These are fanfic and graphics created for our favorite actor Mark Anthony Fernandez. Originally posted at MAF's Thread3 or Thread4 at PinoyExchange.com.
Please email telemafias@gmail.com for permission to repost.
We own all TELEMAFIA SERIES and its fictional characters. These stories are works of fiction. Any similarities between them and real characters and events are purely coincidental.

NOW SHOWING:
Rivalry - Episode 3 ******NEW******




Happy Together Episode 4
You Complete Me - Episode 8 ******NEW******
Somewhere In Time - Episode 5
Somewhere In Time - Episode 6



Monday, May 9, 2011

DIVA fanfic #4 (Gary and Tiffany)


No copyright infringement intended.  Fanfic lang ito ng Diva.  I miss this show.  Someone suggested a Gary and Tiffany fanfic at the PEX Diva thread.   
(Sa labas ng bahay ni Tiffany, pagkatapos ng date ni Tiffany at Gary)

Tiffany: I had a great time tonight. Gusto mo munang pumasok?

Gary: I was hoping you would say that.

(Pasok sila)

Tiffany: May wine at beer sa fridge. Ano ang gusto mo? (landing tingin kay Gary)

Gary: (Nakikipag-landian din) Beer na lang. Pero may iba akong mas gusto.

Tiffany: hi hi hi . Ikaw talaga. Ha ha ha (lapit kay Gary, ilalagay ang kamay sa balikat ni Gary) Tingnan mo nga naman, napunta ka rin sa akin. Ha ha. Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ni Melody kanina nung nakita niya tayo sa restaurant, ha ha ha.

Gary: Di ba sabi ko say yo, hiwalay na kami. Wala siyang pakialam kung sino ang ka-date ko.

Tiffany: Buti na lang nagkita tayo kahapon. Secret ang pagkakalabas namin ng hospital.

(2 days ago sa bahay nina Gary at Sam, may dumating na tatlong bisita)



NBI agent: Naiintindihan namin kung bakit nagulat kayo na pinuntahan naming kayo dito. This is a matter of national importance.

CIA agent: This is also an international emergency and you are the only ones who can help us.

Sam: Of course we will help anyway we can. Ano po ang maitutulong namin? Ano po ang ibig niyong sabining kami lang ang makakatulong?

NBI agent: This is Mr. Cruz from the CIA, Pilipino din siya.


CIA agent: (nods) Please listen carefully. We have no time to waste. Napag-alaman namin na sa mental hospital na kinalalagyan ni Tiffany ay nagkaroon siya ng roommate na mayroon palang kinalaman sa isang malaking international terrorist group. The roommate died in a suspicious accident. We have reason to believe that the roommate gave Tiffany some critical information about the terrorist group’s imminent plans of attack. We need your help in getting that information from Tiffany.

Gulat na gulat si Gary and Sam

Gary: Paano kami makakatulong?

NBI agent: Kasama namin si Dr. Libro. Siya ang psychiatrist ni Tiffany sa mental hospital. (Dr. Libro nods) Kinausap namin si Tiffany. Dahil sa napaka critical nito, nakipag-deal kami sa kanya. Pumayag kami sa kanyang demands na palayain sila ng kapatid niyang si Lady at kaibigang si Debbie kapalit ng informasyon. Ngunit hindi niya sinabi sa amin ang lahat. She’s stringing us along. Hindi niya sinasabi ang pinaka importante - kung saan mangyayari ang terrorist attack.

Sam: Ano? Pinalaya niyo sila sa mental hospital? Delikado ang mga iyon sa amin!

NBI agent: We had no choice. We had to play her games. Pero hindi na kami makapaghintay. We have to do something!

Dr Libro: Sa analysis ko at ng CIA profilers. Magagamit natin ang sobrang galit niya kay Sam. We have a plan. We want Gary to ask her out on a date, get her trust and try to get the information.

Gary: Ano? Ako? Bakit ako? Si Martin ang gusto niya.

Dr. Libro: Dati iyon. Dahil sa ikaw ang asawa ni Sam, mas ikatutuwa ni Tiffany kung ikaw ang maagaw niya.

Sam: Hindi yata ako makakapayag dito.

NBI agent: Alam naming mahirap ang pinapagawa naming sa inyo.

CIA agent: This is an international emergency. Hindi natin kailangang hayaang mamatay ang maraming tao. Makakaya ba yan ng konsyensya niyo?

Sam: Okay, sige payag na ako. Ano ba talaga ang gagawin natin?

(Present time. Sa labas ng bahay ni Tiffany sa isang van ay nakikinig ang mga agents sa usapan.)
(Sa loob ng bahay)

Darating sina Lady at Debbie.

Lady: Wow, I didn’t know we have the visiting hours. I can’t believe, I see who I see.

Gary: Hi, kamusta na?

Lady: I am well, to do. Ikaw pala ang ka-date ng sister-a ko. O sige, maiwan namin kayo. Pagpaplanuhan namin ang launching ng aming bagong musical group: The Lavander Sisters.

Alis sila.

