya ang lahat. As in lahat-lahat.


Hindi umimik si Inday. 

Ruffa Mae: Hoy ano alam mo pa ba ang ginagawa mo? 

Inday: Nagpapasalamat ako sa concern mo, friend. Para sagutin kita… No hindi ko na alam ang ginagawa ko.(buntong-hininga) Sa totoo lang hindi ko alam kung mababago ko pa ang pananaw ni Pio sa commitment kahit halos gabi-gabi na kaming magkasama sa kama. Ang tanging alam ko kailangan kong tanggapin sa ngayon na hanggang dito lang ang pwedeng abutin ng aming relasyon. Kung relasyon mang matatawag ito. 

Ruffa Mae: At okay lang sayo ang ganyan? Ano na ang nangyari sa 'challenge'?

Inday: Well, hindi ko pa nasabi sayo na sinabi ko sa kanya na pareho kami ng pananaw sa pag-ibig lalo na sa kasal.

Nagulantang si Ruffa Mae sa narinig.

Inday: Kung hindi ko sasabihin iyon alam kong hindi siya papayag makipagrelasyon sa akin. Hindi ko alam friend pero kailangan kong ipagpatuloy ang pagsisinungaling para marinig ni Pio ang mga gusto niyang marinig. 

Ruffa Mae: Palagay ko kailangan mo ng kumalas bago pa mahuli ang lahat at lalo ka pang masaktan. 

Inday: (malungkot) Mahal ko si Pio at ang mga bata. Hindi ko sila kayang iwan. Ikamamatay ko. 

Ruffa Mae: Hay naku Inday... 

---------------------------------------
Scene: Kinagabihan sa condo.

Tisay and Tsina: (talon ng talon sa tuwa) Yey! Yey! Dito uli mag-dinner si Daddy! Dito na siya lagi kumakain!!! Yey!

Tsina: Daddy, pwede mo ba ako help sa science project? It's due in two weeks.

Pio: Of course. Magpapalit lang ako, okay?

Tisay: Daddy, bakit lagi ka na atang nasa bahay ngayon? Wala ka na ring mga ka-date? Naubos na ba ang mga babae? 

Pio: Hindi na kailangan ni Daddy ng mga dates. Andito naman kayo bakit pa ako lalabas di ba? 

Binigyan ng mahigpit na yakap ni Pio ang mga bata. Tiningnan nito si Inday na noon ay nasa kusina na nakatingin sa kanila. Kinindatan niya ito.

Inday: (sa malakas na boses) Dinner in 10 minutes.

Pio iniwan ang mga bata sa sala na noon ay bumalik sa paglalaro ng board game. 

Pio: (pabulong) Hmmmm, mukhang ang sarap pero parang mas type ko ang ibang dinner.

Hinapit sa baywang si Inday mula sa likod at ginawaran ng halik ang leeg.

Inday: Tama na! Baka makita tayo ng mga bata! 

Pio: (pabulong) Busy naman sa paglalaro ang mga bata. Basta patulugin mo sila ng maaga mamya? (sabay kindat) 

-------------------------------
Scene: Kinagabihan sa kwarto.

Inday: Naririnig mo ba yon? 

Pio: (patuloy sa paghalik sa dibdib ni Inday) Naririnig ang alin... 

Inday: Shhhh! Pakinggan mo? Gising ata ang isa sa mga bata.

Ilang segundo ay nakarinig sila ng malakas na pagkatok sa kwarto.

Tsina: Daddy! Daddy!

Napahinto si Pio at Inday. Dali-daling nagsuot ng damit. Si Inday ay nagtago sa likuran ng pinto habang binuksan ito ni Pio tapos maisuot ang pajama nito.

Pio: Anong problema? 

Tsina: (upset) Nawawala si Ate Inday! Pumunta ako sa kwarto para tumabi sa pagtulog pero wala siya !

Pio: Baka naman nagpunta lang ng cr.

Tsina: (upset) Sinilip ko na dun. Wala! Nagpunta din ako sa kusina wala din. Daddy, pano kung iniwan na tayo ni Ate Inday? 

Dahan-dahang lumabas ng pinto si Inday sa may likuran ni Tsina na hindi nito namamalayan habang abalang kausap ng ama. Pumasok din agad siya pabalik ng kwarto.

Inday: Anong nangyayari dito? Anong problema?

