These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Tuesday, June 7, 2011

You Complete Me - Episode 1: Ang Bagong Boss


Episode 1 - Ang Bagong Boss



Scenario - Handang handa na ang lahat sa pagsalubong ng kanilang bagong boss. Nakasabit na ang isang malaking banner nagsasabing, "Welcome Sir Mark". Nagkalat sa paligid ng reception area ng Fernandez Building ang iba't ibang kulay ng balloons. Masaya at excited ang mga empleyado dahil sa unang pagkakataon makikita na nila ang papalit sa dati nilang boss. Ngunit makalipas ang buong maghapon hindi dumating ang kanilang hinihintay.


Tiffany: Ate Linda, ano po ang nangyari? Bakit hanggang ngayon wala pa si Sir Mark.

Ate Linda: Hindi ko rin alam eh. Tawagan niyo nga si Richard tanungin niyo kung nasaan na sila.

Giselle: Ate Linda, nagtatanong na po ang mga tao kung pwede na daw sila bumalik sa kanilang trabaho.

Tiffany: Hindi sinasagot ni Richard ang cellfone niya.

Ate Linda: Giselle, sige sabihin mo sa kanila bumalik na muna sa trabaho. Sasabihan na lang natin sila kapag nandito na si Sir Mark.

Giselle: Sige po.

Ate Linda: O ano wala pa rin ba?

Tiffany: Hindi talaga sumasagot si Richard eh.




Nagsisipagbalikan na ang lahat sa kani kanilang trabaho ng dumating si Richard. Napatingin sa kanya ang lahat at hinihintay ang pagpasok ni Mark.

Richard: Bakit nandito kayong lahat?

Ate Linda: Nasaan na si Sir Mark?

Richard : Ha? wala pa si Sir dito?

Ate Linda: Anong ibig mo sabihin.

Richard: Akala ko nandito na si Sir. Naghiwalay kami sa airport. Kaya pumunta na ako sa lunch meeting ko.

Ate Linda: Bakit mo naman iniwan si Sir Mark?

Richard: Hindi ko siya iniwan. Si sir Mark mismo ang nagsabi siya na daw ang bahala pwede na daw ako umalis.

Ate Linda: Ganun ba? Kanina pa kami naghihintay. Nasaan na kaya yun?


Scenario - Pagkagaling sa libingan ng kanyang ina, sa isang mamahaling condominium unit tumuloy si Mark. Habang nag aayos ng kanyang mga gamit tumunog ang cellfone. Ang kanyang matalik na kaibigan ang nasa kabilang linya.

Mark: Hello.

Sam: Mark! welcome home, Pare. Magkita tayo mamaya.

Mark: Okey Pare.

Sam: Don't bring your car. Ako ang driver mo ngayon.

Mark: Okey Pare. Pick me up at 7.

Sam: 7 O'clock on the dot Pare.


Si Sam Milby ang kaibigan ni Mark. Siya lang ang kanyang tanging kaibigan mula noong bata pa sila. Magkasing edad at sabay nag-aral sa isang pribadong eskuwelahan. Mula sa isang mayamang pamilya si Sam. Maagang naulila dahil magkasamang namatay ang kanyang mga magulang sa isang plane crash. Magkasosyo sa negosyo ang ina ni Mark at ang mga magulang ni Sam.


Scenario - Sa isang club nagpunta ang magkaibigan. Ang club na ito ay exclusive for members only. Mga mayayaman lamang ang tinatanggap maging member ng naturang club. Pagdating sa lugar, agad silang nilapitan ng waiter at sinamahan patungo sa mesa na para lamang sa mga VIPs.

Waiter: Sir dito po tayo.

Sumunod sina Mark at Sam sa waiter papunta sa kanilang mesa. Maganda ang ambiance ng lugar. Pang mayaman ang interior design, may mga nakasabit na mamahaling paintings. Lahat ng gamit ay kumikinang at malinis.

Waiter: Ito po ang menu namin Sir.

Sam: Serve mo na lang ang specialty niyo.

Waiter: Opo Sir.