Gary: Paano nga ba kayo nakalaya?

Tiffany: Magaling na kami.

Gary: Sabay sabay kayong gumaling?

Tiffany: ha ha ha Ang dami mong tanong. Halika nga dito. Napaka kissable mo talaga. (kisses him again) Ha ha ha. I’m sure iniisip ni Melody kung ano ang ginagawa natin ngayon, Kitang kita ko kanina na namimilipit sa selos ang pangit na iyon. Parang gusto niya tayong sabunutan doon sa restaurant. Lalo siyang pumangit nung nilagay ko ang kamay ko dito sa hita mo, ganito! Ha ha

Gary: whoa! (tries to avoid)….para ngang gusto niya tayong patayin kanina. (looks worried)

CIA agent: (Narinig ni Gary sa kanyang nakatagong ear piece) Ask her about the roommate.

Gary: Oo nga pala, may kilala ka bang Sara sa ospital?

Tiffany: Sara? Paano mo kilala si Sara?

Gary: Kilala siya ng kaibigan ko. Sabi niya na-aksidente si Sara?

Tiffany: Oo, nahulog galing sa bubong. Pero hindi ako naniniwalang aksidente iyon.

Gary: Close ba kayo?

Tiffany: Yes. Bakit ba si Sara ang pinaguusapan natin. (tries to kiss him again)

Gary: Ah, sandali, CR muna ako. (talking to his bug) anong gagawin ko? Hindi ko na yata kaya ito.

CIA agent: Ibalik mo ang usapan kay Sara. Painumin mo, get her drunk.

Pagbalik ni Gary. May dala siyang alcohol galling sa fridge. Inuman pa sila.

Gary: Alam mo, pareho pala kayo ng hinala ng kaibigan ko tungkol sa pagkamatay ni Sara. Paano nga ba napunta sa ospital dito ang isang foreigner na tulad ni Sara.

Tiffany: Sabi ni Sara, nandito siya kasi tinatago daw siya ng kapatid niya. Marami daw siyang alam at gusto siyang ipapatay.

Gary: Alam? Tungkol saan?

They keep drinking, Tiffany is getting drunk na.

Tiffany: Sa family business nila. Shh, wag mong ipagsasabi, ssshhh. Ang wafu mo talaga. Bakit di mo ako pinapansin dati, ha?

Gary: Ako ang di mo pinapansin. Si Martin ang gusto mo diba? Kwentuhan mo pa ako tungkol kay Sara. Si Melody, ayaw na ayaw magkwento, buti ka pa.

Tiffany: Ganoon ba? O sige.. (blah blah blah)

CIA agent sa earpiece ni Gary: Alam na namin ang iba sa sinabi niya pero mayroon kaming hindi pa alam. Good work Gary, pero kailangan malaman natin kung saan ang susunod na malaking atake.

Gary: Tiffany, gusto ko sanang mag-bakasyon. Saan kaya ang maganda? Sa Europe? Madrid? Paris? Berlin?

Tiffany: Ah, sige sama mo ako ha.

Gary: Ah, sa States kaya? Sa New York? Florida? Washington DC?

Tiffany: Sige maganda daw don.

Gary: Los Angeles?

Tiffany: Naku huwag don. Kahit saan basta hindi doon.

(Later on sa bahay ulit ni Sam at Gary.)

CIA agent: We can’t express how much we want to thank you. Marami buhay na save dahil dito. Gary, you did a great job. Magaling ka palang undercover agent. Napaniwala mo si Tiffany hanggang sa huli.

NBI agent: Oo nga. We’re checking out the leads as we speak. Sa palagay ko, bukas ay pwede na naming silang ibalik sa mental hospital.

Gary: Walang anuman iyon. I’m glad to help.

CIA agent: Siyanga pala. Sam, pwede bang humingi ng autograph? Fan mo kami ng buong pamilya ko. Sayang at hindi ko masasabi kahit kanino kung paano kita nakilala.

Pag-alis ng bisita nila, quiet pa rin si Sam.

Sam: Hmmph! Tama, magaling ka ngang undercover agent. Pati ako napaniwala mo kanina.

Gary: Sam, huwag mong sabihing nag-se-selos ka. Alam mo namang napilitan lang ako. Bakit ko naman magugustuhan ang lukaret na iyon.

Sam: Ha, mukha ngang napakalaki ng sakripisyo mo! Hindi ka mukhang napipilitan. Parang enjoy na enjoy ka!

Gary: Sam naman. Di ba sabi ni Dr Libro na kailangang ipaisip kay Tiffany iyon para magtiwala siya sa akin.

Sam: Pero kailangang bang halik-halikan ka niya ang haplos-haplosin sa harapan ko. Kulang na lang akyatin ka ng parang puno. Hmmph!

Gary: Ito naman! Halika nga dito (yayakapin si Sam). Pero alam mo, parang gusto ko yata itong pinag-se-selosan mo ako ha. Alam mo namang ikaw lang gusto kong umakyat sa akin ng parang puno! Halika na, Don’t worry, babawi ako sa iyo.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...