Umikot agad si Tsina ng marinig ang boses, tumakbo at hinawakan si Inday ng mahigpit. 

Inday: Tsina, anong problema?

Tsina: Nananiginip ako ng nakakatakot. Hinanap kita sa kwarto para tabi tayo tulog pero wala ka. Napagod na ako kaiikot dito sa house di kita makita! Saan ka ba nagpunta! 

Inday: Sa banyo lang ako tapos sa kusina. Nauhaw ako kaya uminom ako ng tubig.

Pio: See sabi sayo baka nag-cr lang diba?

Tsina: Ate pwede ba ako matulog sa tabi mo?

Inday: Oo naman, halika na.

Lumingon siya kay Pio na di maipinta ang mukha. Inakay na niya si Tsina papuntang kwarto. 

--------------------------
Scene: Sa sala, matapos ang hapunan.

Naglalaro ang mga bata ng pitik bulag na napanood nila sa isang tv gameshow. 

Tsina: Hahaha, talo ka naman, Pitik sa tenga uli.

Tisay: Aray! Ang sakit na ng tenga ko yoko na! Iba na lang laruin natin!

Tsina: Palibhasa lagi ka talo haha! Baby alive na lang laruin natin.

Si Pio at Inday ay nasa balkon nag-uusap habang nainom ng wine.

Inday: ..at alam mo ba ano ang sinasabi ni Tisay pati sa panaginip niya? “Hindi po ako! Sorry po! Hindi ko ginawa yun !” ha ha ha! Kahit sa panaginip puro kalokohan pa din ang anak mo. 

Pio: Ha ha ha! Hindi na ata nakakapagtaka iyon!

Inday: Ha ha ha! Gusto mo pa?

Pio: Sure, salamat. 

Sinalinan pa ni Inday ng alak ang noon ay wala ng laman na kopita ni Pio. 

Pio: Um, tungkol sa mga bata. Hindi lang kagabi nila tayo naistorbo. Dapat huwag mo na silang sanaying katabi ka lagi matulog. 

Inday: Sanayin? Unang linggo ko pa lang dito ginagawa na namin iyon ng mga bata lalo na kung hindi sila makatulog. 

Pio: Dahil sinasanay mo sila. 

Inday: Ginagawa din naman ni Ally iyon noon. Basta hindi ko sila pagbabawalan dahil wala naman masama roon. 

Pio: Puwes ako ang magbabawal.

Biglang tumunog ang doorbell. 

Inday: Hmm, sino kaya yan? May inaantay ka bang bisita?

Inday binuksan ang pinto. Natambad sa kanya ang isang eleganteng babae na medyo may kaedaran na. 

Inday: Sino po sila? 

Pio: (mula sa likod ni Inday) Ma! 

Tisay at Tsina: Grandma Vi!



Tuloy tuloy na pumasok itong nilagpasan si Pio at Inday papunta sa mga apo. Niyakap at hinalikan ang mga ito.

Inday: Nanay mo? 

Tumango si Pio. 

Grandma Vi tiningnan si Inday mula ulo hanggang paa. Hindi na nakadamit yaya si Inday ngayon. Matagal tagal na ring normal na pang-araw araw na damit na ang isinusuto niya. Minsan napagkakamalan na siyang may-ari rin ng bahay. 

Vilma: At sino siya? 

Tisay: Siya si Ate Inday! Grandma siya ang kinuwento naming yaya sayo!

Vilma: (gulat na nakatingin pa rink ay Inday) Ikaw si Inday ? You don't look at all how I expected.

Hindi sigurado si Inday kung compliment bang maituturing ang ibig ipakiwari ng ina ni Pio.

Inday: Good evening ma'am. Uh (napansin ang mga maleta ni Vilma sabay tingin kay Pio) 

Pio: Natutulog si Mama sa kwarto ng mga bata kapag dito siya nagbabakasyon.

Inday: Ah okay. Akin na po ang mga gamit ninyo.

Vilma: (tiningnan ng masama si Inday) Hmmmph! 

Pio: Ma, bakit nga pala napaaga ata ang dating mo? Medyo matagal-tagal pa ang wedding anniversary ni Uncle ah. 

Vilma: I decided to come early so I can spend time with you and the girls. Lalo na at inabandona ka na ng kapatid mo at pumunta na ng Australia. Worried ako lalo na sa mga bata.