Magkaharap na nag uusap sina Mark at Sam.

Sam: Anong balak mo ngayon.

Mark: Hahawakan ko ang lahat ng kumpanya ng ama ko.

Sam: Well, its about time, Pare. Bago namatay ang Papa mo ...

Mark: Let's not talk about him Pare.

Sam: Pare naman its been years ...

Mark: Don't spoil my night Pare.

Sam: Okey, okey. Ikaw ang bahala.

Mark: Pare, work for me. Kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan ko sa pagpapatakbo ng mga negosyo.

Sam: May trabaho na ako Pare.

Mark: How much?

Sam: Anong klaseng tanong naman yan Pare.


Scenario - Napagod sina Regine at Cecille sa pamamasyal. Kaya umuwi na sila sa kanilang apartment. May dalawang palapag ang inuupahang apartment nina Regine at Cecille. Sa itaas ng bahay, naroroon ang dalawang kuwarto, tig isa sila Regine at Cecille. Hindi kalakihan ang lugar ngunit disente ito, malapit sa isang supermall at hindi pahirapan ang pagsakay papunta at pauwi sa kanilang pinag tatrabahuan.


Cecille: Ayos ka lang ba?

Regine: Medyo naninibago ako sa ingay ng Maynila pero okey lang ako. Sa probinsya kasi namin tahimik. Pag dating ng alas siete ng gabi tulog na ang buong bayan.

Cecille: Ganun ba? Naku dapat magsanay ka na dahil dito sa Maynila hindi natutulog ang mga tao. S'ya sige magpahinga na tayo maaga tayo magrereport sa opisina bukas. Ang balita ko dumating na daw ang bagong boss natin.

Regine: Talaga? sino daw.

Cecille: Yung anak ng dating Presidente ng kumpanya natin. Mark Fernandez ang pangalan.

Regine: May anak ba si Sir Fernandez?

Cecille: Oo meron. Pero ang tsismis sa opisina, galit daw itong anak ni Sir Fernandez sa kanya.

Regine: Bakit?

Cecille: Hindi ko alam eh. Sige na magpahinga na tayo.


Scenario - Maaga gumising si Mark upang mag swimming sa pool ng exclusive condominium na tinitirhan niya. Pagkatapos mag swimming, bumalik sa kanyang unit si Mark at nag shower. Siya mismo ang nagluto ng kanyang kakaining breakfast. Nasanay si Mark mamuhay ng mag-isa. Simula ng tumira at nag-aral siya sa America, naging independent siya. Hindi siya tumatanggap ng tulong galing sa kanyang ama. Nagtatrabaho si Mark habang nag-aaral sa America. Katatapos lang kumain, may nag doorbell. Tumayo si Mark upang buksan ang pinto.

Mang Mario: Magandang umaga po Sir.

Mark: Magandang umaga naman. Sandali magbibihis lang ako.

Mang Mario: Sige po Sir.

Scenario - Dumating si Mark sa building na pagmamay-ari nila. Dito matatagpuan ang kanilang main office . Wala pang tao dahil alas sais y medya pa lang ng umaga. Pagpasok sa lobby ng building nakita niya ang nakasabit na banner ng "Welcome Sir Mark". Mag isang nilibot niya ang buong building. Sa pinakamataas na palapag, nakita niya ang isang saradong kwarto na may pangalan ng kanyang ama sa labas ng pintuan. May kinuha siyang susi sa kanyang bulsa at sinubukang buksan ang pinto. Bumukas ito at nakita niya ang maayos na mga gamit ng kanyang ama. Nakatalikod si Mark ng may narinig siyang boses.

Ate Linda: Excuse me bakit ka nandito sa loob ng opisina ng boss ko?

Lumingon si Mark at nagsabing,

Mark: Ikaw ba ang secretarya ko?

Ate Linda: Ikaw si Sir Mark?

Mark: Magpatawag ka ng meeting ngayon. Gusto ko makausap ang lahat ng empleyado ng kumpanya.

Ate Linda: Opo Sir.



itutuloy ....

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...