Pio: C'mon Ma, hindi naman kami inabandona ni Ally. Saka okay naman kami. Sinabi ko rin sayo na nakahanap na ako ng yaya na mag-aalaga sa mga bata.

Vilma: Ah oo, si The Great Ate Inday. 

Inday: Uh, nagdinner na ba kayo, Ma'am Vilma? Ano po ba ang gusto ninyong kainin?

Vilma: Kumain na ako. Tulungan mo niyo na lang ako mag-ayos ng mga gamit ko. May binili akong mga pasalubong sa inyo mga apo at andiyan somewhere sa maleta.

Tsina: Yehey ! 

Tisay: Ang bait ni Grandma! Lika na sa kwarto!

Nagkatinginan si Pio at Inday. Pio di maipinta ang mukha. 

--------------------------------
Scene: Condo. Hapon. Ilang araw makaraan.

Inday abalang naglilinis ng sala ng bumukas ang pinto at iniluwa si Pio.

Inday: Oh hi, Anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga? May problema ba?

Pio: Ang problema matagal-tagal na ring wala tayong panahon sa isa’t isa. Halika na! 

Hinubad nito ang t-shirt habang ang isa nitong kamay ay hila-hila si Inday papuntang kwarto.

Inday: (pabulong) Teka lang! Teka lang! Nasa kabilang kwarto lang ang mama mo nagpapahinga! 

Pio sumimangot bigla.

Pio: (bumulong) Okay lang yun. Wala kong pakilalam. Halika na!

Patuloy na hinila ni Pio si Inday papasok ng kwarto subalit pinigilan siya nito.

Inday: (bumulong) Tama na Pio! Hindi tayo pwede magbakasakali. Hindi ako pwede mag-relax ng alam kong andito ang mama mo at sa kabilang kwarto pa! 

Pio: (bumulong) I'll make you relax!

Biglang lumabas ng kwarto si Vilma. Napansin agad nito ang kamay ni Pio na mahigpit na nakahawak sa kamay ni Inday.

Vilma: Pio! Anong ginagawa mo dito sa bahay ng tanghaling tapat?! 

Pio: Sinusundo ko lang si Inday para sa aming tennis match mamaya. Wala naman gaanong pasyente today. 

Vilma: Oh? Naglalaro ka rin ng tennis, Inday? Hmm..

Inday: Konti lang po ma'am. 

Vilma: Hmph.

Pio: Magpalit ka na para makaalis na tayo agad.

Tumango si Inday at umalis .

Vilma: Pio, iyan na ba ang isusuot mo? Hindi ka ba magpapalit ng damit? 

Pio: Ah oo.. oo… cge Ma magpapalit lang ako...

Matapos ang ilang minuto, si Pio at Inday ay nasa sala suot na ang damit pang tennis.

Pio: Tara na! 

Vilma: Antayin ninyo ako. Sasama ako. Kailangan ko rin mag-practice.

Vilma lumabas ng kwarto na naka tennis outfit. Natigilan si Pio.

Pio: Ma, Sasama ka talaga!

Vilma: Ano pa hinihintay natin? Let’s GO! 

At nauna na itong lumabas ng condo. 

--------------------------------
Scene: Sala. Vilma kasama ang mga kaibigang sina Leonora at Soledad.

Soledad: Vilma, totoo ba na ang bunso mo ay nasa Australia na?

Vilma: Yes! Adelmira married an Australian and lives in Sydney now! Hindi ko alam bakit ang mga anak puro sa malalayo ang napangasawa. Ang isa ko pang anak na lalaki ay nandito sa Pilipinas at si Candelario kung saan ako nakatira ay nasa Amerika.

Nabaling ang pansin nila sa magkapatid na naglalaro ng jackstone. 

Tsina: Ako lagi ako top sa school, top ako sa English at top din ako sa Science eh ikaw top ka ba?

Tisay: Aba top din syempre ako pa? (buong pagmamalaki nito)

Tsina: Talaga? San ka top?

Tisay: Tapsilog! 

Tawanan sina Vilma at mga kaibigan nito.

Leonora: Ang gaganda ng mga apo mo, Amiga! 

Vilma: Syempre mana sa lola, I wish mas madami pa akong oras na makasama sila pero kailangan ako ni Cadelario. He just divorced his wife.

Soledad: Oh, I'm so sorry to hear that.

Vilma: Don't be sorry. Tama lang ang ginawa niya sa walang kwenta niyang asawa. Kawawa lang ang aking anak pati ang aking apo. Kaya sandali lang ang bisita ko dito sa Pilipinas. 

Inday dinala ang meryenda sa salas. 

Vilma: Thank you Inday.

Umalis si Inday at nagtungo sa sala kung saan naroon ang mga bata upang maglinis.

Leonora: Vilma, hanga ako sa maid na nakuha ng anak mo. Hindi lang magaling sa pag-aalaga sa mga apo mo at paglilinis ng bahay, masarap pa palang magluto.

Vilma: Binili niya ang pancit pero siya ang nagluto nitong bibingka. 

Leonora: Siya ang nagluto nito. In fairness ang sarap. Kung hindi lang kita kaibigan bibigyan ko ng dobleng offer ng suweldo yang maid mo para lumipat sakin. Matagal tagal na ring naghahanap ng maid ang anak ko pero walang makuha. Ikaw di lang basta maid ang nakuha kundi isang magaling na maid pa.

Vilma: (matamang tiningnan si Inday) Yes, Magaling siya. (pabulong) Magaling na magaling.

Soledad: (Nakatitig kay Inday kaya di gaano naintindihan ang sinabi ni Vilma) May sinasabi ka?

Vilma: Ah wala! Wala amiga, please tell me more about the property na binili mo.

Nagpatuloy sa kwentuhan ang magkakaibigan subalit ang mga mata ni Vilma ay nagawi sa mga bata dahil napansin niyang si Tisay ay pumaibabaw kay ni Tsina na noon ay nakahiga sa sahig.

Tisay: Tapos papatong ako sa ibabaw mo ng ganito at…

Nakita niya ng dali-daling hinila ni Inday si Tisay patayo tapos isinunod si Tsina. May binulong ito na parang pinagagalitan ang dalawa.

Tisay: Ate naglalaro lang kami. Kunwari kumot ako? 

Inday: Mabuti pa tara na sa kwarto at mag-practice ng sayaw ninyo sa kasal para di tayo makaistorbo kay Grandma at mga kaibigan niya.

Tisay at Tsina: Okay!

Inday nakitang nakatingin si Vilma sa kanya. 

Inday: (looking guilty) Uh.. dito lang kami sa kwarto in case may kailangan pa po kayo.


----------------------------------------
Scene: Sa Anniversary Wedding Reception ng Uncle ni Pio



Si Pio at ina nito ay nakaupo sa isa sa mga magagarang mesa habang pinapanood ang mga nagsasayawang mga bisita. Kabilang sa mga ito si Inday at ang mga bata. Natatawa si Pio sa mga dance steps na pinaggagawa ni Tisay sa dance floor. 



Si Vilma naman ay matamang nakatingin kay Inday mula ulo hanggang paa. Suot ni Inday ang isang formal wear na di nalalayo sa kulay purple na gowns ng mga bata. 

Palapit ang mga amiga ni Vilma sa kanilang mesa. 

Soledad and Leonora: Hello, amiga! 

Soledad: Vilma, ang ganda ng hair and make-up mo. 

Vilma: Salamat, mga amiga.

Leonora: Bagay na bagay sayo ang kulay ng buhok mo! Saang salon yan!

Vilma: Actually si Inday lang ang nagkulay nito pati nag make-up sakin. Sana sa Sassy Shears ako pupunta kaso hindi ako nakapag appointment ng maaga tapos nalaman kong itong si Inday pala ay dating nagtratrabaho doon. 

Leonora: What? Pati hair and make-up kaya niya rin?

Soledad: Naku amiga sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang ilayo mo na si Inday dito kay Leonora . Nasisiguro ko sayo tiyak kukunin niya yan by hook or by crook. Ha ha ha!

Tiningnan ng masama ni Pio ang dalawa habang palayo at lumipat sa kabilang mesa.

Vilma: Pio, masyado ka namang mapanghinala ata? Doesn’t your maid seem too good to be true?

Pio: Anong ibig mong sabihin, Ma? 

Vilma umiling-iling. Si Inday at ang mga bata ay kasalukuyan ng pabalik sa mesa.

Tisay: Daddy! Daddy! Nakita mo ako sumayaw? …

Tsina: Daddy, Sayaw tayo pleeeease!!

Tisay: Yes, Daddy, pleeeeeeease!!! Tuturuan kita! 

Ayaw sana ni Pio pero napilitan na rin itong samahan ang mga bata sa pagsasayaw. Umupo na si Inday habang si Vilma ay tinititigan na naman siya mula ulo hanggang paa. 

Vilma: Hmph! I guess malaki pasuweldo sa iyo ng anak ko para ma-afford ang designer dress at shoes na suot mo.

Inday: Hiniram ko lang po ito sa kaibigan kong si Ruffa Mae. Siya yung manager ng Sassy kung natatandaan po ninyo.

Vilma: Talagang lang ha? Hmph!

Dumating si Alvin habang pabalik sa mesa si Pio at ang mga bata.

Alvin: (lumapit sa kanila) Inday? Inday! Ikaw nga ba?!


Inday: Alvin! Anong ginagawa mo dito!

Alvin: Eh di syempre bisita, di naman ako gatecrasher ng mga handaan haha What a small world, hindi ko inaasahang makita kita dito. Musta na?

Inday: (pinakilala si Alvin) This is Alvin. 

Pio: Alvin, ang ex-boyfriend mo?

Alvin: ha ha, one and the same.

Nginitian nito si Inday. Gwapong-gwapo si Alvin sa suot nitong black and white tuxedo. 

Alvin: (to Inday) Wow! Ang laki ng pinayat mo ah?

Inday: (napangiti sa papuri) Just a few pounds.. 

Alvin: Ang ganda ganda mo ngayon!

Hindi maalis ni Alvin ang mata sa pagtitig kay Inday. 

Isang klasikong Cole Porter na ‘It’s De-Lovely’ ang pumailanlang.

Alvin: (isang malaking ngiti) Inday, tara na.

Inabot ni Inday ang kamay ni Alvin at tumayo. Lumakad sila sa dance floor at nagsimulang sumayaw na parang Fred Astaire at Ginger Rogers. Ilang beses na nilang na rehearse at sinayaw ito noon. Huminto ang ibang nagsasayaw at pinanood silang dalawa. Nang matapos ang sayaw niyakap yakap at binigyan siya ng halik sa pisngi ni Alvin. Lahat ay nagpalakpakan sa tuwa maliban kay Pio. Tanging si Vilma lamang ang nakapuna sa unti-unting pagsimangot ng anak habang pinapanood si Inday at Alvin. 

Hinatid ni Alvin ang nakangiting abot tengang si Inday sa mesa.

Alvin: Thanks, Inday. 

Inday: You're very welcome. 

Alvin: (kinawayan ang kaibigan nito na nasa may gate na) Oh pano mauna na ako. May pupuntahan pa kami ni kumpare. Sana maulit pa ito. Masarap ka pa ring kasayaw just like old times.

Inday: Namiss ko ang pagsasayaw.

Alvin: At namiss din kita, Inday. Usap tayo soon, okay.

Hinalikan siya ni Alvin ulit sa pisngi bago ito tuluyang umalis. 

Tisay: Ate Inday, siya ba ang boyfriend? Ang pooooogi naman!

Inday: Dati ko siyang boyfriend.

Tisay: Haaay ang macho. Crush ko siya!

Pio: Tisay, masyado ka pang bata para sa mga crush crush na yan! 

Tsina: Ate Inday! Gusto kong matuto ng ganung sayaw! Ano ba tawag dun?

Inday: Foxtrot ang tawag doon at tuturuan kita. 

Tsina: Yehey ! Parang yung sa tv show na pinanood natin?

Inday: Oo parang sa Dance Sport. 

Pio: “Sport” ? Kelan pa naging sport ang dance?

Inday: (taas kilay) For your information, challenging ang competitive dance mas challenging pa kesa sa ibang mga sports. Magiging Olympic event din ito one day.

Pio: Hay naku! Baka pag nagkaron ng Gay Olympics pwede pa!

Inday: Hindi mo alam ang sinasabi mo! Subukan mo muna kaya bago ka magsalita ng kung anu-ano. 

Pio: Over my dead body. Mas nanaisin ko pang magpatali sa langgaman kesa matutong magsayaw ng ganyan.

Si Vilma ay tahimik na pinanonood ang bangayan ng dalawa.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...